Chapter 19

42 1 0
                                    

2 years later

" Girl, congrats sa iyo ha, proud na proud kami sa iyo. " bati ni Mica kay Quitta. Isa na siya ngayong ganap na flight attendant. Kabababa niya lang mula sa flight niya mula sa London.

Alam namin na hindi niya kailangan ng trabahong iyon. Mayaman sina Quitta. Ang habol niya lang talaga ay makapunta sa iba't -ibang bansa sa buong mundo. It was her biggest dream, and now, its coming true.

" Ang sabihin mo Mica, inggit ka lang." Tudyo ni Monica sa kanya. Sumimangot naman si Mica kay Monica.

" Sino naman ang hindi maiinggit, eh ikaw ba naman ang makapunta sa mga lugar na dati ay nakikita mo lang sa mga post ng mga iba sa facebook at instagram. Nakakainggit naman talaga hindi ba? Ikaw ba hindi ka nainggit? " This is what I really appreciate about Mica. Napaka honest niya talaga. Hindi siya natatakot na sabihin ang mga nasa loobin niya. Pareho silang dalawa ni Dayan.

" Kamusta naman ang buhay ng isa sa pinaka sikat na shoe designer ngayon?" Tanong naman ni Dayanara sa akin.

" Ewan ko ba kung bakit iyon ang nakahiligan kong gawin ngayon. Wala naman akong kahilig hilig noon sa mga sapatos. Makasuot lang ako ng flipflops, ok na sa akin. Pero nang simula noong umalis ako ng bansa at pumunta sa Australia, bigla na lang nabuhay ang passion ko sa pagdedesign ng mga sapatos. Hanggang ngayon, hindi pa nga rin ako makapaniwala sa mga nakakamit ko. Para kasing ang dali lang ng lahat ng mga nangyari. Parang ang bilis lang kasing nag boom ang mga gawa kong sapatos. I just started as an online seller ng mga gawa ko. Hanggang sa isang araw kung bakit ay hindi ko alam na may nag feature ng mga gawa ko sa isang t.v. show doon. Simula noon ay wala ng nakaawat sa pagsikat ng mga nagawa kong designer shoes. In just two years, I can say na milyonarya na ako. There's this tailoring business noon na naging chain of malls na ngayon na kumukuha solely ng mga gawa ko at sila na mismo ang nagbebenta sa mga malls nila. My works are exclusive for that mall only.

At first ay maliit lamang ang demand nila sa produkto ko hanggang sa hindi ko na nga nakayanan na ako lang ang gumagawa at kinailangan ko na ang pagdagdag ng mga tauhan ko.

Ngayon bumalik ako sa bansa dahil magsisimula ako ng branch ko dito and hoping to settle here for good. Hindi ko kasi kaya ang manirahan sa ibang bansa. It makes me sick. Bukod sa wala akong kakilala noon doon, nakapaka aggresive pa ng mga tao doon na nakakatakot isipin na baka malagay ako sa alanganing sitwasyon.

Ever since my name and my product find its way to the market, marami na ang nangangahas na mga kalalakihan ang bigla na lamang sumulpot at nanligaw sa akin. Most of them are foreigners. May mga pinoy din naman.

Nakakapanginig lang sa laman dahil ang iba ay parang lumalagpas na sa linya. They are very aggresive. Mayroon pa nga na tinangka niyang tumalon mula sa isang tulay, para lang daw sagutin ko siya.

Sa lahat ng mga nanligaw sa akin. Wala ni isa ang naka kuha ng atensyon ko. Because all this time, siya pa rin ang mahal ko.

Siya pa rin ang tinitibok ng puso ko.

Siya pa rin at walang iba.

After two years, wala pa ring nagbago. Siya lang ang hinahanap ng puso ko. Siya lang ang hinihintay kong bubuo muli sa akin. I don't see myself with another man.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit niya nasabi sa akin ang mga bagay na iyon. Hindi na niya ako pinag explain ng side ko. Gusto kong klaruhin sa kanya na mali ang mga pinagsasabi niya laban sa akin.

" Makakasama ka na rin ulit namin for good. " sabi ni Mica sa akin.

" Naku, napaka emotional mo naman Mica. Nandito na nga ako oh." Mahal na mahal talaga ako ng bestfriend ko. She is one of my closest friend. Sa totoo lang, kahit na parang timang ang babaeng ito, hindi naman matatawaran ang pagmamahal niya sa mga mahal niya sa buhay, at kasama na kami doon.

MY GIRLS 1 (PHOTOGRAPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon