Its So Called COMPLICATED

By Ladymania

3.5K 177 7

If you love someone, you are willing to wait no matter how complicated life and love is. Even if takes time... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 7

88 2 0
By Ladymania

+++++

Excuse Letter

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking balat. Hindi ko magawang maimulat ng deritso ang aking mga mata sapagkat masakit ang epekto nito. Napatingin ako sa paligid.

Teka, paano ako nakarating dito? Ang huling pagkakaalala ko ay nakatulog ako sa kotse ni Jarell. Don't tell me, he carried me? Nang hindi ko nararamdaman? Ganoon na ba ako kapagod para hindi magising kagabi?

I sighed. Siguro nga pagod ako dahil sa program. Should I thank him? Nah, I remembered, I don't want to see his face. I don't even want to talk to him. So, I don't need to say thank you because I never told him to carried me and put me in my bed.

I reach for my phone in my bed side table to check if there's a message or call. But to my surprise, merong text galing sa isang unknown number. Binuksan ko at binasa.

0999*******

Where are you? You're late Roiss! Si Clarisse ito nakitext lang ako!

Bigla akong napabangon sa aking hinihigaan at napatingin sa orasan. Napamura ako ng ilang beses ng makitang fifteen minutes na akong late. At kung maliligo pa ako at mag-aayos, hindi na ako aabot pa sa klase! Damn, may quiz pa naman kami ngayon kay Sir Arvin! At kapag hindi ako nakakuha no'n baka mawala ang honor na gusto ko!

"Shit! Ang tanga mo Roiss!"

Hindi nalang muna ako papasok at magbibigay nalang ng excuse letter. Pero ang problema wala ngayon sina Mama dito. Naalala kong ngayong araw sila babalik ng America. At kailangan ko ng parents signature to ensure that Sir Arvin will accept my excuse letter.

"Aish! Nakakainis."

Ayokong humingi ng tulong kay Jarell. Pero paano naman iyong excuse letter ko? Siya lang ang pwedi kong hingian ng tulong! Ayokong mawala ang pinaghirapan kong abutin.

I don't have a choice. Pumunta ako sa kanya at kinatok ang pinto ng kwarto niya nang matapos kong isulat ang excuse letter ko. Noong una ay nagdadalawang isip pa'ko pero para sa quiz ay gagawin ko.

I was taken aback when Jarell opened the door. I look away when I saw him not wearing something on his upper body. Itinaas ko ang kamay ko na may hawak na excuse letter habang hindi parin nakatingin sa kanya. Napatikhim ako bago magsalita.

"Pwede mo bang pirmahan ang excuse letter ko? K-Kailangan ko lang—."

"Okay."

Kinuha nito sa kamay ko ang excuse letter pero sabay hila sa'kin papasok ng kwarto niya. Napatili ako sabay tingin sa kanya ng masama. What the hell?! Akmang bubuksan ko sana ang pinto ng pigilan niya ako. Ikinulong niya ako sa pinto pero nagpapasalamat ako dahil hindi ako nakaharap sa kanya. Kung iyon ang nangyari, siguro hindi na'ko makakahinga pa ng maayos. Ganito pa nga lang na nakatalikod ako, I felt suffocated how much more kung nakaharap ako.

"Jarell!" sigaw ko ng maramdaman ko ang mga kamay niyang unti-unting pumupulupot sa bewang ko. Pilit kong tinatanggal iyon pero ayaw niya akong bitawan.

"Jarell ano ba?!" I shrieked.

Mali ang desisyon kong humingi ng tulong sa kanya. Sana pala hindi nalang ako pumunta dito.

"Bakit galit na galit ka sa'kin?" tanong nito na ikinagulat ko.

Natawa ako. Oo nga, bakit nga ba ako galit sa kanya? Because I felt disrespected? Iyon lang ba talaga? Kasi nga diba ayoko sa mga playboys kaya ayoko rin sa kanya?

"I hate you for so many reasons Jarell. So please stay away from me," sabi ko ng buong tapang kahit na ang totoo ay sobra-sobra ang kaba ko. Kahit na nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa presensiya niya.

Lumayo ito kaya mabilis na binuksan ko ang pinto at lumabas. Pero bago ako makalayo ng tuluyan ay narinig ko pa siyang nagsalita.

"You still hate me because of that reason."

KINABUKASAN ay agad akong pumunta ng office ni Sir Arvin para makiusap na kung pwedi niya akong pakuhanin ng exam kahit na walang excuse letter. Hindi ko na nakuha kay Jarell dahil hindi na kami nagkaabutan pa sa bahay. At wala rin akong balak na harapin siyang muli pagkatapos ng nangyari kahapon.

Kumatok ako at bumungad sa akin ang working student na sekretarya yata ni Sir. Busy ito at mukhang maraming ginagawa. Tumikhim ako para makuha ang atensiyon niya.

"Umm..si Sir?" I asked.

"Sa loob, may kailangan po kayo?"

"Yap, magpapaconsult lang sana ako sa kanya," I said while smiling.

"Ah, sige, sasabihan ko lang. Wait ka nalang muna dito," she said kaya tumango ako.

I waited for her to come back. Mga ilang minuto lang ay bumalik na rin ito habang nakangiti. I smiled back to her.

"Pasok daw po kayo," she calmly said.

"Okay, salamat!" after I said that I went inside. Pagpasok ko nakangiting Sir Arvin ang bumungad sa'kin. Gusto ko mang itaas ang kilay ko pero hindi ko magawa.

Meron kasi sa kanyang hindi ko maintindihan. Everytime I looked at him, naaalibadbaran ako o naiinis for some unknown reason. Nape-preskuhan kasi ako sa kanya.

"Good morning Sir," bati ko dito.

"Why were you absent yesterday?"

Napayuko ako. Hindi ko naman gustong umabsent.

"Sorry Sir, nasubrahan po sa tulog."

Akala ko papagalitan ako nito pero laking gulat ko ng bigla itong tumawa ng malakas.

"You are so honest Miss Torres."

Hindi naman kasi ako sinungaling. I hate liars kaya nga ganoon nalang kalaki ang galit ko kay Jarell.

Ipinilig ko ang ulo ng maalala ko na naman ang lalaking iyon. Dapat ko siyang burahin sa utak ko palagi.

"Nandito po ako Sir para sana kumuha ng quiz."

"Okay!"

Tumayo ito at binigyan ako ng testpaper. Buti nalang at may dala akong ballpen.

"You may sit there," he said, pointing at the table near the door.

"Okay Sir."

Pumunta ako sa table na tinuro niya and I place my testpaper in the table. I started answering the quiz. It takes me thirty minutes to finish it. Good thing, I studied kaya nasagutan ko ng maayos.

"Done?"

Napatingin ako kay Sir sabay tango. I shake my hands before I stand.

"You may put your testpaper here in my table," sabi niya habang hindi inaalis ang paningin sa akin.

Napanguso ako ng patago dahil nakaramdam ako ng konting hiya at na-conscious ako ng bahagya sa mga titig niya.

"Okay Sir. Thank you," sabi ko at inilagay ang testpaper ko sa mesa niya.

I was about to leave ng bigla niya nalang tawagin iyong apelyedo ko.

"Ms. Torres."

Napalingon ako sa kanya.

"Bakit po?"

"Crap that po, okay?"

Muntik na akong mapairap sa sinabi niya. Okay, calm down Roiss. He is still your Professor. You need to respect him even if you don't like him as a person.

"Okay Sir, no worries. May kailangan kayo, Sir?"

"Yap, puso mo."

Halos mabinge ako sa sinabi niya. Did I heard him right? Nagpapatawa ba'to? Kung oo, hindi nakakatawa! Naiinis ako.

"Pardon Sir?"

He smiled. "Nothing, I'm just kidding Miss Torres."

Oh great, sobrang nakakatawa. Note the sarcasm. This is the reason why I hate him so much because of his so called kapreskuhan.

"Ah, okay. May kailangan pa ba kayo Sir? Kung wala na, p'wedi na ba akong umalis? Meron pa kasi kaming praktis ngayon," I forwardly said. And I don't have time of his jokes seriously.

"Trubadors ka diba?"

I sighed.

"Yes Sir."

"Ow, p'weding manood ng praktis niyo?" he asked.

Nag-isip ako ng bahagya kasi hindi ako sure kung p'wedi ba. Well, hindi naman siya estudyante dito. In fact, he's a professor at anak ng may ari ng school na ito. He could do whatever he wants without asking permission. He has the authority but anyways even if I don't want to answer him, I speak.

"Pwedi naman Sir."

"Okay. So, sabay na tayong pumunta do'n," he said kaya tumango ako.

Ano pa bang magagawa ko? It's rude to say no to him. As long as I am not bothered, it's okay. He just need to shut his mouth and stop asking me because I hate talking too much.

.

.

.

.

Vomment

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
532K 13K 33
I am Selene. The daughter of the moon. #1- Werewolf - July 15, 2019 #5- Fantasy - May 13, 2020
1.4M 34.1K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
400K 26.2K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...