Angel in Disguise By Alyloony

By Vinz3Ryd3r

45.2K 729 24

Copy lang po ito... original Author po nito is Alyloony anyway pls join me here Join SOL REPUBLIC's SOLdiers... More

Angel in Disguise (Prologue ~ teaser)
Angel in Disguise - Chapter 1 *First meeting*
Angel in Disguise - Chapter 2 *Kiss*
Angel in Disguise - Chapter 3 *Suspicion*
Angel in Disguise - Chapter 4 *Voice of an angel*
Angel in Disguise - Chapter 5 *Mr. Spy*
Angel in Disguise - Chapter 6 *blackmailing snatcher*
Angel in Disguise - Chapter 7 *Her smile*
Angel in Disguise - Chapter 8 *tears*
Angel in Disguise - Chapter 10 *I miss you*
Angel in Disguise - Chapter 11 *Mr. Seduction*
Angel in Disguise - Chapter 12 *The Manager*
Angel in Disguise - Chapter 13 *flashback*
Angel in Disguise - Chapter 14 *Mr. Stalker*
Angel in Disguise - Chapter 15 *Blessing *
Angel in Disguise - Chapter 16 *Mommy and Daddy*
Angel in Disguise - Chapter 17 *Stolen*
Angel in Disguise - Chapter 18 *unexpected news*
Angel in Disguise - Chapter 19 *The Wake*
Angel in Disguise - Chapter 20 *let go*
Angel in Disguise - Chapter 21 *Best friend*
Angel in Disguise - Chapter 22 *Subic*
Angel in Disguise - Chapter 23 *unrecognized feelings*
Angel in Disguise - Chapter 24 *first move*
Angel in Disguise - Chapter 25 *second*
Angel in Disguise - Chapter 26 *The Goddess' Pain*
Angel in Disguise - Chapter 27 *One sided*
Angel in Disguise - Chapter 28 Mind vs. heart
Angel in Disguise - Chapter 29 *comfort*
Angel in Disguise - Chapter 30 *Request*
Angel in Disguise - Chapter 31 *trapped*
Angel in Disguise - Chapter 32 *hug*
Angel in Disguise - Chapter 33 *burst of emotions*
Angel in Disguise - Chapter 34 *I love you*
Angel in Disguise - Chapter 35 *another revelation*
Angel in Disguise - Chapter 36 * Tight Hug*
Angel in Disguise - Chapter 37 *sandalan*
Angel in Disguise - Chapter 38 *Enchanted*
Angel in Disguise - Chapter 39 *Sayonara*
Angel in Disguise - Chapter 40 *questions*
Angel in Disguise - Chapter 41 *beach disaster*
Angel in Disguise - Chapter 42 *Venus' Plan*
Angel in Disguise - Chapter 43 *Dionne's Choice*
Angel in Disguise - Chapter 44 *Flight for freedom*
Angel in Disguise - Chapter 45 *POV*
Angel in Disguise - Chapter 46 *One and only*
Angel in Disguise - Chapter 47 *Will You Marry Me?*
Angel in Disguise - Chapter 48 *Kiss*
Angel in Disguise - Chapter 49 * Instant reunion*
Angel in Disguise - Chapter 50 *I-I love you too*
Angel in Disguise - Chapter 51 *China?*
Angel in Disguise - Chapter 52
Angel in Disguise - Chapter 53
Angel in Disguise - Chapter 54
Angel in Disguise - Chapter 55
Angel in Disguise - Chapter 56
Angel in Disguise - Chapter 57
Angel in Disguise - Chapter 58
Angel in Disguise - Chapter 59
Angel in Disguise - Epilogue

Angel in Disguise - Chapter 9 *Painful past*

828 14 0
By Vinz3Ryd3r


  Chapter 9
 



*Painful past*









[Jake's POV]







"where's Dionne?!" salubong na tanong saakin ni Tito Jin habang kasama niya si Tita Chyna nang makarating sila dito sa rest house. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala kay Dionne.





Ibinaba ko yung dyaryo na binabasa ko then I look at them "she's in the room, sleeping. Nakatulog kakaiyak"





Bigla naman napa buntong hininga si Tita Chyna "I'm glad nothing happens" she told us in relief





Tumayo ako at nilapitan ko sila "ang dami kong  gustong itanong sa inyo. Naguguluhan talaga ko sa mga nangyayari! You two" tinuro ko silang dalawa "will explain to me everything! Kung hindi, talagang patay kayo saakin!"






Nginitian naman ako ni Tito Jin "hay I guess kailangan na namin sabihin sayo ang lahat"





"good. But before that, I want to clarify something" inilabas ko yung phone ko at ipinakita ko kay Tito Jin at Tita Chyna ang picture na nakuhanan ko nung makita namin ni Venus na magkayakap si Tito Jin at Dionne sa may parking lot "What's the meaning of this?! Tell me Tito Jin" tinignan ko si Tito Jin ng diretso sa mata "is Dionne your mistress?!"





Katahimikan. Nakatitig pareho si Tito Jin at Tita Chyna doon sa picture na hawak ko. Mukhang gulat na gulat sila sa sinabi ko to the point it made them speechless. I smirked. I guess my suspicion is right. Halata naman sa way kung paano mag alala si Tito Jin kay Dionne eh.





Dahang dahan na lumapit si Tita Chyna saakin at kinuha yung phone ko habang titig na titig siya doon sa picture. I pity her. She's been a good wife to Tito Jin and I can't even bare to think kung paano siya nagawang lokohin nito.





"J-jin.." sabi ni Tita Chyna habang pinapakita niya yung picture kay tito





"Chyna.."  


  Nagkatinginan silang dalawa and then...



























"HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA"



"WAHAHAHAHAHHAAHHAHAHAHAHHAHAHAHA"



"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAA"



"NYAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"







Napataas ang kilay ko habang nakatitig sa dalawa kong abnormal na kamag-anak na walang humpay sa pagtatawanan. Ok? May nakakatawa bas a sitwasyon?! Na-sira na ba mga ulo nila?





"what the f*ck is happening?!" sigaw ko sa kanila "Would you please stop laughing?! It's f*ckin' annoying!"





"hahahaha o relax ka lang pamangkin! You cuss to much!" sabi ni Tito Jin





"tsk!" =___=





"hahaha ikaw kasi Jake, you're such a joker" sabi naman ni Tita Chyna





"huh?"





Lumapit si Tito Jin saakin at inakbayan ako "you know Jake, you got it all wrong. Dionne's my mistress?! Sira ka ba?! Eh napaka bait ng batang yun eh! paano mo siya napagisipan ng ganun ha?!"  


  "eh bakit nga madalas ka mag-alala sa kanya ha?! bakit binibigyan mo siya ng kung anu-ano?! Magkaano-ano ba kayo ha! and how can you explain this hug!" sabi ko kay Tito sabay kuha ng phone ko sa kamay niya at itinapat ko yung picture sa mukha niya.





"Jake, malapit kami ng Tito Jin mo sa family ni Dionne" pagpapaliwanag ni Tita Chyna "Jin's their family doctor and also best friend namin ang mga magulang ni Dionne. College pa lang eh magkakasama na kaming apat kaya naman ganun na lang namin sila pangalagaan"





"right. And kung ano man ang pinapakita ko kay Dionne is all fatherly love. Alam mo namang wala kaming anak nitong si Chyna eh kaya naman tinuturing na lang naming parang isang tunay na anak itong si Dionne"





Sumimangot ako. Tss, grabe naman kasing pagmamahalan yan eh! masaydong nakakairita! Tsaka malay ko ba na ganun?! Kahit naman sino magiisip ng ganun d iba?! di ba?! tsk =___=





"hahahaha pahiya si Japoy" pang-aasar ni Tito Jin sabay akbay saakin "bawi ka na lang bukas! Hahahaha!"





Tinabing ko yung braso niya na nakaakbay saakin "heh! Ewan ko sayo!" tinignan ko sila "eh yung nangyari kanina? Anong ibig sabihin nun? Bakit ganun na lang ang naging reaction niya  nung nandun kami sa bahay? And why did she cried like that habang paulit ulit niyang tinatawag ang papa niya? What's wrong with her?!" i ask them in frustration. Sa totoo lang, kanina ko pa pinapaulit-ulit sa isipan ko ang mga tanong na yan. Nung yakap yakap ko si Dionne, I felt that she's in great pain. Beside my mom, I never seen a person cried like that before. Dati nung iniwan kami ng hayop kong ama, laging umiiyak si mommy. Pinapakita niya sa harap ko na masaya siya but pag mag-isa na lang siya, naririnig kong umiiyak siya. During that time, wala akong magawa kundi ang titigan lang siya. Pero eventually, hindi ko na kinaya at nung makita kong umiiyak si mommy, nilapitan ko siya at niyakap katulad ng ginawa ko kanina kay Dionne. Hindi ko alam kung nakatulong ako sa ginawa ko o hindi, pero ayoko lang kasing nakakakita ng taong umiiyak ng ganun. It reminds me of my past and I hate it.






Nakita kong nag buntong hininga si Tito Jin at naupo siya sa sofa followed by Tita Chyna. Tinignan ako ni Tito Jin ng seryoso "Jake, yung bahay niyo ay ang dating bahay nila Dionne"





Nagulat naman ako sa sinabi ni Tito Jin "w-wait you mean kanila ang malaking bahay na yun?! Sila ang nakatira doon?!" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya "b-but how come?! Mayaman sila Dionne? Paano siya nauwi sa pagiging P.A ko?"





"Yep, they're rich. Sila din yung may ari ng café na pinapatakbo ng mom mo ngayon. Dionne's dad is a chef, and nung makaipon, nakapagpatayo sila ng sarili  nilang café"






"sa kanila dati yun?! But how come--?!" gulong gulo ang isip ko sa mga pinagsasabi ni Tito Jin. Sa kanila dati ang bahay at negosyo ni mommy? Pero paano napunta sa kanila yun? Naghirap ba sila? Pero bat si Dionne lang ang nagtatrabaho? Nasan ang family niya?





Ang daming tanong sa utak ko at alam kong hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang lahat.





"Tito Jin, please tell me everything about her" I told him seriously. I know Dionne annoys me big time. Ang epal epal niya at napaka nosy, but still hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang pagka curious ko sa katauhan niya.





Tumayo si Tita Chyna at nginitian niya kami "I'll just check on Dionne. Magusap muna kayo diyan" sabi niya then umakyat na siya sa taas leaving me and tito Jin alone.





Pagkaalis na pagkaalis ni Tita, ipinaliwanag saakin ni Tito Jin lahat-lahat.





"Japoy, Dionne's only 9 years old ng pinasok ng mga magnanakaw ang bahay nila. Her mom's in the province while yung kuya naman niya ay nasa camping. It's around midnight ng pasukin sila nung magnanakaw. Limang lalaking pare-parehong may mga baril ang nanloob sa bahay nila. Hindi ko alam yung exact event kung anong nangyari. Ang conclusion ng mga pulis, nakita ng papa ni Dionne ang mga lalaking yun kaya naman dali dali siyang pumasok sa kwarto ni  Dionne at itinago ito sa loob ng cabinet. Pero napatay ang papa ni Dionne, 20 saksak at 10 tama ng bala ang nakita sa katawan nito. Ang pinaka masakit na pangyayari, nasaksihan ni Dionne lahat ng nangyari. She's just 9 years old at that time kaya grabe siyang natrauma nung makita niyang sa harap niya mismo pinaslang ang ama niya. Halos isang taon din siyang hindi nakapag salita dahil sa trauma na nangyari sa kanya. Pero dahil sa pag-aalaga ng kapatid at mama niya, gumaling si Dionne doon sa trauma na yun at naging isang mabuti at masiyahing bata. But another tragedy came into their family. 5 years after ng incident na yun, her mom died because of a certain disease at tuluyan ng naulila si Dionne at si Dylan, ang kuya ni Dionne. Sabi namin ni Chyna, saamin na lang sila tumira but they refused. Masyado na daw maraming naitulong ang pamilya namin sa kanila. Pinilit namin sila pero ayaw talaga nila. Buti na lang at graduating na ng mga panahon na yun si Dylan ng college. Ibinenta nila ang bahay nila at negosyo. Ako ang tumulong sa kanila kaya napasakamay ngayon yun ng mommy mo. Yung pinagbentahan nila, ayun ang pinangbayad nila sa tuition ni Dylan. Huminto muna si Dionne nun sa highschool at hinintay niyang makatapos ang kuya niya. Ng makahanap na ng trabaho bilang chef ang kuya niya, doon na ulit pinagpatuloy ni Dionne ang pag aaral niya. Kaso isang trahedya na naman ang dumating. Kalagitnaan  ng pagiging second year college ni Dionne, na-confine sa ospital ang kuya niya with the same disease as her mom kaya napilitang huminto si Dionne para alagaan ang kuya niya. Dalawang taon din halos nakipagsapalaran ang kuya niya sa sakit na yun" tinitigan ako ni Tito Jin "last month, her brother died"

I am lost in words after hearing all those things. Ngayon alam ko na kung bakit ganito na lang mag-alala si Tito Jin kay Dionne, because she's already an orphan. Hindi ako makapaniwala na ang isang taong may ganitong karanasan sa buhay ay nakukuha pang ngumiti at maging masaya.

"s-so she's already alone?" ayan lang ang tanging bagay na nasabi ko after kong marinig ang mga sinabi ni Tito Jin. Hanggang ngayon, ayaw parin ma-process ng utak ko ang mga sinabi niya

Tito Jin nods "hindi namin alam kung saan ang mga kamag-anak ni Dionne. I know her grandparents from her father's side is living in China, and wala kaming idea kung nasaan ang relatives ng mom niya" biglang inilagay ni Tito Jin ang kamay niya sa balikat ko "Jake, dionne's a very lonely kid. Alam kong may mga times na pinipilit niyang maging masaya pero alam ko din, those memories are always haunting her. please be kind to her" tumayo si Tito Jin "I'll just go and check Dionne" he told me then iniwan na niya ako.

Pagkaalis na pagkaalis ni Tito sa harap ko, naalala ko yung pinagusapan namin ni Dionne kagabi.

--(flashback)--

"tsk, ang hilig mo ngumiti no?" sabi ko sa kanya.






Ngumit lang ulit siya tapos tumingin siya sa langit "sabi kasi ng kuya ko, nakakabawas daw ng kalungkutan ang pag ngiti"





Tinitigan ko si Dionne "malungkot ka ba?"





Ibinalik niya ulit ang tingin niya saakin at binigyan na naman ako ng isang ngiti "tara na at kailangan mo ng mag pahinga. May shooting pa kayo bukas, kailangan mo ng energy"



--(end of flash back)--







Kaya ba lagi siyang nakangiti ay para itago ang kalungkutang nararamdaman niya? Kaya ba niya hindi sinasagot ang mga tanong ko tungkol sa pamilya niya ay dahil nalulungkot siya everytime na maalala niya ito?





After i-check nila Tito si Dionne, umalis narin sila sa rest house. Nang makaalis na sila, tinitigan ko ang natutulog na mukha ni Dionne. Nakita kong may tumulong luha sa gilid ng mata nito kaya agad kong pinunasan ito gamit ang daliri ko.





I also have a painful past pero walang wala ang mga naranasan ko sa naranasan niya. She saw how her father got murdered. After nun iniwan pa siya ng nanay at kapatid niya. I feel sad for her.  

  Tinignan ko ang natutulog na mukha ni Dionne. Parang napaka peaceful niya. Madami akong nalaman tungkol sa kanya ngayon, but still, the more na may nalaman ako, the more na parang nagiging misteryoso ang lahat saakin.





Kung saakin nangyari ang lahat ng yun, maybe galit na ako sa mundong to at malamang hindi na ako naniniwala sa diyos. Pero si Dionne, iba. Napaka masiyahin niya parin, napaka positive ng tingin niya sa buhay and ang tatag ng faith niya sa Panginoon.





Her saint-like attitude annoys me to the core. Pero ngayong nalaman ko na ang lahat, parang nakakapagtaka kung paano niya pa napapanatili ang ganyang attitude niya.







It's like she's an Angel sent from above.









~~~





[Venus' POV]





"what?! You're not going home?! What the f*ck Jake!" sigaw ko sa telepono "paano ako?! Magisa lang ako sa unit mo?!"





"wag ka nga manggalaiti diyan na kala mo eh syota kita! Puny3t@!"





"hey Jake listen to me--!!!"





*TOOT*TOOT*TOOT*





"ugghhh pinagbabaan niya ko! He's hella annoying!" sabi ko sabay bato ng phone ko sa kama!  How dare he leaves me here?! After kong bumili ng kama at ng bagong lingerie eh iiwan niya ko sa ere?! Saang lupalop ng mundo ba nagsuot ang lalaking yun?! Nakakaasar! Tsaka bat ba niya kasama yang chimay niya?!

Lumabas ako ng kwarto para manuod na lang ng T.V at makalimutan ko ang asar ko kay Jake ng biglang may nag doorbell.

Sino ba yang nilalang na yan?! pag housekeeper lang yan patay talaga saakin yun at makakarinig siya saakin!

Tumayo ako at padabog kong binuksan ang pinto.

"What the--!!" napahinto ako bigla ng makita ko kung sino ang nasa pinto "m-mom.." she gave me a cold stare at dire-diretso siyang pumasok sa loob.

"ah m-mom, n-napadaan ka dito"

Hindi niya ako pinansin instead, nagtingin tingin siyas a paligid ng unit ni Jake.

"so this is where Jake Marquez lives" sabi niya habang tinitignan yung mga appliances sa living room ni Jake "such a nice unit. For sure milyon milyon ang pera ng batang yan. Grabe ang kasikatan niya sa Pilipinas and even in other countries" tinignan niya ako "unlike you"

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at pilit na binago ang pinaguusapan namin "m-mom, gusto mo bang kumain?"

Hindi niya pinansin ang alok kon "where's he?" she ask me coldly






"ah, h-hindi daw po siya dito matutulog ngayon eh b-but" hinawakan ko ang kamay niya "mom, I think he's falling for me! Onting tiis na lang matutupad na ang plano natin then you'll be---"











*SLAP*









Napahawak ako sa pisngi ko dahil bigla bigla akong sinampal ng malakas ni mommy.





"tsk, hindi ako naniniwala sayo! Ang tagal niyo ng magkasama hindi ka parin niya napapansin?! I didn't name you 'Venus' for nothing! Venus is the goddess of beauty and you should act one too! Napaka bagal mong kumilos! Ang inuutos ko lang naman sayo is to seduce him and hindi mo magawa gawa yun?!"





Yumuko ako "s-sorry mom.."





"Sorry?! Walang mararating yang sorry mo! Para sabihin ko sayo isa ka paring pipitsuging artista Venus!" she stare at me "listen, kailangan mong mahigitan ang kasikatan ni Jake by any means. Kahit gumawa ka pa ng masamang bagay!" nilapitan niya ako "even if you sell your soul to the devil!"





After niyang sabihin yun, tinulak niya ako at tinalikuran niya na ako habang naglalakad papunta sa pintuan.





"mom!" hinawakan ko yung kamay niya and tried my self to smile "samahan mo ko mag dinner please? Miss na miss na kita eh"





Hinatak niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko "ano ba yang sinasabi mo?! You know that I'm a busy person so stop that nonsense!" after that, tuluyan na siyang lumabas.







Marami na akong naging awards, maraming offers at iba't ibang shows but still, hindi ko parin makuha ang recognition ni mommy. Sa totoo lang hindi ko gustong maging artista. What I want is to be a newscaster! Pero ito ang gusto ni mommy at para saakin mas mahalaga ang kasiyahan niya kesa sa kahit ano pa.





Huminga ako ng malalim.





Gagawin ko ang lahat maging proud lang siya saakin. Gagawin ko ang lahat mapansin lang niya ko.





I'll do everything para mahigitan pa ang kahit sinong artista dito.








Kahit pa makuha ko yun sa masamang paraan  ...



Continue Reading

You'll Also Like

376M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.3M 38.1K 52
R-18 BILLIONAIRE SERIES 4 Monterro 2 "I'm a territorial man, Iana. Now tell me what you want, my Love" This man is a devil. "Make the marriage null a...
174K 10.3K 25
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
1.5M 55.2K 80
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ...