Meeting Cecille

By ainoDyei

117K 4K 764

This is a story of a rich teenager who was thrown by her mother in the province to fix and change her messed... More

Meeting Cecille Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4.
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26: Summer Ends
Book Two Preview

Chapter 10

3.6K 124 22
By ainoDyei

Chapter 10



Rae's POV

"Ano ba insan kanina ka pa tulak ng tulak ah" reklamo ko sa pinsan kong si Erica. Muntik na kasi ako masubsob sa kanal. Buti na lang at walang tubig.

"Eh panong hindi kita itutulak kanina pa tayo dito. Napapatingin na satin yung mga dumadaan" nanadito kasi kami sa harapan ng bahay nila Cecille. Actually kung ako din yung pinsan ko magrereklamo na rin ako, bukod nga kasi sa sinabi nyang pinagtitinginan na kami, ang init pa. mag-aalas onse na ng tanghali.

"Eh nahihiya nga kasi ako. Anong sasabihin ko?" lumingon ako sa kanya. Nasa likuran ko kasi sya at nakasilip lang kami dito sa mga tanim na santan sa harapan nila Cecille.

"Anong ano sasabihin mo? De sabihin mong dadalaw lang" parang nakapasimpleng bagay na sagot ni Erica sakin. Di nya alam, parang sinisilihan na yung pwet ko. Hello! Ito kaya unang beses na pupunta ako sa bahay ng taong gusto ko.

"eh pano kung sabihin nyang bakit ko sya dadalawin?" tanong ko pa.

"Hay nako bahala ka dyan. Kugn gusto mo maghapon ka na lang sumuot dyan sa mga santan nila Ces. Basta ako papasok na" sinubukan ko pa syang hilahin pero mabilis na syang nakapasok sa gate nila Cecille.

"Ces!" sigaw nya. Hay ano ba to. Kung nandito si Raff pagtatawanan ako nun.

"Ces! Nandyan ka ba?" nakita kong lumabas si Ces galing sa bahay nila. Ang ganda nya talaga. Hindi sya magarbong manumit. Kung tutuusin ang simple simple lang nya pero yun ang nagustuhan ko sa kanya.

Nakasuot sya ng pinutol na jogging pants hanggang tuhod at simpleng puting t-shirt.

"O Ikang bakit?"

"Painom naman ng tubing. Init na init na ko. kanina pa kami nakabilad dito sa init" gustong gusto kong batukan yung pinsan ko sa mga naririnig kong sinasabi nya.

"Eh bakit ka naman nakabiliad. Ano bang ginagawa mo?"

"kasi ano –" dun na ako lumabas. Langya medyo nawala pa yung poise ko kasi sumabit yung paa ko sa may kahoy na nakahambalang sa tinataguan ko.

Medyo agaw atensyon tuloy yung paglabas ko.

"O Rae nandyan ka rin pala. Anong ginagawa mo dyan sa halamanan?"

"Ah ano – kasi may ano e" walang akong mabuong sentence. Di ko alam ipapalusot ko.

"Wala may nakita lang si insan na palaka. Hinabol nya"

"mahilig ka pala dun?" kita kong tatawa tawa si Erica sakin. Sa isip isip ko lang, lagot ka sakin mamaya.

"Ah eh, hindi naman masyado" lumapit na rin ako sa terrace nila Ces.

"nakakatuwa ka naman" nakangiting sabi sakin ni Cecille. Hay mapapasubo pa ko.

"Ces labas ka namang inumin oh." Pakiusap ulit ni Erica.

"Sama na lang kayo sa loob, may niluluto kasi ako"

"Sige, buti pa nga" tumingin pa sakin si Erica na para bang nagsasabi na "o ayan ha", bago sumunod kay Ces.

Napailing na lang ako. Di ka pa rin bawi saking loko ka.

"Ano bang niluluto mo Ces?" tanong ko nung makapasok kami sa kusina nila. Si Erica naman parang at home lang. sya na rin kumuha ng baso at kumuha ng tubig sa water jug nila Ces.

"Pakain 'to sa mga trabahador sa tumana. Dadaanan ni K'yang Nilo mamaya para dalin dun"

Wo ang galing naman ni Ces, marunong na syang magluto. Ako kasi hindi pa ganun maalam sa kusina. Mga basic, frying or reheating. Kung matatawag bang pagluluto yun. Haha.

"Ano naming niluto mo?" tanong naman ni Erica. Umupo kami sa mahabang upuan nila sa mesa.

"Sinigang na tilapia ito. Gusto raw nila ng may mahihigop"

"Kow! Kainit e. pwede ba kaming makakain?" hay nako. Mga hirit talaga nito ni Erica.

"Oo naman." Yun. Matitikman ko pa yung luto ni Cecille.

"Nako wag na. nakakahiya naman" syempre kunwari nagpapakipot ka diba? Baka naman isipin nya sabik na sabik kaming makikain.

"Ces tapos ko ng sibakin yung mga kahoy" biglang pasok ni kevin galing back door na nakahubad pa tapos nakasampay lang yung damit nya sa balikat nya.

"Bakit nandito yan?" bulong ko kay Erica.

"Eh nagsibak nga raw ng kahoy diba. Di mo ba narinig?" bulong rin saki ni Erica.

"salamat Kevin ha, pasensya ka na naabala pa kita" sabi ni Cecille kay Kevin.

"wala yun, wala rin naman akong ginagawa kanina" Psh. Padisplay display pa to ng katawan. Kala mo naman ang ganda ng katawan.

"Narinig ko. ang ibig kong sabihin san yan galing. Bakit nandito sya?" bulong ko ulit.

"Eh dyan lang sa kabila bahay nyan e" ganting bulong nya.

"Bakit di mo sinabi?" pagalit na bulong ko sa kanya.

"Di ka naman nagtatanong e" hay ang sarap talaga sakalin ng isang to.

"nako wag na. nakakahiya naman" nako kunwari pa tong isang to.

"Sus. Wag ka ng mahiya. Ako nga dapat mahiya sayo kasi naabala pa kita. Basta ha. Dito ka na kumain. Di ako papayag na hindi" sabi pa ni Cecille na hinila pa si Kevin para mapaupo sa upuan.

Dun na rin nawala yung mga kalokohan sa utak ko. bigla akong napaisip ng seryoso. May gusto nga kaya si Cecille kay Kevin?

"wow ang daming tao dito sa inyo ngayon Cecille ah" may dumating na naming isa. Bakit ba palaging may sumusulpot.

"Anong ginagawa mo dito batang plaza?" si Kathy kasi ang dumating. At kailangan pa bang itanong kung sino ang nagtanong nyan?

"Anong pake mo ha?" pabalang din nitong sagot sa pinsan ko.

"bawal ka dito. Dun ka sa inyo kumain" pagtataboy ni Erica dito.

"bahay mo? Bahay mo?" pairap na sagot ni Kathy dito.

"Hay tama na nga kayo. Magsi-upo ka kayo ng makakain na tayo. Maghahain na ko" sabi lang ni Cecille.

"Tulungan na kita" alok ko sa kanya.

"Hindi na Rae. Bisita kita. Si Kathy na lang." pagtanggi naman nya sakin.

"Ano bay an Ces, inalok ka na nga e" pagrereklamo naman ni Kathy.

"Hoy mahiya ka nga. Ikaw na nga makikikain e" hirit na naman ni Erica.

"Hoy ka rin. Di ako nagpunta dito para makikain" sagot ni Kathy

"Di daw. Eh bakti tinaon mo pa na tanghalian?" di talaga papaawat tong pinsan ko.

"Nataon po. Hindi tinaon" bago pa sumagot si Erica pinigilan ko na sya. Inakbayan ko sya na parang sinasakal.

"Tama na nga. Di matatapos yung tao sa paghahanda" saway ko sa kanya. Pilit naman nyang inaalis yung braso ko pero hinigpitan ko talaga yung hawak ko sa kanya.a

"Ano Rae buti naman nataunan na kita" ay teka kinakausap ata ako nitong nasa harapan ko.

"Ha? Ano yun?" kunwaring di ko narinig yung sinabi nya.

"buti kako nataunan kitang nandito. Palagi ka kasing nakukwento ni Ces e" lihim akong napangiti. Palagi pala nya akong nababanggit.

"ganun ba? Ano naming kinukwento nya?" interesadong tanong ko. syempre tungkol kay Ces yun e.

"makulit ka raw, saka masarap kasama" parang pumapalakpak yung tenga ko sa narinig ko.

"hala wag mo na ngang ikwento Kevin. Nakakahiya kay Rae" sabi ni Cecille habang nilalapag yung mga plato sa mesa.

"Hindi, okay lang yung Ces" sabi ko.

"Ate! Ate Rae! Nandyan kayo?" rinig naming sigaw ni Itoy sa labas

"O nandyan yung kapatid mo. Mukang sinusundo na kayo" sabi ni Kathy.

Ano bay an wrong timing naman tong si Itoy.

"Nandito sila!" sigaw naman ni Kathy. Aish.

"pasok na po ako ha!" sigaw pa ni Itoy

"Sige lang Itoy" sagot pa ni Kathy na kala mo naman sya yung may bahay.

"Ate tawag na kayo ni Nanay. Kakain na raw" yan ang bungad ni Itoy.

"Dito kami kakain Itoy sabihin mo kay Nanay" sagot ni Erica.

"oo nga Itoy. Sabihin mo na lang" sigunda ko.

"Hindi pwede. Sabi ni Nanay wag daw ako uuwi ng hindi kayo kasama. Papagalitan ako nun" ano ba naman tong batang to.

"O umuwi na kayo. Papahamak nyo pa tong batang to" sulsol ni Erica sa reklamo ni Itoy.

"Sige na Rae, Ikang. Papadalhan ko na lang kayo nitong luto ko" ay ano bay an pati si Ces pinapauwi na kami.

"Eh Ces" protesta ko.

"Sige na, marami pa naming susunod e" sabi nya. I guess wala na kaming magagawa kung hindi sumama kay Itoy. Pero kasi ayokong iwan si Ces na kasama yung lalakeng yon. Pano kung magkabi silang uupo sa hapag? Pano kung magkakabungguan yung mga braso nila sa twing susubo sila?

O kaya magkatitigan sila tapos magkiss sila?

Oh nooooooo!

"Rae!"

"Insan! Huy!"

"ha?" lutang na sagot ko.

"bigla ka na lang natutulala dyan! Napasukan ka na ba ng init sa utak mo?"

"hindi ah, pinagsasasabi mo dyan?"

"O eto Rae, naglagay na ko sa mangkok." Sabi ni cecille. Nilapag na ni Ces yung isang mangkok ng ulam sa harapan namin ni Erica. Inunahan ko na sya bago pa nya kunin yung mangkok.

"Sige Ces, uuwi na kami" napipilitang sabi ko na lang.

"Ikaw talaga Itoy dapat sinabi mo na lang kay Nanay" sabi ni Erica sa kapatid nya sabay batok ng mahina dito.

"eh sabi nga ni Nanay wag daw ako uuwi ng di kayo kasama. Saka dadating na daw si tatay. " sagot naman ni Itoy na hinihimas himas yung ulo nya.

"kahit na. sana nagdahilan ka na lang na di mo alam kung nasan kami" sabi pa ni Erica.

"Di pwede kasi may nakakita na sa inyo na nag-aabang daw dito sa tarangkahan nila Ate Ces"

"Sabi ko sayo insan e. ang dami nakakita satin"

Di na lang ako nakasagot. Iniisip ko pa rin kasi na iniwan namin si Cecille na kasama ang lalaking yun.

Pagdating namin sa bahay, halos ako lang ang kumain ng luto ni Ces, hindi ko ito magawang ishare sa iba. Buti na lang at alam naman nilang lahat kung bakit.

---

Mean while in Manila...

"hatchu!" ilang beses ng bahing ng bahing si Raf.

"Ano ba Raf. Kanina ka pa bahing ng bahing. Baka nagkalat na dito yung virus mo" saway ni Pat sa kaibigan nya.

"pwede ba Pat. I have no virus. There might be someone somewhere talking about me" sagot naman nito sa kaibigan habang kinakamot kamot yung ilong nya.

"who? Maybe those game freaks na tinalo mo sa game center" panunuya ni Pat sa kaibigan.

"why are you so 'you'?"

"what do you mean I'am so 'me'?"

"basta. Ang hirap iexplain e. parang ikaw. Mahirap iexplain." Nakatikim naman sya kurot sa kaibigan.

"ewan sayo" umiirap pang sabi nito

"ang tagal na rin ni Rae sa probinsya no? malamang mamatay na yun sa inip dun"

"I don't think so"

"What do you mean?" tanong ni raf sa kaibigan nya.

"Diba nga, last time nung tumawag sya and she's talking about a 'girl she like'" napaisip naman si Raf.

"hmm. Oo nga no. baka maunahan pa ko ni Rae magkagirlfriend" pumapalatak na sabi ni Raf.

"Diba naunahan ka naman na nya talaga?"

"Di ah! Di pa yun nagkaka-girlfriend" mabilis na tanggi nito sa kaibigan nya.

"What about Leslie nung high school tayo?"

"Hindi nya yun naging girlfriend. That girl is a 'straight'" Raf answered while quoting the word straight.

"eh ano naming tawag mo kay Vicky?" biglang naningkit yung mata ni Raf.

"That girl! Nagpasulot sya sa kaibigan ni Dee, yung barkada nyang si Jino" bigla naming naalala ni Pat yun. Oo nga pala, sa isip-isip nya. Isa nga pala yun sa pinag-awayan nila ng kambal nya. Dahil ang paniniwala ni Rae, pinaligawan ni Dee si Vicky kay Jino para asarin lang sya.

"So ang ibig sabihin pareho pa kaming NGSB ni Rae" napairap na lang si Pat sa kaibigan. Masyado naman kasi itong proud dun.

"By this time, I think ikaw na lang ang walang girlfriend."

"No! that can't be! Tatawagan ko si Rae. Icoconfirm ko sa kanya" sabi ni Raf. Nilahad nya yung kamay nya kay Pat.

"O ano yan?" takang tanong naman ni Pat sa kaibigan.

"Pahiram ng phone, naiwan ko yung phone ko sa bahay nakacharge."

"Ayoko nga. Mamaya kung ano ano na naming idadownload mo dito sa phone ko" nagugualt na lang kasi si Pat na may game o kaya app sa phone nya na hindi naman sya ang naglagay.

"Ang damot mo. Para tatawag lang e"

"hindi ako madamot no! pero kugn ikaw ang manghihiram I'd rather be!"

"Akin nay an!" pilit na inaagaw ni Raf yung phone ni Pat.

"I said I don't want to!" pilit naming nilalayo ni Pat yung phone nya.

"Give me that phone!"

"No way!"

Bigla naming sumilip si Tita Annie.

"Kids, miryenda time!" huminto naman si Raf sa pag-agaw ng phone ni Pat.

"Pasalamat ka miryenda na" sabi nito tapos iniwan pa si Pat na nagsa-sign ng "I'm watching you' gamit ang dalawang daliri nya.

"Glutton!" sigaw lang ni Pat sa kaibigan.

---

"Insan may tanong ako sayo" sabi k okay Erica habang nakatambay kami sa pasimano ng bintana sa kwarto ko. gabi na at maya-maya sasabihin na naman ni Titan a matulog na kami.

"Ano yun insan?"

"Pano ba sila Cecille at Kevin dati pa? I mean are they really that close na pumupunta punta sya sa bahay nila?"

"Ah yun ba. Oo sobrang close. Magkababata kami nyan. Lima nga kaming palaging magkakalaro noon e. kaya lang nung second year high school kami kinuha na si Anton ng tita nya sa Canada para dun mag-aral" tumango tango ako.

'Bakit ba? Diba tinanong mo na yan dati?"

"Oo nga. Kaya lang parang iba kasi e"

"Panong iba?" tanong nito sakin.

"Parang may gusto kasi si Kevin kay Cecille."

"yun? Sa tingin ko naman wala. Matagal na kaming magkakakilala e. de sana noon pa sya nanligaw kay Ces. Pero meron akong kilalang tao na siguradong may gusto kay Ces"

"Huh? Sino?" agad kong tanong.

"yung kababata naming si Anton. Bata pa lang kami sinasabi na nun na si Ces ang papakasalan nya pag lumaki kami e"

"ganun ba?" hindi ako nathreaten sa sinabi ni Erica nay un. Malayo na yun e. ano namang magagawa nya? Mas inaalala ko tong si Kevin dahil nandyan lang sya.

"O bakit parang hindi ka naman interesado?"

"iba kasi yung mas iniiisip ko."

"Ano naman yun?"

"Na baka gusto nya si Kevin" napabuntung hininga ako. Sakit sa dibdib sabihin yun.

"Eh kala ko ba sinabi nya sayo na hindi?" nasabi ko na rin kasi kay Erica yung napag-usapan namin nay un ni Cecille sa simbahan.

"Oo nga e. kaya lang parang iba e. masyado naman ata silang kumportable sa isa't isa parang maging normal na magkaibigan lang" I clench my fist to that thought.

"wag mong bigyan ng malisya Insan. Yang si cecille malambing na tao talaga yan. Kita mo naman kahit sayo na kakakilala lang nya mainit na pagtanggap nya diba?" di pa rin ako makumbinse sa sinabi ni Erica.

Kung iisa-isahin ko kasi yun mga observation k okay Cess a twing mababanggit nya o kaya pag nandyan si Kevin parang di pa rin ako makapaniwala na hanggang ganun nga lang.

"ewan ko insan" sagot ko na lang.

"Pano ka ba mapapanatag? Pag sinabi na nyang ikaw ang gusto nya?" hindi ako nakasagot sa sinabi ni Erica. Para bang may isang bahagi ng puso ko na agad ng sumagot ng oo.

I have crushes in Manila. I almost had a girlfriend. And all that experience doesn't give this uneasy feeling. Ano bang meron kay Ces?

"Alam mo insan, para matigil na pag-iisip mo bakit hindi mo na lang sabihin kay Ces na gusto mo sya?"

"Hindi naman ganun kadali yun insan. Sino naming maniniwala pag sinabihan kang may gusto sayo eh kakakilala lang namin. Maybe if I were in a bar in Manila, I could've easily say that and they would easily take me. Iba naman si Cecille. I want her to feel my sincerety"

"Eh pano hanggang kelan kang ganyan?" nagkibit balikat ako. Hindi ko naman kasi alam. Isa pa, naiisip ko rin, what will be next to us when summer is over?

"ewan, ang gulo mo. Gusto mo pero ayaw mong sabihin tapos nagkakaganyan ka. Kaya ako di muna ko papasok sa isang relasyon. Sakit sa ulo!" sabi nito tapos naglakad na papuntang pintuan.

Sakto naman bubuksan din ata ni Tita kasi nakataas ng yung kamay nya.

"O nay, eto na lalabas na."

"Ganun ba? Sasabihin ko pa lang sana na wag na kayo masyado magpagabi"

"Oo nay. Kaya tara na. matutulog na raw si Rae" tiningnan pa ko ng makahulugan ni Erica bago nya tinulak ng marahan palabas si tita at sinara ang pinto.

And what things changed and Cecille suddenly turns out to like Kevin? Would I be ready with that? How will my heart take that?

Nung gabing yun natulog akong nakapagdisisyon ng unti unti kong ipaparamdam kay Cecille na gusto ko sya.



===

late update! I went buying gifts yesterday. (for myself lol) so tired to write an update. sa pasko meron guys! christmas gift ko sa inyo. salamat sa pagtatyaga na hintayin ang updates ko! :)

Tell me how you feel about this chapter, iwan naman kayo ng comment. catch you on Christmas!

Sana wala namang nabagyo sa inyo. be safe shipmates.

P.S

hi love!


Continue Reading

You'll Also Like

6.4K 462 52
Moon has different forms and colors but all of them scream perfection. Many people admire the moon, just like Lenoxx. Moon gives her comfort, happin...
765K 4.5K 7
(Sarvantes Series#1) - Venus Athlea Sarvantes I'm married to a woman? What the hell? I'm married to a mafia queen? Wait! What? This is GirlxGirl! Hi...
293K 1.1K 6
Bree hates her controlling father kaya naman ng nalulugi na ang companya nila at pilit siyang ipinagkakasundo nito kay Chale Hernandez ang bilyonaryo...
30.6K 1K 21
"I made a promise to myself that even if it's not me.. the one that you love, I'll stay inlove with until the day that I can make you mine." -Minatoz...