Meeting Cecille

By ainoDyei

117K 4K 764

This is a story of a rich teenager who was thrown by her mother in the province to fix and change her messed... More

Meeting Cecille Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4.
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26: Summer Ends
Book Two Preview

Chapter 16

3.8K 157 52
By ainoDyei

Chapter 16


Rae's POV

"Oh Insan lalabas ka?" tanong ni Erica na basta na lang pumasok sa kwarto ko. nakasanayan na rin namin, ganito rin naman ako sa kwarto nya. Minsan nga nataunan ko pa na nagbibihis sya. Masyado ang sigaw ng loko.

"Yup!" masiglang sagot ko habang nagtatali ng buhok ko.

"Naks! iba ngiti mo ah. Kila Ces ka pupunta? Sama ko."

"Wag na. iistorbohin mo lang kami e"

"Sus. Grabe ka naman. Teka nga, magbabike ba kayo? Baka mabinat ka nyan?" binaba ko yung suklay sa lamesa sa harap ng salamin tapos sinipat pa ulit ang sarili ko.

Looking good Daniela Rae!

Sabi ko sa sarili ko.

"Oo naman. Malakas pa ko sa kalabaw!" sabi ko tapos I flex my arms to show her my biceps.

"Talaga lang ha. Parang nung isang araw lang di ka makagulapay dyan e"

"Sabi mo nga nung isang araw pa yun. Magaling na ko. pano ba namang di ako gagaling eh ang ganda ng nurse ko" sabi ko na may kahalong kilig pa. Nagpunta rin kasi si Cecille kahapon para dalan ako ng sabaw na niluto nya kaya naman tuluyan na akong gumaling.

"Anong kinalaman ng ganda dun?"

"basta. Sige na, aalis na ko. Ikaw na magsabi sa kanila ha. Tulog si Inang tapos di ko naman mahagilap si Tita" mag-aalas tres pa lang kasi ng hapon. Kung tutuusinmainit pa para magbike pero lalamig na rin naman na mamaya e

"Sige, wag na kayo magpagabi Insan ha"

"Oo, hindi" sabi ko tapos nagpunta na ko sa likuran para kunin yung bike ko.

Papito pito pa ko habang pinapatakbo koi to papunta sa street nila Cecille. Para akong di nangkasakit. I feel refreshed.

This is the day! Sigaw ko sa utak ko. we made a promise to go out and today we'll fulfill our promise.

"Oh Cecille! My Cecille. Someday you'll be mine!" pakanta kanta pa ko habang nagbabike.

I pull the break then get off my bike. I was all smiling and excited, kaya lang nawala lahat ng yon ng makita ko ang kuya nya na nasa terrace nila.

Damn! I'm not luck enough this day. Napapitlag pa ako nung makita kong tumayo sya sa sa pagkakaupo nya sa terrace.

Is he gonna approach me?

Damn! What should I do?

Sabi nya sakin wala syang masamang tinapay sakin, and by the way I asked tita what is the meaning of that and she said that it is like "he doesn't have any grudge on me" pero parang meron naman.

"Anong kailangan mo" tanong nya sakin agad pagkalapit nya. Pano ba namang hindi ka kakabahan eh sa tuwing lalapit sya parang sasapakin ka nya.

"susunduin ko lang po si Cecille kasi may usapan kami" mahina kong sagot sa kanya.

"Ano? Sang lupalop mo naman dadalin ang kapatid ko?"

"oh Rae nandyan ka pala?" I was literally out of breath that time. Buti na lang dumating yung tatay ni Ces.

"Opo. Susunduin ko po kasi si Ces" sabi ko.

"O eh bakit di mo man lang pinapasok Binong?" sabi ni Kuya Emman.

"Sabi ko nga po Tay eh. Ayaw naman"

What?! Hindi nya sinabi yon.

"Bakit naman Rae. Medyo mainit pa naman. Gumagayak pa lang si Cecille" sabi pa ng tatay nila Cecille.

"Kaya nga Tay. Maghihintay na lang raw sya dito e" napahigpit yung kamay ko sa pagkakahawak sa manibela.

Ayaw talaga sakin ng kuya nya. At saka bakit nya kailangang magsinungaling sa harap ng tatay nila?

Hindi kaya alam ni K'yang Emman ang nangyari samin? O hindi rin siguro alam ni Kyang Emman ang tungkol sa sexual preference ko.

"tara na?" hay sa wakas.

"O ayan na pala si Cecille eh" sabi ni Kuya Emman.

"San ba kayo pupunta Ces?"

"Di ko alam kuya, basta dyan lang kami sa malapit" laumabas na si Cecille ng tarangka nila.

"O sige. Basta mag-ingat kayo ha" paalala ng tatay.

"Wag kayong magpapagabi." Pahabol ng kuya nya. At bago pa ako tumalikod kita ko pa ang kakaibang tingin sakin ng kuya nya.

Hay. This will be hard. And his trust will be so hard to get.

Sumakay na si Cess a harapan ng bike at nagsimula na akong magpidal. Di ko akalain na simula nung kinompronta ako ng kuya nya magiging mahirap na ang pagpunta sa kanila. Kung dati parang gustong gusto ko pumunta sa kanila ngayon naman parang nakasalang sa apoy ang pwet ko at gusto ko na agad umalis sa kanila.

I can't feel the welcoming air anymore.

"Oh bakit ang tahimik mo naman?"

"Ha?" tanong ko ng hindi ko maintindihan yung sinabi ni Cecille.

"Sabi ko, bakit ang tahimik mo?" ah yun pala yun.

"Hindi naman"

"Sus di daw. Wala ka naman atang balak kausapin kausapin ako e" sabi nya na talagang lumilingon ka sakin.

Oh God! Amoy na amoy ko ang shampoong gamit ni Cecille. Tapos humaharap pa sya sakin kaya naman sobrang lapit ng muka nya sakin.

Ano ba Cecille. Tigilan mo yan dahil kung hindi sesemplang tayo.

Buti sana kung pag mahulog ako ay sasaluhin mo ko kasi ako sasaluhin talaga kita kahit na masugatan at masaktan pa ko.

Ano ba yan. Hugot na ata yun.

"Di ah. Kaya nga kita sinundo e, para makapagbonding tayo. Sandali lang" Sagot ko sakanya. Hininto ko yung bike tapos hinubad ko yung suot kong plaid shirt at saka nilagay sa balikat nya.

"Suotin mo yan" sabi ko kasi nakablouse lang sya ang init pa naman, kawawa naman yung sobrang puti at kinis nyang balat

"Pano ka?"

"Okay lang yan. Maitim naman na ko. haha" tumatawang sagot ko sakanya. Tapos pinaandar ko na ulit yung bike.

"San mo ba ako dadalin?"

"Basta. Kapit ka lang dyan kasi bibilisan ko"

"Ay Rae! Teka!" sigaw nya nung bigla kong binilisan yung takbo ng bike

----

"Ang ganda dito no?" sabi ko habang nakatayo kami at nakatingin sa ibaba ng tulay kung saan makikita mo ang malinaw na tubog sa ilog.

"Oo, parang ang sarap maligo" sabi nya tapos parang nagroon ako ng idea.

"Tara maglublob tayo!" sabi ko sa kanya.

"Ha? Pano yun wala naman tayong dalang panligo?" tarantang sabi nya.

"Okay lang yan!" tumatawang sabi ko habang hinihila ko sya dun sa sementong hagdan pababa sa ilog.

"Pano yung bike mo?"

"Hindi naman yun mawawala dun" sabi ko. sinandal ko kasi yung bike sa gilid ng tulay.

Hinila ko na sya pababang hagdan. Tawa ako ng tawa habang pababa kami kasi si Cecille mukang tensyonadong tensyonado sya.

Pagkababang pagkababa naming sa tabing ilong hinubad ko agad yung suot kong tsinelas at tumakbo palusong sa ilog. Medyo napapaaray pa ako kasi mabato yung ilog. Dito lang ako sa hanggang hindi mababasa ang shorts ko.

"Whoo! Ang lamig ng tubig!" sigaw ko.

"Rae mababasa yung damit mo!" sigaw ni Ces

"Hindi yan! Mababaw lang naman dito. Tara na!" sabi ko tapos nagtampisaw ako sa ilog. Umiiwas lang sya dahil sa kanya ko ginagawi yung tubig.

"Ay Rae mababasa ako!" sigaw nyang habang umiiwas.

"Hahahaha whoo! Ang sarap. Tara na!" tumakbo na lang ulit ako sa tabing ilog tapos lumapit ako sa kanya.

"para kang bata!" nakangiting sabi nya sakin.

"yeah. I feel so young. Tara na kasi. The water is so inviting. Ang init pa naman ang sarap maligo!" sabi ko. hinubad ko yung sout kong white t-shirt.

"Anong ginagawa mo?" takang tanong nya.

"naghuhubad. Baka mabasa kasi tong damit ko" sabi ko. naka-sport bra naman kasi ako. Ewan ko ba, nakasanayan ko ng magsuot nito. Kumportable kasi.

"Ikaw hubarin mo na yung damit mo" sabi ko sa kanya. bigla naman syang napayakap sa katawan nya.

"C'mon. pareho naman tayong babae dito" kaya lang I like you pero nirerespeto naman kita kaya di kita mamanyakin. Gusto ko sanang idugtong.

"Baka may makakita satin" sabi pa nya.

"Wala yan. Wala naman kasing masyadong dumadaang sasakyan oh. Tinganan mo, parang tayo nga lang dito, saka kahit naman may dumaan di tayo makikita kasi matatakpan tayo ng tulay galing taas" sabi ko pa sa kanya. nasa ilalim na kasi kami ng tulay kaya kung nasa taas ka di naman mapapansin.

She look hesitant for a while but then she slowly take off my plaid shirt she's wearing. Napalunok ako.

Ano ba Rae. Kala ko di mo mamanyakin? Sabin g konsensya ko.

I know! But she's a beauty and I can't help myself but to stare at her.

Halos manuyo na ang lalamuna ko nung magsimula syang iangat ang shirt nyang suot.

And to be honest. I was a bit disappointed when I see that she's wearing white sando underneath her shirt.

Konti lang naman. Haha

"Ayos lang talaga ha"

"O-oo naman" nauutal na sagot ko. pinilig ko yung ulo ko tapos inabot ko sa kanya yung kamay ko.

"Tara?" sabi ko tapos tumango lang sya. Inalalayan ko sya palusong sa ilog.

And being the playful me, I splash water to her the moment where on the water.

"Ay! Ang lamig!" sabi nya habang tinatakpan yung muka nya.

"hahaha wala ka pala Ces! Di mo ko kayang labanan!" pang-aasar ko sa kanya kasi puro pagsangga lang yung ginagawa nya sa pag-splash ko ng tubig sa kanya.

"Ang daya mo naman kasi eh! Di pa ko handa!" sabi nya.

"Oh sige ikaw muna!" huminto ako sa pagsaboy ng tubig sa kanya. tinanggal nya muna yung tubig sa muka nya gamit ang kamay nya tapos nagsimula na syang magsaboy ng tubig sakin.
"Ang daya mo Rae! Wag kang umiwas! Pano kita mababasa" nagmamaktol na sabi nya.

"Hahaha wala naman akong sinabi na bawal umiwas diba?" sabi ko habang tumatawa. Tumabko ako palayo sa kanya

"Ang daya mo talaga! Wag kang tumakbo!" sabi nya pero tumakbo lang ako palayo sa kanya hanggang sa malalim na at kailangan ng lumangoy.

"Catch me if you can!"

I was just enjoying the chilly water and so happy to swim away from her, kaya lang napahinto ako kasi wala na akong narinig na tunog ng lumalangoy para habulin ako.

Nung tiningnan ko yung likod wala akong nakita ibang tao.

Agad akong nagpanic.

"Ces?"

"Cecille!" tawag ko sa kanya habang umiikot. Tahimik na tahimik ang buong ilog, tanging paggalaw ko lang sa tubig ang naririnig ko.

"Cecille nasan ka!" sigaw ko. sumisid ako para hanapin sya pero wala akong nakita.

then nagulat ako nung may biglang sumampa sa likod ko.

"Huli ka!" sabi nya. Hinarap ko sya.

"That's not a good joke! Nag-alala ako! Pano kung may nangyari na talaga sayo?" nawala ang ngiti sa mga labi nya.

"Sorry. Hindi kasi kita mahabol kaya naisip kong gawin yun" lumambot yung expression ko nung makita kong parang natakot sya sakin. I sighed.

"I'm sorry din kung napagtaasan kita ng boses. Ces, nag-alala lang talaga ko. Please don't do that again" I hug her not asking for any permission. That scared the hell out of me. I need to hug her to be sure that she's really in front of me and she's okay. Tapos hinalikan ko sya sa noo nung kumalas sa pagkakayakap ko sakanya.

"Please, wag mo ng uulitin ha. Ces wala akong kinakatakutan, kahit nga sa parents ko di ako takot. But you gave me something to be feared of. And that is to loose you. Cecille takot akong mawala ka, natatakot akong mawala lahat ng magagandang bagay na nangyayari sakin ngayon, magagandang bagay na ikaw yung nagbigay at nagpaparamdam sakin" sabi ko sakanya habang hawak ang mga kamay nya sa ilalim ng tubig a nakatingin sa mga mata nya.

"Rae.." yun lang ang tanging nasabi nya.

"Ces, I know di mo magugustuhan ang sasabihin ko, at alam kong sa tingin mo mali ito. Pero hindi ko na talaga kayang pigilan.Unang beses pa lang kitang nakita alam kong magiging malaking parte ka na ng buhay ko. it's like I'm born again. Para bang nahanap ko yung lugar ko nung dumating ako dito. It's like I belong here without even trying so hard to fit in. at kung ako lang ang masusunod gusto ko dito na lang ako. Dito kung nasan ka, kung nasan yung puso ko. Ces I like you" right at this moment I'm pouring all the feelings I have to her. Kung wala lang sa ilalim ng tubig ang mga kamay namin basing basa na siguro ito ng pawis.

Ang gaan sa pakiramdam na mailabas ko yung nararamdaman ko sa kanya.

I didn't get any response from her.

Hindi na ako nag-isip pa. next thing happened, my lips was on hers.

I kissed her.

Hindi ko ginalaw ang labi ko, nakalapat lang ito sa labi nya.

I was so surprised when her lips moved. Shit, did she just responded? But that joy was washed away when she pushed me and slap me hard.

I was taken aback by how hard she slap me.

"Hindi ito dapat nangyari. Mali ito" tapos lumangoy na sya palayo sakin.

Naiwan lang akong naninigas sa kinatatayuan ko.

And for the second time I was rejected by her.

Ito totoo na talaga. Nanggaling na sa kanya. Straight forward. Slap on my face.

Sa ganito na lang ba magtatapos ang summer ko? uuwi ba kaong broken hearted sa manila?

No! hindi ako papayag.

She responded to my kiss. Ibig sabihin lang nun gusto nya rin yun. Gaad agad akong lumangoy papunta sa pampang.

Nakasuot na sya ng damit ng abutan ko sya. Nagmamadali akong pinulot yung damit ko at hinabol sya habang sinusuot ito.

"Ces wait lang" pinigilan ko sya sa braso. Huminto sya pero di sya lumingon sakin.

"I know I go overboard. Masyado akong naging mabilis, I'm sorry. But I'm not sorry kissed you. That is all I want to do since I met you" sabi ko sa kanya. wala ng dahilan para icensor ko ang sarili ko. I have to be bold to her. Kailangan ko ng ipakita kung ano talaga yung nasa isip at puso ko. kung ano ako.

Go home or go hard and I choose to go hard and its in her hand if she'll want me to go home. But It's never gonna be easy for her.

Humarap sya sakin. Bakas sa mga mata nya ang pagkalito.

"Rae .." palipat lipat ang tingin nya sakin at sa paligid na para bang dun nya makikita yung sagot sa mga katanungan sa isip nya.

"Ces, alam ko nalilito ka. Naguguluhan yung isip mo sa ngayon pero hindi mo pwedeng takasan na lang ito ng ganito.

"Rae mali to. Pareho tayong babae! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao pag nalaman nila ang nangyaring ito? Pano pa ako makakaharap sa simbahan at sa altar ng Diyos?"

"Anong sasabihin nila? They are people and their role in our life is to criticize us and get the best out of us! Nakasalalay ba sa kanila ang ikakaligaya mo? Ces hindi! Puso mo lang ang makakapagsabi kung anong makakapagpasaya sayo" sawang sawa na ko sa mga ganitong klaseng sagot.

Kahit anong gawin mo, masama man o mabuti, may masasabi at masasabi pa rin sayo ang mga taong nakapaligid sayo. Because that's just how they are.

And its freakin' making me crazy. Pero tapos na ko sa pagintindi sa kung anong sasabihin nila sakin. As long as wala akong sinasaktan at inaapakang tao gagawin kong ikakasaya ng puso ko. at hinding hindi ako hihingi ng tawad sa mga taong hindi naiintindihan ang mga tulad ko.

"Rae please lang, kakalimutan kong sinabi mo ito at handa pa rin akong maging kaibigan mo pa basta kalimutan mo na rin na sinabi mo ito sakin" she said with finality in her voice. It's as if she doesn't heard anything of what I said.

"Ces nakikiusap din ako, hindi, nagmamaka-awa na ko sayo" I'm in the verge of crying. I'm starting to feel that this case is hopeless.

Na para bang kahit anong gawin kong pag-abot sa kanya hindi ko magawang makalapit sa kanya.

Dinadaya lang ba ako ng nararamdaman ko kaya inaakala ko na pwedeng pareho rin kami ng nararamdaman.

Tama bang tigilan ko na lang to?

Am I wrong to think that maybe.. just maybe, if I give and try my best magiging akin sya.

Mali bang umasapa pa ako?

At para bang nakikisama ang langit sakin, nagsimula ng umambon. Ang init init kanina pero ngayon nagdidilim na ang kalangitan.

Ang maliliit at mahinahong ambon kanina ay nagsimula ng lumaki ang mga patak na para bang may kasamang galit.

At kasabay ng malakas ng kulog at kidlat narinig ko ang pagsigaw ni Ces.

Hinila ko sya papunta sa ilalim ng tulay kung saan pwede kaming sumilong. Pero agad din akong lumayo sa kanya. thinking that she wants me away from her.

Ang kaninang asul na asul na langit, ngayon ay itim na. mukang walang balak tumigil ang ulan sa lakas ng buhos nito.

Ang mainit na hangin ay nagsimula ng lumamig. Siguro dahil na rin galing kami sa paglangoy.

I saw her hug herself. I want to hug her, but I know I can't. Napatingin ako sa hawak kong plaid shirt.

She's a couple of feet away from me. Parang takot na takot syang magkadikit kami ulit.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at inabot sa kanya ang plaid shirt ko.

"hubarin mo na ang suot mong shirt, ito na lang ang suotin mo. Magkakasakit ka pag natuyo sa katawan mo ang damit mo" nabasa na rin kasi ang suot nyang blouse ng madikit ito sa suot nyang sando.

"wag kang mag-alala, hindi naman kita sisilipan. Lalayo pa ko sayo tapos tatalikod ako" paninigurado ko sa kanya.

Kinuha ko ang kamay nya at nilagay don ang damit tapos naglakad na ako palayo sa kanya. nagpunta ako sa likod ng malaking poste ng tulay.

I'm a big disaster! Fuck yourself Rae!

Kung hindi ko siguro inamin sa kanya yung nararamdaman ko hindi ito mangyayari. I mean, kung hindi malamang naglalaro pa rin kami sa tubig.

Makakalapit pa rin sana ako sa kanya. nakikita ko pa rin sana syang tumatawa, masaya at masigla.

I clench my fist tapos ihinampas ko ito sa posteng sinasandalan ko. pati ulo ko inuuntog untog ko na rin sa poste.

Then I close my eyes.

Cecille's POV

Dahan dahan kong hinubad ang damit ko nung nakasigurado akong malayo at hindi na nakatingin si Rae. Hindi sa nag-aalala ako na sisilipan nya ako o kung ano pa man. Ang totoo nyan nahihiya lang ako sa kanya na makita nya akong ganito. Walang saplot at tila ba walang laban.

Mabilis kong sinuot ang damit ni Rae. Pagkatapos ay nilatag ko sa batuhan ang sando ko at blouse.

Napayakap pa rin ako sa sarili ko dahil sa lamig ng hangin na tila ba nanunuot sa balat ko.

Sumandal ako sa poste sa likod ko. nasa kabilang parte nito si Rae. Ano na kaya ang ginagawa nya?

Naging masama ba ako sa kanya? sumobra ba ko?

Kanina, hindi naman totoong binibiro ko sya kaya bigla akong nawala sa tubig. Ang totoo nyan nahirapan akong huminga kaya nahirapan akong lumangoy buti na nga lang at naayos ko pa ang paghinga ko. meron na rin kasi akong breathing pattern na ginagawa pag nahihirapan akong huminga.

At kanina nung hinalikan nya ako, parang libo libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko at para bang libo libong paru-paro din ang nagliliparan sa loob ng tyan ko. ngayon alam ko na ang sinasabi ni ate Tere.

Napahawakak ako sa labi ko, parang nakadikit pa rin ang mga labi ni Rae dito. At hanggang ngayon ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.

Kaya hindi ko na rin napigilan ang puso ko na sumagot sa tawag ng puso nya. gumanti ako ng halik dahil yung ang gusto ng puso ko.

Alam ko, kahit itanggi ko pa sa sarili ko, meron na akong nararamdaman para sa kanya pero namamayani ang takot sa puso ko.

Pinalaki ako sa turo ng simbahan na ang babae ay para sa lalaki lamang at ang lalaki ay para sa babae lamang.

Maraming tanong sa isip ko at nagtatalo ang pusot' isip ko sa kung ano ba ang tama at mali.

"Ces, tapos ka na bang magbihis?" hindi ako sumagot.

"Kung may kailangan ka, nandito lang ako. Mukang wala pang balak tumila ang ulan. Sa oras na tumila yung ulan ihahatid na kita sa inyo"

Sa kabila ng pagtanggi ko sa kanya at sa pagsasabi kong mali ang nararamdaman nya, heto pa rin sya at nag-aalala sa kalagayan ko. Napabakabait ni Rae at napakalaki ng puso nya para maging mabait pa rin sakin sa kabila ng lahat. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kinakaruonan nya.

Naabutan ko syang nakaupo at nakapatong ang ulo sa mga tuhod nya. Napansin kong basa rin pala ang damit nya.

"Bakit binigay mo sakin ang damit mo eh basa ka rin naman pala" inangat nya ang ulo nya at tumingin sakin.

Ngumiti sya, pero kita ko sa mga mata nya ang lungkot. Ganitong ganito ang mga mata nya nung una ko syang makita.

"Wag mo akong alalahanin. Okay lang ako." Sabi nya.

"Pano pag nagkasakit ka na naman? Kakagaling mo lang sa lagnat" nag-aalalang sabi ko.

"Okay lang, wag lang ikaw yung magkasakit kasi lagot ako sa kuya at tatay mo" tumatawang sabi nya.

"bakit ganyan ka?" sabi ko tapos umupo ako sa tabi nya.at ginaya ang posisyon nya.

"Anong bakit ganito ako?" takang tanong nya.

"bakit ang bait mo pa rin kahit tinanggihan ko na yung pagmamahal mo?"

"Aray ha. Ang sakit pala pag sayo mismo nanggaling na basted ako. Hahaha" tumatawa na naman sya na para bang hindi ganun kabigat ang sitwasyon namin.

"sorry" ang tanging nasabi ko lang. nagi-guilty ako at nanghihinayang na rin.

"No, wag kang mag-sorry. I don't feel sorry for loving you." Natahimik ako. Hindi ko pa rin talaga alam ang isasagot ko sa kanya. natahimik kami, naiilang ako sa kanya.

"Ces, last na lang talaga. Wala ba talagang pag-asa?" tumingin ako sa kanya.

"Rae kasi –"

"Please? Sige, ganito na lang.diba nalilito ka? Bakit di natin subukan tapos pag narealized mo na wala talaga, I'll let you go. Pero pag nalaman mong mahal mo nga rin ako, I'll never let you go" sabi nya tapos tinitigan nya ako na para bang ako lang ang nakikita nya. Para bang pati kaluluwa ko ay nakikita ng mga mata nya. At para akong nababatobalani.

Yumuko ako at pinatong ang noo ko sa mga tuhod ko.

"Aaaaaaaah!!!" sigaw ko.

"Bakit Ces?! Anong nangyayari sayo" tarantang sabi nya habang hawak ako sa balikat.

Tumingin ako sa kanya habang nakalabi.

"anong ginawa mo sakin?" tanong ko sa kanya.

"Ha? Di ko maintindihan. Pero kung ano man nagawa ko, I'm sorry." Sabi nya.

"Bakit ganito. Pinapatibok mo ng mabilis yung puso ko" bahala na kung ano man ang sasabihin ng ibang tao sakin. Magpapatangay na ko sa agos ng nararamdaman ko.

"oh" tanging sabi nya. Tapos biglang nanlaki yung mata nya.

"wait! Ibig bang sabihin .."

Tumango ako. Tapos nagulat ako kasi bigla syang napaupo sa lupa at napahagod sa buhok nya palikod.

"shit. Is this real?" sabi nya. Tapos tinitingnan nya ako na para bang nakakita sya ng multo.

"Oo. Subukan natin" nakangiting sabi ko sa kanya. tumayo na sya, tahimik lang sya kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin nya. Nagulat na lang ako nung bigla syang tumakbo ng paikot ikot tapos umaalis pa sya sa pagkakasilong sa tulay kaya nauulanan sya.

"Whoo!!!" sigaw nya habang tumatakbo.

"Rae ano ba mababasa ka! Bumalik ka nga dito!" sigaw ko sa kanya.

"gusto nya rin ako! Gusto rin ako ni Cecille!" patuloy nyang pagsigaw. Natatawa na lang tuloy ako kasi para syang bata na paikot ikot sa ilalim ng malakas ng ulan.

"Halika na dito!" tawag ko sa kanya. tumakbo sya papalapit sakin tapos niyakap ako at hinalikan sa noo.

"Sorry. Masyado lang akong masaya. Pangako hindi ka magsisisi sa disisyon mo." Nakangiting sabi nya. Namiss ko ang ngiti nyang ito. Yung ngiting kita ang malalalim na biloy nya sa pisngi at sa ilalim ng mata nya.

"Pero Rae natatakot ako" sabi ko sa kanya, hinalikan nya ang mga kamay kong hawak nya.

"Wala kang dapat ikatakot Ces dahil hindi ko bibitawan ang mga kamay mo. Hindi kita papabayaan. Pangako yan"

"Pangako?" tanong ko sa kanya. Marami kaming makakalaban, marami kaming pagdadaanan pero sa bawat titig nya at salita nya nawawala ang mga pangamba ko.

"Pangako Cecille"



===


And it's official! ..But not really. basta! gusto nila ang isa't isa at nagka-aminan na sila. iba talaga ang charms ni Rae! nagawa nyang baluktutin si Cecille. hay ang pag-ibig nga naman, pag pumasok sa puso nino man.. hahamakin ang lahat masunod ka lamang.

Yieeh! Tamis!

Ano naman kaya ang susunod na mangyayari sa dalawang bida nating nag-iibigan?

Yan ang aabangan natin!

P.S

Sorry, no update on monday. may hike ako this week-end kaya wala akong time magsulat. so catch you whenever! peace out! ^_^V

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 17.7K 47
Denden transfered in Alyssa's highschool. They became FRIENDS, then LOVERS, then NOTHING it all went pitch black... They try to forget each other, tr...
14.4K 340 20
Alyssa is a pretty simple girl. Not popular but also not bullied. She is a lesbian but that doesn't change how she is treated. Soon she meets Michell...
75.2K 3.3K 62
This young lady who secretly fell inlove with her bestfriend, This story is for my imaginations only! And this is my first time to create a story h...
375K 8.4K 43
Highest Rank #23 in Fanfiction 2016 JhoBea FanFiction para mas lalo tayong humopia :D