chapter 7

135 8 0

thank you sa support, mga friends.! happy ako na marami ng nagbabasa. Sana po patuloy niyo pang suportahan ang story na ito. I love you all! I have added some characters in the story ha?

KATE

"Ang ganda talaga dito!" sabi ni Mica sa amin. Nandito na naman kami ngayon sa Heaven's  Beach Resort. Pag aari ito ng pamilya nina John Ray. Ang kaibigan namin. Isa siyang  Environmentalist. Aktibo siya sa iba't-ibang kampanya tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran. And he is proud of his sexual prefence. Maging kami din ay tanggap namin siya. He is one of our friends na nagpapatawa sa amin kapag ganitong magkasama kaming magkakaibigan lalo na kapag kasama niya si Aira na kalog din.

"Buti naman at naka dalaw kayo dito sa resort namin." bati niya sa amin nang makalapit na kami sa kanya.

"Oo naman. Pwede ba naming makalimutan ang maganda naming kaibigan?" sabi ni Mica sa kanya.

"Wuuuu, alam ko naman na may gana kayong pumunta dito kasi libre na kayo dito!" sabi ni John Ray.

Natawa kaming lahat sa sinabi niya. Wala naman talaga kasi kaming magawa kahit na magbayad pa kami kasi hindi naman tintanggap ng mama niya ang bayad namin kay heto at namimihasa na kami sa kanila. hahahaha

Kumpleto kami ngayong pito na magkakaibigan na pumuta sa resort nila. Kasama pa namin sina Harvey, Luke at James.

"Andito pala sina Gillen at Aira. Nandoon na silang dalawa sa dagat at naliligo. Samahan niyo na lang sila doon kung gusto ninyo." sabi niya sa amin.

"Sige, magbibihis na kami. This is going to be fun!" sabi ni Krizza na tumatakbo na papunta sa cabin namin.

Hindi maikakailang isa ang resort nina John Ray sa pinakamagagandang resort hindi lang sa lugar namin kundi pati na rin sa buong bansa. Sa katunayan, nai feature na nga ito sa isang article na tumatalakay sa mga magagandang resort sa ating bansa and we are proud to say na may contribution kami sa kung paano natulungang ma discover ang resort nila. Nangampanya kami thru facebook noon at hindi namin akalain na naging ganoon kapatok sa mga tao ang naisip naming idea noon. Kaya siguro ang hindi pagtanggap ng mama ni John Ray sa aming bayad sa tuwing pumuputa kami doo ay tanda na rin ng pasasalamat niya sa amin.

"Maganda itong lugar ng kaibigan ninyo ha?" sabi ni James kay Dayanara.

"Syempre naman. Aside na environment friendly itong resort nila, masasabi naming maganda din talaga ang mga staff nila." sabi ni Dayanara na nakangiti kay James.

"Talaga, maganda sila? May fling prospect ba?" loko loko talaga ito. nakita naming kumunot ang noo ni Dayanara. Heto na,,, hahahahha.

"Gago, ka din eh noh? Ang ibig kong sabihin, maganda ang attitude ng mga staff nila. Ikaw, manyak ka talaga kahit kailan. Porquet gwapo ka ay......." hahahaha nadulas si Dayanara

“Anong sinabi mo?” nagkunwari pa si James na hindi niya narinig ang sinabi ni Dayanara.

“Wala, sabi ko huwag kang assuming.” Kunwari naman ni Dayanara.

“Hindi eh, alam ko, iba ang narinig ko eh, talaga bang nagagwpuhan ka sa akin?” kutya ni James sa kanya.

“Hoy, kahit na ikaw na lang ang lalaking natitira sa mundong ibabaw, hinding hindi ako papatol sa iyo. Mas gusto ko pang patulan tong si Monica kaysa sa iyo noh!” sabi ni Dayanara

“Hoy! Nakakadiri ka Dayan ha? Bawiin mo yang sinabi mo!” sabad naman ni Monica

“Totoo naman iyon eh. Mas papatulan pa kita kaysa sa mokong na ito.” sabi ni  Dayanara at lalong nandiri sa kanya si Monica.

MY GIRLS 1 (PHOTOGRAPH)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!