KATH’S POV:
“Testing-in mo nga ‘to Kath.” turo niya sa isang lantern.
Kumuha naman ako ng posporo at sinindihan ito.
“Aray ! “
Nagkabanggaan kami ni Daniel. Nadaplisan tuloy ako nung apoy sa kamay.
“Sorry Kath ! Sorry ! ”
Kinuha niya naman ang kamay ko at hinawakan ito. Hinaplos haplos niya ito at hinipan.
“Masakit ba?” hinipan niya ulit. “Sorry ha? Di ko naman sinasadya eh.”
“H-Hindi naman. Nadaplisan lang ako.” hinila ko naman agad ang kamay ko. May kaunting pula ito.
“Sabi kasi sa’yo eh. Mag-ingat ka.”
“Hala? Sinabi mo ba yan kanina?”
“Kahit na hindi sinabi. Basta tandaan mo na lagi ka dapat mag-ingat.”
“Ikaw kaya ang nagpang bangga.” bumelat naman ako sa kanya.
“Alam mo yung hindi sanasadya?” bumelat din siya.
“Ai nako. Ewan ko sa’yo Padilla.”
“Ewan ko din sa’yo Padilla.” tumawa naman siya.
I made a face at him at nagpatuloy na sa pagsindi ng mga lanterns.
“Kath, tingnan mo ‘to.”
Tumingin naman ako sa kanya. Nagsnap siya at automatic na umilaw ang mga lanterns sa paligid ng la mesa.
“Maganda ba? I hope Carmen likes it.”
“Oo.” napayuko na lang ako. Buti pa si Carmen. Mahal na mahal niya…
“Ok ka lang?”
“Yeah.” binitawan ko na yung mga posporo. “Balik na ako sa cottage namin. Tapos na ang trabaho namin dito.”
“Di niyo kami sasamahan ni Carmen?”
“Para san pa? Moment niyo yan di ba?”
Lumakad na lang ako palayo.
“Kath ! “ tawag niya sa’kin. “Thank you sa tulong niyo.”
Tumango na lang ako at bumalik sa cottage.
“Ki, sorry sa sinabi ko kanina. Dapat hindi ako nagpadala sa nararamdaman ko. Sorry talaga.” niyakap naman ako ni Micole.
“It’s okay. Alam ko naman yun eh.”
“Sorry talaga.”
“So, ano nang plano mo?” tinaas naman ni Gem yung kurtina. At nakikita ko si Carmen na nakablindfold. Ginagabayan siya ni Daniel.
“Wala. Hindi ko alam.”
“Are we going to stay in this damn cottage and let them have their moment? I say NO ! Let’s get out there and ruin their evening ! Charge ! “ sabi ni Micole habang tinataas ang lapis sa hangin. Pretend that the pencil was a sword.
“Ui, anong charge? Wala. Hindi tayo susugod.”
Oha? Talo pa yung mga sundalong nakikipaglaban.
“Eh pano dinner natin? Di uso room service dito no?” -Trisha
“Oo nga no? Hm. Rock paper scissors. Matalo, lalabas at kukuha ng pagkain.”
Tumango naman sila sa sinuggest ko.
Tae. Sana pala hindi ko na sinuggest yun. Ako tuloy yung natalo -.-
Tatakbo naman agad ako sa may resto nang may humila bigla ng buhok ko mula sa likod ko. Si Carmen.
“Look here dear. Ruin my evening and you’re dead.” naglabas naman siya ng kutsilyo. “Bread knife lang ‘to dear. Pero kayang kaya kitang patayin gamit ‘to.”
Di naman ako nagpapasindak sa kanya. Pero sa loob, takot na takot na ako. Kayang niyang pumatay? Para kanino? Kay Daniel? Ang babaw ng dahilan niya ! The hell !
“Bitiwan mo yan Carmen.” mahinahon kong pakiusap sa kanya.
Tinapat niya ang matulis na side ng kutsilyo sa may leeg ko.
“Promise me first that you’ll leave us alone. Then, ibababa ko ‘to.”
“Fine. Di ko kaya guguluhin.”
“Promise for your friends too. Para sigurado na rin di ba?”
“Fine. Pati sila.”
Binitiwan niya ako.
“Not a word to the staffs. Baka pati ang kapatid mo, madamay ko.”
No. Hindi pwedeng madamay si Daniel…
“Fine.”
She grinned at me and umalis na. Napahawak na lang ako sa leeg ko. Kaya niyang pumatay? The hell. Tapos pati yung reason ng pagpatay niya, papatayin niya rin? Ang labo niya. Pero malalaman ko din kung ano yung binabalak niya. Sa akin, sa mga kaibigan ko at kay Daniel.