Chapter 11

86 5 0
                                    

KATE'S POV


Its been three days simula noong pumunta kami dito sa resort ng kaibigan namin na si John Ray. Sa loob ng mga araw na iyon ay mas lalong lumalim ang aming pagkakaibigan. Mas lalo naming nakilala ang isa't-isa sa mga nangyari sa nakalipas na tatlong araw. nNalaman naming nagkaroon din pala ng karelasyon noon si Mica sa isang gwapong lalaki. Si Krizza na may itinatago pala sa aming sekreto na ako pa lang ang nakakaalam at ang tahimik na tensyon na namamgitan kina Quitta, Dayanara,Luke at James. May pakiramdam, talaga ako towards sa kanilang apat. The way Quitta reacted sa mga galaw nina Luke at Dayanara. And speaking of Dayanara, hindi pa rin sila nagkakasundo nina James, the last time they played with each other, pareho silang na lock sa storage room ng resort. They both came out shivering and hugging each other.

Kasama ko ngayon na nagkakape sa isang cottage sina Mica at Krizza. Maagang nagising si Krizza kaya inaya niya kaming magkape ni MIca kahit tulog na tulog pa kaming dalawa. Sa tingin ko ay may iniindang problema itong babae na ito. Si Krizza ang tipo ng tao na mahilig sarilihin ang probelma niya. Hindi niya hilig ang i share ang problema niya. Nalalaman na lang namin na may problema siya kapag malala na o tapos na ito at nakapag move on na siya.


Patapos na kami sa pagkakape nang mahagip nag mga paningin namin ang dalawang tao na pababa sa isang speed boat. Noong una ay hindi pa namin pinansin na pababa na silang dalawa,pero noong papalapit na sila sa aming direksyon ay bigla naming naimulat ang aming mga mata ng wala sa oras. Nawala ang antok naming tatlo noong mamukhaan namin ang babae na kasama ng half naked na lalaki. Hindi kami maaaring magkamali. Sabay pa kaming napatingin na tatlo habang papalapit siya.

"Monica?" sabay naming nabanggit na tatlo sa isa't isa. Literal kaming nautal habang lumalapit siya sa amin. Ang gaga, nakangiti, kaya pala minsan lang siya kung sumama sa amin? May nakilala pala siya dito sa resort.


"Hi, girlfriends,!" Masayang bati niya sa aming tatlo, Mag rereact na sana ako nang bigla siyang hablutin ni Mica at dinala sa kung saan. Naiwan kaming nakatingin sa lalaking kasama ni Monica. Nakangiting nakatingin sa amin ang lalaki pero iba ang nakikita ko sa mata niya. iba sa ipinapakita ng ngiti niya ang emosyon niyang nakatago sa sarili niya at natatakot ako sa nakatagong emosyong iyon. Nakita kong bigla si Krizza na tumayo at lumapit sa lalaki. hindi ko inaasahan ang mga sumunod niyang sinabi.


"Hindi ko alam kung bakit parang humaling na humaling sa iyo ang kaibigan namin, kung anoman ang balak mo sa kanya, huwag mo ng ituloy." sabi ni Krizza. Kilala ba niya ang lalaking ito? Bakit niya pinagbabantaan ang lalaki.


" Walang akong masamang intensyon sa kaibigan ninyo. Hindi ba puwedeng nahanap na namin ang isa't isa, destiny kung baga." sagot ng lalaki sa kaniya. Hindi na ako nakatiis at nakisali na rin ako sa usapan nila.


"Teka nga, magkakilala ba kayong dalawa?" tanong kop sa kanilang dalawa.

"Hindi!" sabay nilang sagot sa akin


"Tara na Kate!" sabi ni Krizza sa akin sabay hatak palayo sa lalaking iyon. Nahiwagaan talaga ako sa ikinilos ng dalawang iyon.


***

Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari kanina sa dalampasigan, parang sa tingin ko ay nagayuma ata si Monica sa lalaking iyon kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakauwi sa room namin. Sa pagkakaalam ko, hindi siya ganoon sa mga past flings or boyfriend man niyang matatawag iyon? Hindi siya ganoon ka attach sa kanila. Actually, sila pa nga ang bumubuntot sa kaibigan ko.

MY GIRLS 1 (PHOTOGRAPH)Where stories live. Discover now