Say I Do (Completed/ under- e...

By RencessOray3

474K 6.7K 711

WHAT HAPPENS WHEN ONE PROPOSAL ENDS UP IN A DISASTER? Claud Azheyo Sy, isang kinikilalang pangalan sa mundo... More

Say I do
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Part II of Book 1
PartII-Prologue
PartII- Chapter 1
PartII - Chapter 2
PartII-Chapter 3
PartII-Chapter 4
PartII- Chapter 5
PartII - Chapter 6
PartII- Chapter 7
PartII- Chapter 8
PartII - Chapter 9
PartII - Chapter 10
PartII- Chapter 11
PartII - Chapter 12
PartII - Chapter 13
PartII - Chapter 14
PartII - Chapter 15
PartII - Chapter 16
PartII- Chapter 17
PartII - Chapter 18
PartII - Chapter 19
PartII - Chapter 20
PartII - Chapter 21
Epilogue

CHAPTER 5

6.9K 131 25
By RencessOray3

CHAPTER 5
All those effort


****************

Hindi nagkakapalagayan ang loob ni Claud at Aemie nang lumipas ang higit isang buwan magmula ng ikasal ang dalawa.

Hindi pinapansin ni Claud ang dalaga at pinipigilan niya ang sarili na ito ay kausapin. Hindi niya nais na makapalagayan ng loob si Aemie at mauwi sila sa hindi magandang relasyon kaya't hangga't kaya niya na maging malamig ang pakikitungo dito ay ginagawa niya. Kinapapanatag na 'rin ng loob niya na maging si Aemie ay tila iniiwasan siya't hindi hinaharap. Hindi sila nagtatagpo kahit nasa iisang bubong sila ng kanyang mansion.

Mas maagang umaalis ng bahay si Aemie sa kanya, alas-singko palang ay umaalis na ito ng mansion para pumasok sa pinapasukan nitong resort hotel, kahit kaunti ay hanga siya sa dalaga nang mapag- alaman niya na ito pala ay isang supervisor sa East West. Napaka- sipag at talagang committed sa trabaho nito, nakikita niya ang pagiging consistent nito.

| ^-^ Sausage, hotdogs and omellete for your breakfast Mr,Sy! Enjoy your breakfast especially your day.|

Hindi nga sila nag-uusap ng personal pero hindi naman pumapalya ang mga note ni Aemie sa umaga. Pinagsisilbihan siya nito at pinaghahanda ng almusal kahit hindi niya ito sinusuklian ng pasasalamat. Ewan ba niya sa babaeng iyon, may katulong naman pero ito pa 'rin ang nagluluto para sa mga kakainin niya. Kung minsan ay pinagbabaon pa siya ng sandwiches sa trabaho at dinadamay na nito ang para sa mga co- artist niya.

Sa gabi naman pag- uwi niya ay pinagluluto pa 'rin siya ni Aemie ng hapunan ngunit tuwing darating siya ay nagkukulong na ito sa sariling nitong kwarto sa mansion. Kumakain siya ng mag-isa sa dining na madalas ay hinahanap- hanap si Zeeya dahil noong magkasama pa sila ay laging ito ang kasalo niya sa pagkain.

Sa chat at text niya lang nakakausap si Zeeya noong nakaraang buwan, madalas pa ay hindi ito nagpapadala ng mensahe sa kanya at nitong sumunod na araw ay napansin niya na hindi na tulad ng dati si Zeeya. Hindi na ito malambing at madalang nalang kung itext at i-chat siya. Palagay niya dumidistansya ito sa kanya. Nagsimula iyon nang malaman ng kasintahan ang married status nila ni Aemie. Ganon pa man, ipinaintindi niya pa rin kay Zeeya na kailanman ay hindi mawawala ang pagmamahal niya dito at si Aemie ay walang kapag- a- pag- asa na magustuhan o mahalin man lang niya.

Iniintindi niya si Zeeya lalo na't nagsimula na rin ang survivor macau na sinalihan nito, kaya marahil hindi na nakakapag- padala ng mensahe't nakakapag- text sa kanya si Zeeya.

Ang kinababahala niya lang, baka muling ma-fall si Zeeya sa ex nitong si Shenlo Tan na kasali 'din sa reality show na iyon. Hindi siya mapalagay sa lalaking iyon, pakiwari niya ay po- pormahan at popormahan ni Shenlo ang kasintahan niya. Isa lang iyon sa dahilan kung bakit nais niyang makasal noon 'kay Zeeya sa lalong madaling panahon.

Nais niya bakuran nang tuluyan si Zeeya para hindi maagaw ni Shenlo.

Sa kabilang banda ay higit sa isang buwan ang tiniis ni Aemie upang iwasan si Claud. Baka sakali na oras na iniwasan niya ito ay mabawasan ang galit nito sa kanya at mabigyan niya ito ng panahon upang makilala siya.

Alam ni Claud na pinagluluto niya ito ng agahan at hapunan ngunit walang kaalam-alam si Claud na siya ang naglalaba sa mga damit nito at siya rin ang namamalantsa. Pinaki- usap niya sa mga katulong na huwag iyon ipapa- abot 'kay Claud at ilihim na lamang ang mga ginagawa niya. Kahit man lang sa paraan na iyon ay magampanan niya ang wife duties niya.

Nagawa niya ang mga iyon sa loob ng humigit limang buwan at patuloy niya itong ginagawa at gagawin kahit hindi ito napapansin ni Claud, o kahit hindi nito binibigyan pansin ang mga ginagawa niya para dito.

"Ang tawag diyan, katangahan. Katangahan 'yan Aemie. Sa ginagawa mo hindi ka isang asawa, isa kang katulong," sermon sa kanya ni Allyssa nang ma-ikwento niya sa dalawang kaibigan ang pagpupursige niya na mabigyan pansin ng kanyang asawa.

"Ay correct ka girl!" segunda't pilantik pa ni Romnick. "Tumpak na tumpak! Baklang to. Ang mag-asawa may sex life, eh ikaw?" dagdag panunukso pa sa kanya nito.

"Ang expectation ko pa naman, gumalaw- galaw na ang baso," malandi't baklang- bakla na himutok ni Romnick. "Akala ko pa naman ikukwento mo kung paano naka-first base sayo si Daddy."

"Bakla! ano ba?! yang bibig mo. Napakadumi," saway ni Allyssa dito.

Nauutal siya na nagsabi ng saloobin niya. "Wa- wala akong pakialam kung magmukha akong katulong. Ang mahalaga mahal ko siya at masaya ako sa ginagawa ko," seryoso niyang saad habang naghuhugas ng pinggan. Habang ang dalawang kaibigan niya ay nagne- nail polish ng kuko ng mga ito.

"Masaya?" tinapunan siya ng tingin ni Allyssa at binigyan siya ng isang ngiting pilit at mapang-asar. "Kami pa ang lolokohin mo, aba, apat na taon tayong magkakasama kaya hindi mo na kami maloloko, Aemie," nagrolyo ito ng mata.

"Allyssa ,please. Hayaan niyo naman ako sa ginagawa ko. I know my self, alam kong in the end makukuha ko ang puso niya," nagmamaka-awa na saad niya sa mga ito.

"Kami din, nakikiusap sayo Aemie. Sabihin mo na lang ang totoo 'kay Claud at magpakilala ka sa kanya ng maayos. Huwag kana magpanggap at maglihim sa kanya. Masasaktan ka lang. Kahit sino pa si Zeeya sayo, hindi iyon ang pakikinggan ni Claud. He is inlove with Zeeya and He knows that Zeeya loves him as well. Malabong- malabo talaga sa ngayon na mapagtuunan ka niya ng pansin." Nagpupumilit na pagdidiin sa kanya ng kaibigan.

"Bakla, makinig ka sa amin. Ikaw lang naman ang inaalala namin. Kahit gwapo siya at mahal mo siya, hindi mo maaring ipagpilitan ang sarili mo sa kanya gayong alam naman natin na wala siyang nararamdaman sayo. Magkaibang- magkaiba na ang noon sa ngayon, Aemie," saad ng kaibigang si Romnick.

Ibang- iba na nga ang relasyon sa pagitan nila ni Claud. Ibang- iba sa noon at sa kasalukuyan. Paano niya maibabalik ang noon kung hindi man lang siya nito naalala?

Dati siya ang pinoprotektahan. Ngayon ay iba na ang pino- protektahan nito. Tuluyan na nga siyang nakalimutan ni Claud at nais niya na maalala siya nitong muli, ngunit hindi niya alam kung pa- paano niya ipapakilala sa lalaki ang sarili. Hindi niya naiwasan maluha nang maalala muli ang pinagsamahan nila mga labing anim na taon na ang nakakaraan.

Sandaling hinawi niya ang luhang kaunti na lang ay tutuyo na sa pisngi niya. May natanggap siya na mensahe sa numero niya at agad niya itong binasa. Mula sa isa sa tatlong katiwala ng mansion.

|From : Haidee
Ma'am, Aemie. Makakauwi
ka po ba ng maaga? Si Sir po,
hindi po kasi namin malaman
ang gagawin sa kanya. Lasing
na lasing po siya, nagbabasag
ng mga paso sa hardin.
Binabalibag niya rin po ang mga
bote ng alak na nauubos niya
inumin.

Tinambol ng malakas na kaba ang kanyang dibdib nang mabasa ang nakasaad sa mensahe. Sinalakay ng pag- aalala ang dibdib niya para sa kalagayan ni Claud.

Dali-dali niyang kinuha ang mga gamit niya sa sofa at agad na nagmartsa paalis ng unit nila ng mga kaibigan niya. Nilagpasan niya ang mga kaibigan niya at hindi nag- abalang magpaalam.

"Hoy teka lang, Aemie! Saan ka pupunta?" tawag pansin sa kanya ni Allyssa.

"Hoy, bakla! saan ka pupunta?" tili naman ni Romnick na animo ay iniipit ang dalawang itlog nito.

"Sa asawa ko. Kailangan ako ni Claud ngayon, pasensya na!" paalam niya sa mga ito nang umabot siya sa pinto. "Magkita na lang tayo sa East West bukas."

"Hoy Aemie! Wala kana sa tamang pag- iisip. Walang trabaho bukas, sabado ngayon. Linggo bukas!"

Noon niya lang napansin na si Claud na lang ang iniisip niya nang mga sandaling iton dahil maging ang araw na iyon ay nakakalimutan niya na 'rin. Napatapik siya sa kanyang noo at nagkamot ng kanyang batok. Tama nga marahil si Claud, napaka- stupid niya.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Continue Reading

You'll Also Like

242K 3.6K 46
When you find someone that makes your heart skip a beat, stop the search and take the risk.
100K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
5.9K 195 45
"Sa gitna ng kaguluhan Sa tabi mo ay wala ako diyan Akala ko ay ako lang ang nahihirapan Hindi ko alam, ikaw na din pala ay nasasaktan"
6.1K 242 36
KLINE ANDREI Highest Rank: 🏆 # 1 cutestories 🏆 # 1 badboylovestory 🏆 # 1 submissive 🏆 # 1 badboyinlove He is one of the most eligible bachelors o...