Embracing Certainty

By geli_ca

129 0 0

A world full of uncertainty and life without clarity. That's the matter Zhamahra Mneshia Kleih "Raiah" has be... More

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Special Chapter

EPILOGUE

0 0 0
By geli_ca

KLEV's POV

There's this one girl na familiar, but hindi ko maisip kung saan ko siya nakita or kung nagkainteract na ba kami. She's in a business course, and palagi ko siyang nakikita. Everything about her is so perfect for me. I'm her secret admirer because I can't take the risk of confessing, mas okay na ako sa ganito, sekretong tagahanga niya. Atsaka, she looks like an academic girl, parang wala pa sa hitsura niya ang love life.

I still want to express my feelings for her so naging hobby ko na umuwi sa probinsya every month para lamang kumuha ng fresh na flower sa shop namin. Monthly akong nagpapaabot ng flower sa kan'ya. I always saw her sa school na mag-isa, kung hindi siya busy sa books ay nakikita ko siya palagi sa garden sa school. Dahil doon nalaman ko kung gaano niya kagusto ang mga bulaklak. Her smile suits her everytime na namamangha siyang nakatingin siya sa mga bulaklak.

It's so surreal pala talaga 'no? Kahit patago ko lamang siyang hinahangaan ay patuloy na nagogrow at lumalalim ang nararamdaman ko para sa kan'ya to the point na ayaw kong ganito na lang ako. I want to level up, I want to take the risk and get all the chances.

Gathering all the strength that I have, we're in 4th year college at balak ko ng umamin.

Nagpadala ako sa bulaklak sa kan'ya at nakasulat sa note na I'm ready to introduce myself. Iniwan ko rin sa notes na sa garden ko siya hihintayin.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, naghahalong saya, kaba at takot. Saya na harapin siya at mawala na ang pagtatago tago ko, mas malaya kumbaga. Kaba at takot sa possible na mangyayari. Ngunit handa ako sa lahat.

I saw her walking papunta sa akin and her hair na tinatangay ng hangin. Sobrang ganda niya.

Mula sa kinauupuan ko ay napatayo ako at hinintay siyang makalapit sa akin.

"The one who always give me flowers?"

Tumango lamang ako, fvck it nakakawala 'to ng angas. Nakakaspeechless pala kapag siya na ang kaharap.

"I'm Klev, It took me a lot of courage to do this and yeah I think today is the day. You're so pretty, by the way"

"I'm Raiah, nice to meet you. Hindi na secret admirer ang code name mo sa akin dahil kilala na kita, uhm Klev" sabay ngiti nito sa akin at lahad ng kamay niya

"Pero bakit?" ang cute niya, ang simple niyang tao, ang inosente ng mukha niya, looks like an angel

"Bakit kita nagustuhan? I like you without any kind of explanation or reason. Basta gusto kita, Raiah. You deserve to be pursued, I am ready for everything. Can I take this chance to ask for your permission about me courting you?" diretsuhan kong tanong, ayokong magpaligoy ligoy pa dahil nasa harap ko na siya at walang kahit ano ang dapat na masayang

She freeze for a minute. Nawala ang kaba ko dahil naisabi ko na ang gusto kong sabihin. Nakikita ko na ang mga sagot sa kan'yang mata.

"I'm sorry, Klev. I can take your feelings but I can't entertain it or reciprocate it. I'm not yet into relationship, hope you understand" sagot nito na tila nagiingat sa mga sasabihin upang hindi makasakit

Mas sobra pang kahanga hanga ang buong pagkatao niya sa ineexpect ko.

"No, don't say sorry when you're not in fault. I understand it po, sabi ko naman sa'yo ready ako sa lahat. Felt relieved naman na rin ako because nasabi ko na, doon pa lang panalo na ako. Thank you so much, Raiah!" I said to her

"No, thank you Klev. I appreciate you. Makakapagthank you na ako directly sa nagbibigay sa akin ng flowers. I guess it ends here, nice meeting you again. Balik na ako, may klase pa eh. See you when I see you" sabay tapik nito sa balikat ko at naglakad paalis

What if I told you that I've fallen....
Deeply..

Hindi pa nga tayo nagsisimula Raiah may end end ka na, just kidding. Nakahinga na rin ako ng maluwag. Hindi ko siya intake as heartbreak dahil kahit naman hindi ako pinayagan manligaw, hahayaan ko lang ang feelings ko para sa kan'ya. When she's ready, andito lang ako, andito pa rin ako.

Naging busy lang talaga since graduating na kaya hindi ko na masaktuhan na makita siya. And I stopped giving her flowers din muna, tingin ko kasi I need to show respect for her decision. Hindi ibig sabihin tinanggap ko ang nangyari ay mawawala n 'yong consistency. Naghihintay lang ako ulit. At balak kong ipursue na siya after ng graduation.

Sobrang ayon talaga sa akin ng tadhana. May anghel na papasok ng bus at patungo sa tabi ko. Nakasabay ko siya at eto na ang itetake kong unang hakbang.

"Okay fine, please dahan dahan ka lang magpatakbo mahal ko ang buhay ko" wika niya, hindi talaga siya nakakasawang pagmasdan

Sang-ayon pa sa akin ang magdahan dahan dahil mas makakasama kita ng matagal. Kahit sa simpleng pang-angkas mo lamang sa motor ko, binabalot na ng buong galak ang sistema ko.

Hindi naging madali ang patuloy na pageexpress ko sa kan'ya ng nararamdaman ko dahil naging masungit siya sa akin. Ewan ko nga rin at ayos naman last na usap namin, good term naman. Hindi ko rin alam pinapanggalingan ng inis niya sa akin.

Mahal na mahal ko na talaga ang tadhana sa tuwing kasi binabalak kong gumawa ng moves kusa na lang pinagcocross ang landas namin.

Kaya pala familiar, siya pala si Ara ko. Ang batang kapatid kapatid ko noon, na mahal ko na ngayon hind lang bilang kapatid.

After ng lahat ay mas naging comfortable na sa akin si Raiah. Kung dati ay ingat siya palagi sa pinapakita niya ngayon wala na siyang pakelam, gagawin niya lahat ng malaya.

"Bakit ang sungit sungit mo na sa akin no'ng pagtapos ng pag-amin ko?" tanong ko sa kan'ya

"Kasi naman kahit onti nagexpect ako 'no. Ikaw kasi naging reference ko na hindi lahat ng lalaki magkakatulad. Na kapag magpaalam manligaw tapos nireject ko, magpapatuloy pa rin. Akala ko kasi ipupursue mo ako pero tumigil ka rin. Kasi diba ayon talaga ang purpose ng panliligaw, payagan ka man or hindi kung gusto mo talagang mapasa'yo mageeffort ka pa rin. Pero nagegets ko naman ikaw kasi respect sa decision ko mas nagmatter sa'yo lalo sabi ko rin nga kasi no I'm not ready pa. Tapos na rin naman hayaan na natin"

I got her point, tama naman siya. Courting teaches us resilience that even in rejection, we should find strength and the courage to continue pursuing what truly matters and what our hearts really want.

Nagkaroon ng progress sa amin and the best part of my life happened. Zhamahra Mneshia Kleih became my girlfriend. My first ever crush, like and now will be my love for the rest of my life.

I enjoy her company so much; life is better when I'm with her. I like it better when she's by my side. We spend a lot of time together. I used to give her everything I could. Kusang nagapply sa sarili ko ang five love languages ng hindi man lang ito inaaral. I always want her to know that, aside from all of her efforts and time, she also deserves a gift. It's not about the material things but the preset, which is also my way of expressing myself and for her to remember me behind it. Especially the flowers, na hindi mawawala.

I love her so much. I have fallen in love multiple times, and it was always her.

Sunset, flowers, and the sea-all of the things that remind me of her. A sunset bringing hues of passion ignited in my heart. A flower reminder of beauty and vibrancy fills my life with color and joy. And a sea wherein I found the real serenity of my waves.

I don't want to wish for more because I already have the best no one can ever ask for.

Our relationship revolves around a genuine and pure connection. I think I have already found my soulmate.
Sobrang kalmado ng relasyon namin, nagkakasundo kami sa mga bagay at nageenjoy lamang kami, living in every moment we're at.

Parang kapag titignan lahat nakakaamaze, kung paano pagtagpi tagpiin lahat sobrang coincidence lang. Ang ganda lang din ng naging foundation namin.

But as we're in reality, kung paanong unexpected ng kwentong binubuo namin, unexpected din pala itong matatapos. Heartbreak chapter of life will always be inevitable.

"Klev, nagiging sugar mommy mo na lang ata ako eh"

The word that I didn't expect to hear from her. I know in myself that I never let her feel that way before, but I am already making it to her now.

Ang totoo niyan, pinapasara na ang flower shop namin ni mama because nakakapos na kami financially. I feel bad because I need to sacrifice something I deeply desire. One thing, na matagal ko ng pinaghahandaan. Nag-ipon ako, because I'm planning on marrying her. Either some people think that it's rushed or too early, but for me, for me, it's not about how long or rushing things. But the concept of marrying her comes from my faith that she's the one I see to spend my whole life with.

Hindi ko na siya nabibigyan ng mga gifts and everytime na lumalabas kami hindi na rin ako naglabas ng money because of that reason, na I need to save money. Hindi ko man lang naisip na sa side niya nahihirapan na pala siya at tingin niya nagiging sugar mommy ko na lang siya in terms of providing things in our relationship. Hindi ko man lang naisip ang pwedeng mafeel niya. She feels that I rely everything to her at nabibigatan na siya.

Napilitan akong ilabas ang lahat ng perang naipon ko para lang isalba ang flower shop ni mama. Ito kasi ang huling bagay na iniwan ni papa bago niya kami lisanin. The world is so cruel lang talaga, kahit anong pilit nating isalba ang Isang bagay if it's not meant for us, at the end we just need to accept lost. Hindi naging sapat ang ipon ko, hinanapan at hinanapan kami ng napakaraming salapi. Wala na kaming mapagkuhanan kaya't isinuko na namin ang flower shop sa iba. Kasabay ng pagkatalo namin ni nanay sa laban, ay ang pagkatalo sa akin ni Raiah. Hindi ko na rin siya nagawang ipaglaban. Patawad, tatay. Patawad, Raiah mahal ko.

Naging duwag ako. Si Raiah na nasa harapan kong nanghihina't nasasaktan na ako ang dahilan, hindi ko kaya. Kung sa paghingi niya ng kalayaan ay magkakaroon siya ng kapayapaan, handa akong ibigay sa kan'ya ito. Alam kong masisira siya sa ganito pero mas ayokong masira siya sa paglalakbay namin. She deserves a love that is consistent from the starting point to the right destination. Sa journey na deserve niya kasama ang tamang tao para sa kan'ya. I want to be that right person, just a matter of time.

"I don't know where this relationship will go but I don't want to continue anymore. I'm done, Klev. Nakakapagod umintindi ng wala ka man lang makuhang rason"

She deserves to know the reason but I don't want her to worry. Hindi ko na siya idadamay pa sa problema ko, mas lalo lamang bibigat sa kan'ya ang lahat. Gusto kong ako mismo ang mag-ayos ng problema ko. Alam kong kaya niya, kakayanin niya. Kung ano ang gusto niya, doon ako. I respect her above anything. Hindi ko rin siya masisisi because mas gusto ko ring piliin niya ang sarili niya. Love isn't about making someone question themselves, but about bringing light of answers for everything that strikes their head.

"Alam mo lahat diba, sinabi ko sa'yo lahat yet kaya mo akong talikuran ng wala man lang kahit anong explanation?"

Sa pag-ayos ko ng lahat, I also want to be better, hindi ko siya tatalikuran, lilisanin ko lamang panandalian para sa muling pagharap ko ay kaya ko ng maging matapang para sa kan'ya. She deserves better, so I will do my way to be that deserving. Alam ko ang lahat ng kwento sa buhay niya, hindi ko ito uulitin sa inaakala niya. Kung iniwan siyang walang rason at hindi na binalikan. Hindi ako aalis para hindi na muling bumalik. Sa pagbalik ko ay kaakibat ng pagpapaliwanag ng lahat. I am willing and always ready to face the risk, I have the strongest feeling na may babalikan pa ako. I just need the courage to be brave enough. Masasabi ko rin lahat sa kan'ya at ikekwento ko kung paano ko naovercome lahat and how I fulfilled all my dreams with the reason I always carried, it was her, she's always my reason, ang mahal ko.

She is my daily dose of inspiration, because of her I dare myself to dream more.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 108K 41
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
500K 12.2K 64
" I peer behind him to see a woman laying bridal style unconscious in one of my father's security guard's arms. She wears an involuntary frown. "For...
1M 78.4K 39
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
1M 56.5K 58
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...