MY GIRLS 1 (PHOTOGRAPH)

By tagalo

2.8K 108 2

Tunghayan ang istorya ng 7 magkakaibigan! Starring: Kate Angel- Ang tahimik pero kalog na kaibigan. Can she f... More

teaser
Chapter 1
chapter 2
Chapter 3
chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
CHAPTER 14
Chapter 15
Chapter 16
chapter 17
CHAPTER 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Epilogue

Chapter 12

48 4 0
By tagalo


MICA's POV

Nagising ako sa isang kakaibang amoy na aking nalanghap,pero wala akong makita na kahit na ano. Nakaupo ako sa isang upuan at nakagapos ang aking mga kamay sa likod. Biglang lumukob ang kaba sa akinng dibdib. Parang nangyayari lang naman ito sa mga palabas sa TV. Iyong dinudukot ang mga bida ng mga goons. Teka.... So bida pala ako? Hihihihi

Hindi ko maalala kung kanino ako may atraso. Wala naman akong nakaaway na sobrang lala. Siguro doon sa mga bitches sa school pero ganoon ba sila kagalit sa akin para gawin nila itong act na ito? Mas amazona naman kaysa sa akin sina Dayanarra at Monica ano?

Hindi ko napigilang sumigaw.

"Hoy! Kung sino ka mang nilalang ka na gumawa sa akin nito, pakawalan mo na ako please! Hindi na ito nakakatuwa." Sabi ko.

Matagal na katahimikan ang namayani bago ako nakarinig ng nagsalita.

"Marunong ka naman pa lang magmakaawa. Para rin naman sa iyo itong ginagawa ko." Sabi ng tao.

Boses lalaki iyon. Pero bakit parang pamilyar ang boses na iyon sa akin?

"Teka, pamilyar ang boses mo sa akin? Sino ka ba? At bakit mo ginagawa ito? May atraso ba ako sa iyo? Kung mayroon man, sorry na! hindi na mauulit,pakawalan mo lang ako." Natatakot na talaga ako. Bukod kasi saw ala akong makita, takot ako kapag hindi ako makagalaw.

"Oh, will you just shut up Ms. Jenner! I'm just doing this for you. Pwede bang mag cooperate ka na lang?" there it is! Kilala ko na kung sino ang mokong na ito.

"I knew it! I know it's you! Daniel! Pakawalan mo ako dito, ngayon na!" sabi ko. Hindi ko na kailangang makita pa ang mukha niya, boses pa lang, sure na ako na siya iyon.

"Paano mo ako nakilala ha?" tanong niya sa akin.

"boses mo pa lang, kilala na kita." Sabi ko tsaka nawala ang ingay na ginagawa niya. Pinakiramdaman ko siya. Wala. Hindi ko siya maramdaman. Hanggang sa may naramdaman akong may humawak sa mga balikat ko. Bigla ay para akong nakuryente nang hawakan niya ako sa balikat. Gusto ko na ngang manginig eh.

"hindi mo pal talaga ako mawala diyan sa isip mo ha? Boses ko pa lang kilala mo na kaagad?" inangat pa niya ang bibig niya sa taenga ko nang sabihin niya ang mga salitang iyon.

"Grrrr!! Daniel! Pakawalan mo na ako ditto!" sigaw ko.

"Hindi, dito ka muna, may naghahanap kasi sa iyo. Mabuti nang ditto ka kaysa sa labas." Sabi niya na lalong ikinakulot ng noo ko.

"Sino ba siya ha? Hindi ako natatakot sa kanila, wala kaya akong kinakatakutan ano?" sabi ko.

"Talaga? Wala kang kinnatatakutan? Kahit na kay Brandon?" pagkasabi niyang iyon ay sabay niyang kinuha ang piring sa mata ko.

Parang binuhusan ako ng isang bald eng malamig na tubig nang sabihin niya ang pangalang iyon. Si Brandon. Ang pangalang hindi ko makakalimutan a buong buhay ko. Siya ang taong nagbigay ng sobrang pahirap sa buhay ko, sa buhay naming pamilya. Siya ang kinatatakutan ng lahat. Siya ang taong pumatay sa kua Christopher ko! Pero bakit siya ngayon nandito? Bakit siya nakalabas ng kulungan? Halos anim na tan pa lang noong makulong siya sa pagpatay niya sa kuya ko. Paano siya nakalabas? Paano?

"Hinahanap ka niya Mica, maghihiganti siya sa pagpapakulong mo sa kaniya! Papatayin ka niya!" sabi ni Daniel na may hallo nang kaba sa pagsalita niya.

"Paano kung, paano kuna kilala niya ang mmga kaibigan ko? Paano kung sa kanila siya magtatanong at pahirapan niya ang mga ito kung hinndi nito sabihinn kung nasaan ako?" sunud sunod na mga tanong ko. Paano nga kung kilala niya ang mga kaibigan ko at ang mga ito nga ang pagdiskitahan niya? Nanganganib din sila kung ganoon, hindi laang ako. Hindi ko na makaakaya pa kung may isa pa sa mga mahal ko sa buhay ang masaktan o mamatay nang dahil sa akin. Totoong hindi kilala ng mga kaibigan ko si Brandon,pero madaali lang para ditto ang makilala sila. Patunay doon kung paano niya nahanap aang kuya ko at ang sinasabi nitong asawa niya at walang awang pinatay.

"Kailangan mo akong pakawalan ngayon din Daniel. Kilala mo si Brandon, Daniel. Kung hindi niya ako mahanap, gagawa siya ng paraan para mapalabas ako, at alam mo kung paano niya gagawin iyon!" sabi ko. Naluluha na ako maisip ko pa lang kung ano ang maaaring mangyari.

"Don't worry, I assure you, walang mangyayaring masama sa mga kaibigan mo. I had my men for them. Ang kailangang mag inngat ay ikaw. Ikaw ang punterya niya. And I can't forgive myself kapag may mangyaring masama sa iyo!" napalingon ako sa sinabi niya.

"Talaga? Sana naisip mo iyan noong kailangang kailangan kita! Naisip mo sana iyan noong iniwan mo ako noong nagluluksa pa kami sa pagkamatay ni kuya. Iyon ang mga panahon na kailangang kailangan kita, you fake!" hindi ko napigilan ang sarili ko noong mga oras na iyon.

"Think what you want to think now. I'm just thinking about your safety." Iyon ang mga sinabi niya bago niya ako iwan.




***

KRIZZA's POV

Ang saya nilang lahat. Sina Darlene, John Ray, Gillen at Aira ay nagbobonding na ngayon. Sila talaga ang close sa isa't isa. Si Roxanne at Harvey naman ay hindi mapaghiwalay. Si Monica, hindi na naman mahagilap. Sina Quitta, Dayanarra, Luke at James naman ay parang nagra rumble. Si kate naman ay parang na settle na ang issue nila ni Mico. Parang ako na lang ata ang emo ngayon. Hanggang ngayon kasi ay hindi man lang ako pinuntahan ni George para mag sorry sa ginawa niya. May pride din naman ako na kailangan kong protektahan. Siya ang nagkasala at hindi ako, kaya hindi ko siya hahabulin kahit isa pa siyang sikat na actor sa bansa.

"Mukhang malalaimm ang iniisip natinn ngayon ah?" hindi ko man lang namalayang nakalapit na si Dayanarra sa akin.

"Medyo. Let's eat!" sabi ko sa kanya.

"Thank you." Sabi niya sabay kuha ng plato ng cake sa tapat ko.

"So, what's bothering my girlfriend's mind?" tanong niya sa akin.

"Nah, just a little problem your girlfriend can handle." Sabi ko sabay higop ng chocolate drink.

"Alam mo Krizza Rose Alba, ang hilig mong kimkimin iyang mga problema mo na iyo lang. ayaw mong mag share, ayaw mong tulungan ka, naming mga kaibigan mo. Try mo din kaya minsan, bukod sa nakakagaan ng kalooban, malay mo, matulunngan ka pa naming." Ginagap niya ang kamay ko.

"Nothing I can't handle. Problem lang sa pag-aaral. Alam mo naman tayo, graduating na." pagkunwari ko na lang sa sarili ko.

"Oh siya, kung ayaw mo talagang mag open up, I'll just wait until you tell me what you feel." Nagpatuloy kami sa pagkain nang may lumapit sa amin na isang lalaaking naka leather jacket, rayban at cap. Noong una akala ko ay lalagpasan niya lang kami,pero huminto siya sa gitna naming dalawa.

"Kilala niyo ba ang babaeng ito?" sabi niya sabay bigay sa amin ng litrato ng isang babae, si Mica!

"Si Mic...." Hindi ko natapos ang sana'y sasabihin ko dahil tinakpan ni Dayan ang bibig ko.

"Ano ba ang kailangan mo sa taonng ito?" tanong ni Dayan.

"Kayo ba ang mga kaibigan niya?" hindi sinagot ng lalaki ang tanong ni Dayanarra sa kanya.

"Hindi mo masagot ang tanong ko sa iyo, so how can you expect na sassagutin ko din iyang sagot mo?" nagsisimula na akong kabahan sa sitwasyon na ito. Grabe ang tension sa pagitan nina Dayan at sa lalaki.

"Matapang ka pa din gaya ng dati. Pero mag ingat ka, bak hindi mo alam kung sino ang binabangga mo?" mahina ngunit nakakatakot ang mga salitang binitawan ng lalaki laban kay Dayanara.

"hindi ko na kailangang mag-ingat, kilala ko kung sino ang binabangga ko. Kilalang kilala kita, Brandon Cruz!" kilala siya ni Dayanara. Ang lalaki naan ay kiming ngumiti.

"Naaalala mo pa rin pala ako? Nakakataba naman ito ng puso. Isang Fischer, kilala ang isang Brandon Cruz? Salamat naman kung ganoon. Pero dahil sa mayroon ka naman sigurong utang na loob sa akin dahil sa tulong ko sa iyo noon, baka naman pwede mong sabihin sa akin kung nasaan ang kaibigan mo?" tanong pa rin ng lalaki kay Dayan. Halata ang takot sa mukha ni Dayan.

"hindi naming kilala ang babaeng iyan. At kung kilala man naming siya, hindi ko pa rin sasabihin ito sa iyo kung nasaan siya. Makakaalis ka na." sabi ni Dayan sa kanya.

"Well, parang wala naman akong mahihita sa iyo, kaya ang ibang kaibigan mo na lang ako magtatanong. Baka sa kanila, may mahita pa ako. Oh, siya, mauna na ako sa iyo." Sobra ang kaba ko nung mga oras na iyon. Halos hindi ako makahinga na kailangan ko pang gumamit ng inhaler ko.

"Sino yun Dayana?" tanong ko kay Dayan.

"Acquaintance. Kriz, can you call all of our friends? Yung kaya mo. Sabihin mo sa kanila na pumunta ngayon ditto sa dining area. Sabihin mo rin sa kanila na kapag may nag tanong sa kanila tunngkol kay Mica, sabihin mo huwag nilang I entertain. Sige na, go!" kitang kita ko sa mukha ni Dayanara ang takot at kaba. Hindi ko na kailangan itanong kung nasa anong sitwasyun kami ngayon. I got my phone and called all of them, told them what Dayan exactly told me. Pero ang isang tanong sa isip ko ay kung sino si Brandon Cruz?




***

KATE's POV

" Ahm, salamat Mico ha?" thank you for understanding." Sabi k okay Mico. Hinatid niya ako sa room naming nina Mica at Monica. Naging maganda ang pag-uusap naming dalawa. Nasabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin. He listened and understood what I said. Alam na rin niyang may iba na akong minamahal. Nanibago talaga ako sa kanya kasi kilala siya ng lahat bilang isang competitive na tao, pero nung sabihin ko sa kanya na hindi na pwedeng maging kami, he just smiled and said na maghihintay siya. He already knew about Jerome pero nagbaka sakali pa rin siya nab aka pwede pa.

" Walang anuman iyon. Wala pa ba ang mga kasama mo ditto sa room niyo?" tanong niya.

"Wala pa pero siguradong papunta na ang mga iyon." Sabi ko.

"So.... Paano? Mauna na ako?" nahihiya pa niyang sabi.

"Sige." Paatras siyang naglakad para makita pa rin ako hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Kinuha ko ang cellphone at susi sa bulsa ko nang mapansin kong may taong papalapit sa kinaroroonan ko. Habang papalapit siya ay sakto naming nabuksan ko na ang kwarto at kasabay noon ay ang pagtawag ni Krizza sa cellphone ko.

"Hello? Kriz, sandal lang ha...." I hang up the phone to entertain the man in front of me.

"Ano ho ang maitutulong ko sa inyo?" tanong ko sa kanya. Sa halip na magsalita ay may ipinakita siyang litrato sa akin. Si mica ang nasa picture.

"Magkaibigan ba kayong dalawa?" tanong niyang balik sa akin. Wala sa loob kong nailagay sa aking taenga ang cellphone at kilabot ang bumalot sa buo kong sistema nang marinig ko ang sigaw ni Krizza sa kabilang linya.

"Kate! Umalis ka na diyan! Delikado ang lalaking iyan!" sigaw ni Krizza sa kabilang linya.

Bigla akong napaatras at buong bilis akong tumakbo papunta sa loob ng kwarto. Hindi na ako lumingon pa, pero nang pihitin koa na ang lock ng pinto ay siya naming pagpigil niya dito. Wala akong magawa kasi malakas at malaki siya. Natumba pa ako nang itinulak niya ang pinto para makapasok siya. Na out of balance ako at tumama ang ulo ko sa gilid ng lamesa. Ang huli kong namalayan ay nung maramdaman kong buhat buhat na ako ng lalaking iyon.




***

DAYANARA's POV

"Kate! Kate!" sigaw ni Krizza habang kausap niya sa kabilang linya si Kate. Naka loud speaker ang tawag kay dinig din naming ang sigaw ng kaibigan naming sa kabilang linya. Ramdam ko ang pagtayo nag lahat ng balahibo ko sa buong katawan. Nakuha na ni Brandon si Kate. Isang malakas na kalabog ang aming narinig bago maputol ang linya. Agad naming pinapunta doon sina Harvey, Luke at James para tulungan si Kate. Malayo layo ang room ninna Kate kung saan kami naroroon ngayon. Sana maabutan ng tatlo si Brandon at maligtas si Kate.

"Naputol na!" sabi ni Krizza.

Nandito kaming lahat ngayon sa dining hall ng resort. Nang tawagan namin nina Krizza ang mga kaibigan naminn ay agad naman silang nagsipuntahan ditto ngayon. Nandito na sina Roxanne,Quitta,Monica Gillen, Aira, John Ray, Arjhyllaine Ariel si Krizza at ako. Papunta pa lamang sina Darlene at kuya niyang si Mico. Maya may ay may nag text sa cellphone ni Krizza. Nagkumpulan kaming lahat para makita kung ano at sino ang nag text.

"Ibigay niyo sa akin si Mica Jenner at papakawalan ko itong kaibigan niyo."

Number lang ang lumabas pero alam ko na kung sino ang nagpadala ng text na iyon. Si Brandon. Natutop na lang ng mga kaibigan ko ang kanilang mga bibig matapos mabasa ang text.

"Sino ba si Brandon na iyan?" tanong ni John Ray.

Natigilan ako. Dapat ko bang sabihin sa kanila kung sino si Brandon.?

"At ano ang kailangan niya kay Mica?" tanong ni Gillen.

Oo nga? Anong kailangan niya kay Mica. Iyan ang tanong na kanina ko pa gustong mabigyan ng kasagutan.

"Dayan!" si Krizza. She looked terrible.

"Ok. Si Brandon Cruz ay isang lider ng isang grupo na may kinalaman sa droga. Isa rin siyang mamatay tao. Ang alam ko, dapat ay nakakulong pa siya dapat hanggang ngayon sa salang murder. Nakilala ko siya noong nagrebelde ako kay dad. Ang pinagtatakhan ko din ay kung ano ang kailangan niya kay Mica. Ang alam ko lang ngayon ay kailangan nating mabawi sa kanya si Kate." Kitang kita ko ang takot sa mga mata ng kaibigan ko.

"Teka, si Mica nga pala, nasaan?" tanong ni Quitta

Doon lang naming na realize na wala nga si Mica sa tabi naming. Saan siya nagpunta? Ano ang kinalaman niya kay Brandon? Bakit hinahanap siya nito?

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
543K 19.9K 29
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.4M 200K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...