Chapter 3

148 7 0

"Hello, kuya, nandito na kami sa gate ng University niyo, sunduin mo naman kami oh?" Sabi ko kay Ariel sa kabilang telepono. Dito siya nang-aaral sa UNO-R. Kagaya namin ay graduating student na din siya sa kursong Agriculture. Kilala siya dito sa paaralan nila. He had connections, kaya inassume namin nina MIca at Krizza na matutulungan niya kami sa sadya namin dito.

"Nandito na ako sa likod niyo." Nagulat kami sa kanya. As always he's a dignified man. Lahat ata ng makakasalubong niya ay naiintimidate sa dating niya. No wonder, walang makalapit sa kanya.

"Kuya!" Lumukso sa kanya si Mica, pero winaksi niya lang ito dahilan para tumilapon sa gilid yung isa.

"It's a courtesy of mine. Wag kang lalapit sa akin para i hug ako." sabi nito kay Mica. As usual nakakatakot din siya. Not to mention that he is big and tall.

"Hindi naman kasi ihahug eh. Gusto ko lang sanang mag shake hands sayo. Kagalang galang kasi ang suot mo ngayon eh." Nakasubsob pa rin si Mica sa sahig.

"Sabihin mo kasi nang maaga nang hindi ka nasaktan ng ganyan." sabi ni Krizza sa kaibigan. tumayo na rin si Mica.

"Ano ba ang sadya niyo dito?"tanong ni Ariel.

"We are looking for someone." Kaswal na sagot ni Krizza sa tanong niya.

"Who is it? At tsaka bakit sa kin? Hanapan ba ako ng mga nawawalang tao?" How rude. lalo tuloy kaming naiintimidate sa kanya.

"Tara na nga lang, umalis na lang tayo dito. Akala mo kung sino!" sabi ni Krizza sa akin sabay hila sa kamay ko.

"Wait, hindi naman kayo mabiro! I'm just in character. Pinapraktis ko kasi yung character na gagampanan ko sa play namin eh. Galit ka Krizza? Sorry na," Ibig sabihin, pinagpapraktisan lang pala niya kami.

"Don't do that again, kuya. Alam mo namang matampuhin yang si Krizza eh."Sabi ni Mica sa kanya.

"Okay, I'll remember that."

"Pero bakit mo ako tinulak? Nasa scene din ba yun ng play mo?" Tanong ni Mica kay Ariel.

"Hindi, trip ko lang talaga na itulak ka."

"Ay ganun, Ako naman ngayon niyan ang magtatampo kung ganoon." Tumalikod din yung isa. Nilapitan siya ni Kuya Ariel.

"Sorry na."

"Sige, tatanggapin ko yang sorry mo if, ililibre mo ako ng Tanghalian?" nakangisi na ang maldita, mukhang makakaisa na naman ito ah.

"Oh sige, sagot ko na kayong tatlo." humiyaw si Mica pagkasabi niyon ni Kuya Ariel sa amin.

***

Kasalukuyang tinitingnan ni kuya Ariel ang litrato na ipinakita ko sa kanya.

 I had a shot at Mr. Eyeglassman. Buti na lang.

"Hindi ko kayo matutulungan, girls." yun lang ang sinabi ni Kuya at tumalikod na siya.

"Uy!" sigaw ni Mica sa kanya. Bumaling naman siya.

"Ano yun?"

"Ganoon na lang yun, pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin sa yo, hindi mo lang pala kami tutulungan?"

"I really do want to help you pero, not to this one. "

I'm starting to think na may alam talaga siya. Back in high school, kahit na anong problema naming magka klase, hindi siya nag-aatubiling tulungan kami. Kahit na anong problema man iyon. He was a very good man, but something changed when that incident happen. Kaunti lang sa amin ang nakakaalam ng totoong nangyari and I still don't want to judge.

MY GIRLS 1 (PHOTOGRAPH)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!