chapter 2

254 9 0
                                    

Pumapasok lang po sa utak ko ang mga salita dito ha! hindi po ako nang research nang mga salita dito, kung anuman po ang nakasulat dito, dont judge me, it's just my wild imagination

KATE


He is medium built, almost six feet tall, big eyes, black hair at maputi. Iyon ang mga features na natatandaan ko sa lalaking palagi kong nakikita sa kung saan man kami magpunta ng mga kaibigan ko. Now he has a face clearer than I got the last time I saw him. Lalapitan ko na siya sana noon pero mabilis siyang nakalabas ng resto at hindi ko na siya naabutan pa.

"Uy, ano na naman ba yang naiisip mo? Si Mr. Eyeglassman naman ba yan?" Si Mica iyon. Parati niyang ginagawa sa akin iyon. Para tuloy tinubuan na ako ng nerbiyos sa katawan.

"Ano ka ba, huwag mo nang uuliti yun ha?" sabi ko sa kanya.

"Ilang balde na naman ba ng kape ang nainum mo ha, at lutang ka na naman ngayon?"

"Isa lang."

"Kita mo, dapat baso lang ang iniinom mo, dami kaya ng iang balde?"

"Baso iinumin ko? ok ka lang, baka naman ang laman ng baso ang ibig mong sabihin? Gusto mo ba akong patayin ha Mic?" nagtawanan kaming dalawa

"Ms. Tolentino at Ms Jenner, silence please! I'm talking here in front tapos nagtatawanan kayo diyan sa likod? May nakakatawa ba sa sinabi ko ha?" Si Ms. Chua ang nagsalita. Nakalimutan na naming nasa klase pala kami. Ito kasing si Mica, napaka daldal, pati tuloy ako nadadamay sa mga pasaway niya.

"Wala pong nakakatawa sa sinabi niyo maam, we are laughing at other things." Si Mica

"Then, mind telling us what is it?"

"Its about the coffee maam."

Honest talaga ang babaeng ito.

"What about it.?"

"Tinatawanan ko po si Kate na umiinom po pala siya ng isang baldeng kape araw araw"

Napahagod na lang ako ng noo ko. I don't know how to say. Parang hindi naman siya ang napahiya eh, ako. Nagsitawanan ang mga kaklase ko sa kanya while she's serious looking.

"Next time Ms. Jenner, Don't fool around. And to you Ms. Tolentino, Minsan, try mo ring lumayo sa mga taong tupakin, baka mahawa ka sa kanila." Lalo pang naghalakhakan ang mga kaklase ko."

"But, maam, I'm telling the truth!" she looked at me saying those words as if kailangan ko daw sabihin na totoo ang sinasabi niya. Pwes, ayoko nga!

"Stop it Ms. Jenner, you may take your seat."

"Goyo ka!" siya

"Kung ako Goyo, ikaw may toyo.!"

***

"Why is she crying again?" Tanong ni Monica sa amin ni Quitta. Nasa canteen kami ngayon at inaalo namin si Roxanne.

"They broke up, again." Si Quitta

"Ano ba yan, Roxanne, hindi ka pa ba nagsasawa sa mga nangyayari sa inyu ni Harvey, ha? Correct me if I'm wrong, ilang beses na ba kayong mag break up? 8th? "

"7th pa lang noh!" si Roxanne

"Whatever, my point is, parang hindi ka naman sineseryoso ng lalaking iyon eh? Kung mahal ka niya, pagkakatiwalaan ka niya at hindi siya maniniwala sa mga sinasabi ng kung sinong manang diyan. You see, ikaw ang girlfriend niya, tapos, mas paniniwalaan pa niya ang gagang iyon kaysa sa sasabihin mo?" Galit na talaga si Monica. Minsan ko lang siyang makitang ganoon. 

MY GIRLS 1 (PHOTOGRAPH)Where stories live. Discover now