Marrying My Ex [MinSul]

By darkkkAJ

330K 6.2K 642

Nakakabanas nga naman kung ipakasal ka sa ex mo diba? Paulit-ulit nalang na ganyan ang mga istorya. Pero tala... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
PLEASE READ
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 5

10.8K 216 7
By darkkkAJ

CHAPTER 5 - Indirect Kiss

Taejoon’s POV

Sinundo ko si Jaehee sa bahay nila, na nasa tapat ng bahay namin, at sabay kaming pumunta sa Byeokjae Galbi para sa Dinner namin. Hindi naman formal dinner yun, kasi barbecue restaurant ang pinili ng babaeng ito, kaya hindi kami nagformal attire.

Nagulat nalang kami ni Jaehee dahil pagdating namin doon, nandoon na ang mga parents namin, nagkwekwentuhan. Sigurado, tungkol sa business na naman.

Humalik ako kay Mom at kay Tita Sojeong.

 

“Goo Jaehee!” lahat kami ay napatingin kay Tita Sojeong. Kitang galit na galit siya. Siguro ay dahil sa itsura ni Jaehee. Si Tito Minwoo naman, gulat na gulat pero kalmado pa rin.

“Excuse me, for a while.” Sambit ni Tita Sojeong. Tumayo ito at lumapit kay Jaehee.

“My princess, anong nangyari sa iyo? Bakit ganyan ang itsura mo?” may halong lungkot ang boses ni Tita. Tumayo rin si Tito Minwoo at lumapit sa kanila.

“M-mom…” nag-aalalang sagot ni Jaehee. Ako rin, gusto ko rin sanang marinig ang explanation ni Jaehee. Bakit ganyan na siya.

 

“Honey, nandito tayo para sa dinner. Kalma lang.” sabi ni Tito Minwoo sa asawa niya.

Bumalik nalang sa upuan niya si Tita Sojeong, at ngumit siya nung tumingin ako sa kanya, pero halatang galit siya. Sino ba naman ang hindi magagalit kung ang nagiisang anak mong babae, maging lalaki. (Alam niyo na ang ibig kong sabihin.)

“Kumain na tayo. Mamaya ka nalang magpaliwanag pag-uwi, okay?” sabi ni Tito Minwoo kay Jaehee.

“Yes, dad.” Sagot naman ni Jaehee.

Umupo na sila sa mga upuan nila at nagsimula nang magdatingan ang mga orders namin. Kung ano-anong pagkain na talaga namang nakakagutom.

Medyo awkward nga ang atmosphere kasi tumahimik si Tita Sojeong.

“It’s been a long time simula nung huli akong kumain ng barbecue.” Sabi ni Mommy, to break the silence.

“Ako rin.” sagot naman ni Dad. Tapos nagsimula na naman silang magkwentuhan ng kung ano-anong bagay na hindi ko naiintindihan, regarding business/

Si Jaehee, na nasa harap ko, hindi umiimik, ni hindi nga siya masyadong kumakain. Nakayuko lang siya.

“Congratulations nga pala, Taejoon.” Sabi ni Tito Minwoo. “Napanood namin sa TV ang competition. Ang galing mo talaga.”

“Thank you po.” Tapos ngumiti ako. Buti pa sila, pinanood ang competition ko, samantalang si Dad…

 

 

 

Natapos ang Dinner namin na tahimik si Jaehee. Siya pa naman ang pumili ng restaurant pero hindi siya masyadong nakakain. Sumabay na siya kina Tito Minwoo sa pag-uwi.

***

Jaehee’s POV

Hindi maganda ang unang pagkikita namin ni Mommy, galit na galit siya dahil sa itsura ko ngayon. Ano naman? Ganito na nga kasi ako eh. >.<

Tinawagan ko si Kuya Daniel.

“Hello? Kuya?”

 

(Hulaan ko, pinagalitan ka nina Mommy?) tapos tumawa siya.

“…”

 

(Alam mo, Jaehee, hindi mo naman kailangang magpakaganyan eh. Ikakasal kayo ni Taejoon. Diba siya naman ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan?)

 

“Kuya, hindi mo naiintindihan.”

 

(Fine. Okay, edi hindi ko naiintindihan. Eh bakit ka tumawag? What do you want to hear from me?)

 

“Oo, ganito ako dahil kay Taejoon. At umaasa na rin ako na hindi matuloy ang kasal namin dahil dito.”

 

(Are you out of your mind?)

 

“Aish… Kuya.”

 

 

(You know what, Jaehee- I mean JAY, pag-isipan mong mabuti yan.)

 

 

(End of Call)

 

 

Simula nung iwan ako ni Taejoon, para sa High Jump, pumunta ako sa US. Nag-aral ako doon for two years at heto ako, nandito na naman. Oo, nung iniwan niya ako, ipinangako ko sa sarili ko na hindi na magmamahal ulit, natatakot ako na baka iwan lang ulit ako ng kung sino mang mamahalin ko.

I changed myself. Ginawa kong iba ang itsura ko, pinatigas ko ang puso ko. Ang sakit-sakit kasi ng ginawa ni Taejoon eh. Sa sobrang sakit, nagbago ako dahil sa kanya. Heto na ako ngayon, dahil sa sobrang tigas na ng puso ko, naging pusong lalaki na tuloy.

Masisisi ko ba ang sarili ko kung nagkaganito ako?

“Jaehee?”

 

“Dad?”

 

“Can we talk?” tapos lumapit sa akin si Dad. Binigyan niya ako ng Coffee drink.

Nag-nod ako.

“Hindi ako nagulat nung nakita kita kanina…” sabi niya. “Sinabihan na kasi ako ng Kuya mo, tungkol sa iyo. Pero hindi ko sinabi sa Mommy mo yun dahil susugod yun sa US. Alam mo na…”

 

Tumawa naman ako.

“Pero, sigurado ka bang… g-ganyan ka na, anak? Hindi na ba magbabago?”

 

 

Hindi ako nakasagot.

Biglang nilabas ni Dad ang wallet niya at may kinuha siyang picture.

“Ito, ito pa rin ang inaasahan ng Mom mo na itsura mo, or better.”

 

 

Kinuha ko yung picture ko. Ang ganda ko…

“Ang ganda ko pala…” Di ko namalayan na nasabi ko nang malakas yun.

“Syempre naman, maganda ka, Jaehee. Ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo… sunod ang Mommy mo.” Tapos tumawa siya.

“Hindi ba pwedeng maging ganya ka nalang ulit?”

 

 

Napatingin ako sa kanya. “D-dad…”

 

 

“Okay, alam ko nasaktan ka dati, dahil kay Taejoon.” Napayuko ako. “Pero anak, you don’t have to be like this.”

 

 

 

Inaamin ko, insecurity almost killed me before. Nung iwan ako ni Taejoon dati, inisip kong baka hindi ako sapat. Isa ring dahilan yun, actually, yun talaga ang nagboost para maging ganito ako.

“I’ll let you think about this. Remember, ikakasal ka. If you’re thinking na hindi itutuloy ang kasal dahil ganyan ka, kasinggwapo na ni Taejoon, nagkakamali ka.”

 

 

 

“Yes, Dad.”

 

 

 

“Sige, magpahinga ka na. Magpapahinga na din ako.” I kissed Dad sa cheek at naglakad na siya paalis.

 

 

 

“Wait… Dad?” Humarap siya.

“Kailan po ang kasal?”

 

“Malapit na. Malapit na malapit na.” He smiled at me at bumalik na siya sa kwarto niya.

***

I woke up early para magjogging. Saktong paglabas ko ng bahay, nakarinig ako ng tahol.

“Sangchu-ah!” Nasa labas ito ng gate nila Taejoon.

“Good morning, baby. Bakit ka nandito sa labas? Nakalimutan ka bang ipasok ng amo mo?” tanong ko dito.

“Sangchu! Tara na magjog-“ napatigil si Taejoon nung nakita niya ako.

“Oh, bakit ka nandito?” tanong niya.

“I’ll go jogging sana kaso nakita ko si Sangchu, akala ko nakalimutan mo siyang ipasok.”

 

“Magjojogging din kami eh. Sabay na tayo?” tanong niya.

I suddenly remembered everything in the past, parang flashback. Nung sabay kaming tatlo na nagjojogging sa umaga. Lahat ng ginagawa namin ni Taejoon together, naalala ko lahat.

“Arf! Arf!” at nagising ako sa katotohanan.

"Ah... S-sige ba. Sabay na tayo." sagot ko.

Nagsimula na naming ikutin yung compound, same route as before.

Nung naikot na namin, umupo muna kami sa isang bench sa park, just like before rin.

"Nakalimutan ko yung bottle of water ko. Nauuhaw ka ba?" tanong niya.


"M-medyo." sagot ko. Ano ba itong nararamdaman ko, bakit ganito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? >.<

Tumayo siya tapos maya-maya, bumalik din at may dalang bote ng tubig. Uminom muna siya saka niya ibinibigay sa akin.

Nakatingin lang ako sa kanya. Gusto niya talagang uminom ako ng tubig sa pinaginuman niya?! Indirect kiss yun! >.< Teka, eh ano naman? Bakit binibigyan ko ng malisya, siya nga hindi oh?

Kinuha ko naman yun at uminom ako.

"Akala ko, sasabihin mo, 'Eew, Kang Taejoon! Iinom ako sa boteng pinaginuman mo? That's indirect kiss!'" At ginaya niya ang boses ko, nung babae pa ako. >.<

"Tss. Ang bading mo." sagot ko.

"Pansin ko lang ah, kanina ka pa natutulala. May problema ka ba?" tanong niya.

"W-wala noh. Ano namang proproblemahin ko, ang saya-saya ko kaya."

"Oh baka naman nagwagwapuhan ka na naman sa akin?" tapos inilapit niya yung mukha niya sa akin.

Dug-dug. Dug-dug. Dug-dug. I can hear my heartbeat. Naririnig rin ba niya? Kainis naman, anong nangyayari sa akin? >.<

Tinulak ko siya at tumayo ako. "Asa ka, Kang Taejoon!" Naglakad na ako paalis,

"Hoy! Saan ka magpupunta?" tanong niya.

"Uuwi na." sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

***

Taejoon's POV

Nagising ako sa tawag ni Tito Minwoo.

"Hello, Tito?"

(Taejoon, gumising ka dyan! Magjojogging si Jaehee ngayon. Tingin ko magandang pagkakataon na ito para simulan ang mission mo.)


Mission? Mission Impossible? Teka ano daw?

Bumangon ako at nag-isip ng mabuti. Naalala ko ang pinagusapan namin ni Tito kagabi, tungkol sa mission ko.


"Ah. Sige po, TIto. Salamat po."

(End of Call)

Nagmadali ako sa magbibihis at inilabas ko na si Sangchu, pero parang may nakalimutan yata ako.

Ah oo! Yung handphone ko. Bumalik ako sa loob, itinali ko muna si Sangchu sa gate at paglabas ko, nandoon na si Jaehee.

Nagjogging kami paikot ng compound, gaya ng dati. Nung nakaupo kami sa bench, bumili muna ako ng tubig. Isa rin pala yun sa mga nakalimutan ko kanina. >.< Nagmamadali kasi eh.

Sinadya kong bumili ng isang bote ng tubig lang para magshare kami.

Uminom ako sa harap niya saka ko inabot sa kanya yung bote. Medyo nagdalawang isip pa siya kung kukunin niya o hindi.

Pero, kinuha pa rin niya =) At indirect kiss yun! Hahaha.

Sinubukan ko ring maglambing, pero tinarayan lang ako. Iniwan nga ako oh. Dati, sweet tong babaeng ito pero mukhang nagbago na nga talaga siya.

"Hoy! Saan ka magpupunta?" tanong niya.

"Uuwi na."


Hinabol ko siya. "Sabay na tayong umuwi." sabi ko.

"Sige."


Tahimik lang kaming naglalakad pauwi nang biglang may kotseng huminto sa harap namin.

Leche. Muntik pa nga akong masagasaan eh! Napaka-careless naman ng driver nito. Paano kung nahagip niya ako at nainjure ako? Edi hindi na ako makakapaghigh jump!

Susugurin ko na sana ito ng biglang bumaba yung bintana.

Isang lalaking naka-shades. Aba, ang yabang na dating ah!

Susugurin ko na ulit sana ito nang...

"C-Cha Eungyeol?"


Kilala ni Jaehee?!

---------------------------------------------------------------------------------------

Well, new character! Here's Cha Eungyeol played by Lee Hyunwoo. Siya si Lyndon sa Tagalized TTBY. What's his role kaya? :P

VOTE and COMMENT pls! Thanks po :)

- AJ

Continue Reading

You'll Also Like

39.9K 2K 40
maymay- isang simpleng babaeng wala pang ibang gustong gawin sa buhay kundi ang ienjoy ang buhay dalaga nya...isa sya sa mga naka linyang NBSB. Di nm...
819K 21.6K 38
I love him But he can't love me back Paano nga ba niya ako mamahalin kung ang asawa ko ay tinaguriang........ The ultimate cassanova Kaya ko bang pal...
25K 422 69
Im an NBSB. Maganda ako pero hindi pa ako nagkakajowa, crush oo pero boyfriend hindi pa at hinding hindi ko na hihilingin pa. Nasa pamilya ako ng hig...
115K 1.4K 43
[COMPLETED] Trey and Marley -slash- Han and Ni... They've been together against all odds for seven years, in a relationship for five years, and happi...