Remembering Bambi (Babysittin...

By krisylala

501K 15.7K 2.5K

Who is the enemy? Who are the real heroes? Can the past really be rewritten? Can memories that are erased sti... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24

Epilogue

12K 520 93
By krisylala


彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ


●~* Babysitting Six Aliens ●~*


[3RD]


"Grandmy!!!! Tara na! Nararamdaman ko na yung pangungulit ni Kuya a million miles away." inip na sigaw ni Bambi na naghihintay sa living room.


"Teka lang! Matanda na ako, okay. Hindi ko kayang magpigil ng ihi." sagot ni Grandmy pagkalabas niya sa bathroom.


"Daliiiiiiii, official coronation na ni Kuya at baka mapatay niya ako kapag wala pa tayo doon."


Napatawa na lang si Grandmy sa pagka-O.A ni Bambi.


"Oh siya siya.." pumwesto na sila malapit sa pader. Ipinatong ni Grandmy ang kanyang isang palad sa palad ni Bambi, at pareho nilang idinikit sa pader ang isa nilang kamay.


Huminga sila ng malalim at pumikit hanggang sa naramdaman na lang nila ang pagwala ng pader at napalitan ng isang portal. Ang portal papunta sa mundo nila.


Ilang months din sigurong na-perfect ito ni Bambi dahil sa halip na sa mundo nila nagle-lead ang portal, napapapunta sila sa ibang planeta na, well, sobrang iba sa kanila.


Tumingin sila sa portal kung saan ipinapakita ang kanyang kwarto sa kastilyo. Rinig na niya sa kabila ang ingay ng mga tao sa labas. Mukhang excited na rin sila sa pagiging hari ni Flame.



Humakbang na sila papasok sa portal at saktong bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at nakita niya si Leaf. "Ayun, nandito na din kayo! Dali at hinhanap ka na ni Flame. Sobrang kinakabahan na yata, muntikan na nga kaming ihawin eh."


Napatawa si Bambi, "Oo, susunod ako."


Tiningnan ni Leaf si Bambi mula itaas hanggang sa baba at ngumiti na ikina-blush ni Bambi. "You look beautiful." sabi sa kanya nito bago umalis.


Tumingin si Bambi sa salamin at tiningnan ang kanyang sarili. Naka-ayos ang kanyang buhok at suot-suot niya ang gown ng kanyang Mama. Isang gown na nagg-gradient ang kulay ng mga elements. A perfect gown.


Lumapit sa kanya si Grandmy at isinuot sa kanya ang kwintas na bigay din sa kanya ng Mama nya.


"You do look beautiful, Princess." rinig niya sa boses ni Grandmy ang pagka-proud sa kanya.


"Thank you." nahihiya niyang sagot.


Tiningnan pa siya ng ilang segundo ni Grandmy at bago pa tumulo ang kanyang mga luha, binuksan na niya ang pinto ng kanyang kwarto, "Dalian mo na bago pa pasabugin ng Kuya mo ang buong palasyo."




"Oh, dear...." yun na lang ang nasabi ni Bambi sa sarili niya pagkabukas niya ng pinto sa kwarto ni Flame.


Nakaupo ang kanyang Kuya habang nakaharap sa isang malaking salamin at hindi niya siguro namamalayan na apoy na lumalabas sa dalawa niyang palad.


Nasa kabilang side si Sky na pinapatay ang apoy gamit ang kanyang malakas na hangin, at si Ice naman sa kabila na pinapatay ang apoy gamit ang kanyang tubig. Pero pagkapatay nila, may bago na namang apoy na lalabas.


Mukhang kinakabahan nga ang kuya niya.


Sa kabilang gilid naman ng kwarto ay si Rock na namomroblema sa pagbubuhol ng kanyang tie sa leeg, si Light at Dark na as usual, nag-aaway na naman, at si Leaf na relaxed lang na nagbabasa ng libro.


Nakita ni Flame ang reflection ni Bambi sa salamin kaya naman bigla itong tumayo at lumapit papunta sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit.


"A-aray.. Teka di ako makahinga huy!!" nahihirapang sabi ni Bambi pero sa wakas ay pinakawalan na siya ni Flame.


"Bakit ang tagal mo?! Alam mo bang kanina pa akong kinukulit ng mga 'to, tapos yung sumikip yung suot ko!! Tapos narinig ko na hindi pa yata nalilinis yung korona tapos-"


"Kuya!! Kailangan mong kumalma." hinawakan ni Bambi ang magkabilang balikat ng kanyang kapatid at mahina siyang inalog.


"Hinga ng malalim." sabi niya at sinunod ito ni Flame. "Now, tingnan mo ako." utos ulit niya.


"Wala kang dahilan para kabahan, okay. You deserve to be a King and I know that the people will love you. Heck, I'm sure they already love you!! Bakit pa sila mag-aagree na gawin kang hari, diba? You're awesome and kind and dependable and just... worthy to be a king."


Tumahimik saglit si Flame at napangiti naman habang nakikinig sila Rock, Sky, Ice, Light, Dark, at Leaf.


"You're right. I'm awesome." determinadong sabi ni Flame na dahilan ng pagsapok sa kanya ni Bambi.


"Sa pagka-haba haba ng sinabi ko, yun lang ang nakuha mo?!"


Tumawa na lang si Flame at inakbayan si Bambi. "But seriously, thank you dahil nandito ka."


"You know I wouldn't miss this."


Ngumiti si Flame, "Are you sure you don't want to stay?"


Tumingin si Bambi sa malaking bintana ng kwarto. Sobrang liwanag nga ng mundong ito.


"This isn't my world, Kuya."


Tumango si Flame. "I know."





"Everyone, you have now a new King!"


Automatic na sumigaw ng malakas at nagpalakpakan ang mga tao. Ngumiti ng malaki si Bambi habang nakatingala sa kanyang Kuya na nasa isang stage at suot-suot ang kanyang korona.


Kasama niya sa unahan ngg crowd si Grandmy na pinupunasan ang kanyang mga luha, sila Rock na nagpapalakasan ng mga sigaw, at si Queen Lala at sila Yongguk.


Ang feud ng dalawang planeta? Wala na. Welcomed na ang bawat isa sa parehong planeta.


And believe it or not, may liwanag na sa planetang Mato. Well, medyo. But still!


Naisipan nilang magtayo ng mga poste at lanterns na may ilaw gamit ang tulong ng liwanag sa planeta nila na may kakayahang tulad ni Light. Kung paano nila ito nagawa? Well, she still need to master that. Hindi pa din naman tapos ang training niya. Also, pumupunta din doon ang mga katulad ni Leaf para magtanim ng kaunting mga halaman at mga bulaklak. Everything's going perfectly fine.


Pero bukod sa literal na liwanag ng kanilang planeta, kita na rin ni Bambi ang liwanag sa mukha ni Queen Lala at ng mga Mataliens.  Naramdaman ni Queen Lala ang tingin sa kanya ni Bambi kaya naman tumingin ito sa direksyon niya at ngumiti. 


"Come visit me soon, okay?" narinig ni Bambi ang boses ni Queen Lala sa utak niya gamit ang kanilang abilidad. Ngumiti si Bambi at tumango sa kanyang Tita.



Ibinalik na ni Bambi ang atensyon niya kay Flame na may malaking ngiti habang kumakaway sa kanyang mga pinamununuan.


"Mama, Papa. Look at Kuya. You must be so proud right now." sabi niya sa kanyang sarili. Right on cue, may mahinang hangin na dumaan sa pwesto ni Flame na para bang niyayakap siya.


Tiningnan ni Flame si Bambi at ngumiti sila sa isa't-isa. Understanding na nandito, kasama nila, at nanonood sa kanila ang kanilang mga magulang.



[BAMBI]


After party na which means kainan and sayawan. Which means, nandito lang ako sa tabi ng buffet table basically. 

Tiningnan ko ang mga pagkain na nakahilera at pinag-iisipan kung alin ang sunod kong aatakahin nang bigla akong may naramdaman na presensya sa likod ko at may pumulupot sa beywang ko. 


Oh, did I mention na nagpalit na rin ako ng suot? Isang flowy dress na lang ang suot ko na may manipis na tela kaya hulaan niyo na lang ang kilabot ko. Pero naka-recover na rin naman ako sa pagkagulat ko nang naramdaman ko kung sino ito. Sumandal ako sa kanya at lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayap sa akin.


Ipinatong niya ang kanyang chin sa aking balikat at ramdam ko ang mahina niyang paghinga sa leeg ko. At lalo akong kinilabutan. Sana lang hindi niya maramdaman yung lakas ng tibok ng puso ko, please.


"I guess you have no idea how enchantingly sexy you look right now." bulong ni Daehyun sa aking tenga. Shit... umh, lalo bang lumalim ang boses niya kasi.. O. M. G.


"Uhm..." okay, hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko doon. Napatawa na lang siya ng mahina. Bigla niyang hinawakan ang aking balikat at iniharap sa kanya at doon ako napa-gasp.


Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan at para bang it's the first time seeing him. Naka-black suit siya with his hair slicked back and he looks so.. so... O. M. G. lang talaga.


Hindi ko ba alam kung ilang segundo ako nakatitig sa kanya dahil namalayan ko na lang na naka-smirk na siya. Dang it.


Bago ko pa ma-defend ang sarili ko, dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay niya mula sa balikat ko hanggang sa aking wrist, all the while letting his fingers lightly caress my skin.


Iniangat niya ang kamay ko at gamit ang free niyang kamay, may kinuha siya sa kanyang bulsa. Nagulat ako at halos maluha nang nakita ko kung ano ito.


"Pwede ko na bang ibalik sa'yo 'to?" tanong na at agad naman akong nag-nod.


Isinuot niya sa akin ang kanyang bigay na bracelet na may mga pendant na bunnies. Ang bracelet na ibinalik ko sa kanya. Tinitigan niya ito sa wrist ko ng ilang segundo bago niya ipinag-intertwine ang mga kamay namin.


Humakbang siya papalapit sa akin at isinandal ang kanyang noo sa aking noo. Huminga siya ng malalim at pumikit, "I finally have you, Strawberry."


Strawberry. Bumilis ang tibok ng puso ko at napapikit din ako para pigilan ang pagpatak ng mga luha ko. 


We finally have each other.


"I missed you, Daehyun." kumunot ang noo ko nang hindi siya sumagot. Iminulat ko ang mga mata ko natigilan nang nakita kong nakatitig na siya sa akin. 


May maliit na ngiti sa labi niya pero punong-puno ng emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Ang mga emosyon na alam kong ang lahat ay para sa akin.


"I love you, Bambi."


Oh. 


"Bambi?"


My.


"Umh.. Bambi?"


God.


"Hahalikan kita kapag hindi ka nagsalita." Doon naman ako biglang natauhan. Pero sa halip na magsalita, ngumiti na lang ako. Nagulat siya saglit pero agad din itong nawala at napalitan ng mas matinding emosyon ang kanyang mga mata. 


An emotion that I know I also have right now. 


Without warning, he leaned in and for God knows how long, our lips finally touched. 


Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa leeg niya, at siya naman sa beywang ko habang lalo pang ipinagdidikit ang mga katawan namin. 


Honestly, kung hindi niya ako niyayakap ngayon, siguro nasa sahig na ako dahil sobrang weak na ng mga tuhod ko.


He deepened the kiss and I let out a small moan. Para bang kinalimutan na namin na may mga tao kaming kasama. Na may mga taong nakapaligi-


"EEP!!" 


"Shh!"


Snapping back to reality, agad akong kumawala sa kapit ni Daehyun at narinig ko naman ang mahina niyang pag-growl. Tiningnan ko kung saan nanggaling ang ingay at nakita ang lima pang mga lalaki na importante sa buhay ko.


Si Yongguk na may knowing grin, si Himchan na naka-pout but after a while, binigyan ako ng isang malaking ngiti, si Youngjae na binigyan ako ng isang thumbs up, si Jongup na, as usual, may malaking ngiti, at si Zelo na tinatakluban ang kanyang mga mata gamit ang kanyang parehong mga kamay. 


Oops, we've been caught. Tiningnan ko si Daehyun at nag-shrug lang siya as if saying "So what?" UGH.


"Well, tapos ka na ba kay lover boy? Pwede na ba tayong umuwi? Ang pagkakatanda ko, tapos na ang sembreak natin at pasukan na natin ulit bukas." nakangiting sabi ni Yongguk, "Also, kailangan pa naming ilipat ang mga gamit namin sa bahay mo."


Yun lang ang kailangan niyang sabihin para tumakbo ako papalapit sa kanila at yakapin silang lahat. "You mean, bahay natin."



- - - 


"Nasaan si Daehyun?!" sigaw ko to no one in particular. 


"Tulog pa." simpleng sagot ni Youngjae na kakatapos lang sigurong mag-ayos at umupo na sa dining table para mag-breakfast. ARGH!!!


"Yongguk, tumigil ka na diyan at kumain ka na." sabi ko nang madaanan ko si Yongguk na naka-upo sa sahig at naglalaro na naman ng kung anong war game sa PSP niya.


"Himchan, tumigil ka na diyan at kumain ka na." sabi ko nang madaanan ko si Himchan na kinikindatan ang sarili niyang reflection sa salamin.


"Jongup, tumigil ka na diyan at kumain ka na." sabi ko nang madaanan ko si Jongup na nagpupush-ups sa sahig.


Nakarating na ako sa kwarto nila at akmang bubuksan na ang pintuan nang naunahan ako ni Zelo na halatang kakatapos lang mag-ayos.


"Ate!" nakangiti niyang sabi nang makita ako at agad akong niyakap. 


"Si Daehyun?" tanong ko nang pakawalan na niya ako. "Tulog pa." naka-pout niyang sagot. Ginulo ko na lang ang buhok niya at nag-groan naman siya habang inaayos ulit ito. Awww, binata na ang baby boy ko. "Sige na, kumain ka na ng breakfast dun."


Pumasok na ako sa kwarto nila at tulad nga ng kanilang sabi, tulog pa nga si Daehyun. HAYYYYYY. Umupo ako sa gilid ng kama niya. Hahawakan ko na sana ang balikat niya para gisingin siya pero bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinila pahiga sa kanya. 


"What the- Daehyun!!!" pagpupumiglas ko pero lalo lang niya hinigpitan ang yakap sa akin. Aba!! Ipinatong pa niya ang paa niya sakin!!


"Huy! Gumising ka na aba male-late tayo sa lagay na 'to." tanging pag-grumble niya ang nakuha kong sagot.


Hindi pwede 'to. Bumuntong hininga ako at nag-isip ng magandang paraan para gisingin siya. AHA. 


"Hindi ka makakakuha sakin ng cheesecake for the next two weeks." Mean, I know, pero effective naman ito nang bigla niya akong itulak paalis sa kama (yes, nahulog ako) at bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa bathroom.


Well, I guess that settles it.



Pumunta na ako sa dining table at makalipas ang ilang minuto, sumama na rin sa amin si Daehyun. Napansin niyang halos ubos na ang ulam dahil na rin sa late nga siya nagising kaya naman kinuha niya ang nag-iisang bacon sa pinggan ni Youngjae.


Wrong move.


"Hoy! Akin yan!" sigaw ni Youngjae na akmang kukunin ang bacon mula kay Daehyun pero natabig niya ang isang basong may juice na tumapon sa puting uniform ni Himchan.


Oh dear.


"What the!!!" agad siyang tumayo and in the process, nasiko niya ang kamay ni Yongguk na akmang susubo na sa kanyang kutsara kaya naman natapon ang kanyang pagkain.


Umh.


"Shit!" 


Tiningnan ko na lang si Jongup na mukhang entertained na nanonood sa chaos na nangyayari sa harapan namin, at si Zelo na patuloy lang sa pagkain at pagp-protekta ng kanyang mga cherry tomatoes.


Napangiti na lang ako at humalumbaba sa lamesa habang pinapanood ang food fight, i mean, food WAR na nangyayari.


Na-miss ko 'to. Na-miss ko ang ingay sa bahay na ito. And to be honest, I don't mind it. I can definitely live with tha- *plonk*


Napatigil silang lahat nang biglang may tumamang pagkain sa mukha ko. Seryoso ko itong ipinahid paalis sa mukha ko gamit ang tissue.


Sabay-sabay silang umupo at itinuloy ang pagkain nila na para bang walang nangyari.


I guess I'm back to babysitting these six aliens, huh? 



- FIN - 


彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ☆彡☆ミ 

Liked this story? Check out my other works, too!

Out Of Reach -  You see that person on stage over there? He was once mine, and I was once the only girl he looked at. But now, he's definitely out of my reach. So, this leads to my story - a story about a rockstar and me.

Behind His Glasses - She is running away from a secret. He is living in her secret.

Unofficially His - In just a second, I became G-Dragon's girlfriend. Well.. unofficially that is.

Chasing Summer - Faeries. She shouldn't see them, but she can. She shouldn't be able to hear them, but she can. She shouldn't go with them, but she doesn't have a choice.

Secret Files - "Your secret is safe with everyone."

Terrible Things - Now playing: Terrible Things by Mayday Parade

The Boy Who Cried My Name - "He was the first boy who knew my name, and the last guy who cried it."  






Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 37.5K 75
Pumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekad...
11.2M 503K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
20.8M 762K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
7.4K 213 59
May babaeng nag ngangalang Glaibell ay meron syang boyfriend at taon na din ang tinagal ng relasyon nila ng lalakeng yun kahit na sa RPW lang sila na...