BLS#6: Secretly In Love(COMPL...

By bRezyLian62

271K 5.6K 87

BEAUTIFUL LIARS SERIES #6 SECRETLY IN LOVE >Analine (Annie) Abellarde>>>>>>>>> Nate x Annie Lovestory credits... More

Beautiful Liars Series #6
Secretly in Love
PROLOGUE
Chapter 1 The Start : Mr. Stranger
Chapter 2 Picture
Chapter 3 SIX YEARS AGO
Chapter 4 Mistaken
Chapter 5 Her Reasons
Chapter 6 Face to Face
Chapter 7 Facts
Chapter 8 Broken Phone
Chapter 9 His Picture, Her things
Chapter 10 Seduction
Chapter 11 Patient
Chapter 12 Injection
Chapter 13 Sweet Fight
Chapter 14 Chopsuey
Chapter 15 Phone Calls
Chapter 16 CONVO 1: One Million
Chapter 17 CONVO 2: Shower
Chapter 18 THE CONFESSION
Chapter 19 Grandchildren
Chapter 20 The Show
Chapter 21 Folder
Chapter 22 The twins
Chapter 23 School
Chapter 24 Hiding
Chapter 25 On Caught
Chapter 26 Missing
Chapter 27 Confusing
Chapter 28 Revelation: Forgiveness
Chapter 29 Revelation: Heartaches
Chapter 31 Heartless?
Chapter 32 Intruder
Chapter 33 Who?
Chapter 34 He Knows
Chapter 35 Nightmares?
Chapter 36 The Kidnapper
Chapter 37 Trust Me
Chapter 38 Help
Chapter 39 I'm Sorry
Chapter 40 Coldness
Chapter 41 Enemy or Not?
Chapter 42 CONVO: Fight
Chapter 43 CONVO: Discussion
Chapter 44 Blistering Night
Chapter 45 In Danger
Chapter 46 Thoughts
Chapter 47 Escape
Chapter 48 Anxiety
Chapter 49 Caught?
Chapter 50 The Plan
Chapter 51 The caller
Chapter 52 The Caller 2
Chapter 53 The Traitor
Chapter 54 Sobs
Chapter 55 Bloody Evening
Chapter 56 CONVO: My Kids and I
Chapter 57 Sweet Lies: Finale
NEXT: BEAUTIFUL LIARS SERIES #7

Chapter 30 Lost

3.9K 90 0
By bRezyLian62

Chapter 30 Lost


***ANALINE POV***

KALMADONG bumaba ako sa taxi nang kusa itong tumigil. Sinulyapan ko ang kabuuan ng kompanyang pinanghahawakan ng matandang sakim. Gusto ninyong malaman kung sino? Hindi na ninyo kailangan pang manghula. Isang nilalang lang naman ang kinaiinisan ko mula pa noon, magpahanggang ngayon.


Esmeraldo Sandoval, ang ama ng lalaking... lihim kong minamahal mula pa nang una ko itong makita.


Humakbang na ako papasok, wala akong ibang kasama kundi ang sarili ko lang. Bakit? Dahil umalis ako nang hindi nila namamalayan, abala kasi sila sa pagtulog. Kaya naman sinamantala ko ang lahat. Kahit takot akong hilahin ang karayom na nakakabit sa pulsuhan ko, nagawa ko parin itong hilahin. Sa katunayan napahiyaw ako sa sobrang sakit. Kontodo tiis naman ako para hindi lumakas ang boses ko.


Ngunit bago ako tumapak sa lugar na ito. Dinalaw ko muna si Dad, sa sementeryo.

********************


***FLASHBACK***

***ANALINE POV***

MARAHAN kong dinama ang pangalan ni Dad na nakasulat sa marmol. Siya ang una kong pinuntahan dahil napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. Nagawa ko siyang saktan at paglihiman. Ako ang dahilan ng pagkakasakit niya, ng pagkamatay niya.


"D-Dad..." itong mga mata ko, muli na namang uminit. Gusto kong umiyak kaso pinipigil ko lang, baka kasi sumama pa ng husto ang loob niya sa akin. "I'm sorry..."


Humingi ako ng sobrang lalim sabay tingin saglit sa itaas para pigilin itong luha ko sa pagpatak.


"I'm sorry for everything, for not being a good daughter... for not listening to what you said... Sorry kung sarili ko lang ang iniisip ko noon..." I bit my lower lip. "Ano... kasi dad..." ang bigat-bigat ng dibdib ko. Maliban sa sobrang humahapdi na ang mga mata ko, nakikisama pa ang lalamunan ko sa sobrang sama. "Tawag iyon ng kabataan ko. Hindi ko magawang mag-isip ng tama... I'm so sorry..."


I bit again my lower lip. Hindi muna ako nagsalita, baka kasi hindi ko na mapigil pa, tapos tumuloy-tuloy na talaga.


"D-Dad... ang... ang kompanyang natitira sa atin..." ewan ko ba, nahihirapan na akong magsalita. "I'm sorry kung hindi ko na siya maipagpapatuloy pa, sorry kung isusuko ko na ito." Huminga ako ng sobrang lalim. "Dad, sana mapatawad mo ako sa gagawin kong ito..." ibinaba ko na ang isa kong kamay at ngumiti ng pilit. "Ipinapangako ko, dadalhin ko dito ang dalawa kong anak. Ang napakaganda at gwapo mong apo mula sa akin." Bahaw akong tumawa. "Natural naman na ang pogi at ang ganda ng mga anak ko, sa atin nagmana e. sa mga Abellarde nagmana."


Muli akong huminga ng sobrang lalim, sabay yakap ng buong higpit sa mga dokumentong nakapaloob sa brown envelope.


"Sa mga gagawin ko Dad... sana... mapatawad mo ako..." Nag-iwan muna ako ng isang ngiti bago tuluyang umalis. Nakakailang hakbang pa lang ako nang may naramdaman akong hanging medyo may kalakasan na dumampi sa pisngi ko.


Pakiramdam ko si dad ito... pakiramdam ko nasa tabi ko lang siya at kagaya ng lagi nilang ginagawa ni Mom, dinadama niya ang pisngi ko at ang kasunod nun ay ang paghalik sa noo ko.


I slowly close my eyes. This time hindi ko na napigil ang luha ko, kusa na itong umagos.


"Dad... I'm sorry... Sorry..."

***END OF FLASHBACK***


**BACK TO REALITY***

***ANALINE POV***

"WHERE is Mr. Sandoval?" Malamig kong tanong sa dalawang babaeng naka-assign sa ibaba. Nagkatingin muna sila at muli na naman akong tinitigan. "I said where is he?"


"Excuse me Ma'am... do you have an appointment for Mr. Sandoval?" pormal na tanong ng babae.


I smiled bitterly. "No."


"I'm sorry ma'am but I can't let you..."


"Don't try me Miss." Putol ko sa speech niya, huwag niyang masira ang araw ko, masyado na ngang sira dadag-dagan pa ng bruhang ito, makakatikim talaga siya.


"W-What?" pansin ko ang pag-akyat ng kilay niya. Mukhang nainsulto yata.


"He is expecting me to come and aside from that..." itinaas ko ang envelope kong hawak. "Oras na hindi ito mapunta sa kanya, tiyak na mag-e-eskandalo ang matandang iyon. For sure matatanggal ka sa trabaho mo." =__=


"What the..." nanlalaki ang mga matang angal nito.


"If I were you... sabihin mo sa akin kung nasaan na ang sakim mong boss para makuha ko na ang pakay ko sa kanya." +__+


"Y-You..." kitang-kita ko ang inis sa anyo niya.


"Ya, me." I smirk. Nang dahil sa ginawa ko may sumama ang timpla ng mukha niya. Tss! Pumapangit siya lalo. "Where is he?" Walang-anumang tanong ko.


Hindi ako sinagot ng babaeng puro guhit ang mukha. Parang balak nga niya akong sabunutan, try niya lang, marami akong baong energy para ingudngod siya.


"He's on his office Ma'am." Napatingin ako sa kasamahan ng bruha, siya kasi ang sumagot. Infairness, maganda siya.


"Kris, bakit mo sinabi?" angal ng babaeng bruha, pasalamat nga siya nagsumbong ang kasama niya dahil kung hindi, I swear, papatayin ko talaga siya.


"Just calm down Myles..." the girl named Kris looks at me. "I know her."


Napatitig ako sa kanya nang hindi oras. She knows me daw? Tss! Buti pa siya, samantalang ang kasama nito ay may kabobohan pa sa katawan.


"Miss Abellarde..." pagkabanggit niya sa apelyedo ko napatingin sa akin ang babaeng puro guhit ang face. "Nasa office lang si Boss, magmadali ka na, may lakad siya mamaya."


Hindi ko mapigilan ang ngitian siya, buti pa siya, sobrang bait samantala ang kasamahan niya.. ang pakla. "Thank you."


"You're welcome Ma'am." She smiles so sweetly, she reminds me of someone. Hindi ko lang matiyak kung sino. Ikinibit ko na lang ang mga balikat ko. I have no time for this.


I left them already. Ngunit bago ako tuluyang makalayas, narinig ko pa ang nakakainsultong bulong ng babaeng panget na puro guhit ang face.


"Hindi ba... pabagsak na ang kompanya niya?"


Tumigil ako sa paghakbang at nakataas ang kilay na nilingong muli ang dalawa. Medyo may kalayuan naman ako e, kaso feel ko lang lumingon sa sobrang inis.


"I don't think so... My cousin's helping her... I'm so sure that she'll have it back."


May sinabi siyang nagpagulo sa buong sistema ko, tinutulungan daw ako ng mga pinsan niya? Paano naman mangyayari iyon?


"Krisylle!" >__<


Krisylle? Katunog ng pangalan ng kaibigan kong si Krezyl Zane. Speaking of her, may pagkakahawig silang dalawa. Sa ugali yata.


"Next time mag-ingat ka sa bibig mo girl. Maling tao ang binabangga mo." pansin ko ang napakamisteryosong ngiting pinakawalan nito.


"Tss! Hate you!" >__<


Nanlaki talaga ng husto ang mga mata ko nang mapatitig sa akin ang Krisylle na ito at ngumiti ng husto. Agad akong nag-iwas ng paningin at nagsimula ng umalis.


Ewan ko ba, kinakabahan ako sa kanya. Parang may something e. Hindi ko nga lang matiyak kung nasaang banda ba! >__<


Ipinilig ko ang ulo ko, wala akong time para mag-isip ng kung anong dahilan kailangan ko pang harapin ang matandang iyon.


Alam ko naman kung nasaan ang office ng matanda, gusto ko lang tiyakin kung nandito nga ito. Na hindi ito nagtatago kagaya ng sapantaha ko.


Matapos ang ilang lakaran at sakayan ng elevator narating ko na rin ang lugar na dapat kong puntahan. I'm I front of his office.


Huminga ako ng sobrang lalim. Ito na ang pinakahihintay ko. Kung nagtataka kayo kung bakit dito ako pumunta iyon ay dahil sa dahilan ko. Siya kaagad ang naisip kong may kagagawan ng lahat. Ang matandang Sandoval, siya lang naman ang naghahangad na kunin sa amin ang yaman namin. Ang huling kompanyang meron kami.

**************


***FLASHBACK***

***ANALINE POV***

"ACCORDING to the holdupers, tatawag daw sila ulit bukas kinagabihan para siguraduhing nagawa mo na ang kagustuhan nila Annie..." seryosong sabi ni Mom, habang hawak ang isa kong kamay.


"Bukas pa?" Hindi ko na iyon mahihintay pa.


"Yes..."


"Hindi ko na mahihintay yun Mom! Bakit hindi na lang ngayon?!" inis kong sabi.


"They haven't call for the place Annie, ipinatitiyak lang nila na bumaba ka na." nalipat ang paningin ko sa kamay ni Mom na ngayon ay dinadama na ang dokumento. "Tiyan na hahanapin nila ito sa iyo."


Nanghihinang napatitig ako ng husto sa dokumento. "Bakit ang kompanya Mom? Bakit ito ang gusto nila?"


"I don't know daughter." She nodded. "Maybe, mga gahaman sa pera..."


Gahaman sa pera?


"Mga taong gustong kunin ang kompanya sa inyo Annie." It's Tita Sabrina.


Sa sinabi niyang iyon, may taong bigla na lang pumasok sa utak ko. Ang taong walang tigil na nangungulit sa akin.


"Sino sa tingin mo ang may kagagawan ng lahat Annie?"


Napatitig ako sa kanila. Hindi ko magawang sabihin ang totoo. Na ang mga Sandoval na naman ang may pakana ng lahat ng ito.


"H-hindi ko alam." Walang alam si Tita Sabrina tungkol sa paghihirap ngayon ng kompanya dahil hindi ko iyon sinasabi sa kanya. Na muli na namang inu-unti-unti ng mga Sandoval ito.


Minsan ko siyang niloko para naman mapanatag na ang loob nila ni Mom, para naman hindi na sila mag-isip ng kung ano. Sinabi kong okay na ang komanya at hindi na nakikialam ang mga Sandoval kahit na ang totoo niyan ay hindi, pero hindi maipagkakailang may galit na sila dito.


"Tss! Mananagot talaga sila sa akin oras na may gawin silang hindi maganda kina Nate at Nathy, maingungudngod ko talaga sila nang hindi oras." Gigil na anas ni Tita Sabrina.


Nakaramdam naman ng kirot ang puso ko sa kaisipin na baka may gawin sila na hindi tama.


Napatingin ako kina Mom at Tita Sabrina na ngayon ay nag-uusap parin. Bukas, gagawa ako ng paraan, ibabalik ko ang dalawa. Kung kinakailangan na may ibunyag ako, gagawin ko, alang-alang sa mga anak ko.

***END OF FLASHBACK***

***END OF ANALINE POV***


***JOSHUA POV***

"DARN!" inis kong sigaw habang pinaghahampas ang pader, si Analine, wala na siya sa silid niya at ang buong nurse ay hinahanap na siya. Nakakainis na ito, bakit nawawala siya sa sitwasyong ganito? Masaya na sana ako sa kaalamang gising na siya, may gusto akong alamin sa kanya. Mga bagay na siya lang ang makakasagot.


"Doc. Sandoval." Tawag ng isang nurse na mukhang hiningal sa kakahanap sa babae ko. Panay nga ang pagsapo niya sa dibdib niya. "May nakakita kanina kay Miss Abellarde na lumabas nitong Ospital." >__<


"What? Bakit wala man lang pumigil sa kanya?" +__+


"Ang sabi daw ng guard akala daw niya kamukha lang daw."


"Darn!" napabuga ako ng marahas. Bakit ganito ang mga tao ngayon? Ang labong kausap.


"I'm so sorry Doc." >__<


Napabuga ako ng marahas. Wala na akong mapapalala sa kakasigaw at kakasisi sa kanila. Sadyang pasaway lang talaga si Analine, magmula pa noon. Kailan ba ito magbabago? =__=


"Thanks for your help." Inis na iniwan ko siya. Tinungo ko ulit ang silid ni Analine, nandoon ang Mama niya, alalang-alala ang anyo. Pagkakita niya pa lang sa akin agad niya akong sinalubong.


"Have you seen her hijo?" aniya.


"I'm sorry... mukhang nakalabas na siya dito." Kinabahan ako nang bigla na lang nanghina, na parang hihimatayin ito. On impulse, agad ko siyang sinalo. "Ma'am? Are you okay?"


"My daughter..." nanghihinang wika niya. Namumuti na rin siya.


Darn! Pasaway ka talaga Annie, hindi ka nag-iisip! +__+


"I will do my best to find her Ma'am.... so please calm down." Pag-aalo ko sa kanya. Balak ko naman talagang hanapin si Analine. Marami pa akong gustong malaman sa kanya. Binabagabag niya ang buong pagkatao ko.


"My daughter..." tila hinang hinawakan niya ang coat ko. "Siya na lang ang natitira sa akin hijo... siya na lang ang meron ako tapos...."


"Ma'am..." I hold her hand.


"Please..." may kumawalang nagmamakaawang ngiti sa labi niya. "Look for my daughter..."


Her daughter... I am secretly in love with her since the day I first saw her!


"Please..."


This time...


"Look for her..."


Hindi ko na siya pakakawalan pa!


"Yes ma'am..." I will find her, no matter what happened. "I will..."


"Thank you... hijo..." Sa pagkakataong ito may ngiting puro akong nakita sa labi niya na umabot sa kanyang mga mata.

***END OF JOSHUA POV***


*********

08-27-2015

*********


AN:// Uwaaah! Kunting-kunting chapters na lang yata. Thank you readers. Kung wala kayo, kung wala ang pagtatiyaga ninyong basahin ang gawa ko, tiyak na hindi magiging ganito. Hindi ko maipagpapatuloy ang pagsusulat. Brokenhearted kasi ang inyong abanglingkod, pero naniniwala parin ako sa happily-ever-after.

Continue Reading

You'll Also Like

11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
55.4K 1.1K 10
Based on A TRUE STORY. All Rights Reserved ©2013 Miss BurningRain
3.2M 89.2K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
414K 3.6K 67
"Don't let the people you love walk by you without letting them know how you feel about them." Si Donna, ang secretary ng mayabang na boss ng isang k...