Chapter 12

48 4 0
                                    


MICA's POV

Nagising ako sa isang kakaibang amoy na aking nalanghap,pero wala akong makita na kahit na ano. Nakaupo ako sa isang upuan at nakagapos ang aking mga kamay sa likod. Biglang lumukob ang kaba sa akinng dibdib. Parang nangyayari lang naman ito sa mga palabas sa TV. Iyong dinudukot ang mga bida ng mga goons. Teka.... So bida pala ako? Hihihihi

Hindi ko maalala kung kanino ako may atraso. Wala naman akong nakaaway na sobrang lala. Siguro doon sa mga bitches sa school pero ganoon ba sila kagalit sa akin para gawin nila itong act na ito? Mas amazona naman kaysa sa akin sina Dayanarra at Monica ano?

Hindi ko napigilang sumigaw.

"Hoy! Kung sino ka mang nilalang ka na gumawa sa akin nito, pakawalan mo na ako please! Hindi na ito nakakatuwa." Sabi ko.

Matagal na katahimikan ang namayani bago ako nakarinig ng nagsalita.

"Marunong ka naman pa lang magmakaawa. Para rin naman sa iyo itong ginagawa ko." Sabi ng tao.

Boses lalaki iyon. Pero bakit parang pamilyar ang boses na iyon sa akin?

"Teka, pamilyar ang boses mo sa akin? Sino ka ba? At bakit mo ginagawa ito? May atraso ba ako sa iyo? Kung mayroon man, sorry na! hindi na mauulit,pakawalan mo lang ako." Natatakot na talaga ako. Bukod kasi saw ala akong makita, takot ako kapag hindi ako makagalaw.

"Oh, will you just shut up Ms. Jenner! I'm just doing this for you. Pwede bang mag cooperate ka na lang?" there it is! Kilala ko na kung sino ang mokong na ito.

"I knew it! I know it's you! Daniel! Pakawalan mo ako dito, ngayon na!" sabi ko. Hindi ko na kailangang makita pa ang mukha niya, boses pa lang, sure na ako na siya iyon.

"Paano mo ako nakilala ha?" tanong niya sa akin.

"boses mo pa lang, kilala na kita." Sabi ko tsaka nawala ang ingay na ginagawa niya. Pinakiramdaman ko siya. Wala. Hindi ko siya maramdaman. Hanggang sa may naramdaman akong may humawak sa mga balikat ko. Bigla ay para akong nakuryente nang hawakan niya ako sa balikat. Gusto ko na ngang manginig eh.

"hindi mo pal talaga ako mawala diyan sa isip mo ha? Boses ko pa lang kilala mo na kaagad?" inangat pa niya ang bibig niya sa taenga ko nang sabihin niya ang mga salitang iyon.

"Grrrr!! Daniel! Pakawalan mo na ako ditto!" sigaw ko.

"Hindi, dito ka muna, may naghahanap kasi sa iyo. Mabuti nang ditto ka kaysa sa labas." Sabi niya na lalong ikinakulot ng noo ko.

"Sino ba siya ha? Hindi ako natatakot sa kanila, wala kaya akong kinakatakutan ano?" sabi ko.

"Talaga? Wala kang kinnatatakutan? Kahit na kay Brandon?" pagkasabi niyang iyon ay sabay niyang kinuha ang piring sa mata ko.

Parang binuhusan ako ng isang bald eng malamig na tubig nang sabihin niya ang pangalang iyon. Si Brandon. Ang pangalang hindi ko makakalimutan a buong buhay ko. Siya ang taong nagbigay ng sobrang pahirap sa buhay ko, sa buhay naming pamilya. Siya ang kinatatakutan ng lahat. Siya ang taong pumatay sa kua Christopher ko! Pero bakit siya ngayon nandito? Bakit siya nakalabas ng kulungan? Halos anim na tan pa lang noong makulong siya sa pagpatay niya sa kuya ko. Paano siya nakalabas? Paano?

"Hinahanap ka niya Mica, maghihiganti siya sa pagpapakulong mo sa kaniya! Papatayin ka niya!" sabi ni Daniel na may hallo nang kaba sa pagsalita niya.

"Paano kung, paano kuna kilala niya ang mmga kaibigan ko? Paano kung sa kanila siya magtatanong at pahirapan niya ang mga ito kung hinndi nito sabihinn kung nasaan ako?" sunud sunod na mga tanong ko. Paano nga kung kilala niya ang mga kaibigan ko at ang mga ito nga ang pagdiskitahan niya? Nanganganib din sila kung ganoon, hindi laang ako. Hindi ko na makaakaya pa kung may isa pa sa mga mahal ko sa buhay ang masaktan o mamatay nang dahil sa akin. Totoong hindi kilala ng mga kaibigan ko si Brandon,pero madaali lang para ditto ang makilala sila. Patunay doon kung paano niya nahanap aang kuya ko at ang sinasabi nitong asawa niya at walang awang pinatay.

MY GIRLS 1 (PHOTOGRAPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon