Tulad Mong Isang Prinsesa

By JeralyneMartinez

92.4K 4.7K 291

SOON TO BE PUBLISHED UNDER PROJECT DREAM INK More

"Synopsis"
"Prologue"
"Chapter 1: The Story Begins"
"Chapter 2: The Day We First Meet"
"Chapter 3: New Transferee Student"
"Chapter 4: It's You Again"
"Chapter 5: One Of The Famous Student"
"Chapter 6: Part-Time Job"
"Chapter 7: Mapagbirong Tadhana"
"Chapter 8: I Know Him, I Know Her"
"Chapter 9: Aikee's Have A Stalker"
"Chapter 10: Contention"
"Chapter 11: Amazona Girl"
"Chapter 12: Amazona One Punch!"
"Chapter 13: Kurt Sha And Jhe"
"Chapter 14: Friends Are Like Precious Diamonds"
"Chapter 15: Tears Of Joy"
"Chapter 16: Preparing For School Event"
"Chapter 17: Sadako And Mage Girl"
"Chapter 18: Prison In The House"
"Chapter 19: I'm Missing You"
"Chapter 20: First Hug"
"Chapter 21: I'll Be On Your Side"
"Chapter 22: Fallin"
"Chapter 23: I'm Just A Friend"
"Chapter 24: Stolen Shot"
"Chapter 25: Ako'y Baliw Sa Iyo"
"Chapter 26: Girl's Hangout"
"Chapter 27: Tulad Mong Isang Prinsesa"
"Chapter 28: First Kiss"
"Chapter 29: She's Not Here"
"Chapter 30: Mad"
"Chapter 31: Courting The Princess"
"Chapter 32: Rejected"
"Chapter 33: Free Hugs"
"Chapter 34: Shinsuke's Love At First Sight"
"Chapter 35: Chocolate For Boys"
"Chapter 36: Valentine Day"
"Chapter 37: Misunderstanding"
"Chapter 38: Sorry Na, Pwede Ba?"
"Chapter 39: Strangely Suspicion"
"Chapter 40: Career"
"Chapter 41: A Curious Thing!"
"Chapter 42: I Will Fight For You"
"Chapter 43: I Will Do Everything For You"
"Chapter 44: Selos Much"
"Chapter 45: Kami Na!"
"Chapter 46: You And I Tonight"
"Chapter 47: First Date"
"Chapter 48: A Two-Timer Girl"
"Chapter 49: Paalam Sayo"
"Chapter 50: He Kissed Me"
"Chapter 51: Panyo Ni Future Wife"
"Chapter 52: Don't Avoid Me"
"Chapter 53: Graduation Day"
"Chapter 54: Drunk Girl"
"Chapter 55: Masaya Ako Sayo"
"Chapter 56: Ako'y Sayo At Ika'y Akin Lamang"
"Chapter 57: Birthday Invitation"
"Chapter 58: Fiancee"
"Chapter 59: My Heart Is Bleeding"
"Chapter 60: Beautiful Liar"
"Chapter 61: It Was My Fault!"
"Chapter 62: Stupid Person"
"Chapter 63: Bracelet"
"Chapter 64: Duel"
"Chapter 65: The Broken Hearted"
"Chapter 66: Bitter Tears"
"Chapter 67: Mr.Banatero!"
"Chapter 68: Love Is Ouch!"
"Chapter 69: Possessive"
TO ALL MY SILENT READERS! PLEASE READ!
"Chapter 70: Arrange Marriage"
"Chapter 71: Ang Girlfriend Kong May Toyo"
"Chapter 72: Bonding With Friends"
"Chapter 73: Wedding Invitation Card"
"Chapter 74: Sa Piling Mo"
"Chapter 75: Paubaya"
"Chapter 76: Break Na Sila!"
"Chapter 77: Paglisan"
"Chapter 78: Alone And Lonely"
"Chapter 79: I'm Not Like Her"
"Chapter 80: When The Time Comes"
"Chapter 81: Siya Ang First Love Ko"
"Chapter 82: I'm Hurt"
"Chapter 83: Mahal Kita"
"Chapter 84: Gusto Kita"
"Chapter 85: Kaya Ko Pa Ba?"
"Chapter 86: We Will Meet Again"
"Chapter 87: One Year Later"
"Chapter 88: Welcome Back To Japan!"
"Chapter 89: We Meet Again"
"Chapter 90: Sana Pwede Ba"
"Chapter 91: I Still Love You"
"Chapter 92: Nagseselos Ako"
"Chapter 93: School Festival"
"Chapter 95: Theater Play"
"Chapter 96: Theatrical Role"
"Chapter 97: Cinderella X Snow White"
"Chapter 98: White Dress"
"Chapter 99: Ballroom"
"Chapter 100: Glass Slipper"
"Chapter 101: Poison Apple"
"Chapter 102: Sleeping Beauty"
"Chapter 103: Throwing Back the Poison Apple"
"Chapter 104: Happily Ever After"

"Chapter 94: Anime Cafe"

55 20 0
By JeralyneMartinez

"Jhe's POV"

Isang oras na ang nakalipas simula ng namasyal at naglibot kami dito sa loob ng school building para makita ang mga kakaiba at magagandang themes sa bawat classrooms.

Dalawa na ang nasubukan namin na booths. Unang pinuntahan namin ang costume booth. Nagsuot kami ng traditional clothes na kimono at nagkaroon kami ng photoshoot sa photographer kaya todo pose kami nila Fia, Seeley at Aikee sa pagpapa-cute, at syempre di mawawala ang wacky face namin para mas masaya ang kuha sa pictures. Pagka-print ng photographer sa mga pictures namin ay binigay na niya sa amin tapos pumili at kumuha sila ng mga kasama niya ng isang picture namin na magkakasama kaming apat para idikit at i-display sa blackboard nila para makita ang mukha ng mga pumunta at naging customers sa costume booth nila.

Sunod naman na booth na pinuntahan namin ay ang knickknacks booth. Isa itong bazaar na may mga items with prices. Marami silang items na ibinebenta, meron stickers, posters, books, toys, stuffed animals, bracelets, snacks at iba pa. Sa sobrang dami, hindi mo talaga alam kung ano ang unang bibilihin mo. Puwera nalang kung lahatin mo na haha, kuraz!

Oo nga pala, alam namin na hindi sumama si Arisu sa amin sa pamamasyal ngayon. Ang daya nga niya eh. Akala ko ba naman makakasama namin siya. Makakasama ko. Lalo na, siya pa naman ang nagyaya sakin dito. Pero okay lang, di naman ako magtatampo sa kanya. Kasi intindi naman namin na busy siya ngayon, lalo na isa din siya sa mga student council at vice-president pa. Di kasi biro ang position ng mga student council kaya tungkulin talaga nila ang maglibot at alamin ang nangyayari sa bawat sulok sa school na 'to. Kaya konsiderasyon na iyon sa amin na mga kaibigan niya. Pero ang sa akin lang, sana ma-enjoy parin ni Arisu ang school festival. Silang dalawa ni president Shunso at ang ibang members ng student council.

Yun nga lang, hindi man lang nakapagpaalam si Arisu sa amin na hindi pala siya makakasama. Ang akala ko pa nga nasa likuran lang namin siya at tahimik na naglalakad kasi ganun siyang tao. Pagkalingon ko sa likuran ko para tignan siya at hintayin para magkahawak kamay kami na maglalakad, nakita ko naman na wala siya sa tabi namin. Tinanong ko sila Fia, Seeley at Aikee kung bakit wala si Arisu at hindi pala namin kasama. Nagtaka din sila. Hanggang sa iyon nga, naalala namin na siguro busy siya sa pagiging vice-president kaya hindi na niya nagawang sumama at magpaalam samin. Kahit paano sinubukan namin tignan ang cellphone namin kung may text o tawag siya, pero wala. Siguro nga sobrang busy na siya kaya di na niya naharap na kahit sa text man lang siya magpaalam. Pero tulad nga ng sinabi ko, okay lang samin iyon at binigyan namin ng konsiderasyon.

Hindi na pala namin siya naisipan pang itext o tawagan para hindi muna namin siya ma-istorbo. Tutal, makakasama din naman namin siya mamaya. Sigurado iyon.

Kaya heto ngayon, kasalukuyan kaming naglalakad pababa ng hagdan patungong second floor. Hindi pa kami nagsawa dito sa third floor, kung tutuusin babalik pa kami dito mamaya para masubukan ang ibang booths. Saka kahit sa fourth floor at fifth floor hindi pa kami masyado nakapaglibot doon kaya talagang gagawin namin mamaya. Sa ngayon second floor naman ang isusunod namin para maglibot at magtry ng mga booths doon.

Pagkababa namin sa hagdan, saktong tumunog ang message tone ng cellphone ni Fia kaya huminto siya bigla sa paglalakad at pati kami nahinto rin.

Kinuha ang cellphone niya sa loob ng shoulder bag niya at binasa ang text. Tumingin siya samin pagkatapos niya basahin iyon at ngumiti.

"Si Koutaro ang nagtext. Tinatanong niya kung nasaan na tayo. Di ko siya nireplyan. Hayaan ko lang siya na hanapin tayo. Mag-effort siya kung gusto niya tayo makasama."

"Baka ikaw ang gusto niya makasama." nakangiting sabi ni Aikee

"Ewan ko sa kanya." napabuntong hininga at nakangiti na sabi ni Fia

"Asus. Sobrang pakipot kana, Fia. O.A kana din sa totoo lang." pambabara ni Seeley

Nakangiti naman ako habang nakikinig sa kanila.

"Hays! Di ako O.A ah. Hayaan na nga lang natin siya." sabi pa ni Fia

"Di nga? Baka miss mo na nga si tol Kou eh. Haha!" kanchaw ni Aikee

"Hindi noh. Tama na nga yan. Tara na, tuloy na natin pamamasyal dito. Excited ako sa lahat eh."

Napatalon si Seeley sa tuwa sabay pinagdikit ang dalawang palad niya habang nagsasalita.

"Yehey, yehey! Pero, Fia.. pwede ba sa labas naman tayo? Kahit doon nalang muna tayo pumasyal-pasyal. May mga gusto din sana akong i-try na mga booths at pagkain doon. Pansin ko kasi kanina ng hindi pa tayo pumapasok dito, marami din doon sa labas at ang kaganda ng mga themes."

"Hehe sige, sige. Sa labas din tayo. Tara na mga friends." alok na ni Fia

Naglakad na ulit kami, pero nahinto ako saglit ng napalingon ako sa direksyon ng kabilang hallway at nakita ko si Shinsuke na mag-isang nakatayo sa gilid ng pinto malapit sa classroom. Nakasandal ang likod niya tapos nakatagilid yung style ng ulo niya at nakatingin lang siya sa mga taong nakikita niya doon.

Napasulyap ako sa kabilang hallway nang maalala ko sila Fia, Seeley at Aikee para tawagin sana sila at sabihin na nakita ko si Shinsuke. Pero nakita ko na malayo na sila na para bang hindi nila napansin ang paghinto ko kaya di na nila ako kasabay sa paglalakad. Nakita ko din na malapit na sila sa hagdan para bumaba patungong first floor at lumabas ng building.

Hindi ko na sila hinabol. Hinayaan ko nalang. Dahil naisip ko na puntahan ko nalang si Shinsuke at kausapin siya kung bakit mag-isa lang niya ngayon.

Suminghap muna ako ng malalim bago ako nagsimulang maglakad papunta sa kanya.

Agad siyang napalingon sakin nang makalapit ako sa kanya. Nasa loob ng bulsa niya ang dalawang kamay niya. Umayos siya ng tayo, saka niya nilabas ang mga kamay niya sa loob ng bulsa.

Kinausap ko siya at para tanungin na rin.

"Hi, Shinsuke. Bakit mag-isa mo lang dito? Nasaan ang ibang kasama mo? Sila Kurt Sha at Koutaro? Diba sila ang kasama mo? Si Heartlalus kasi, sure ako na sila Jonathan at Rhodel ang mas pinili niya na makasama ngayon."

"Kanina pa humiwalay si Koutaro para hanapin sana kayo."

"Ah ganun ba. Kaya nga eh. Sabi ni Fia kanina nagtext daw si Koutaro para tanungin kung nasaan na kami. Pero di siya nireplyan ni Fia hehehe.. bahala daw siya maghanap." sabi ko sa mahina kong pagtawa

"Eh ikaw? Bakit nag-iisa ka lang?"

"Kasama ko lang sa paglalakad sila Fia kanina. Sa katunayan kasabay ko sana silang lumabas ng building para sa labas naman kami next na mamamasyal. Pero nakita kasi kita kaya nahinto ako saglit sa paglalakad, kaso di ko naman namalayan na diretso pa rin pala sa paglalakad sila Fia, Seeley at Aikee kaya naiwan ako mag-isa. Di yata nila napansin ang paghinto ko saglit. Pero ewan ko lang kung napansin na nila ngayon na hindi na nila ako kasama. Siguro nga baka nagtataka na mga yun."

"Hmm.. baka naman napasobra ka sa pagtitig mo sa akin kaya hindi kana nakaalis pa." binigyan niya ako ng simpleng ngiti

"Hala sya.. Asa ka naman. Hindi ganun yun. Nagtaka lang ako kung bakit nag-iisa ka ngayon. Saka naalala ko, si Kurt Sha kasama mo din siya, diba? Kasama ba siya ni Koutaro na humiwalay sayo kaya pala mag-isa ka lang ngayon?"

"Hindi ako nag-iisa. Kasama ko si Kurt."

"Oh.. talaga? Eh nasaan na siya?"

Agad kong nilibot ang mata ko sa paligid. Wala siya. Hindi ko siya makita.

Mahina akong napabuntong hininga. Tumingin ako kay Shinsuke.

"Wala naman eh."

"Andito siya."

"Nasaan nga siya?"

"Nasa loob siya ng classroom."

"Classroom?"

Ginilid niya ang kanyang ulo.

"Oo. Doon sa pangalawang pinto. Andoon siya sa anime cafe booth." tinuro niya ang classroom gamit ang tingin ng mga mata niya habang sinasabi sakin ang mga salitang iyon

Tumingin naman ako at nakita ko ang pangalawang pinto. Yung unang pinto, kung saan kami malapit ni Shinsuke habang nag-uusap.

Binalik ko ang tingin sa kanya at nagtanong ako.

"Bakit hindi ka sumama sa kanya doon sa loob?"

"Ayoko. Boring."

"Boring? Bakit na-try mo na?"

"Hindi. Basta ayaw ko lang pumasok sa loob kaya si Kurt lang ang pumasok. Hinayaan ko. Parang gusto naman niya."

"Siguro curious siya?"

Bigla siyang tumawa na parang ewan. Pero mahinang tawa lang. Napataka ako sa reaksyon niya na iyon.

"Siya curious? Siguro. Mga maganda ba naman. Bakit hindi." sabi niya na agad ko namang ikinabahala

Ewan ko. Basta naramdaman ko nalang.

"A-ano yung mga maganda?" medyo hindi mapalagay na tanong ko

"Oh. Maganda, cute at sexy na mga babae."

Nag-init naman agad ang mga pisngi ko hanggang tenga ko sa sinabi niya.

ANO DAW? MAGANDA, CUTE AT SEXY NA MGA BABAE? SHEMAY LANG AH!

"Shinsuke, ano ba ang ginagawa niya doon?" seryoso ko ng tanong sa kanya

"Obvious ba? Sigurado nag-e-enjoy na si Kurt na kasama at kausap ang mga maganda, cute at sexy na mga babae."

"Pwede ba, huwag mo na ngang ulitan pa na sabihin yan sakin? Parang di ko gusto yun. Naiirita akong marinig. Nakakainis lang." biglang panunuya ko sa kanya sabay inirapan ko siya, dahil nagseselos na ako sa sinasabi niya

Oh my gosh! Nagseselos pa din ako hanggang ngayon. Naiirata na ako! Hindi naman dapat ganito yung nararamdaman ko eh. Pero bakit? Bakit naman ako magseselos kung may kasama siya na ibang babae? Malaya na siya.

HE IS FREEEEEEE SHEEEEYYTTT!!!

Saglit akong tumitig sa pangalawang pinto kung saan andoon si Kurt Sha.

"Ayaw mo maniwala?" tanong niya sakin na parang nang-aasar pa talaga

Tinignan ko siya at tinitigan sa mukha ng nakasimangot ako sa kanya.

"Sabi mo lang yun. Gusto mo lang ako magalit sa kanya. Nang iinis ka lang."

"Bakit nagagalit ka?"

"Hindi ako galit. At hindi ako magagalit."

Pero ang totoo, medyo galit na ako at naiinis pa.

Nakakabusit eh! Sobra!

Nilabas niya ang isang kamay sa bulsa niya at pinitik ng mahina ang noo ko.

Syempre ako naman itong si O.A na kunwari nasaktan sa ginawa niya. Mabilis kong hinawakan ng dalawang kamay ko ang noo ko pagkapitik niya sakin.

"Ouuchhh! Iniinsulto mo naman ako eh. Lakas ng trip mo."

Napatawa siyang bigla pero saglit lang yun tapos nagsalita siya.

"Hindi ako nang-ti-trip. Malay mo lang totoo pala ang sinasabi ko kay Kurt."

"Alam ko naman na mahilig ka magbiro sakin noh."

Pagkasabi ko nun ay agad akong tumingin ng masama sa pangalawang pinto. Talagang nanliit pa ang mga mata ko.

"Ganun ah. Nakikipaglandian ka pala sa mga babaeng bruhita na andyan sa loob ng anime cafe. Humanda ka sakin. Saltik ka talaga kahit kailan." gigil kong bulong

"Nagseselos ka?"

Mabilis akong napatingin sa kanya nang marinig ko iyon. Nakita ko na nakangisi siya sakin. Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya.

"B-bakit mo naman naitanong yan?" naiilang kong tanong

"Nagseselos ka nga." sabi niya at nagcross arms

"A-ako m-magseselos sa m-mga felengera na m-maganda, cute at sexy na mga b-babaeng iyon? H-hindi noh. Hindi kaya. No waaaay." nauutal na sagot ko at tumingin ulit ako sa kanya

"Ikaw bahala." napatango siya, saka isinuksok ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya tapos seryoso niya akong tinignan sa mukha ko

"Oo naman. Isa pa, matagal na kaming wala ni Kurt Sha kaya never na ako magseselos kahit na ilang babae pa ang lumapit, kumausap at lumandi sa kanya." pangdedeny ko pa na sabi kay Shinsuke kahit ramdam ko naman na talagang nagseselos na ako dito

ANAK NG TOKWA! Mali ito eh. Dapat hindi ko na nararamdaman na nagseselos pa ako. Napaka-immature ko naman!

Be mature na Jhe ah?

Mukha mo!

As if naman.

"Wala ka naman dapat ikabahala. Dahil nasa iyo na ang lahat ng katangian ng isang babae na hinahanap ni Kurt." mahinahon na sabi ni Shinsuke at diretso akong napatitig sa mga mata niya

Napangiti ako ng kaunti dahil sa sinabi niya. Para akong nasiyahan ng marinig ko iyon. Di lang yun, pakiramdam ko tuloy bigla akong nagmistulang maamong prinsesa sa harapan niya. Promise.

"Talaga? Totoo ba ang narinig ko? Oh binibiro mo lang ako. Joke ba yan?"

"Hindi ako nag jo-joke."

"Talagang-talaga? Matapos mo akong bwesiten?"

Napayuko siya ng konti sabay tawa ng mahina sakin.

"Huwag mo naman akong pagtawanan." medyo nakanguso kong sabi

Inangat ni Shinsuke ang mukha niya at tumingin sa mga mata ko, dahilan para magtama ang tingin naming dalawa.

Nagulat ako ng bigla niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko at napakurap ako. Sunod nun, lumihis ang mukha niya sabay bulong siya sa tenga ko at naramdaman ko ang init ng hininga niya.

"Uulitin ko ang sinabi ko. Wala ka naman dapat ikabahala. Hindi mo kailangan magselos. Dahil para kay Kurt Sha, nasa iyo na lahat ang katangian na gusto niya. Maganda, cute at sexy. Higit sa lahat, mukhang manika at mabait pa. Kaya nga nagustuhan din kita at nagawa ko pang makipag-agawan kay Kurt nang dahil sayo. Gusto mo gawin ko ulit iyon? Ang makipag-agawan sa kanya? Para sa akin kana lang."

Inilayo niya ang mukha niya sa tenga ko saka tumingin sakin. Napatitig ako sa kanya, nabigla ako eh.

"Tama ba ang narinig ko? Makikipag-agawan ulit si Shinsuke kay Kurt Sha? Sa... a... kin...? Seryoso ba siya o nagbibiro lang?" sa isip ko

Bigla akong nag-alala.

"Shinsuke... ano yun? Ikaw ba gusto mo pa rin ba ako hanggang ngayon? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo dati? Hindi pa ba?" malumanay na tanong ko

Ngumiti lang siya sakin bilang sagot at hindi ko mahulaan kung ano ang ibig sabihin ng ngiting iyon.

Mahina akong bumuntong hininga at matipid ko siyang nginitian.

"Hindi mo ba siya pupuntahan doon?" biglang tanong niya

"Siguro hindi na. Puntahan ko nalang sila Fia. Gusto mo bang sumama?" tanong ko naman

AYOKO KASING ISTORBOHIN PA ANG BABOKITS NA YUN! KUNG NAG-E-ENJOY SIYA SA LOOB NG BOOTH NA YUN, OH DI MAG-ENJOY PA SIYA MAS LALO! PAKE KO, HMP!

"Sigurado ako ilan na ang mga babaeng nakapalibot kay Kurt at sinusubukan na akitin siya."

Pagkarinig ko nun, kaagad akong napatingin ng masama sa direksyon ng pangalawang pinto. Napasimangot ako.

Parang gusto ko tuloy bawiin ang sinabi ko na hindi ko nalang siya pupuntahan, akak!

"H-hindi naman siguro basta-basta magpapaakit si Sha sa mga babaeng andoon."

"Ipapaalala ko lang sayo. Lalake din si Kurt Sha at madaling matukso."

Agad akong napatingin kay Shinsuke at nakita ko na nakangisi siyang nakatingin sakin.

Unti-unti ko naman nararamdaman na umiinit ang ulo ko.

WALANJONG BUHAY LANG EH!

Oo nga naman! Lalake din si Sha. Bakit nga ba hindi siya maaakit sa mga bruhita na yun? Malamang nilalandi na siya. As in kanina pa!

Tinaas ko ang kanang kilang ko at mataray ko siyang tinignan bago ako magsalita.

"Shinsuke, dito ka muna at pupuntahan ko lang si Kurt Sha."

"Oh, akala ko ba sila Fia ang pupuntahan mo?"

"Pwes hindi na! Nagbago na isip ko. Humanda talaga siya akin. Makikita mo, Shinsuke." nagagalit na sabi ko, saka ako lumakad papunta sa anime cafe booth

Pagdating ko sa tapat mismo ng classroom ay huminto muna ako saglit sa tabi ng pinto para basahin ang name ng booth sa small blackboard with stand. Nabasa ko na anime cafe nga ang theme ng classroom na ito.

Tumingin ako sa loob ng classroom at nakita ko na naka-cosplay anime ang mga estudyante na may-ari ng booth na 'to. Syempre mga lalake at babae sila, puwera nalang kung may bakla at tomboy sa kanila, ekek.

Pagkatapos may narinig ako na mga babaeng nagsitilian na kilig na kilig pa ang tono ng boses nila. Napabaling ang tingin ko sa kanila.

Kumunot ang noo ko at agad na uminit ang ulo ko ng makita ko si Kurt Sha habang nakaupo siya sa upuan at nakalapag ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng lamesa. Nakita ko din na may apat na mga babaeng natakayo na nakapalibot sa kanya habang masaya at kilig na kilig ang mga babaeng ito na kinakausap siya.

SHEMAS LANG AH! Sakit sa mata. Hindi ko gusto ang nakikita ko.

Ngiting-ngiti pa talaga ang saltik na yun. Mula dito sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang asset na sungki niyang pangil sa kanan, dahilan kaya super cute na pogi siya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko bago ko sinimulan na maglakad palapit sa kanya.

"Humanda ka sakin ngayon. Malandi kong ex-boyfriend." gigil kong bulong

Paglapit ko sa kanila ay tinulak ko ng mahina yung isang babae sa braso niya para idistansya ang sarili niya sa tabi ng right side ni Kurt Sha. Nakaharang eh.

"Ilugar mo pagiging pogi mo!" galit at pasigaw na boses ko

Gulat ang mukha ni Kurt Sha nang tumingin sa akin.

"Jhe."

Napatayo siya at napatitig sakin.

"Ginagalit mo ako, Sha."

"Bakit ka nagagalit? Anong nagawa ko? Surprise attack mo ba yan?"

"Tanungin mo sarili mo. Baka masagot mo." bahalang sagot ko sa inis ko sa kanya

"O-oy, Jhe."

"Jhe, Jhe, Jhe ka dyan. Hmp." sabay inirapan ko siya

Nagkatinginan kami ng isang babae na ang suot niyang cosplay ay si Sakura Haruno sa anime na Naruto. Segundo lang nagtugma ang mga mata namin nang bumaling siya kay Kurt Sha tapos nagtanong siya.

"Sino ba siya, Kurt Sha?"

"Oo, Kurt Sha. Kilala mo ba siya?" tanong din ng pangalawang babae na nakacosplay ng Mikasa Ackerman sa anime na Attack on titan

Pero hindi ako napa-WOW sa pagco-cosplay nila. Alam mo kung ano? Busit na busit pa ako nang marinig ko na binanggit nila ang pangalan ni Kurt Sha.

AKAK! ALAM NILA ANG PANGALAN NIYAAAA!!!

Tumingin si Kurt Sha sa kanilang dalawa at sumagot siya.

"Siya si Jhe Cruz."

Mas lalong uminit ang ulo ko ng pinatong ni Sakura Haruno ang siko niya sa kaliwang balikat si Sha at hinawakan pa niya ang dibdib nito habang marahan na iniikot-ikot ang hintuturo niya rito, tapos yung tingin pa niya nang-aakit lang ang titig ng mga mata niya.

ANO SALTIK? MAGPAPAAKIT KANA LANG BA?! ITULAK MOOOOO! KUNG AYAW MO MAKAKITA NG ISANG SUPER SAIYAN GIRL NGAYON!

Ano bang level ng Super Saiyan Girl ang gusto nilang makita sakin? Kumakabog sa galit ang dibdib ko eh. Parang sasabog na ako!

Masama kong tinignan si Sakura Haruno daw? Sobra, nakakairita siyaaaaaa!

"Hindi ka lang sawa. Mang-aagaw ka pa." sa isip ko

Oo, mang-aagaw siya! Bakit ko nasasabi ito? Kasi... kasi nga... NAGSESELOS AKO!

Tofu naman! Ang hapdi sa puso eeehhh!

Nagsalita ang haliparot na si Sakura Haruno sa medyo lang naman na mapang-akit na tono ng boses niya.

BOSES KALABAW!

"Sabihin mo sakin, Kurt Sha. Kung ganun siya ba ang sinasabi mo na gir---"

Pero bago pa matapos ang sinasabi niya, mabilis kong inalis ang kamay niya sa dibdib ni Kurt Sha, pati na rin ang nakapatong na siko niya sa balikat nito.

Sunod nun, agad kong hinawakan sa kwelyo si Kurt Sha gamit ang kanang kamay ko sabay hinila ko siya kaya napalapit ang mukha niya sakin.

Mariin akong pumikit at mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kwelyo niya.

"Distance mo nga sarili mo sa kanya, naiirita ako pag may humaharot sayo eh." naiirita kong sabi

"S-sandali lang, prinsesa. Ano ba yang sinasabi mo? Hindi naman ganun yun."

Umiling-iling ako habang nakapikit pa rin.

"Liar! Eh bakit alam nila ang pangalan mo? Nakikipaglandian ka sa kanila eh. Liar, liar, liar."  sabay niyuyugyog ko siya sa kwelyo niya na hawak ko

Bigla siyang tumawa ng mahina na ikinamulat ng mga mata ko. Nainsulto naman ako.

Ano yun?

"Highblood lang, prinsesa?" natatawang tanong niya sakin

Binitawan ko ang kwelyo niya tapos kinuyom ko ang kamao ko at galit ko siyang tinignan.

"Ang totoo ubos na yung dugo ko, pero tumataas 'to pag may kausap kang iba, Kurt Sha."

Matapos kong sabihin yun, bigla akong napatingin sa pangatlong babae na nakacosplay ng Anya Forger sa anime na Spy x family nang marinig ko na kinausap niya si Sha.

"Ay ang damot naman pala ng girlfriend mo, Kurt Sha."

"Kaya nga. Para kausapin ka lang namin. Tapos ang sungit-sungit pa niya na pumunta dito." sabi naman ng pang-apat na babae na ang cosplay na suot niya ay si Ai Hoshino sa anime na Oshi no ko

ABA LANG AH! AT MAY GANA PA TALAGA SILANG MANUMBONG KAY SHA!

Pagkakaisahan pa yata ako ng apat na babaeng 'to. Eh kung isumbong ko kaya sila kay Medusa nang ibalik na sila sa tuktok ng ulo nito. Mga nakawalang sawa eh.

Napansin ko na tumingin sakin si Sakura Haruno kaya tumingin din ako sa kanya. Nagcross arms siya bago magsalita sa akin.

"Alam mo girl, nagseselos ka lang. Sasabihin ko sayo ah? Kaya alam namin ang pangalan ng boyfriend mo kasi tinanong namin siya kanina kung pwede ba namin malaman ang pangalan niya. Sumagot siya at ang sabi niya, siya si Kurt Sha Yutuke. Kaya iyon, na-curious lang kami sa kanya kaya sunod-sunod na namin siyang tinanungan kung saan siya sa college school pumapasok, ano ang kurso niya, ilang taon na siya at kung may girlfriend na siya. Sinagot niya iyon. Tapos natuwa kami at napatili sa sobrang kilig habang kinukwento niya sa amin ang tungkol sa sweetness niyong dalawa at kung gaano ka niya kamahal. Kaya ang tanong... ikaw ba ang girlfriend niya? Kasi kung ikaw iyon ang swerte mo kasi mahal na mahal ka ng boyfriend mo. Proud si Kurt Sha na sabihin sa amin na ikaw ang prinsesa niya. Kilig to the bones, di ba?"

"Eh bakit kung makadikit ka sa kanya para kang sawa sa ulo ni Medusa? Tapos parang gusto mo pa siya akitin sa mga titig mo." sa isip ko

At pasalamat siya hindi ko na binanggit iyon. Dahil matapos ko marinig ang paliwanag niya, saka ko lang napagtanto na nakakahiya pala ang ginawa ko sa kanila. Hinalang mali agad ako.

Nakakainis kasi. Masyado akong nagalit at naunahan ng maling emosyon sa pagkakataon na nakaramdam ako ng selos. Nagawa ko tuloy umeksena dito sa mismong anime cafe nila.

Pumikit ako at mahinang suminghap.

"Ang O.A mo, Jhe." sa isip ko

Tapos unti-unti kong minulat ang mga mata ko at tumingin ako kay Kurt Sha. Nakita ko na nakatingin siya kay Sakura Haruno, agad na nanliit ang mata ko sa kanya.

Oo, heto na naman. Agad-agad. Dapat sa akin lang siya nakatingin para maniwala ako sa mga sinabi ni Sakura Haruno sakin. Kundi, ihahagis ko siya kay Sasuke Uchiha.

NARUTO PA MORE!

Tumingin si Kurt Sha ng malamig sakin at ngumisi.

"Nagseselos ka ba?" tanong niya na kinagulat ko, pero hindi ko pinahalata sa kanya

"A-ako nagseselos? H-hindi kaya." deny ko at napakurap ako

"Nagseselos ka. Sige na, sabihin mo na."

"Bahala kana nga dyan."

Agad ko siyang tinalikuran at lumakad ako para lumabas na sana sa booth na 'to.

Nakakahiya na malaman niya na nagseselos ako eh, wala naman siyang ginagawa na dapat ikaselos ko talaga.

"Jhe."

Tawag ni Sha sakin at napansin ko na nasa likod ko na siya. Sinundan niya ako.

"Sandali lang, Jhe. Wala ka naman dapat ikaselos eh. Narinig mo naman ang sinabi niya."

Hindi ko siya pinansin at tinuloy ko lang ang paglalakad ko.

"Gusto ko ng umalis dito." sa isip ko

Bago ako tuluyan na makalabas ng pinto ay hinawakan niya ang kaliwang braso ko at nahinto ako.

"Sinabi ng sandali lang. Bakit ba hindi mo ako pinapansin? Kinakausap kita."

"Pwede ba sa ibang araw nalang tayo mag-usap? Pabayaan mo muna ako. Aalis na ak---"

Napatigil ako sa pagsasalita nang hinarap niya ako sa kanya. Napansin ko na nakatingin na pala ang ibang tao sa amin dito sa loob ng anime cafe.

Medyo nahihiya na ako.

Yung eksena kasi namin ni Sha. Pang drama na yata sa mga mata nila? Nakasubaybay eh.

"Sha, bitawan mo ako." mahinang sabi ko sa kanya

Binitawan nga niya ako sabay cross arms naman siya. Sumimangot siya. Iniba niya ang kanyang tingin.

"Pag ako galit kinakausap pa din kita, pag ako galit hindi ka namamansin. Aba lugi."

Pagkarinig ko nun, parang gusto ko tuloy ngumisi sa kagwapuhang nakasimangot sa harap ko. Pero huwag na nga lang. Halatang nagmumukmok na naman siya. Tulad nung nakaraang linggo na nagselos siya kay Shunso nang makita niya kami na magkasama na dalawa doon sa street food.

Pero hindi talaga ito tama. Ibig ko sabihin, hindi ito ang tamang lugar para sa amin ni Sha. Alam ko, mali ang pumunta ako dito para mang-away at sumugod sa kanya dahil sa mga babaeng andito. Kaya nga, gusto ko ng umalis dito sa anime cafe. Nakakahiya na.

Bumuntong hininga ako at sinikap kong magsalita sa kalmado na boses ko.

"Sha, gusto ko na sana umalis dito. Para naman hindi ako makaabala pa sa mga taong andito. Sa mga estudyante na nagma-manage ng anime cafe na 'to. Alam mo naman ang nangyari kanina lang, diba? Oo, mali ako. Kaya tama na. Pabayaan mo na ako. Aalis na ako. Iiwan na kita, okay? Kaya bye na."

Bumuga siya ng hininga at kunot noong tumingin sakin bago magsalita.

"Iiwan mo ako? Ayaw mo ako makasama? Bakit iba ang gusto mong makasama? Sino si Shunso?"

Nainis akong bigla sa narinig ko.

Sabi ko na nga ba eh, yung pinapakita niya na pagmumukmok ngayon ay tulad nung nakaraang linggo at si Shunso na naman.

"Akala ko ba tapos kanang magselos sa kanya? Hindi pa ba? Pabalik na naman ba tayo doon? Di ba sinabi ko na sayo magkaibigan lang kami? Naku naman, Sha."

"Ang sabihin mo ginawa mo iyon para pagselosin ako."

Mas lalo akong nainis sa sinabi niya.

"Harujuzko walanjong lalake ka! Kanina lang gwapong-gwapo ako sayo eh. Pero ngayon, kuha mo ang inis ko. Sarap mong tirisin. Bahala kana nga dyan!" galit kong sigaw at wala na akong pakialam kung nakatingin man sa amin ang ibang tao

Lumabas ako ng pinto at agad naman siyang sumunod sakin sabay hawak sa kanang braso ko kaya hindi pa ako lumakad.

"P-prinsesa, galit ka ba sakin? Sorry na." agad na paghingi niya ng sorry sakin

Hindi ako tumingin sa kanya. Ayaw ko siyang tignan. Sumama ang loob ko.

"Hindi ko gusto ang sinabi mo. Nasaktan ako. Inaakusa mo ako sa hindi ko ginawa. Hindi kita pinapaselos sa ibang lalaki. Bakit ko gaawin iyon? Hindi ako ganun na bab---"

Naudlot ako sa pagsasalita nang hinarap ako ni Kurt Sha sa kanya at pareho niyang hinawakan ang magkabilang braso ko. Pero hindi ko pa rin siya tinignan sa mukha at sa baba ako nakatingin.

"Alam ko. Alam ko na hindi ka ganun na klaseng babae. Sorry. Hindi ko sinasadya na sabihin iyon. Hindi ko sinasadya na masaktan ka. Patawarin mo ako."

"Basta hindi ko gusto ang sinabi mo."

"Jhe? Prinsesa... tumingin ka naman sakin. Huwag kana magalit. Sorry na."

"Nagseselos ka pa rin sa kanya."

"Natural.. masisisi mo ba ako? Ang problema kasi sayo..."

Agad ko siyang tinignan ng masama at nagsalita ako.

"Kung may problema ka sakin, ang cute naman ng problema mo."

Napangiti siyang bigla at napapikit sabay dinikit ang noo niya sa noo ko. Muntik na akong mapaatras sa ginawa niya. Naduling pa ako na napatitig sa mukha niya.

"Oo, sobrang cute ng problema ko. Masyado siyang pakipot. Buti nalang, napakaganda niya." malambing na sabi niya

Walanjonez! Ako pakipot? No way!

Pero ang totoo, namula ang mga pisngi ko nang marinig ang mga sinabi niya. Saka totoo naman, ang ganda ko. Sobrang ganda ko. Echos!

HUWAG NA KAYONG KUMONTRA UTANG NA LOOB LANG!

Inilayo niya ang noo niya sa noo ko at malambing siyang tumingin sakin.

"Sorry na, prinsesa. Sorry na..." maamong suyo niya

Infairness, ako na yung nang away ako pa yung sinuyo, ang galing ko talaga.

HAHAHAHA!

Pero di ko na siya titiisin. Tutal, ginawa ko rin naman iyon kanina. Nagselos din ako at nagalit sa kanya.

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Okay na. Hindi na ako galit."

Binasa ni Sha ang labi niya gamit ang dila niya. Napatitig naman ako sa labi niya.

"Prinsesa, promise ikaw lang mahal ko wala ng iba."

Inalis ko yung pagkatitig ko sa labi niya at tumingin ako sa mukha niya nang marinig ko ang sinabi niya. Pero saglit lang iyon nang iniyuko ko ang ulo ko.

Naalala kong bigla na kaya lang ako bumalik dito sa Japan ay dahil iyon kay papa at mama, pero pagkatapos ng isang buwan ay babalik na ako sa Pilipinas. Pero bakit ganun, nararamdaman ko na parang ayaw ko ng umalis at manatili nalang ulit dito?

Dahil ba ito kay Kurt Sha?

Pero dati, sinubukan ko naman magmove on para makalimot sa kanya at sa lahat ng nangyari. Nagawa ko naman, diba? Kaya nga okay na ako.

Ang tanong? Nagawa ko nga ba talagang makamove-on?

Kay... Kurt Sha Yutuke?

Parang nalilito ang isipan ko.

Nasa sitwasyon ako ngayon ng nagagalit, nagseselos, kumakabog ng mabilis ang dibdib at masaya na kasama siya.

"Jhe, makinig ka..."

Nagulat ako nang hinawakan niya ang pareho kong pisngi. Hinarap niya ang mukha ko sa kanya.

"Ikaw parin naman talaga eh, ang tanong ako parin ba?" nakangiting tanong niya sakin

Unti-unti kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napakagat ako sa aking labi dahil natatakot ako na baka marinig niya ito.

Ginilid ko nang kaunti ang ulo ko para iwasan ang nakakalusaw na tingin niya sakin. Tapos nakita ko si Shinsuke na nakatambay parin doon sa tabi ng pinto habang nakatingin siya sa amin ni Sha, pero nung tumingin ako sa kanya ay biglang umiwas siya ng tingin.

Tumaas ng kaunti ang kilay ko.

"Pinapanood mo pala kami ah." sa isip ko

Tumingin ako kay Sha sabay inalis ko ang mga kamay niya sa pisngi ko.

"Sha, gusto ko muna sana mapag-isa. Please lang."

"H-heeeh?"

"Magsama kayong dalawa ni Shinsuke."

"Bakit si Shinsuke?"

"Basta! Nakakainis kayong dalawa eh." nainis kong sabi

"Teka.. galit ka na naman ba? Abnormal ka talaga." bigla siyang ngumiti

Dinuro ko naman siya.

"Huwag kang susunod sakin ah." inikot ko ang mata ko sabay lakad ako palayo sa kanya

Paglapit ko kay Shinsuke, huminto ako sa harapan niya. Magsasalita sana ako sa kanya pero agad niya akong tinanong.

"Jhe, anong nangyari?"

"Magsama kayong dalawa ni Kurt Sha." mataray na sabi ko sa kanya

"Heeeh?" napangiwi siya

Inirapan ko siya sabay flip hair at saka ako umalis sa harap niya.

Bahala na kahit saan ako pumunta sa school na 'to. Basta papasyal nalang ako. School festival naman eh.

"I want to be alone."

Pagkasabi ko nun, bigla ko naman naalala ang sinabi ni Sha sakin na hanggang ngayon ako parin daw.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti at kiligin ng sobra. Para akong baliw na naglalakad.

**

"Koutaro's POV"

"Fiaaaa!" sigaw na tawag ko sa pangalan ng babe ko habang tumatakbo ako papunta sa kanya

Buti naman nireplyan na din ako sa text ng babe ko kaya nakita ko na silang apat. Sila Fia, Seeley, Henry at si Aikee na lagot ang lalakeng ito sa akin.

Sumama ba naman sa girls date.

Paglapit ko sa kanila, huminto ako sa mismong harap ni Fia at ngumiti ako sa kanya.

"Babe."

"Oh, Koutaro."

"Akala ko nasa loob kayo ng school building. Andito lang pala kayo sa labas."

"Kanina Oo, nasa loob kami. Pero naisipan namin na dito din kami sa labas mamasyal. Saka maraming booths dito oh."

Bigla ko naman naalala yung wedding booth. Gusto ko talaga masubukan iyon. Gusto ko kaming dalawa ni Fia. Pakakasalan ko siya. Di lang sa booth, pati sa simbahan balang araw.

"Hehe gusto mo ba magtry, Fia?" nahihiyang tanong ko sabay kamot sa ulo ko

"Oo naman, Koutaro. Obvious ba."

"Yung kasama ako? Tayong dalawa sa booth? Pwede ba yun?"

Tumingin siya sa taas na parang pinag-isipan pa niya. Tapos binalik niya ang tingin sakin, ngumiti siya at tumango.

"Oo naman. Pwedeng-pwede."

"Ayos!" masayang sabi ko at napangiti ng malapad

Yayayain ko na sana siyang pumunta sa wedding booth, pero hindi ko nabanggit nang bigla kong narinig ang boses ni Aikee.

"Ngiting tagumpay ka naman dyan."

Napalingon ako sa kanya at nakita ko na nakangiti siya sakin ng nakakaloko.

Pinanliitan ko siya ng mata.

"Literal na mandurugas ka din eh. Matapos mo kaming iwanan at sumama sa mga babae. Ano ka, lucky boy? Kapal mo." asar ko sa kanya

"Whahahaha! Sorry tol. Kasama ko naman girlfriend ko."

"Palusot. Sanaol ba."

"Hahahaha! Oh di wow."

Bigla akong napasulyap kay Henry ng mapansin ko na parang may hinahanap siya. Napansin ko din na parang wala dito sila Jhe at Arisu.

Tumingin ako kay Fia at nagtanong.

"Anong ginagawa ni Henry? Hinahanap ba niya sila Jhe at Arisu? Pansin ko lang kasi na wala yung dalawa dito. Nasaan na ba sila?"

Umiling siya.

"Ay hindi niya hinahanap sila Jhe at Arisu. Kanina pa namin hindi kasama ang dalawang iyon. Pareho nga silang hindi nagpaalam sa amin. Pero si Arisu, sigurado ako na busy siya. Pero si Jhe, ewan ko lang eh. Nasaan na nga ba siya?"

"Tinawagan mo ba siya o tinext sa cellphone niya?"

"Oo eh. Kaso, walang feedback niya."

"Ganun? Eh itong si Henry. Ano bang ginagawa niya?"

Pagkatanong ko, bigla akong nagulat at napatingin kay Henry nang marinig ko ang malakas na pagtili niya.

"Kyaaahhh~! OHMYGOLLYWOW! Ang gwapoooo! Ang daming papas here talaga na mga super gwapo at super cuuuuute! Aaaaayyyyy kenekeleg me telegeeee~!" kinikilig na sabi niya at tumatalon-talon pa sa sobrang pagkakilig habang nakatakip ng isang kamay ang labi niya at ang isa pa niyang kamay ay nakaturo ang hintuturo sa isang lalake na nakita niya

"Yan ang ginagawa ni Henry kanina pa. Naghahanap siya ng mga gwapo at cute na lalake. Kapag may nakita siya ituturo niya at sasabihin niya sa amin."

Tumingin ako kay Fia my love nang marinig ko ang sagot niya sa tanong ko sa kanya kanina lang. Tapos tinuloy ang sinasabi niya sakin.

"Alam mo naman na~ Specialty ni Henry ang maghanap ng mga gwapo at cute na lalake. Tapos pag nakakita siya ay naku akala mo wala ng bukas na darating sa kanya. Todo kilig eh."

"Ngeee.. ganun ba." napangiwi ako

Biglang sumingit sa usapan si Seeley.

"Malanding bakla kasi siya."

Pare-pareho kaming napatingin kay Henry nang tumili na naman siya.

"OH EM GEEEEE!!! KYAAAA~ Ang gwapo naman niya. OHMAHGOSH! Yun pa oh~ May isha peng gwepe doon.. oh em, yun pa ooohhh.. meron paaaa~ ang cute-cute niya. Gurabe na iteeeyyyysss! Keleg much yeeeerrnn!"

"Akala ko kalabasa yung pampalinaw ng mata, pogi pala." sabi ni Fia my love ko

"Hala sya.. yun pa oh, gwapo! Di ko na keribels mga teh! Halos himatayin akech ang gwapo niya! Tignan mo iyon, Fia.. Daliiiiii~ baklalus!" kinikilig pa na sabi Henry habang sinisenyas niya ng isang kamay si Fia na lumapit sa tabi niya at nakaturo naman ang isang kamay niya sa lalakeng nakita

Napangisi ako at napailing na ewan habang nakatingin kami doon sa last na lalakeng tinuro ni Henry.

"Asus. Mas gwapo pa ako doon." kampante kong sabi

Agad na lumingon si Henry sa akin ng nakataas ang kanang kilay niya.

"Ah talaga ba? Mas gwapo ka kaysa sa kanya? Sarreh ah.. Di ko kasi makita sayo." pambabara niya at tinarayan ako ng tingin sabay binalik niya ang tingin doon sa lalake

"Pss.. totoo naman. Gwapo pa ako."

"Oh shige, Koutaro. Tignan natin kung mas gwapo ka pa sa isang 'to. Yun oh, si papa Kurt Sha kooooo~ ang gwapo niya telegeeee! Powgeeee~ My goodness!"

Sabay-sabay kaming napalingon ng tinuro ni Henry ang direkyon kung nasaan si Kurt Sha. Nakita nga namin si Kurt Sha at papunta na siya dito sa kinaroroonan namin.

Tinaas ni Henry ang dalawang kamay niya tapos pinagdikit niya ang mga hinlalaki at hintuturo niya para gawing hugis square. Sunod nun, tinapat niya sa kaliwang mata niya para doon niya silipin si Kurt at nakapikit ang kanang mata niya.

"Oh pogi, divey? Poging cute yern."

Nang makalapit na si Kurt ay agad na nagtanong sa amin.

"Nakita niyo ba si Jhe? Kasama niyo ba siya?"

Agad naman akong sumagot sa kanya.

"Hindi tol eh. Di namin siya kasama."

Bumuntong hininga siya bago magsalita.

"Ganun ba. Saan kaya siya pumunta?"

"Baka nasa tabi-tabi lang siya namamasyal mag-isa. Makikita mo din yun." sagot naman ni Fia

Napansin ko na parang aborido ang itsura ni Kurt kaya tinanong ko siya.

"Tol, nag-away ba kayo ni Jhe?"

Mabilis siyang umiling-iling.

"Hindi, hindi. Hindi kami nag-away. Sige tol, aalis na ako. Hanapin ko lang siya." nagmamadali na sabi niya at mabilis siyang naglakad para iwanan kami

Napakamot ulo ako at napaawang ang bibig ko habang nakasunod ang tingin ko sa kanya.

Tinalikuran naman kami ni Henry at ganun pa rin ang style niya sa pagsilip gamit ang square na mga hinlalaki at hintuturo niya na pinagdikit habang sinusundan niya ng tingin si Kurt Sha.

"Ang pogi talaga ng papa Kurt Sha ko kahit nakatalikod ng naglalakad. Lakas ng dating kalerki."

"Napadaan lang si Kurt para magtanong, nadamay na naman kagwapuhan niya sayo." sabi ko

"Oh bakit? Nasapawan ka? Kasi mas gwapo pa siya kaysa sayo? Oh di sapaw."

"Gwapo ba yun? Stress nga itsura niya eh. Aborido kung saan niya hahanapin si Jhe."

Taas kilay na lumingon sakin si Henry.

"Atleast kahit stress ang itsura niya, andoon pa rin yung gwapo ng mukha niya. Eh ikaw? Stress ang mukha, sakit pa sa mata. Stress pa more. Hmp!" masungit na sabi niya

"Anak ng... nang-aasar ka naman eh." kinamot ko ang kaliwang pisngi ko

Tumingin ako kay Aikee tapos bigla niya akong pinagtawanan.

"Haha taob."

"Upakan kita dyan eh." tinaas ko ang kamay ko na kunwari babatukan ko siya

Tapos, tumingin din ako kay Fia. Nagsalita siya sakin.

"Ano, nabara ka? Tama na kasi eh.."

Ngumuso ako na parang nagtatampo na ako sa kanila.

"Badtrip eh." bulong ko

Nilapitan ako ni Fia. Nagpakita siya ng malambing na ngiti sakin.

"Hindi mo naman kasi kailangan ikompara ang sarili mo sa ibang lalake. Ano ngayon kung gwapo at cute sila? Alam mo, sa akin gwapo ka. Gwapo ka naman talaga. Minsan cute ka pa, ang korne mo kasi eh, tapos hilig-hilig mo pa bumanat. Makulit ka at pasaway, pero okay ka. At syempre, dahil ikaw nga si Koutaro Matsushita, ikaw ang gusto kong lalake."

Nang marinig ko ang sinabi niya, sobra akong nasiyahan. Lumundag pa nga sa tuwa ang puso ko na parang palakang tumatalon-talon. Sarap sa pakiramdam!

Marahan kong hinawakan ang kanang pisngi niya at ngumiti ako ng malapad sa kanya.

"Kilikilig ako, babe. Mahal na mahal talaga kita. Basta, maghihintay ako sayo hanggang sa maging tayo na."

Ngumiti din siya ng malapad at tumango-tango sa akin.

YUN OH! Nawala ang asar at inis ko. Di na ako badtrip. May Fia my love yata ako.

Pero bigla akong may naalala kaya napatanong ako sa babe ko.

"Nasaan na nga pala sila Rhodel at Jonathan? Bigla ko lang silang naalala na dalawa. Di ba magkasama silang tatlo ni Henry?"

Napalingon kami kay Seeley nang siya ang sumagot sa tanong ko.

"Malamang patay na ang dalawang iyon. Sigurado naman ako na ginahasa sila ng isang nakakadiri na baklang kabayo. Kaya kita mo, si Henry lang ang nakabalik na buhay dito."

Bigla akong natawa ng marinig ko iyon at kahit din si Aikee tumawa.

TENGENE LANG!

Sobra din talaga ang mga salita ni Seeley sa totoo lang haha!

Syempre, narinig ni Henry iyon kaya dinuro niya si Seeley at pinanlakihan ng mata.

"Eh kung batukan kaya kita ng umalog-alog naman yang utak mong durog? Di ko ginawa yun. Sayang nga eh. Tinakasan nila ako."

"Oh di mabuti. Atleast safe sila sayo." sabay lapit si Seeley kay Aikee at yumakap sa braso nito

"Impokreta ka. Layuan mo nga asawa ko. Akin lang ang papa Aikee ko."

"Walang sayo. Hmp."

"Hmp ka din. Ito tatandaan mo. Last day mo na today!"

Umirap si Henry at nagcross arms matapos niya sabihin yun.

Nakangiti naman na nakatingin si Aikee sa nakasimangot na mukha ni Seeley. Tapos hinawakan niya ang tungki ng ilong ni Seeley at marahan niyang pinisil iyon bilang lambing niya rito.

"Aray, Aikee." maarteng inda ni Seeley na may halong ngiti sa labi niya

"Hehehe.. hayaan mo na. Huwag mo siya pansinin. Ikaw naman ang love ko."

"Hmm... love na love din kita hehehe.." kinikilig na sabi ni Seeley at malambing siyang yumakap sa bewang ni Aikee

"Wow ah. Sweetness overload." nakangiting sabi ko naman sa kanila

"Ay tignan niyo oh, may chakabels na parating."

Narinig namin na sabi ni Henry at lumingon kami sa isang estudyanteng babae na tinutukoy niya na padaan dito sa amin.

Nang makalapit na ang babae sa amin, kaagad na hinarangan ito ni Henry at tinuro niya ng hintuturo ang mukha nito.

"Sis, dami mo pimples noh. Siguro nagse-sex mga pimples mo kaya dumadami. Ang lalaki pa oh."

Mapait na ngumiti ang babae kay Henry at nagsalita ito.

"G-ganun ba? Oo nga eh. Dumadami sila. Ewan ko nga ba sa mga pimples ko. Problema ko na talaga ito, dati pa."  dahan-dahan niyang hinawakan ang mga pimples sa mukha niya

Agad naman na lumapit si Fia my love ko sa kanila sabay kinausap niya yung babae.

"Miss, pasensya kana ah. Hilig lang niya talaga magbiro."

"Ah okay lang."

Tapos tumingin si Fia ng medyo masama kay Henry.

"Henry, huwag ka ngang ano dyan. Nanti-trip ka na naman eh."

"Baka nga lang kasi, Baklalus. You know, sex is life. But me is mesherep. Pak ganern."

"Kahit na. Di ka dapat nagsasabi ng ganyan sa kanya. Nakakahiya ka."

"Kasi naman eh."

Aalis na sana yung estudyanteng babae pero natigil siya ng magsalita pa si Henry sa kanya.

"Pero alam mo, sistah. Matutulungan kita sa mukha mo. Hatala kasi na ikaw ang pinoproblema ng mga pimples mo eh."

Nang marinig ko yun, hindi ko alam kung tatawa ba ako o hindi. Ang sama ko naman pag ginawa ko iyon. Ayoko makasakit ng damdamin ng isang babae. Pero itong si Aikee, di rin halata sa kanya na nagpipigil siya ng tawa.

"Shunga ka! Pigilan mo, tol." sa isip ko

"Talaga? Ano naman maitutulong mo?" curious na tanong ng babae kay Henry

"Oh yesh! May irerekomenda akes sayo para mawala na mga yan, jusmeyo kalerki. Ang panget kayang tignan.. ang sagwa talaga, promise sistah."

Mahinang siniko ni Fia sa kaliwang braso si Henry para tumigil na sana ito sa pagsasalita, pero hindi pa rin tumigil si Henry at tinuloy ang sinasabi niya sa babaeng estudyante.

"Oh iteys girl ah.. sabihin ko sayo ang magandang gamitin na pang-puksa sa mga yan. Gamitin mo yung eskuba sa panlaba ng damit. Oh patay mga pimples, divey?"

Pagkasabi na pagkasabi iyon ni Henry ay agad siyang binatukan ni Seeley sa likod ng ulo niya.

Napalingon si Henry kay Seeley sabay hawak sa ulo niyang nasaktan.

"Awtsu naman!" kunot noong sabi ni Henry at galit naman na nagsalita si Seeley sa kanya

"Epal mo talaga. Masyado kang papansin na bakla. Pati pimples niya na nananahimik hindi mo pinalagpas."

"Ay sarreh nemen. Sadyang laiterang dyosa lang akes. But FYI, tinutulungan ko lang siya." sabay nagkibit balikat siya

Tapos binalik ni Henry ang tingin niya sa babae at nagtanong pa ang loko.

"Ano, girl? Okay ba tayo doon? Kaya try mo na. Effective yern, swear~"

Napahawak ako ng noo ko at napailing na parang ako pa ang nahihiya sa mga pinagsasabi ni Henry sa estudyanteng babae na ito.

"Nakakaawa. Napagtripan pa ng mokong na baklang 'to. Sira ulo talaga." mahinang sabi ko na pabulong

Hinawakan ni Fia sa kaliwang braso si Henry at seryoso na niya itong tinignan sa mukha.

"Henry, tama na yan." seryosong sabi niya

"Oshige na nga." sabay kamot ng ulo si Henry at tumingin sa malayo

Tumingin si Fia sa estudyanteng babae.

"Sorry talaga ah? Mapapel lang talaga ang kaibigan naming ito. Pero mabait naman siya. Huwag ka sana magalit." matabang na sabi niya sabay nagbow ng ulo para humingi ng pasensya

Ngumiti yung babae sa kanya at umiling bago magsalita.

"Hindi naman ako nagagalit. Okay lang yun sakin. Saka sanay na ako sa mga biro-birong ganyan sakin. Hindi na ako na o-offense pa."

Pareho kaming tumingin kay Henry dahil hindi namin nagustuhan ang ginawa niya.

"Oy sarreh na, okay? My fault na. Joke-joke lang naman eh. Pero sowwey talaga. Peace on earth na tayo." nagblink eyes siya para magpacute sa amin

Tapos binalik namin ang tingin sa estudyanteng babae. Nagsalita siya.

"No worries talaga. Okay lang. Sige ah. Alis na ako."

"Okay, sige. Pasensya na sa abala sayo. Pasensya na talaga. Happy school festival. Enjoy." masayang sabi ni Fia

"Hehehe.. same.. enjoy din kayo. Saka okay lang talaga yun. Bye~!" sabay wave hands siya tapos nagbow muna siya sa amin at saka na umalis

Pagkatapos, napalingon kami kay Seeley nang marinig namin siyang magsalita sa galit na boses niya.

"Ang sama ng ugali mo. Siguro yung ugali mo ang nagse-sex kaya dumadami ang kasamaang loob mo."

"Asus. Nagsalita ng galit sakin yung maitim na elemento." inikot ni Henry ang mga mata niya

"Atleast, di ako masama katulad mo na namimintas sa taong may pimples porke makinis ang mukha ko. Eh ikaw? Oo, makinis nga, pero kasing itim ng pwet ng kawali ang ugali mo."

"Huh? Talaga lang ah? Sabagay, di mo na kailangan pang tubuan ng pimples kasi isa kang buhay na bulutong-tubig na naglalakad at nakikisaya sa school festival. Kailan ka puputok? Baka naman hinog na. Huwag ka ng mahiya. Go lang, sistah."

Kung kanina sa estudyanteng babae ayaw kong tumawa sa kanya. Pero ngayon sa dalawang ito itatawa ko na talaga.

Nakakatawa silang panoorin eh.

"HAHAHAHAHA! BUSIIIT! Hanep talaga kayo sa insultuhan. Walang papatalo din noh? Hahahaha matira, matibay ba? Hahahaha ang saya lang."

"Ahahahaha makikisabay na ako sa pagtawa sayo, tol Kou. Kanina ko pa kasi pinipigilan pagtawa ko eh. Tawang-tawa na kaya ako kung alam mo lang hahahaha!"

"Ahahaha alam ko, gage. Kitang-kita ko na nagpipigil ka lang kanina. Akala ko pa nga sasabog kana sa pagtawa ng malakas."

"HEHEHEHE HAHAHAHA NGAYON GAGAWIN KO NAAAAA! AHAHAHA!"

Pareho kaming nag-apiran at tumawa ng tumawa na parang baliw dito hanggang sa napahawak na ako sa tiyan ko.

"WHAHAHAHAHA! Sakit na ng tiyan ko parang di na ako makahinga sa kakatawa hehehehe."

"Hehe ako din. Langyah! Tigil na natin 'to haha!"

"Oo nga, tol Aikee. Nakatingin na mga tao satin eh hehe."

"Sige.. kalma-kalma na tayo haha."

Nagsalita ang babe ko sa amin ni Aikee.

"Ay hindi. Sige lang. Tuloy niyo lang ang pagtawa. Nakakahiya naman kasi sa inyo. Baka mabitin pa kayo sa kakatawa. Kulang pa nga yan eh. Huwag niyo kami pansinin. Gets namin na mga baliw kayo."

Nilapitan ko siya at hinawakan ang isang kamay niya.

"Babe naman ooohhhh."

"Babe, babe ka dyan. Tigilan mo ako."

"Sorry na.. Natawa lang."

Tinignan niya ako sa mata at ganun din ako sa kanya.

"Sorry na babe ah. Okay na tayo? Pleaseeee..." masuyong sabi ko hanggang sa pareho na kaming ngumiti

"Oo na nga hehe.."

Napalingon kami kay Henry nang magsalita siya samin.

"Oh yan ah.. bagay na bagay talaga kayong dalawa. Ayiieeehh.. sanaol."

"Oh sya, tara na. Tuloy na natin ang pamamasyal dito." alok na ni Fia

"Yehey! Kanina ko pa nga hinihintay yan eh. Tagal-tagal niyo. Tara naaaa~!" excited naman na sabi ni Seeley at hinila niya sa kamay si Aikee kaya nauna na silang naglakad samin

"Hoy wait lang, papa Aikee ko! Hindi akes papayag na maiwan mo ditey! Sasama akes!"

Pagkasigaw ni Henry iyon ay agad siyang sumunod sa dalawa.

Naiwan naman kaming dalawa ni Fia. Naks gusto ko 'to! Yung kami lang dalawa tapos masosolo ko na siya.

THANK YOU, LORD!

"Halika na, Koutaro." sweet na yaya ni Fia my babe

"Kahit saan? Tayong dalawa? Pwede ba yun?" naniniguradong tanong ko

Tumango siya ng nakangiti sakin.

"Hm.. kahit saan. Papasyal tayo sa mga booths at magfo-foodtrip." sagot niya na ikinatuwa ko talagang marinig sa kanya

THANK YOU ULIT, LORD! ANG BAIT MO TALAGA SAKIN!

Nginitian ko siya at hinawakan ko ang kamay niya na hindi siya umangal.

"Ayos!" sa isip ko

"Halika na, babe ko."

"Yup. Okay."

Saka na kami nag-umpisang maglakad.

Sigurado ako na mas lalo pang magiging masaya at enjoy ang araw na pagpunta namin ng mga kaibigan ko dito. Sobrang exciting ba naman.

At syempre, masaya ako!

Habang magkahawak kami na naglalakad ni Fia, nakangiti ako na pinagmamasdan ang mukha niya. Sarap sa pakiramdam na kasama ko siya.

"Salamat sa school festival ngayon. Ka-date ko na ang my love ko. Okay na ako." sa isip ko

***~To Be Continued~***

Continue Reading

You'll Also Like

13.5K 1.1K 70
Maikling tula para sa sarili ko. Kung paano nasaktan at nawasak ang puso dahil sa mapaglarong tadhana, malupit na mundo, mapanghusgang mga tao at map...
292K 6.5K 27
Hugot Lines sana po may mapulot kayong aral dito hope you like it
1.3M 10.4K 200
Best Wattpad Books to Read!! Para sa mga newbies sa wattpad makakahanap po kayo ng mga story dito. Author✔ Title✔ Description✔ Info. Magaganda po yan...
422K 8.5K 63
[COMPLETED] [PUBLISHED BOOK UNDER LOVELINK] [NO SOFTCOPY] [CURRENTLY EDITING THE WATTPAD VERSION. ALL CHAPTERS REMAINED PUBLISHED. I AM ONLY EDITING...