Class 3-C Has A Secret 2 | co...

By enahguevarra

9M 155K 54.2K

"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 20... More

C3CHAS TRILOGY
C1: Moriendo Renascor.
C2: Pity on me, Death.
C3: She, who forgets.
C4: Honor the vanquished.
C5: Doomed Reality.
C6: The thread of Death.
C7: Embrace your iniquity.
C8: Ballad of Death.
C9: Dreadful past.
C10: Sleuth.
C11: Know thyself.
C12: Lies.
C13: Incognito.
C14: Nostalgia.
C15: Truth be told.
C16: Lifeless. (part 1)
C17. Lifeless (part 2)
C18: Missing.
C19: The liar.
C20: Rules of the jungle.
C21: Hidden agenda.
C22: Judas' kiss
C23: Lost Alice.
C24: A friend and a foe.
C26: Paranoia
C27: The first weakest rabbit.
C28: Behind those lies.
C29: Lifesaver.
C30: The catastrophe of life.
C31: Ironic truth.
C32: Two black cats
C33: The white rabbit has the answer.
C34: The Prodigal son.
C35: Someone is back.
C36: The white rabbit.
C37: Friendship.
C38: Kill the Pillar.
C39: The clockmaker's daughter.
C40: Eliminate the wolves.
C41: Darkness
C42: Wolf's cry.
C43: Hunt the wolves.
C44: Alliances.
C45: Endgame
C46: Fade to black
C47: The Fall of the Pillar
C48: START
C49: Pitch Black
C50: Hide and Seek.
C51: Turncoat
C52: Trust no one
C53: Friends do kill
C54: Dangerous
C55: An hour to live
C56: Pillar's Trap
C57: The End
EPILOGUE
Special Chapter: HANAKO
Special Chapter: Balot ba o Penoy?
C3CHAS Spin-Off

C25: The unspoken truth.

134K 2.2K 751
By enahguevarra


"They do not love that do not show their love. The course of true love never did run smooth. Love is a familiar. Love is a devil. There is no evil angel but Love."  ― William Shakespeare


--------------------------------------------x

KATHERINE'S POV

 

INAYOS ko ang gamit sa loob ng bag ko bago sumakay sa sasakyan. Tumingin lang ako sa driver namin saka niya pinaandar ang sasakyan. Medyo naiinis ako ngayon. Napabuntong hininga ako ng tinignan ko ang phone ko, siya pa rin ang nasa background ko. Tama si Sapphire, matindi pa rin ang pagkagusto ko sa kanya. Balak ko na sanang kalimutan eh kaso pinaalala lang ulit sa akin ni Sapphire, nakakainis.


"Manong, pakibagalan po ang pagmamaneho. Hindi naman ho ako nagmamadali." Sabi ko sa driver namin na agad namang sinunod ang sinabi ko. Muli kong naalala ang nanyari kanina sa school, habang nasa parking lot kami.


Nag-uusap sila Cyrus at Sapphire habang ako ay nasa likuran lamang ni Sapphire. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila basta parang pinapaamin ni Sapphire si Cyrus sa kung ano man ang ginawa o ginagawa niya.


Muntik na silang magtalo ngunit narinig ko na lang na mag-uusap na lang daw sila ulit. Kung kailan at saan ay hindi ko alam. Doon kami naiwan ni Sapphire. Alalang-alala ko pa ang eksaktong pag-uusap namin. Hindi ko talaga inakala na uungkatin pa niya iyon.

 

"Ano bang nangyari?" tanong ko sa kanya. Ngunit tumingin lang siya sa akin nang masama saka niya kinuha ang phone ko na hawak hawak ko lang. Napangisi si Sapphire nang na-unlock niya ito.

 

"Pare-pareho kayong mga tanga." Sambit niya pagkatapos niyang ibalik ang phone ko sa akin. "Sino ba naman kasi ang may sabi na magkagusto ka kay Blake?" saka ko tinignan ang phone ko. Kung saan ang background ay ang president ng student council habang nakatayo patagilid mula sa kinatatayuan ko noong kinuhanan ko siya ng litrato at may hawak na folder. Kita sa litrato ang palagi niyang seryosong mukha. Yung matatalim na mga mata, matangos na ilong pati rin ang bibig niya na palaging nakatikom.

 

"Sapphire naman, wag mo ng ipaalala pa." Nakayuko kong sinabi.

 

"Alam mo, napag-isip isip ko rin eh, baka ikaw ang isa sa mga killer? Psh. Hindi na nakakapagtaka yun. Sigurado akong matagal mo ng gustong mamatay si Hanako pati din ang iba nating mga kaklase. Tama ako diba?" H-Hindi ko alam kung bakit nasasabi ito ni Sapphire ngunit mukhang pursigido siya at sigurado siya sa sinasabi niya. Hindi pupwede. Hindi ko magagawa iyon.

 

"Sapphire naman..."

 

"Ayaw ko naman maging masama pero alam mo, ikaw na ang pinaka sa lahat ng loser na kilala ko. Akalain mo yun? Natalo ka ni Hanako? Katherine, wala ka talagang kwenta eh no?" inis na inis niyang sinabi. Sa pagkakakilala ko sa kanya, mukhang binubuhos lang niya sakin lahat ng inis na nararamdaman niya. Ganito naman si Sapphire eh, ganito naman siya palagi.

 

Kahit papano, nakakasawa na.

 

"Ano bang matino diyan sa Blake na yan at nakagusto kayo diyan? Tss. Sige, aalis na ko tutal, wala namang kwentang usapan ang nanyari." Kinuha niya ang bag niya na hawak ko saka naglakad na palayo. Sisigaw pa sana ako upang magpaalam ngunit hindi ko na nagawa. Maaring dahil sa para akong naubusan ng sasabihin.

 

Blake, bakit ba kay Hanako ka pa nagkagusto?

Bakit hindi na lang sa iba?


"Nandito na po tayo." Bumalik naman ako sa realidad nang nagsalita ang driver namin. Saka ko binuksan ang pintuan ng kotse at lumabas. Dali-dali naman akong pumasok sa loob ng bahay na para bang walang pakialam sa paligid. Ni hindi ko nga napansin ang pagtawag sakin ni papa.


"Katherine." Pag-ulit niya saka ako lumingon. "Ano tong nakita ko sa kwarto mo?" agad akong napatakbo papunta kay papa at kinuha ko ang hawak niyang krus na bakal. Ito iyong nakuha ko mula kay Hanako. Yung araw na iyon na nakita kong magkasama sila ni Blake, ang lalaking gustong-gusto ko.


"Wag kayong mangingielam ng gamit ko!" hindi ko sinasadya ang mapataas ang tono ng boses ko ngunit isang malutong na sampal ang natanggap ko galing kay papa. Saka ko siya nakita na nanginginig sa harapan ko. Mukhang galit na galit siya.


"Simula nong namatay ang nanay mo, wala ka na talagang kwenta! At sasagutin mo pa ako na pabalang ngayon?! Pumasok ka sa kwarto mo bago ako atakihin dito!" hihingi sana ako ng patawad kay papa ngunit naisip ko na mas mabuti na lang na sundin ko siya.


Ay mali, lagi nga pala akong sumusunod sa kanya.


Dumiretso ako sa kwarto ko at sinariwa ang lahat. Muli kong naalala noong 1st year ako, doon ko unang nakita si Blake. Tinatawag ko pa siyang 'kuya' noon ngunit siya na mismo ang nagsabi sa akin na Blake na lamang ang itawag ko sa kanya. Napakabait niya. Napakaresponsable at kita mong napakatalino niya.


Yun ang nagustuhan ko sa kanya.


Ngunit mas nakilala ko siya noong sumama ako kala Sapphire, mas madalas ko siyang nakikita ngunit wala ako ibang ginawa kung hindi batiin lamang siya gamit ang pagngiti. Nahihiya kasi ako. Pero kahit ganun, tinutugunan naman niya ng ngiti ang pagbati ko. Doon ko lang din nalaman na may tinatago siyang ugali. Masungit pala siya kapag mga kaibigan niya ang kasama niya. Madali pala siyang mainis sa sobrang ingay at napakaseryoso pala niya.


Pero ayos lang, gusto ko pa rin siya.


Aaminin ko na may galit at inggit ako kay Hanako. Ngayong wala na siya, mas malaki ang tiyansa ko ngunit hindi ko pa rin magawa ang nais ko. Tuwing nakikita ko kasi si Blake, natatameme ako. Ni hindi ako makapagsalita sa harap niya at tanging pagbati lang ang kaya ko.


Haaay.


Hanako, patay ka na diba? Bakit pakiramdam ko, ikaw pa rin ang gusto ni Blake? Hanako ... sana mawala ka na sa memorya naming lahat. Sana mawala ka na sa isip ni Blake, sa buhay ni Sapphire at sa klase.


Napasinghap ako dahil sa gulat ng biglaang nagvibrate ang phone ko na hawak ko pa rin. Hindi ko na sana bubuksan ang bagong message dahil galing ito sa isang unknown number ngunit nagulat ako ng may naka-attach na photo. Ano naman kaya ito?


Atomatikong napatakip ang kamay ko sa bibig ko nang nakita ko ang litrato. Kung anong kilabot ang nadama ko. Nang nakita ko ang litrato ni Cyrus na puro dugo ang damit, may hawak na kutsilyo at pati ang mensahe na sinasabing killer siya.

 

E-Eto ba iyong pinag-uusapan nila kanina ni Sapphire?

 

Agad kong tinawagan si Sapphire at sa pangatlong ring ay sinagot naman niya ito. "Sapphire!" pamungad ko habang ninenerbyos pa rin.


"Oh?" ang tanging tugon niya.


"May natanggap kang message? Yung may naka-attach na photo?" tanong ko.


"Wala. Bakit?"


"Nasan ka ba ngayon?" muli kong pagtanong. Halos matalisod ako sa kakalakad dito sa loob ng kwarto dahil sa labis na kaba.


"Ano bang pake mo ha? Nandito ako sa bahay nila Cyrus. Mag-uusap kami." Nanlaki ang mga mata ko sa pagkakasabi niyang iyon. Mapanganib si Cyrus. Lalo na't nakita ko yung picture. Sigurado ako. Siguradong sigurado ako.


"Sapphire, umalis ka diyan. Delik—" bago pa man matapos ang sasabihin ko ay narinig kong sumigaw nang malakas si Sapphire at ang nakakabinging tunog na para bang nalaglag ang hawak niyang phone. Sabi ko na nga ba. Nasa panganib si Sapphire. Hindi maari.


Unti-unti akong napangiti sa di ko malamang dahilan. Hindi maaring mamatay si Sapphire sa kamay ng iba.


Gusto ko ... ako ang tumapos sa kanya.



TEACHER MAEGANNE'S POV

 

 

Tinignan ko ang oras sa nakasabit na orasan dito sa loob ng faculty room sa high school building, 7:40 pm. Medyo late na rin pala. Ang dami ko kasing gawain. Sinabihan na nga lang ako ng guard na ako na ang magsarado ng pintuan dito sa faculty room. Hindi ko rin inakala na aabutin ako ng halos isang oras.


Pag natapos na ang school year na ito, hindi na ko magtatrabaho bilang isang teacher. Nalaman ko na ang dapat kong malaman. At ang pagpunta rito ay walang kwenta. Bakit hindi ko ba naisip? Ngunit kahit papano, may dahilan rin pala.


Ang maghiganti...

...para sa anak ko.


Naalala ko pa yung mga mismong sinabi ni Mr. Laketon. Iyong mga linya na iyon na para bang nagpabago sa pag-iisip ko. Mula sa napakabait na adviser, sa tingin ko, mas mabuti nang kamuhian nila ako. Lalo na't napakalaki ng kasalanan nila sa akin ... sa amin.

 

"Hinahanap mo ang anak mo diba? Mukhang wala na siya dito."

"Nagpakamatay ang anak mo."

"Hanako Perez, iyon ang pangalan niya."

 

Hindi ko alam ang sasabihin ko noong mga panahon na iyon. Para bang nawala ako sa matinong pag-iisip. Ipinaliwanag lahat ni Mr. Laketon ang dapat kong malaman. Noong tinanong ko siya kung bakit tila ba'y alam na alam niya ang lahat ay maikli lamang ang nakuha kong sagot sa kanya. Maikli ngunit nagbigay sa akin ng kilabot.


"Kinikilala ko lahat ng pumapasok sa impyerno ko."

 

Inayos ko ang mga librong hawak ko bago lumabas ng faculty room. Nagkamali ako ng inisip ko na si Sapphire ang anak ko. Iyon pala, siya ang unang-una na dapat kong pahirapan. Ang klase nila ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang anak ko.


Magbabayad sila.


Isinarado ko ang pinto at ini-lock ito bago pa humakbang. Kaunting ilaw lamang ang bukas ngunit sapat ang binibigay na liwanag nito. Bumuntong hininga ako habang naglalakad. Ang laking gulo nga talaga ng pinasok ko. De bale,matatapos rin ito. At kukuhanin ko ang hustisya para sa anak ko, kay Hanako. Kung paano ay iisipin ko pa. Basta, aalamin ko ang lahat.


Napaatras ako ng may narinig akong gumalaw. Parang may sumusunod sa akin. Naglakad ako ng tatlong beses paabante at panandaliang tumigil ulit. Muli, ay may narinig akong isang yabag ng paa. Dahan dahan akong lumingon. Nanginginig man ay nakasigaw ako kahit papano ngunit agad niyang tinakpan ang bibig ko.


Doon ko lang napagtanto na ang nasa harapan ko ay si Edward. Si Sir Buendia. Dali-dali naman niyang tinanggal ang pagkakatakip niya sa bibig ko at ngumiti.


"Natakot ako dun ah?!" reaksyon ko. "Ba't ka pa ba nandito?" tanong ko naman sa kanya. Ang alam ko kasi, umuwi na siya kanina.


"May binalikan lang ako." Itinaas niya ang hawak niyang makapal na libro sa kanan niyang kamay. Tumango lang ako. "Grabe, matatakutin ka pala Mae." Inirapan ko lang siya ngunit nahagip ng mata ko ang isang panyo sa bulsa ng pantalon niya. Sa pagkakaalam ko, iba ang kulay ng panyo niya kanina.


"Dalawa ang panyo mo?" napatingin siya agad sa bulsa ng pantalon niya saka tumango.


"Madalas kasi ako mawalan ng panyo kaya dalawa lagi ang dala ko." Tulad ng kanina, tumango lang ulit ako. Naglakad kaming dalawa palabas ng high school building. Magsasalita sana ako nang biglang nagring ang phone ko.


Agad kong tinignan kung sino ang tumatawag.

 

Si ... Mr. Laketon.

 

Sinagot ko naman ito agad at bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na niya ako. Isang utos na naman pala galing sa kanya. Ngunit sa pagkakataong ito, napangiti ako sa narinig ko. Unti-unti na kong makakaganti.

 

"Gusto kong magkulong ka ng apat na taga-3C sa Punishment room sa lunes. Si Martinez, Young, Levesque at si Garcia."



AUSTIN'S POV

 

Hinigit ni Abi ang braso ko sa paghakbang ko paalis ng bahay. Tinitigan ko lang siya at hinintay na magsalita siya ngunit lumipas ang ilang minuto at nakatingin lang siya ng masama sa akin. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at nagpatuloy sa paglalakad.


"Hoy Molina!" inis na inis akong lumingon sa kanya.


"Ano na naman ba, Lim?!"


Bakit ba nandito tong babaeng to? Ano bang ginagawa niya sa labas ng bahay namin? Ngayong tatakas pa ako siya sumulpot dito. Akala mo kailangan ko ng katarayan at kakulitan niya. Kakulitan sa nakakainis na paraan. Hindi talaga siya tumitigil sa kakasalita hanggang sa hindi niya makuha ang gusto niya. Spoiled brat.


Malayong-malayo kay Aislinn ko.


"Natanggap mo ba to?" sabay pakita ng phone niya na ang tangi kong nakikita ay litrato ni Cyrus. Lihim akong napatawa sa loob loob ko. Sigurado akong sa lunes ay magiging mabentang usapan ito sa klase.


"Oh tapos?" tanong ko pa. Binulsa ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng maong na pantalong suot ko.


"Kasinungalingan ito diba? Sa lahat ng tao sa room, ikaw ang mas nakakaalam kung totoo ba ito o hindi. Best friend ka ni Cyrus. Kilalang-kilala mo siya." Lumapit ako sa kanya saka nagsalita, "Alam mo Abi,  nasa iyo naman yan kung maniniwala ka. Hindi mo na kailangan pang puntahan ako upang tanungin. Pero tutal nandito na rin naman, killer si Cyrus. Yun na lang ang paniwalaan mo. Sige Lim, mauna na ko." Pumorma ang isang pekeng ngiti sa mga labi ko.


Tama naman eh.

Tama lang tong ginagawa ko.


Lumapit ako sa motor ko. Huli na ng napansin ko na nakalimutan ko pala ang helmet ko. Tanginang yan, bahala na nga. Narinig ko pang sumigaw si Abi ngunit hindi ko na ito pinansin pa. Isa siyang malaking abala. Tss. Pinaharurot ko ang motor ko papunta sa tinitirahan niya.


Hintayin mo ako, Aislinn. Babawiin kita. Magsasama tayong dalawa at magiging masaya. Katulad ng gusto mo.  

 

Katulad ng pangarap nating dalawa.

--------------------------------------------x


Salamat sa pagbabasa! I-comment lang ang gusto mong sabihin. :)

Continue Reading

You'll Also Like

21.5M 750K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
278K 7.5K 18
Bumalik sa Pilipinas si Stephanie at ang buong banda niya para mag-break at para mag-compose ng mga awiting gagamitin nila para sa kanilang anniversa...
383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
44.2K 1.1K 27
Detective Aihara at Spy Mitsubara mag sasama sa ma-ala sundalong labanan? Paano kaya nila matatapos ang kanilang misyon kung simula Pag ka bata mag k...