Chapter 5

168 6 0

KATE

Were in a mall, shopping. Kasama ko sina Monica at Mica. Hindi nakasama sa amin sina Quitta at Dayanara kasi may other eteniraries daw sila sa araw na ito. Si Roxanne naman ay nandoon sa isang highland resort kasama ang nobyo niya. Mukhang sinulit talaga nila ang panahon na magkasama sila ngayon? Naghahanap ng kanya kanyang mga damit ang dalawa nang mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na mukha. Si Jerome! At papalapit siya ngayon kinaroroonan namin. Hindi ko alam kung bakit naging iregular ang tibok ng puso ko nang makita siya. He's looking gorgeous. Naka white t shirt lang siya at naka pants at may suot din siyang Bull cap. Nakita din siya nina Monica at Mica.

"Hi." bungad niya sa amin.

"Hindi napigilan ng dalawang makilig nang may inabot si Jerome sa akin. It was a box of chocolate and a teddy bear. Simple things that any girl can feel being appreciated.

"Bakit naparito ka? Sinundan mo na naman kami?" tanong ko sa kanya habang natatawa lang ako kasi namumula na naman siya sa hiya.

"He's cute, bagay kayong dalawa Kate." sabi ni Monica sa akin.

"I'm here because I want to start courting you. Girls, pwede ko bang mahiram sandali  ang kaibigan ninyo?" tanong niya sa dalawa.

"Okay" sabi ni Monica

"Just make sure that you'll return her before midnight, baka hindi mo magustuhan ang makikita mo kapag pinalampas mo siya ng uwi sa oras na iyon?" sabi naman ni Mica.

 Natawa na lang kaming dalawa ni Jerome sa sinabi ni Mica. Hinila ako ni Jerome palayo sa dalawa.

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanya.

"Basta, I hope you'll enjoy this."

Sa mga sumunod na sandali ay ang mga sandaling naging pinakamasaya para sa akin. Pumunta kami sa isang farm na pagmamay-ari nila. Pagpasok pa lang doon ay namangha na ako. Though medyo malayo ang biyahe, worth it naman iyon sa ganda ng kanilang lugar. We tried to feed the chicken that was on the cages, we also tried to harvest eggs. Natrauma lang ako doon sa turkey, hinabol kasi nila ako. I have tried now to ride on a true horse, kasama siya. He was guiding the horse while I'm on it.

"Masaya ka ba?" Tanong niya sa akin. Nakasakay pa ri ako sa kabayo.

"Siyampre naman. Salamat ha?" sabi ko sa kanya and I smiled. 

"I'm glad you did have fun. Nagugutom ka na ba?" tanong niyaq ulit.

"Hindi pa nama......." parang nabingi ako sa kulo ng tiyan ko. Nahuli niya atang nagsisinungaling ako. Natawa siya nung marinig niya ang masamang pangitain na iyon.

"You're lying! Come on, pumunta na tayo sa cottage." Inalalayan niya akong bumaba sa kabayo at may tinawag naman siyang tauhan siguro nila na kumuha sa kabayo. Pumunta na kami sa cottage na sinasabi niya. I was amazed even more sa cottage. Nasa gitna iyon ng isang pond at ang pond ay may mga isdang lumalangoy.

"Wow!" iyon lang ang nasabi ko.

"Tara, kain na tayo." sabi niya habang papasok na kami ng cottage. Naguluhan ako nang papasok na kami sa cottage because I'm seeing familiar faces. Una nakita ko si Arjhyllaine at si Ariel. And then I'm seeing personalities, Showbiz personalities like Darren Shu, Mila Evans and my idol Jorge Michaels. Ang mas lalong nagpabagsak ng panga ko ay ang nakita kong pinaka pamilyar sa lahat. Si Krizza! Nakayakap sa idol kong si Jorge!

"Anong ibig sabihin nito Sis?" tanong ko kay Krizza.

Bigla siyang napalingon sa kinaroroonan ko at mabilis pa sa alas kwatro siyang napatuwid ng upo. It's like she has seen a ghost.

MY GIRLS 1 (PHOTOGRAPH)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!