Chapter 10

126 5 0

KATE

"Ganyan ka ba kagutom ngayon Mica, at parang mauubos mo na itong buong hinain natin?" Naaliw kong tinitigan si Mica habang kumakain ng agahan namin.

Kaming tatlo na lang ni Monica ang natirang kumakain ngayon dahil kanina pa natapos ang iba. Narinig kong pinag tripan ni Dayanara si James kanina. Naawa ako doon sa lalaki kasi muntik nang mamatay sa kinain niyang sandwhich na may maanghang na sauce. Iba din talaga kung makapag trip itong si Dayanara, delikado at nakakamatay.

"Eh sa nagugutom ako eh."sabi niya sa akin habang puno pa ng pagkain ang bunganga niya. I'm really amazed na kahit ano ang kainin niya ay hindi siya tumataba ng kahit kaunti man lang.

"Grabe ka talaga. Bilib na ako sa iyo. Ikaw na talaga ang reyna ng lamesa." Sabi naman ni Monica.

Nasa kalagitnaan kami ng pag aagahan nang lapitan kami nina Krizza na sexing sexy sa suot niyan two piece bikini.

"Guys bilisan niyo na diyan at nag aaya ang mga friends natin na maglaro tayo ng volleyball." Sabi niya na sa ibang direksyon nakatingin. I followed her sight and i saw Jorge. Hindi ko alam na nandito din pala sila ng mga kaibigan nila.

"Nakakaexcite naman yan, sige na, tapos na akong kumain, maglaro na tayo." Nagulat kami sa sinabi ni Mica. Kanina lang ay kumakain pa siya na parang walang bukas, ngayon ay handa na itong maglaro.

" Uy baka naman magka appendicitis ka niyan ha?" Sabi ko as kanya.

"Huwag kang mag alala sa akin. Kaya ko ang sarili ko." Balik niya sa sinabi ko.

" Dali na! Maglaro na tayo" sabi no Krizza na nadoon na sa pampang

***

Hinati ang grupo namin sa tatlo. Mag teammate kami nina Krizza, Monica, James, Harvey, ako, at si Quitta. Sa kabilang grupo naman sina Aira, Dayanara, Luke, Roxanne, Mica at John Ray. The third group shocked us! It was composed of men and two girls. Nadoon as grupo sina Ariel, Jerome, Gillen, Arjhyllaine, Jorge and Daniel. Hindi ko alan kung may namumuong pressure or awkwardness kasi nasa isang grupo lang sina kuya at Gillen o talagang binibigyan  lang namin sila ng ibang impression. Mayroong sariling referee ang laro namin kaya alam naming magiging fair ang laban namin.

Unang naglaban ang team namin nina Monica at nina Gillen. Pero dahil nga pulos sila mga lalaki ay madali lang nila kaming natalo at kinalaban nila ang kabilang grupo na kinabibilangan nina John Ray na isa rin dating varsity ng volleyball. Maganda ang naging laban nila at halos hindi nagkakalayo ang mga scores nila. Pero sa huling rallies ng bola ay hindi sinasadyang  natamaan ng bola si Gillen na nagmula sa malakas na palo ni John Ray. Dali daling dinaluhan ng mga kasamahan niya si Gillen para tingnan kung okay lang siya. I felt awkward kahit na alam kong maaaring wala na ngang nararamdaman pa sa kanya si kuya, pero hindi ko talaga maiwasang magtaka pa rin kami dahil siya mismo ang unang lumapit kay Gillen para tanungin kung okay lang siya at inalalayan pa papunta sa clinic ng resort. 

"What?" tanong ni kuya sa aming lahat na nakatingin sa kanya.

Hindi naman kami makapagsalita kasi nga napaka intimidating niyang tingnan. Baka kung mali lang talaga kami sa nakita namin at talaga lang na nag aalala lang siya sa kaibigan namin. Pero one side of my mind tells me that hindi iyon ang ibig sabihin ng mga nakikita namin.

"Kung kayo ang may kaibigan na naaksidente, uunahin niyo pa ba ang hiya niyo o ang mga hold ups niyo para sa kapakanan niya? Alam kong iba ang nasa isip ninyong lahat. Iba ang nakita niyo kanina. Dahil ang akala niyo pa ring lahat ay may nararamdaman pa rin ako sa kanya. Can't anyone of you feel the same way I do? I have moved on, a long time ago. At hindi ko bibigyan ang taong mahal ko ngayon ng dahilan para magselos siya sa mga ginagawa ko dahil lang sa mga iniisip niyo na mali. Now, may I excuse us."

MY GIRLS 1 (PHOTOGRAPH)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!