Say I Do (Completed/ under- e...

By RencessOray3

474K 6.7K 711

WHAT HAPPENS WHEN ONE PROPOSAL ENDS UP IN A DISASTER? Claud Azheyo Sy, isang kinikilalang pangalan sa mundo... More

Say I do
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Part II of Book 1
PartII-Prologue
PartII- Chapter 1
PartII - Chapter 2
PartII-Chapter 3
PartII-Chapter 4
PartII- Chapter 5
PartII - Chapter 6
PartII- Chapter 7
PartII- Chapter 8
PartII - Chapter 9
PartII - Chapter 10
PartII- Chapter 11
PartII - Chapter 12
PartII - Chapter 13
PartII - Chapter 14
PartII - Chapter 15
PartII - Chapter 16
PartII- Chapter 17
PartII - Chapter 18
PartII - Chapter 19
PartII - Chapter 20
PartII - Chapter 21
Epilogue

CHAPTER 9

6.6K 104 17
By RencessOray3

CHAPTER 9
Wheels of friendship

**************


Kinaumagahan ng sumunod na araw. Muling ginawa ni Aemie ang daily routine niya. Puno ng tuwa na pinaghanda niya ng agahan si Claud at ganon na 'rin ang inihanda niya sa sarili bukod sa panghapon na panghimagas. Maaga 'rin ang pasok niya kaya hindi niya na hinihintay ang asawa niya para sabayan ito kumain, kahit na nga may usapan na silang pwede na siyang sumabay dito sa pagkain.

Ala- sais ang pasok niya at hindi niya gusto ang nale- late lalo pa't kailangan niya maging buhay na halimbawa sa kanyang mga katrabaho dahil isa siya sa team head ng East West. Alas- singko pa lang ng umagang iyon ay lumabas na siya ng mansion dahil mamasahe't babyahe pa siya papuntang East West.

Wala sa sariling nasapo niya ang kanyang dibdib nang makalabas siya sa tarangkahan ng mansion. Nagulat siya na nakita niya sa labas ang tila nag- aabang na si Claud.

"Ka- Claud?!" Bulalas niya at hindi makapaniwalang natuon ang tingin sa kanyang asawa.

Naka-sandal ito sa right door ng kotse nito at pilyong pinapa-ikot sa daliri ang susi ng itim na Mercedez Bench nito.

"Anong ginagawa mo dito sa labas? I- I mean, kadalasan hindi ka naman maaga na pumapasok. Hindi sinabi sa akin ng mga katulong na maaga ang pasok mo ngayon, pinagluto pa naman kita ng agahan mo. Nag- almusal kaba bago pumasok?" anya dito.

"Tch," he smirked and make fun of her. "Why you're so bothered if I ate breakfast or not, aren't you going to be late? Ang dami mo pang sinasabi," dagdag nito.

Binuksan nito ang pintuan ng kotse at inaya siya doon.

"Isasabay na kita. Mapapa daan naman ako sa East West," ani nito.

Napataas ang kilay niya. Hindi niya alam kung bakit tila nagbago yata ang ihip ng hangin at biglang bumait- bait sa kanya si Claud. Kahapon pinahintulutan siya ni Claud na sumabay dito sa pagkain, ngayon naman ay tila naghintay pa ito sa kanya para ma-isabay siya. Hindi naman ito ganoon noong mga nakaraan.

"Aimie!" tawag nito sa kanya ngunit hindi siya maka- tugon dito, ni hindi niya magawa na makapag- response dahil nagugulat siya sa kinikilos ni Claud. "Haist, pareho tayo na mahuhuli sa pagpasok, Aemie," himutok nito at walang kapase- pasensya na hinila siya at marahang itinulak siya sa passenger seat.

Pinapasok siya doon ni Claud. Pagkuwan ay nagtungo si Claud sa driver seat at hinawakan ang manibela.

"Cla-" natiim baga siya at nai- tikom ang kanyang bibig nang bigla itong dumukwang sa kanya.

Labis ang kabog ng dibdib niya nang maamoy ang manly scent nito habang nilalagyan siya ng seatbelt, halos yumakap na ito sa kanya at magdikit ang mga pisngi nila. Halos pamulahan siya ng mukha habang sinusundan ng tingin ang mukha nito, kaunti na lang din ay mahahalikan na siya nito.

"Claud, ano ba ang ginagawa mo?" nagtataka niya na tanong dito at pilit binabasa ang kilos nito.

Humiwalay ito sa kanya at bumalik sa pagma- maniobra ng kotse.

"Ano pa ba, ihahatid na kita." Binuhay nito ang makina at tuluyang bumyahe. "I don't mind if I do this often," mahinang saad pa nito at bumalin ang tingin sa kanya. "If you allowed me, Aemie," dagdag nito at tila hinihintay ang opinyon niya.

"Ba- bakit naman? I mean, bakit nag- ooffer ka na ihatid ako madalas? Bakit parang bumabait ka yata? Isn't you hate me?"

"I hated you 'cause you suddenly came in the picture, Aemie. Sana nagkakilala tayo sa ibang panahon at pagkakataon, at sana hindi sa ganitong paraan tayo nagkakilala. So atleast, we can be friends."

'We're friends before Claud, sana maalala mo 'yon,' sa isip- isip ay saad niya habang nakatungkay sa mukha nito.

"I'm sorry, Claud, that I came at the picture," malungkot niya na pahayag pagkuwan ay mapaklang ngumiti. "Pwede pa 'rin naman tayo maging magkaibigan hindi ba? Posible naman 'yon kung pareho natin na gusto," dagdag niya.

Ngumiti ito at sandaling tinapunan siya ng mabilis na tingin.

"I'm willing, Aemie. Let's be friends and get to know each other," sinserong saad nito.

Namilog ang kanyang mata at napatunghay sa mukha ni Claud, namamangha siya't hindi makapaniwala.

"Seryoso ka? Gusto mo talaga ako makilala?" puno ng pananabik at tuwa na tanong niya dito. Claud nodded his head before answering her.

"So when someone ask me anything about you, I already know what to say, Aemie."

She nodded with satisfaction and without expectation. They're both quiet until Claud break the silence. Marahil hindi ito nakatiis na kapwa sila tahimik habang nasa byahe kung kaya't napilitan na itong magsalita ulit.

"You're a supervisor at East West?" puno ng interes na tanong ni Claud at nadugtungan pa iyon bago siya maka- sagot. "How long have you been working there?"

"More than five years and almost six."

"So, how long have you been working as a supervisor?"

"Baguhan pa lang ako bilang supervisor ng East West. Ginagawa ko naman ng maayos at binibigay ko ang lahat ng makakaya ko sa trabahong iyon."

"That sounds good, Aemie. Hindi naman lingid sa kaalaman mo na may kukunang scene doon ang production group namin? Ikakasal doon ang character ng kapareha ko sa drama series, I'm going to stop their wedding scene," pagbabahagi ni Claud sa kanya habang nagmamaneho ito.

"Usap- usapan nga sa East West," anya.

"Txngxna!" Nagulat siya nang bigla na lamang nagmura si Claud at humimpil sa isang tabi.

"What happened?" Nag- aalala na tanong niya dito.

"Flat tires," tipid na sagot ni Claud at malungkot na bumaling ang tingin sa kanya. "We'll be both late today. Aemie, I'm sorry, but I think we both need to commute."

"It's okay. Magba-bus na lang ako at ikaw 'rin. Ipa-pick up mo nalang ang kotse mo," saad niya dito at nagtangka na lumabas ng kotse.

"Aemie, I'm sorry. Ang lakas kong nagsabing ihahatid kita tapos-" napansin niya na biglang natigilan si Claud at nakatanaw sa labas ng kotse na tila baga may naisip na idea. "This would be fun, come, Aemie!"

Naunahan siya ni Claud na lumabas ng kotse ngunit hindi nakalimutan ng asawa na magsuot ang itim nitong sumbrero, nerdy glass at itim na mask. Hanggang sa hindi na ito makilala sa suot nito. Hinila siya nito't pinalabas ng kotse.

"Claud! anong ginagawa mo?"

"Ihahatid kita" plantyado ang tinig na saad nito at pinuntahan ang isang shop na nagre- renta ng bisikleta.

"Claud, hindi na kailangan," awat niya dito ngunit hindi niya ito napigilan.

Manghang tinatanaw niya ng tingin si Claud habang nakikipag- ugnayan ito sa bike seller. May ngiti sa labi ni Claud at tuwang- tuwa na nakikipag- usap ito sa lalaki, 'pagkuwan ay tila may ibinulong pa sa lalaki at inabot dito ang isang card na may kalakip na bayad ng renta bago pinahintulutan si Claud ng lalaki na maka- gamit ng bisikleta.

"Bakit nag- renta ka pa 'nyan Claud? We could just commute instead-" kunwari ay pasarin niya kahit na nga ang totoo ay lumulukso ang dibdib niya sa gesture ni Claud. Napaka- maalalahanin nito ng mga oras na iyon.

"Sinabi ko na ihahatid kita, Aemie. Kaya ihahatid kita," untag nito at tinapik ang passenger seat ng bisikleta. "Come, sit."

[listen: Glad you exist by Dan + Shay on the media// athr note: para dama at special ang narration]

May pag- aalangan na lumapit siya sa bisikleta kasabay ang mabilis na tibok ng puso niya. Hindi ito ang unang beses na aangkas siya sa bisikleta kasama ni Claud, in fact noon ay palagi nila itong ginagawa, marahil hindi na natatandaan ni Claud ang mga panahon na iyon. Siya na lang ang nakakaalala at pakiramdam niya ito ulit ang unang beses na gagawin nila ito, napaka- espesyal nito sa kanya.

"Claud," halos maiyak- iyak na saad niya't hindi makapag- pasya kung sasakay ba siya sa bisikleta.

"Hayst," pasarin ni Claud at walang ano- ano'y inabot ang kamay niya at hinila siya. Dahilan para mapa-upo siya sa backseat ng walang pagpipilian.

"Why are you even hesitating and having a second thought when you could just follow," saloobin nito at naupo sa driver seat. Napailing ito.

"Oh woman, now a days."

Kinakabahan at matindi ang lukso ng dibdib niya habang alanganin na humahawak sa laylayan ng puting long sleeve polo ni Claud. Muntik na siyang ma-out of balance at mahulog nang biglang gumewang ang pagmamaniobra ni Claud, wala sa loob na napa-yakap tuloy siya kay Claud, bagay na mas higit na nagpatibok ng mabilis sa puso niya.

"Kumapit ka kasi ng maigi, Aemie."

Kapit na kapit na nga. Hindi niya na nga gusto na bumitaw, gusto niya na itong panindigan. Naisip niya ang napaka- sarap na sandaling iyon ng buhay niya. Ang malapit na malapit nilang mga balat habang yakap ito sa bisikleta. Napadaan sila sa isang short cut patungo sa East West, public botanical garden. Punong- puno iyon ng magkakahilirang mga matatayog na puno at mga halaman na nahaluan ng makukulay na bulaklak.

May iilan silang nakita na nagja- jogging doon, mga nagzu- zumba't nag- exercise, mga naglalaro ng basketball at ilang nagbi- bisikleta. Napa- ngiti siya sa tuwa habang pilit na sinusundan ng tingin ang pisngi ni Claud.

"Sometimes, I wonder if you have any man in your life, Aemie. Bakit tila wala lang sayo na ikinasal tayo?" mula sa kung saan ay biglang naitanong ni Claud sa kanya.

"Wala naman na akong magagawa kung ikinasal na tayo, Claud, it won't change the fact even I rants out. Hindi ko maiwasan na hindi isipin kung pa- paano na ako sa oras na gusto ko magpakasal sa taong mahal ko," sandaling natahimik siya at pinag- isipan mabuti ang hinahabi niya na kasinungalingan.

"Do you have any romantic relation with someone? Hindi ko maisip na wala, Aemie, 'cause it's seems impossible-"

"Siguro nga imposible," anya at napangiti ng may buong pagmamalaki dahil lingid sa kaalaman ni Claud, ito lang ang kanyang mahal sa matagal na panahon hanggang sa kasalukuyan. "Pero iyon ang totoo, Claud. I don't have any romantic relation with someone."

"What?!" Gulat nitong bulalas. "Why? Are you a bixesual or something?" Narinig niya ang mahinang pagtawa nito ng mapakla.

"I can't really believe, Aemie. If I don't love, Zeeya. I might tell you that I like you 'cause you look admirable. Imposible na hindi ka nagugustuhan ng mga lalaki sa paligid- ligid."

Nagulat siya't natuwa sa sinabi nito. Hindi niya 'rin naiwasan na hindi pamulahan ng pisngi, ang init ng nararamdaman niya sa sinabi nito.

"Hindi ko naman sinabi na walang nagkakagusto sa akin, Claud," anya at pinagkatuwaan ito upang ipabatid dito na talagang katangi- tangi siya. "Honestly, there are lots but I couldn't intertain them 'cause I don't feel anything toward them."

"Really? Baka naman kasi sa babae ka nakaka- gusto," saad ni Claud na may himig panunukso.

"Baliw!"

Sa katotohanan ay maraming nanliligaw sa kanya ngunit hindi niya binibigyan ng pagkakataon ang mga 'yon dahil si Claud ang katangi- tanging lalaki na pinaglalaanan niya ng pagkakataon. Bukas ang espasyo ng puso niya para 'kay Claud lamang.

"Ano ba ang tipo mo sa isang lalaki, para mahanapan kita. Marami akong kilala sa mga katrabaho ko na artista. Gusto mo, ipapakilala kita?"

"Hindi ko pa alam," anya kahit ang totoo ay alam na alam niya ang natitipuhan niya. Si Claud. "Siguro, yung maalalahanin, mabait, masarap kasama?" inisa- isa niya sa isip ang katangian na nagustuhan niya 'kay Claud.

"Selfless, mas madalas ako unahin kesa sa sarili niya? malapit sa mga tao, sa mga bata, at mapagmahal."

"Puro katangian ng puso ng lalaki hinahanap mo. Kung ganoon kahit hindi maayos ang panlabas niya na anyo, ayos lang sayo?"

"Oo naman, kahit napakapanget at masira't masunog ang mukha mo ay ayos lang, Claud. Tanggap ko 'yon."

"Ano ang sinabi mo?" Bigla itong huminto sa back entrance ng resort. Sa tapat ng fountain na may rebulto ng tatlong angel na may hinihipan na trumpeta.

Tila nagulat ito at ganoon 'rin siya ng biglang mapagtanto kung ano ang nasabi niya.

"I- I mean, niyo. Kahit masira't masunog ang mukha niyo, ayos lang 'yon sa akin." Nakangisi niya na sagot 'kay Claud at tuluyang bumaba ng bisikletang nirentahan nito.

"Osya, salamat, Claud." Hindi mapunit- punit ang ngiti sa labi niya habang nagpapaalam 'kay Claud. Sobrang naaliw siya't masaya sa nangyari sa pagitan nila. "Sige na, mag- iingat ka Claud, baka ma-late ka, ayaw ko na maabala pa kita," paalam niya.

"Susunduin ulit kita mamaya, Aemie. I'll call you when I'm back to fetch you," paalala nito sa kanya.

Wala sa sariling tumango naman siya. Huli na niya napagtanto- tanto ang sinabi nito at nagulat siya't hindi siya makapaniwala. Kakaibang- kakaiba ang pagbabago 'kay Claud. Naglakad na siya papasok ng resort.

Hindi lang siya hinatid ni Claud, susunduin pa siya't isasabay sa pag- uwi. Bigla tuloy siyang napa- isip kung ano ang nakain ni Claud. Kung ano 'man iyon, hiling niya na iyon na lang ang palaging kainin ng kanyang asawa.

"Baklang toh!"

Wala sa sariling nasapo niya ang kanyang dibdib nang marinig niya ang malambot na bulalas ni Romnick. Bigla na lang itong sumulpot sa kabilang gilid ng resort kung saan dumadaan ang mga staff ng hotel.

"Rome, ikaw pala." Napapikit siya't binawi niya ang kanyang kamay kasabay ang pagrolyo ng kanyang mata.

"Ikaw ah, nakita ko 'yon mula sa second floor ng hotel, yung malagkit na tingin mo sa kanya. Ay naku, naku, naku," untag ni Romnick at mariin siyang tinitigan ng may mausisang tingin.

"Mukhang bata- bata pa yata ang isang iyon na naghatid sayo, hoy bakla, sino 'yon?" Malisyosong nangungulit na tanong ni Romnick sa kanya.

"Ano kaba! Kung sino- sino na lang ang pinag- iisipan mo sa akin," rumolyo siya ng mata at nilagpasan ang kaibigan bago sinabi kung sino ang lalaking naghatid sa kanya. "Si Claud 'yon, parang hindi niyo naman alam ang paraan nila ng pagdi- disguise," anya.

Sandaling nai- kwento niya 'kay Romnick ang kakatuwang nangyari sa pagitan nila ni Claud. Sayang lamang at wala si Allyssa dahil nagse-serve ng food sa customers kaya't hindi na nito agad nalaman ang kwentong naibahagi niya 'kay Romnick. Si Romnick na ang bahalang mag- relay ng bagay na iyon sa kaibigan nila. Hindi makapaniwala ang bakla, napatili na lamang ito at impit na kinilig.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
To be continue

Continue Reading

You'll Also Like

205K 3.5K 58
Labis na kinaiinggitan ng karamihan ang pag-iibigan ni Felicity at Cornell. Para itong mga estudyante lang sa hayskul na purong kilig at tuwa. Ngunit...
440K 6.2K 24
Dice and Madisson
109K 2.6K 33
I didn't ask you to love me back.. I never ask you to look at me the way I look at you.. I never did because if I do i know that it'll just bring me...
12K 294 54
Sabi nila, love is sweeter the second time around, pero paano nalang kung mayroon kang commitment sa Panginoon at yung lalaking minsan mong minahal a...