chapter 9

114 6 0
                                    

DAYANARA

Bwisit talaga itong si James, nakakainis ang presensya niya. Napaka hambog na akala mo kung sinong gwapo na hindi naman.  Ang sarap niyang tirisin hanggang sa magka durog durog ang mga buto niya. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit ganoon ka gaspang ang pag-uugali niya ay gusto ko pa rin siya. Kumakalma ako na hindi ko alam kapag nakikita ko siya. Kung wala naman siya ay hinahanap hanap ko naman.

Ayun na naman ang mokong na yun at nakikipaglandian na naman siya sa isang babaeng palaka. Kahit sino na lang talaga ay pinapatulan niya. Nakita kong umalis ang babae at pumunta sa isang restaurant. Siguro, inuto na naman niya iyon na bilhan siya ng makakain. Ang tamad!

Dali dali kong nilapitan ang babae na iyon.

"MIss, ahm excuse me, kaanu ano ka ni James?" tanong ko sa kanya..

"Were MU. oh my God, I could not believe nga eh, kasi nagdedate na kami ngayon, bibilhan ko nga siya ng sandwhich kasi nagugutom daw siya" kilig na kilig pa na sinabi ng babae sa akin.

"You call that date? Eh, inaalila ka lang ng mokong na yan!" sabi ko sa sarili ko

"Oh, I'm a friend of James, ito na lang ang ibigay mo sa kanya. Sabihin mo na ginawa ko yan." hindi pa niya gustong kunin ang sandwhich na inabot ko sa kanya kaya kinuha ko na lang ang kamay niya at inilagay doon ang sandwhich. Nagugulahan siyang umalis at pumunta na pabalik sa kung saan si James. I have to watch this scene. It will be fun!

Nagtago ako sa puno ng niyog at tinanaw kung ano ang magiging reaksyon ng palakang iyon. Nakita kong inabot sa kanya iyon ng babae. Napahagikgik ako nung buksan na niya ang sandwhich. Ang loko, hinalikan pa ang kamay ng babae at yung isa nama'y parang nahalikan ng isang artista at sobra kung kiligin.

I have to see this. Eto na, nilapit na niya ang sandwhich sa bibig niya. Sorry bro! Youre being pranked! Nasarapan pa siya nung una ng kinagat niya ang sandwhich pero ilang sandali lang ay nakita ko na ang pag iba ng mukha niya. Pinigilan ko ang sarili kong gumulong sa buhanginan nang makita kong nagsimula na siyang pagpawisan at maglabas ng hangin sa kanyang bibig. Maanghang ba? Yan ang bagay sa iyo! Manyak ka! Hindi ko na talaga napigilan ang tawa ko nung nagsisigaw na siya at nagmumura sa sobrang anghang ng nakain niya!

I put one of the hottest chili sauce in the world! Nag gloves pa nga ako para hindi din ako mabiktima nun. Nilagyan ko ang sandwhich na yun ng ganoon sauce. Natatawa lang ako na ngayon ay hindi nila alam kung ano ang gagawin nila para mawala ang anghang na nakain niya. Lumapit na ako sa kanilang dalawa. I can still hear him cursing, at nung makita niya ako na may dalang gatas ay nagmakaawa siya na bigyan ko siya ng ganoon.

"Pleeeashhhh, Maaawa ka,, bigyannn mo akooohoooh niyaaaahaaaan!" sabi niya sa akin.

"Ito oh." natatawa pa rin ako sa reaksyun niya.

Ininum niya ang halos isang litro ng gatas ng kalabaw na binili ko kanina. Yung ibang gatas nga ay tumulo pa sa katawan niya at doon ko lang namalayan na nakatopless lang pala siya! Gosh, those abs!

"Hey, ikaw yung nagbigay sa akin ng sandwhich na kinain niya!" sabi nung babae sa akin.

Biglang nagdilim ang tingin sa akin ni James kahit na busy siya sa pag buga ng hangin sa bibig niya.

"Anong trip mo? hahahahahah!" tanong niya  sa akin.

"Wala, gusto ko lang i try kung gaano ka anghang ang binili kong Chili sauce." sabi ko

MY GIRLS 1 (PHOTOGRAPH)Where stories live. Discover now