Tulad Mong Isang Prinsesa

By JeralyneMartinez

91.6K 4.4K 210

SOON TO BE PUBLISHED UNDER PROJECT DREAM INK Date Started: Sept. 1, 2016 Finished Date: Matatapos na. Wait ka... More

"Synopsis"
"Prologue"
"Chapter 1: The Story Begins"
"Chapter 2: The Day We First Meet"
"Chapter 3: New Transferee Student"
"Chapter 4: It's You Again"
"Chapter 5: One Of The Famous Student"
"Chapter 6: Part-Time Job"
"Chapter 7: Mapagbirong Tadhana"
"Chapter 8: I Know Him, I Know Her"
"Chapter 9: Aikee's Have A Stalker"
"Chapter 10: Contention"
"Chapter 11: Amazona Girl"
"Chapter 12: Amazona One Punch!"
"Chapter 13: Kurt Sha And Jhe"
"Chapter 14: Friends Are Like Precious Diamonds"
"Chapter 15: Tears Of Joy"
"Chapter 16: Preparing For School Event"
"Chapter 17: Sadako And Mage Girl"
"Chapter 18: Prison In The House"
"Chapter 19: I'm Missing You"
"Chapter 20: First Hug"
"Chapter 21: I'll Be On Your Side"
"Chapter 22: Fallin"
"Chapter 23: I'm Just A Friend"
"Chapter 24: Stolen Shot"
"Chapter 25: Ako'y Baliw Sa Iyo"
"Chapter 26: Girl's Hangout"
"Chapter 27: Tulad Mong Isang Prinsesa"
"Chapter 28: First Kiss"
"Chapter 29: She's Not Here"
"Chapter 30: Mad"
"Chapter 31: Courting The Princess"
"Chapter 32: Rejected"
"Chapter 33: Free Hugs"
"Chapter 34: Shinsuke's Love At First Sight"
"Chapter 35: Chocolate For Boys"
"Chapter 36: Valentine Day"
"Chapter 37: Misunderstanding"
"Chapter 38: Sorry Na, Pwede Ba?"
"Chapter 39: Strangely Suspicion"
"Chapter 40: Career"
"Chapter 41: A Curious Thing!"
"Chapter 42: I Will Fight For You"
"Chapter 43: I Will Do Everything For You"
"Chapter 44: Selos Much"
"Chapter 45: Kami Na!"
"Chapter 46: You And I Tonight"
"Chapter 47: First Date"
"Chapter 48: A Two-Timer Girl"
"Chapter 49: Paalam Sayo"
"Chapter 50: He Kissed Me"
"Chapter 51: Panyo Ni Future Wife"
"Chapter 52: Don't Avoid Me"
"Chapter 53: Graduation Day"
"Chapter 54: Drunk Girl"
"Chapter 55: Masaya Ako Sayo"
"Chapter 56: Ako'y Sayo At Ika'y Akin Lamang"
"Chapter 57: Birthday Invitation"
"Chapter 58: Fiancee"
"Chapter 59: My Heart Is Bleeding"
"Chapter 60: Beautiful Liar"
"Chapter 61: It Was My Fault!"
"Chapter 62: Stupid Person"
"Chapter 63: Bracelet"
"Chapter 64: Duel"
"Chapter 65: The Broken Hearted"
"Chapter 66: Bitter Tears"
"Chapter 67: Mr.Banatero!"
"Chapter 68: Love Is Ouch!"
"Chapter 69: Possessive"
TO ALL MY SILENT READERS! PLEASE READ!
"Chapter 70: Arrange Marriage"
"Chapter 71: Ang Girlfriend Kong May Toyo"
"Chapter 72: Bonding With Friends"
"Chapter 73: Wedding Invitation Card"
"Chapter 74: Sa Piling Mo"
"Chapter 75: Paubaya"
"Chapter 76: Break Na Sila!"
"Chapter 77: Paglisan"
"Chapter 78: Alone And Lonely"
"Chapter 79: I'm Not Like Her"
"Chapter 80: When The Time Comes"
"Chapter 81: Siya Ang First Love Ko"
"Chapter 82: I'm Hurt"
"Chapter 83: Mahal Kita"
"Chapter 84: Gusto Kita"
"Chapter 85: Kaya Ko Pa Ba?"
"Chapter 86: We Will Meet Again"
"Chapter 87: One Year Later"
"Chapter 88: Welcome Back To Japan!"
"Chapter 89: We Meet Again"
"Chapter 91: I Still Love You"
"Chapter 92: Nagseselos Ako"
"Chapter 93: School Festival"
"Chapter 94: Anime Cafe"
"Chapter 95: Theater Play"
"Chapter 96: Theatrical Role"
"Chapter 97: Cinderella X Snow White"
"Chapter 98: White Dress"
"Chapter 99: Ballroom"
"Chapter 100: Glass Slipper"
"Chapter 101: Poison Apple"
"Chapter 102: Sleeping Beauty"

"Chapter 90: Sana Pwede Ba"

46 18 0
By JeralyneMartinez

"Kurt Sha's POV"

Tatlong oras na din ang nakalipas simula ng mag-umpisa kaming i-celebrate ang pagbalik ng prinsesa ko. Hinintay ko talaga ang pagbalik niya. Pinangako ko kasi sa sarili ko na ipabalik ko siya sakin kahit na anong mangyari. At kapag naging akin na siya ulit, saka ko sasabihin sa sarili ko ang salitang...

GOOD JOB!

Ang totoo sobrang saya ko dahil nakabalik na siya dito. Para akong nabuhayan ulit ng loob. Nagising ang lahat sakin, ang pagkatao ko at ang puso ko. Isang taon din akong naghintay. Para sa akin, sobrang tagal na iyon. Lalo na ang babaeng mahal ko pa ang hinihintay kong bumalik at ibabalik ko siya dito sa piling ko. At ngayon andito na siya, hindi na ako papayag pa na mawala siya ulit sa paningin ko. Hindi na ako papayag na aalis pa siya ulit at iiwan ako mag-isa. Sa pagkakataon na ito, magiging akin na siya ulit at magsasama na kami ng masaya, sinisiguradong habang buhay.

At sa ngayon, ano na nga ba ang ginagawa namin sa ganitong oras? Heto... nasa sala kami. Nakaupo ako sa armchair habang pinapanood ko ang mga kaibigan ko na naglalaro ng baraha. Inalis nila ang lamesa sa gitna at nakabilog silang nakaupo sa sahig habang naglalaro ng pares-pares sa baraha. Katuwaan lang nila na may halong asaran, insultuhan at pikunan kapag nananalo o natatalo. May isang oras na rin simula ng mag-start sila maglaro.

Si Arisu ang nakaisip na maglaro sila ng baraha at kung sino matalo may pitik sa noo. Bawi-bawian.

Kanina, nang marinig namin kay Arisu ang suggest niya sa libangang paglaro ng baraha ay talaga nga naman di kami makapaniwala dahi sa kanya pa talaga manggagaling ang salitang iyon at mahilig din pala siya maglaro nun bilang katuwaan lang. May dala pa siya. Sa kanya yung baraha. Naisip kasi niya na baka pwede kami maglaro nun pagkatapos namin kumain at pati na rin sa iba pang kasiyahan na pwedeng gawin namin tapos isunod namin ang paglalaro ng baraha.

Tawanan nga namin kanina eh. Ibang klaseng babae din siya sa totoo lang.

Pero hindi ako sumali sa paglalaro ng baraha. Okay na ako na pinapanood sila. Okay na ako na pinapanood ko ang prinsesa ko. Okay na ako sa maamo at maganda niyang mukha na nakangiti habang nakikipaglaro siya ng pares-pares sa baraha. Yun palang, satisfied na ako.

"Tsk! Ang daya!" reklamo ni Henry sabay pinatulis ang nguso niya

"Ewww! Beking Henry, huwag ka ngang mag pout mukha kang pato hahahahaha!" nang-aasar na sabi at tawa naman ni Seeley

"Heh! Ang daya-daya niyo eh."

"Asus, matatalo ka lang ulit." hirit ni Koutaro

"Kasi nga, dinadaya niyo akes. Sakit na kaya noo ko. Namumula na. 2 times na akong natalo, kasi 2 times niyo akong dinadaya."

Nagsalita si Fia sa natatawa niyang boses.

"Wala naman nang-dadaya sa atin dito, Henry. Bunutan lang sa mga kasama kung sino na ang susunod. Swertehan lang kaya ang larong ito haha."

"So ano ibig mo sabihin? Ang swerte ko naman sa malas."

Pagkasabi ni Henry, nagsitawanan kami nang dahil sa kanya.

"Sige, pagtawanan niyo akes. Pag akes nakabawi sa inyong lahat sa kakapitik niyo sa noo ko. Isa-isa kong papuputukin yang noo niyo with talsik ng dugo everywhere."

Nagsalita ang prinsesa ko, "Haha sige na. Dami mo pa satsat. Sige na bunot kana sa baraha ni Koutaro hehehe hahaha." sabay tawa siya

"Oo na. Pag akes nakabawi talaga iuuna ko ang noo ni impaktang Seeley. Pati bungo basag." sabay bunot siya ng isang baraha sa hawak na baraha ni Koutaro

"HAHAHAHAHA NGEMAS NA YAN!" malakas na tawa naman ni Koutaro at sinabayan din namin siya ng malakas na tawa namin

"Grabe ka sakin. Busit na bakla ka!" kunot noong sabi ni Seeley tapos tumingin siya kay Aikee, "Aikee ko oh.. inaaway na naman ako ni beking Henry." sabay sumbong siya

"Hehehe.. hayaan mo na. Saka katuwaan lang naman. Ang importante huwag tayo patalo sa kanila. Galingan natin sa pagbunot ng baraha ah."

"Okay, Aikee ko hehehehe.."

Humirit si Henry, "Asus.. keleg nemen yung chanak. Mamaya ka sakin pag natalo ka." sabay irap siya

"Heheheheh hahahahah!" tawa ni Koutaro

Makalipas ang sampung minuto, sila Shinsuke, Jhe at Henry nalang ang natitira sa paglalaro ng pares-pares.

Nakita ko na iisa nalang ang hawak na baraha ng prinsesa ko at ganun din si Henry, iisa nalang din. Habang ang baraha naman ni Shin ay tatlo.

"Hm.. may mananalo na at may matatalo. Sino naman kaya? Huwag naman sana ang prinsesa ko." sa isip ko

"Ikaw na, Jhe. Bumunot kana." sabi ni Shin nang inabot niya ang tatlong baraha na hawak niya

Mariin na tinitigan muna ng prinsesa ko ang bahara bago siya bumunot ng isa.

Natahimik ang lahat.

Pagkabunot niya ng isang baraha bigla siyang ngumiti at mabilis na nilapag ang dalawang baraha sa ibaba ng sahig.

"Yeeeeyyyy! Di ako talo hahahahaha! Saveeeee!" masayang sigaw niya

"Mukhang tudas ka ngayon tol Shin ah.. dalawa pa baraha mo Ahahahaha!" tawang tawa na sabi ni Koutaro

Ngumisi si Shin habang umiiling at nagsalita din siya.

"Makikita natin."

"Okay next. Bunot na, Henry. Malay mo chance mo ng manalo." sabi naman ni Fia at sabay-sabay kaming napatingin kay Henry

"Kyaaaaa~ ewan lang ah pero kinikilig akes. Excited me ng manalo eh. Nafe-feel ko iyon. Saka kapag akes nanalo, di pitik sa noo ang mapapala ni papa Shinsuke sakin, kundi ang malambot na dampi ng labi ko sa noo niya. Muah muah MUAH!" kinikilig na sabi ni Henry habang ginagalaw ang nguso niya na parang nanghahalik at nagbi-blink eyes pa siya sabay galaw sa magkabilang balikat niya

Biglang hirit si Seeley kaya napatingin kami sa kanya.

"Ew, kadiri! Ang landing bakla!"

"Shatap! Oh ano na naman? Yan tayo eh.. Pag inggit pikit. Di yung dada ng dada mabantot naman ang hininga. Nasa iyo na nga papa Aikee ko, tapos pati si papa Shinsuke ko ayaw mo? Shige reklamo pa. Batukan kita eh." taas kilay na sabi ni Henry at in-snob naman siya ni Seeley

"Tama na yan. Back to game na tayo." awat ni Aikee sa dalawa niyang manliligaw

Isang impakta at isang dyosa daw, lols!

Napatingin kami kay Fia ng marinig namin siyang nagsalita din.

"Haha Oo nga. Tama na yan. Sige na, ikaw na next, Henry. Bunot na."

"Oh yesh! I'm reaaddyy~" excited na sabi ni Henry

Tapos tumingin siya kay tol Shin na parang nang-aakit ang tingin niya at muli siyang nagsalita sa excited niyang boses.

"Ready kana, papa Shinsuke ko? Matitikman mo na sa wakas ang matamis kong haliiiiii---"

Biglang naudlot si Henry nang magsalita si Shinsuke at natahimik ang lahat nang mapatingin sa kanya.

"I'm out."

Bigla naman akong napangisi sa sinabi niya. Di ko kasi inaasahan yun. Lahat yata kami.

WALANGYAH YAN!

"Anong i'm out ka dyan, papa Shinsuke? Walang out out out ditey. Walang mag-a-out. Hindi pa tapos ang laro. Walang takas ditey noh. Ngayon palang akes babawi eh." reklamo ni Henry

Pero hindi pinansin ni Shin ang sinabi ni Henry sa kanya. Tumayo siya at tumalikod sa amin. Bago pa man siya aalis ay agad siyang tinanong ni Aikee.

"Saan ka pupunta, tol?"

"Sa labas."

"Bakit?"

"Magpapahangin lang."

"Talaga lang ah? Baka naman takas ka lang sa halik ng labi ni Henry sayo?" sabay bungisngis siya hanggang sa natawa na kaming lahat

Sumingit si Henry na magsalita ng marinig niya iyon.

"Ay grabe siya oh. Walang aalis, papa Shinsuke. Tuloy ang laro. Ayaw mo iyon makakatikim ka ng kiss sakin. Masarap kaya akech humalik hmmm."

Pero hindi parin siya pinansin ni Shin at lumakad ito patungo sa pinto.

Agad naman na lumuhod si Henry, nilapag sa sahig ang kaliwang kamay niya at tinaas ang kanang kamay na parang inaabot niya si Shinsuke na huwag umalis, tapos nagsalita siya sa O.A niyang boses.

"You snob me my love, papa Shinsuke. You hurt me so much na my heart is very ouch you don't love me na. Huhubels."

Yun nga lang, hindi natinag si tol Shin sa kadramahan niya hanggang sa tuluyan na siyang lumabas ng pinto.

"O.A."

Narinig namin na sabi ni Arisu kaya napatingin kami sa kanya.

"Hoy, baklita. Anong O.A ka dyan? Isa ka din na nakikihati sakin eh. Baka alaka mo siguro hindi ko alam na karibal din kita kay papa Shinsuke. Parehas kayong dalawa ni impaktitang si Seeley. Mga kabet!"

Tumawa si Koutaro, "Hahaha ang sama mo naman kay Arisu. Pati ba naman si Arisu na nananahimik lang tinuring mo pang karibal." sabay kamot sa ulo niya

"Oh bakit? Totoo naman."

"Asus. Di ka lang nakahalik kay tol Shin eh. Di na kailangan kasi ibang babae na ang gagawa nun sa kany---"

Naudlot ang sinasabi ni tol Kou nang biglang tinakpan ni Henry ang bunganga niya gamit ang isang kamay.

"I-close nalang ang mouth. Busit ka eh."

Tapos masungit na tinignan ni Seeley sa mukha si Henry at nagsalita sa masungit din niyang boses.

"Kaya nga. Ang harsh niya sa aming dalawa ni Arisu. Yan kasi ang napapala ng mga O.A. Sobrang arte wala naman ganda. Asa pa na makaka-isang kiss siya kay Shinsuke. Ew!"

Biglang tawa naman si Aikee ng marinig iyon. Ang totoo pa nga, silang dalawa ni Koutaro kahit na nakatakip parin ang bibig niya sa kamay ni Henry.

Taas kilay si Henry na tumingin sa mukha ni Seeley at inalis na niya ang kamay niya sa bibig ni Koutaro bago siya magsalita.

"Ang sungit mo naman magsalita. Sungit-sungit umasta. Alam mo ghurl, bagay mo naman eh. May kamukha ka kasing manika. Sino ba yun? Ah.. tama! Yung sa palabas na Bride Of Chucky. Ikaw yung asawa na manika na nasunog sa loob ng oven. Bwhahahaha! Bagaaaay." sabay tawa siya na parang nababaliw habang nakaturo ang hintuturo niya kay Seeley

WALANGYANG BUHAY YAN!

Dahil sa sinabi ni Henry nagsitawanan kaming lahat. Pero syempre, kasama na din yung reaksyon ni Seeley na nagagalit at naiinis na naman siya kay Henry. Sa tingin ko, hindi na yata magbabago ang asaran nilang dalawa sa isa't-isa. Palagi nalang eh, lols.

"Hindi kita kakausapin." kunot noong sabi ni Seeley

"Edi huwag mo akes kausapin kapag akes naging superhero hindi kita ililigtas. Kahit mangisay ka pa dyan." ngising sabi naman ni Henry at pumalakpak ng mabilis

"Whoooohhh! Dami mong alam, Henry. Hahaha!" tawang tawa na kanchaw ni Koutaro

AHAHAHA ANAK NG...

Buti nalang pala hindi ako sumali sa laro  nilang pares-pares ng baraha. Ganito pala epekto neto. Nakakasira ng ulo. Baliw na mga kasama ko. Tawa pa.

Ah Oo. Kahit din nga pala ako. Nakikitawa sa kanila, lols!

Habang nagtatawanan kami dito ay nakita ko na marahan na inakbayan ni Aikee sa balikat si Seeley at inilapit niya ito sa tabi niya. Sunod nun, malambing niya na hinalikan sa noo si Seeley para pakalmahin sa pansin niya na bad mood na ito. Hanggang sa ngumiti na ito at niyakap siya ng mahigpit nang pinulupot ang mga braso nito sa likod niya.

Napangiti naman ako habang pinapanood ko silang dalawa. Hanggang sa makaramdam ako ng inggit.

Ewan lang.

Kasi naman.. malapit lang sakin ang prinsesa ko, pero bakit parang ang layo niya.

Tinignan ko si Jhe, nakita ko na tinutulungan niya si Arisu na pagsamahin ang mga kumalat na baraha sa sahig.

Ang totoo gusto ko ang lambing niya ngayon, pero paano ko iyon makukuha? Gusto ko siyang lambingin, pero paano ko magagawa? Sa ngayon kasi, komplikado pa.

Balik first step ako. Kailangan ko ulit siyang ligawan.

Seryoso? Pwedeng di naman siguro. Kasi naniniwala pa rin naman akong mahal niya ako. Paaaminin ko lang siya. Iyon ang dapat kung gawin. Syempre, with more effort sa kakulitan na may halong panliligaw naman talaga. Di pwede mawala iyon.

Hehe...?

Napatingin kami kay Arisu nang marinig namin siyang magsalita sa mahinhin niyang boses.

"Game. Simulan na ulit ang laro."

"Ay gusto ko yan, baklita. Game ulit akes dyan." sabi naman ni Henry at nagsalita din si Koutaro

"Ayos! Kanina pa ako naghihintay na simulan ulit natin eh. Halos putok na kaya tiyan ko kakatawa dito."

"Okay game. Start mo na, Arisu." sabi ni Fia habang umaayos na sila ng pag-upo sa sahig

Tumango si Arisu, "Hm."

Syempre ako naman, manonood lang ulit sa kanila. Okay na nga kasi ako na pinagmamasdan ko ang mukha ng prinsesa ko. Yun palang, solve na ako at panalo na.

Habang nagbibigay na si Arisu ng mga baraha sa kanila ay bigla siyang natigilan nang dinuro sila isa-isa ni Henry.

"Oh babawi pa akes ah. Kaya wala ng takas-takas pa ditey tulad ng ginawa ni papa Shinsuke ko. Bawal na. No more madaya."

Pagkasabi ni Henry, saka tinuloy ni Arisu ang ginagawa niya.

"Oo na." hikab na sabi ni Koutaro at napagaya sa paghikab si Henry

"Langyah ka. Shige hikab pa. Pati tuloy akes napahikab na. Babawi akes eh. Huwag kang ano."

"Nakakahawa ba? Damay-damay na 'to hahahaha!"

"Che.."

Biglang bumungisngis naman si Aikee habang kinukuha ang mga barahang nilalapag ni Arisu sa harapan nila.

Napansin ko na napahikab din ang prinsesa ko kaya tumingin ako sa kanya. Mukhang inaantok na siya. Naalala ko, pagod nga pala siya. Kanina pa sana siya nakapagpahinga pero dahil gusto ko nga siya makasama ngayon ay nagplano ako nang ganito para sa kanya kahit na alam kong gahol sa oras. Ang importante maayos itong nagawa at nag-enjoy ang lahat, higit sa lahat.. si Jhe na makita ko na nag-e-enjoy.

Ang buong akala ko kasi, hindi ko na siya makikita pa ulit simula ng magkahiwalay kami at nawala siya sakin, tapos umabot na ng isang taon.

Kaya nga anong saya ko nun kahapon, nung sinabi sakin ni Henry na babalik na ulit si Jhe dito sa Japan. Talaga nga naman sobra akong na-excite sa narinig ko, lalo na ang makita siya ulit.

At ngayon nasa harapan ko na si Jhe. Hindi ko na talaga hahayaan na mawala pa siya sakin.

Yun nga lang, kanina ko pa napapansin na hindi man lang siya tumitingin sakin na parang wala ako dito. Di kaya masyado na siyang nag-e-enjoy sa paglalaro ng baraha? Ano ba naman yan?

Kinuha ko yung isang unan ng upuan at niyakap ko ito saka ko nilapag sa ibabaw ang kanang pisngi ko. Tumingin ako sa ibaba ng sahig.

"Miss na miss ko na talaga yung isa dyan." medyo matamlay kong sabi

Napansin ko na parang napalingon silang lahat sakin nang marinig nila ako kaya binaling ko ang tingin sa kanila.

"Hoy, Kurt. Kung miss na miss mo na talaga yung isa dito. Halika ka, sumali ka sa laro namin ng mapansin ka naman niya hahahaha." natawang sabi ni Koutaro

"Hehe.. Oo nga. Tara, tol Kurt. Sali kana. Masaya maglaro ng pares-pares na baraha. Enjoy talaga hehehe.." sabi din ni Aikee habang tumatawa siya ng mahina

Nagyaya ulit si Koutaro, "Tara. Halika na para hindi ka dyan mabagot. Kanina ka pa nanonood eh. Di ka ba naboboring dyan?" tanong na niya akin

Sumagot ako.

"Ayoko."

"Ayaw mo?"

Inangat ko ang ulo ko na nakalapag sa unan at seryoso kong tinignan sa mukha si Kou.

"Oo. Ang gusto ko sana marealize ng isa dyan siya lang gusto ko walang iba."

Pagkasabi ko nun, napasulyap ako sa prinsesa ko at nakita ko na nakatingin siya sakin. Sabay kaming nag-iwasan ng tingin.

Anak ng... Nahiya pa ako.

Bakit pati ako umiwas ng tingin? Eh kanina ko pa naman siya pinagmamasdan.

Bigla kaming napatingin kay Henry nang marinig namin na tumili siya ng malakas at kinikilig pa ang style niya.

"KYAAAAAA~! OH EM KELEEEEG! Yung nahuli mo siyang nakatingin sayo tapos sabay kayo nag-iwas ng tingin. Akala niyo hindi ko napansin ah har har. Keleg yeeeeern!"

Mahina naman siyang pinalo ni Jhe sa braso niya at pinanliitan siya ng mga mata ng tumigil na siya sa kakatili. Tumigil naman si Henry.

Nagsalita si Fia,  "Tama yan. Umiingay. Nakakabingi." sabay bunot siya sa mga baraha na hawak ni Arisu tapos naghulog siya ng dalawang magkaparehas na baraha sa ibaba ng sahig

"Cheee.. matalo ka sana. Putok sakin yang noo mo. Baklalus ka." masungit na sabi naman ni Henry at tumawa lang ng mahina si Fia sa kanya

Ilang sandali pa, si Jhe na ang susunod na bubunot sa mga baraha na hawak ni Seeley. Mariin niyang tinitigan ang mga baraha. Tinaas na niya ang isang kamay niya, mukhang nakapili na. Pero bago pa siya tuluyang kumuha ng isang baraha ay naisip ko na humirit pa ulit ako.

"Baka miss mo na ako ah. Huwag mo tiisin yan."

Bigla siyang natigil sa pagbunot ng marinig niya ako. Pero hindi siya bumaling ng tingin sa akin na kunwari di niya ako narinig. Kaya tinuloy na niya ang pagbunot sa baraha.

Talaga lang ah.. Tignan natin mamaya. Makukuha ko din ang atensyon mo.

Medyo nanliliit ang mga mata kong tumingin sa mga mukha ng kasama ko nang mapansin ko na ngumingiti-ngiti sila dahil sakin. Hanggang sa nakita ko na bumungisngis si Aikee sabay tawa siya ng malutong na halakhak at ginaya na din siya ni Koutaro.

"Grabe, may nagpaparinig dito oh! HAHAHAHAHA! PUCHANG YAN!" tawang tawa na sabi ni Koutaro at ganun din si Aikee ng magsalita

"EHEHEHEE HAHAHAHA OO NGA EH. BUSIT NA YAN HAHAHAHA!"

Tinignan ako ni Henry at kinausap niya ako sa mga biro niyang salita.

"Hay naku, papa Kurt Sha ko. Halika nga ditey sa tabi ko. Akes na magbaby sayo. Kulang ka sa aruga eh. Padedehin pa kita, char.."

ANAK NAMAN NG...

Matapos niya sabihin yun, saka sila nagsitawanan sakin. Puwera si Jhe na nakatingin lang sa mga baraha niya at si Arisu na tipid kung ngumiti habang ang iba wagas kung tumawa sakin.

WALANGYAH TALAGA!

"Hehehe Kurt Sha, lapit na kami sa next game. Sali kana ah."

Narinig ko na kinausap din ako ni Fia kaya napalingon ako sa kanya.

"Hindi. Hindi ako sasali."

Sumingit si Henry.

"Ikaw papa Kurt Sha ah. Ayaw mo lang matalo eh. Umiiwas ka lang sa putukan ng noo. Ano ba klaseng putukan ang gusto mo? Kyaaaa~ Pak ganern! Echos lang nyahahaha!"

Mabilis na kinuha ni Fia ang ibang baraha na tapos na niyang nilapag sa sahig at binato ng mahina kay Henry.

"Hoy bakla! Maghunos dili ka. Iba na yang sinasabi mo ah."

"Echosera ka naman! Huwag ka basag trip. Joke joke lang naman eh. Saka macharap kaya iyon with feelings na pagmamahal nyahahahaha!"

"Haha gage ka."

"Oh bawal green minded."

"Ewan ko sayo."

Sumingit sa usapan si tol Kou.

"Masarap talaga yuuuuuunnn... best feeling daw sabi ng naka-exper---"

Pero naudlot siya sa sinasabi niya ng pinanlakihan siya ng mga mata ni Fia.

"Ssshh!"

"Okay hehe. Joke lang din naman. Hehehe?" nerbyos na tawa ni Kou sabay nagpeace sign siya

"Bastos kasi na bakla. Hmp!" masungit na sabi ni Seeley sabay irap siya

"Bleh." labas dila naman si Henry para mang-insulto kay Seeley

At syempre, tuloy parin sa pagtawa itong si Aikee habang nakikinig sa usapan na pinagsasabi ng mga 'to.

NGEMAS LANG! LOLS!

Pero ang totoo, napapaisip tuloy ako kung masarap nga ba talaga iyon? Kasi ang totoo, naramdaman ko na sana iyon kung may nangyari lang sa amin ni Jhe dati nung hindi pa kami nagbreak nun. Iyon kasi ang matinding depensa sana na gagawin namin para manalo sa giyera. Kaso, nagpigil ako. Bakit pa kasi.. oh di sana.. nasa akin pa rin siya.

Titingin sana ako kay Jhe pero di ko nagawa nang bigla akong kinausap ni Henry kaya sa kanya ako napatingin.

"Sali na you, papa Kurt Sha ko. Don't worry talaga.. kasi, pag ikaw natalo, kiss sa noo ang meron ka sakin. Swear yern." nagpapacute niyang sabi, tinaas baba pa niya ang kilay habang abot tenga ang ngiti

Bigla naman akong kinilabutan at nagtataasan ang mga balahibo ko sa braso.

Tinuro ni Kou ng hintuturo si Henry, "Hahaha sige ganyanin mo si tol Kurt. Baka lumabas din yan ng bahay tulad ni tol Shin." natatawang sabi niya

"Bakit gusto mo ikaw? Never! Huwag mo nga akes ituro baka mausog pa akes."

"Hahaha adik ka."

Tapos binalik ni Henry ang tingin sakin at sinubukan niya ulit akong yayain.

"Oh ano na? Tutunganga kana lang ba dyan, papa Kurt Sha ko? Ditey ka sa tabi ko kasi later may muah muah chu chu kana sakin. Ay charap!"

Pareho kaming napatingin ni Henry kay Jhe nang marinig namin siyang magsalita.

"Heartlalus, huwag ka ngang O.A dyan. Napaka-O.A mo."

"Oh problema mo naman dyan, Girlalus? Bakit? Selos ka? Gusto mo ikaw ang hahalik kay papa Kurt Sha ko? Di rin halata na naghihintay yang labi mo noh? Ayeeeeiihhh. Payag meeee!"

Napasulyap sakin si Jhe at agad niyang binalik ang tingin kay Henry. Masama niya itong tinignan saka siya nagsalita.

"Hindi. Hindi ganun iyon."

Nag-flip ng bangs si Henry, "Jusmeyoh. Ano 'to? Deny epek pa? Shige push mo yan teh." sabay nagkibit balikat siya

"Hahahaha..." tumawa ng mapakla si Jhe

"Bruhitang chakadoll. Pfftt.."

Masungit siyang inirapan ni Jhe at bumaling ng tingin sa mga baraha na hawak niya. Tinitigan ko siya.

"Huwag kanang magpush prinsesa. Kahit ano pang gawin mo. Lalapit at lalapit ako sayo." sa isip ko

Habang titig na titig ako sa mukha ni Jhe ay narinig ko ang boses ni tol Aikee.

"Baka matunaw yan."

Napatingin ako sa kanya at nakangisi siya sakin.

"Sige ka." sabi pa niya

Nagclear throat ako at binalik ang tingin kay Jhe. Tapos narinig ko na kinausap ako ni Kou kaya napabaling tingin ako sa kanya.

"Ulitin natin yung laro. Sali ka, tol Kurt ah."

"Ayoko nga sabi." agad kong tanggi

"Bahala ka dyan. Magiging bato kana mamaya. Bawal papansin dito. Huwag kang umimik. Naglalaro kami." nakanguso niyang sabi sakin at sabay silang dalawa ni Aikee na pinagtawanan ako

Marahan kong hinawakan ang pagitan ng kilay ko. Napasinghap ako at napailing.

"Ewan ko sa inyo." pabulong kong sabi

Pagkatapos nun, sabay-sabay kaming napalingon sa may hagdan ng marinig namin ang boses ng bunso kong kapatid na si Ayesha na tinatawag niya si Jhe.

"Ate Jheeee.. ate Jhe."

Nakita namin na bumababa siya ng hagdan habang kinukusot ang mga mata niya gamit ang isang kamay.

Oo nga pala, nauna ng pumunta sa kwarto sila papa at mama kanina para makapagpahinga at matulog na, ganun din si Ayesha. Pero bakit gising pa ang kapatid ko? Di kaya nagising siya? Ingay kasi ng mga 'to.

"Ate Jhe." tawag ulit ni Ayesha ng nakababa ng siya ng hagdanan

"Oh bakit gising ka pa, Ayesha?" nakangiting tanong ni Jhe

"Kasi po gising pa ako."

Tumingin si Jhe sa suot niyang relo saka binalik ang tingin kay Ayesha.

"Ngeee.. pero 12:03 na. Dapat natutulog kana."

Lumapit si Ayesha at umupo sa tabi ni Jhe bago magsalita.

"Hindi po kasi ako makatulog."

Biglang sumabat si Henry, "Oh yan kasi.. ang iingay niyo. Akala niyo wala ng ibang tao ditey bukod satin. Lakas lakas niyo kasing tumawa eh. Nakakabulabog na pala kayo. Kakahiya tuloy kila tita Kumiko at tito Ruijin baka pati sila hindi din makatulog. Hmmm tigil na ah. Kung ayaw niyo matsupi ng di oras. Hmm.." medyo nananakot niyang sabi habang isa-isa niya kaming lahat na tinitignan sa mukha

"Haha parang di ka naman kasali sa pag iingay. Numero uno ka kaya." natatawang sabi ni tol Kou

Nagcross arms si Henry, "Ay ewan ko sa inyo. Basta akes behave kanina." sabay galaw sa balikat niya

Nagsalita si Fia habang nakatingin kay Arisu, "Sa palagay ko si Arisu lang ang behave sa atin. Tahimik maglaro kanina pa."

"Malamang.. Pangiti-ngiti lang ang alam niyang gawin. Sa isip lang naman yan magaling tumawa ng malakas eh." sabat pa ni Henry at napatawa ng mahina si Fia

"Gage talaga ito hehehe." tawang sabi pa ni Kou sabay kamot sa ulo niya

Napatingin kaming lahat kay Jhe nang kausapin na niya ulit ang kapatid ko.

"Pasensya kana, Ayesha ah. Dahil maingay kami kaya yan hindi ka tuloy makatulog."

Umiling-iling ang kapatid ko.

"Hindi, ate. Hindi talaga ako makatulog. Hindi dahil sa ingay. Basta hindi ko lang magawang makatulog ngayon." medyo inaantok niyang sabi sabay hikab siya at nakikita din namin sa mga mata niya na inaantok na siya

Biglang natawa ng mahina ang prinsesa ko.

"Hehehe talaga? Eh bakit parang antok na antok kana? Ikaw kasi bumangon ka pa sa kama mo. Pero siguradong makakatulog kana nyan."

Hinawakan ni Ayesha ang isang kamay ni Jhe.

"Ate Jhe, samahan mo ako sa kwarto ko hanggang sa makatulog na ako. Kapag tulog na ako, pwede kana po lumabas sa kwarto ko. Basta tulog na ako ah?"

Tumingin si Jhe sa mukha ng mga kasama namin at nagsalita si Fia sa nakangiti niyang labi.

"Sige lang, Jhe. Para makatulog na si Ayesha."

Tumango naman si Jhe at binalik ang tingin kay Ayesha. Ngumiti siya.

"Sige. Sasamahan kita sa kwarto mo hanggang sa makatulog kana."

"Yey!" sabay palakpak ng kamay si Ayesha at niyakap niya si Jhe

Napangiti ako. Ang sarap sa pakiramdam na makita ko ulit silang dalawa na ganyan. Namiss ko ito. Sigurado ako, ganun din ang pakiramdam ng kapatid ko. Namiss namin si Jhe.

Pagkatapos, sabay silang tumayo, naghawakan ng kamay at saka na umakyat sa hagdanan patungo sa kwarto ni Ayesha.

Sinundan ko naman ng tingin si Jhe habang umaakyat silang dalawa. Sa isip ko, gusto ko din siyang makasama sa kwarto katulad ng dati na magkatabi at magkayakap na matulog sa kama.

"Masosolo din kita." sa isip ko

Nang tuluyan ng nakaakyat sa 2nd floor sila Jhe at Ayesha, saka naman namin narinig na may bumukas ng pinto kaya napalingon kaming lahat sa direksyon ng pinto. Nakita namin na si Shin ito na huminto siya sa may pintuan at hawak pa niya ang doorknob. Nakatingin siya samin.

"Aaayy Papa Shinsuke! Anditey na you. Ano game na ulit maglaro?" masayang tanong ni Henry

"Hindi pa pala kayo tapos. Naglolokohan parin pala kayo." sabi ni Shin sabay sarado siya sa pintuan

Hindi siya pumasok dito. At bigla akong napatawa ng mahina sa sinabi niya. LANGYAH!

Tumawa din si Koutaro sa sinabi ni Shinsuke at nagsalita.

"Hahaha busit! Hugot pa."

"Hehe iniwasan niya yata si Henry." birong sabi naman ni tol Aikee habang nakatingin kay Henry

"Ay gurabe ka, papa Aikee ko ah. Kiss na nga. Ayaw pa. Arte nemen."

Nagsalita si Seeley, "Dapat lang. Kadiri ka kasi. Puro kalandian ang alam mo. Panget naman. Tsk.. tsk.. tsk.." saka hinaplos ang sariling buhok niya na nasa harap ng damit niya

Kunot noong tumingin si Henry kay Seeley.

"Iclose ang mouth. Kung ayaw mo maging pustisong suklay dyan para sa peke mong buhok. Chakang 'to. Singit pa more."

Nakita ko na pareho silang mataray na nag-irapan ng mga mata at nakita ko din na biglang natawa si Fia sa kanila.

At syempre, hindi ko parin nakakalimutan ang prinsesa ko. Andoon siya ngayon sa taas at kasama niya sa loob ng kwarto si Ayesha para patulugin.

Sa palagay ko, magpapalipas muna ako ng mga ilang minuto at saka ako susunod na pupunta doon sa taas para masolo ko din ang prinsesa ko. Para naman kahit paano may moment kaming dalawa.

"Sosolohin talaga kita." sa isip ko

**

"Jhe's POV"

Makalipas ang 20 minutes ay nakatulog na rin si Ayesha habang nakahawak siya sa kamay ko at nakaupo naman ako sa kama.

Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko sa kamay niya tapos inayos ko ang kumot na nakabalot sa katawan niya.

"Goodnight ulit sayo, Ayesha. Sweet dreams babygirl." marahan kong hinalikan ang noo niya at saka na ako lumabas ng kwarto niya

Pagkasara ko sa pinto, humikab muna ako at uminat dahil sa antok ko na rin bago ako nag-umpisang maglakad, pero nahinto ako saglit nang mapansin ko ang pinto ng kwarto ni Kurt Sha. Nasa tapat ako mismo ng kwarto niya. Humarap ako sa pinto, tinaas ko ang kanang kamay ko at dinikit ko ang palad ko rito.

Bigla akong may naalala.

-Flashback: Chapter 46: You And I Tonight-

Naalala ko yung pinaka-unang araw namin ni Kurt Sha na sinagot ko siya para maging boyfriend ko. At sinabi din namin agad kila tita Mary at tito Aoki ang tungkol sa pagiging KAMI NA ni Kurt Sha sa CHAPTER 45 hahaha parang Heartlalus lang. Sorry Author. Syempre, Naalala ko din yung pangalawang araw namin bilang mag-jowa. At iyon din yung unang gabi na kabago-bago palang namin sa relasyon ay nagawa na namin magsama at matulog sa loob ng kwarto niya pagkatapos niya ako ipakilala bilang girlfriend sa mga magulang niya na sila tito Ruijin at tita Kumiko bago sila umalis ng bahay. Kaya kami lang nila Kurt Sha at Ayesha ang naiwan. Di ako nakauwi nun, kasi.. si Ayesha ayaw niya muna akong umalis kaya napapayag ako. Di lang yun, plano pala nilang magkapatid iyon na huwag ako paalisin. Bakit ko nasabi? Nakita ko na masaya silang nag-apiran eh. Dapat nga sa may sala talaga matutulog si Kurt Sha, kaso di ko magawang makatulog nung mga oras na yun. Kaya pinayagan ko din siya na tumabi sakin sa kama sa loob ng kwarto niya. At yun na nga.. doon na nangyari na magkatabi kaming natulog ni Kurt Sha sa kwarto niya. Pero inaamin ko na naging komportable ako nun, lalo na alam ko na siya ang kasama ko.

-End of Flashback-

Ang totoo habang nagmumuni ako sa mga naalala ko ay hindi ko napigilan mapangiti sa mga sandaling iyon.

"Nakakatuwang maalala. Ang saya pa nun." nakangiti kong sabi

Hanggang sa natigilan ako sa pag-ngiti at nanlaki pa ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Kurt Sha mula sa likod ko.

"Sana pwede pa."

Mabilis akong napaharap sa kanya at agad din akong napaatras ng hakbang hanggang sa maramdaman kong nakasandal na ang likod ko sa pinto. Nakakabigla kasi na makita na sobrang lapit lang pala niya sakin.

Hindi ko man lang namalayan ang pagdating niya at paglapit sakin. Busy kasi sarili ko sa mga alaala ng nakaraan eh, akak!

Nilagay niya ang kaliwang kamay niya sa pinto sa tabi ng gilid ng ulo ko para i-corner ako. Tumingin siya sa mga mata ko. Nakipagtitigan siya sakin.

Hihimatayin yata ako, shemay!

Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. At... at... hindi ko magawang igalaw ang katawan ko para alisin ang kamay niya at lumayo sana sa kanya.

BAKIT GANITO? Kababalik ko lang dito sa Japan pero bakit ganito na agad ang nangyayari sa akin sa lalakeng 'to. Ang labo naman yan!

Napansin ko na bumababa ang tingin niya sa labi ko. Napalunok ako.

Tapos unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sakin. Yuyuko sana ako pero di ko nagawa nang hinawakan niya ang baba ko. Siguro alam niya na gagawin ko iyon.

Ngumiti siya sakin.

"Sumasagi pa ba ako sa isip mo, prinsesa ko."

Oh my gosh! Pakiramdam ko namula ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Totoo kasi eh.

Bakit obvious ba ako kanina sa pamuni-muni ko ng ilang minuto? Kaya nasabi niya? Galing naman niya kung ganun, ekek!

Amazing.. pffft!

"P-papasok kana ba sa kwarto mo kaya andito ka?" nerbyos kong tanong at agad naman siyang sumagot

"Hindi kwarto ko ang pinunta ko dito. Ikaw."

"Ako?"

"Oo. Gusto mo sa kwarto tayo."

"H-huh?" medyo nagulat kong tanong sa kanya

Inalis niya ang kamay niya sa baba ko at nilipat niya ito sa doorknob sabay pinihit niya saka binuksan ang pinto.

Napaatras ako ng hakbang papasok sa loob ng humakbang siya sakin. Tapos sinara niya yung pinto at ni-lock. Pagkatapos, humakbang siya ng humakbang sakin, habang ako naman ay paatras ng paatras sa kanya. Hanggang sa mapaupo ako sa kama.

Nabigla ako nang hinarang niya ang mga kamay niya sa may gilid ng magkabilang hita ko. Sunod-sunod akong napabuntong hininga pero yung mahina lang.

TEKA... YUNG TOTOO LANG AH! MAY BALAK BA NA GAWIN SAKIN NGAYON SI KURT SHA? EH KASI.. KASI NAMAN! PARANG MAPAPARUSAHAN YATA AKO NG DI ORAS NETO SHEMAAAAAYYY!

"K-kurt Sha..." nanghihina kong sabi, kasi ang lakas ng kaba ng dibdib ko sobra HARUJUZKO WALANJONEZ!

Malambing siyang ngumiti sakin. Tapos ginilid niya nang kaunti ang ulo niya at may tinitignan siya.

"Si Shawtie."

Nang marinig ko ang pangalan na sinabi  niya ay mabilis akong napatingin sa direksyon ng tinitignan ng mga mata niya. Napangiti ako nang makita ko ang favorite kong teddy bear na si Shawtie, ang anakiz ko. Nakaupo at nakasandal ito sa gilid ng unan.

"Shawtieeee~!" masayang banggit ko sa pangalan niya

Naisip ko na iharap ko ulit ang mukha ko kay Sha para pakawalan niya ako. Alisin niya ang mga kamay niya sa gilid ng hita ko at umatras siya para makatayo ako nang malapitan ko si Shawtie.

Pagkaharap ko ng mukha ko sa mukha ni Sha ay bigla akong napapikit mata ng idinampi niya ang labi niya sa labi ko at malambing niya akong hinalikan.

Ilang segundong dampi na halik lang iyon, pero hindi ko inasahan na gagawin niya iyon.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Napatingin lang ako sa mukha niya. Di ako makapaniwala na magkakaroon na naman pala kami ng kiss scene dahil sa nakaw niyang halik sakin. Sa malambot kong LABI!

TOKWANG YAN!

"Kompleto na tayo." mahinang sabi niya sakin

Napansin ko na bumababa ang tingin niya sa leeg ko. Ngumiti siya.

"Talaga ngang kompleto na tayo. Kahit kwintas na bigay ko sayo suot mo parin hanggang ngayon. Masaya ako."

Napahawak akong bigla sa necklace ko.

"Oo, hindi na kami ni Sha. Pero palagi ko parin suot-suot ang kwintas na binigay niya sakin." sa isip ko

"Ah.. ahm... kasi.. g-gusto ko lang isu---"

Naudlot ako sa pagsasalita nang inalis na niya ang mga kamay niya at umusog siya ng kaunti sa gilid ko para makatayo na ako sa kama. Binigyan na din niya ako ng space sa wakas.

So, im free na ganun? Ibig sabihin pwede ko na lapitan at yakapin ang teddy bear ko. Okay!

Tumayo ako at nagkatinginan kami saglit, medyo nahiya pa nga akong tumingin sa kanya. Saka ko na nilapitan ang teddy bear ko.

Kinuha ko siya at niyakap ng mahigpit sa sobrang pagkamiss ko sa kanya.

"Hmmm... namiss kita ng sobra, Shawtie. Namiss kitang yakapin. Ang lambot-lambot mo at ang bango-bango mo pa." nanggigil kong sabi sa sobrang saya at excited ng pakiramdam ko ngayon

Pero teka lang ah. Yung amoy ni Shawtie parang amoy lang ni Kurt Sha.

ANAK NG TOKWA NAMAN YAN, SHAWTIE! SINALO MO TALAGA LAHAT NG AMOY NI KURT SHA AH. ANG MABANGO AT MASARAP NIYANG AMOY, KURAZ!

Pero good yan! Atleast, hindi ka mabaho, kundi patay siya sakin.

"Hmmm.. Shawtie, sabihin mo sakin. Hindi ka naman siguro pinabayaan noh? Inalagaan ka naman siguro noh? Kawawa ka naman kasi kung hindi ginawa ng isa dyan. Kawawa naman ang baby Shawtie ko kung ganun." nag-iinarte kong sabi na may halong pag-aalala ko

"Alagang-alaga kaya siya sakin. Maski isang araw hindi ako nagpalagpas para pabayaan lang siya. Kita mo, malinis at mabango siya."

Narinig kong sabi ni Kurt Sha kaya napatingin ako sa kanya.

"Wow ah. Talaga lang ah." nangiting sabi ko

Pero bigla din nawala agad ang ngiti ko nang maalala ko ang ginawa niya. Muntik ko ng makalimutan na hinalikan niya pala ako.

"Hmp. Siguro sinamantala niya talagang makaisa sakin. Kilala ko ang lalakeng 'to eh. Isa siyang manyak na saltik na babokits." sa isip ko

Hinalikan niya ako. Pero hindi ko magawang magalit sa kanya. Pero hindi ito tama. Mali ito. Isang taon na kaming tapos. Hindi kami dapat magkasama ulit sa isang kwarto.

Anong gagawin ko? Wala naman ako sa mood magalit sa kanya. Hahayaan ko nalang siguro. Saka na, pagtinopak ako.

Binalik ko ang tingin kay Shawtie at ngumiti ulit ako.

"Andito na si mama, anak Shawtie. Uuwi na tayo ah. Kukunin na kita."

Pagkasabi ko nun, nabigla nalang ako nang lumapit si Kurt Sha sabay hinablot niya sakin si Shawtie.

"Hindi mo siya pwedeng kunin sakin." agad niyang sabi

Medyo napakunot noo ako sa ginawa niya at sinabi niya.

"At bakit naman hindi?"

"Iniwan mo siya sakin, diba? Ako muna ang magbabantay at mag-aalala sa kanya. Saka maayos ko naman na ginagawa iyon sa kanya."

"Pero andito na ako."

Nang hahawakan ko na sana si Shawtie para kunin sa kanya ay dumistansya siya ng ilang hakbang mula sa akin at tinaas niya ang teddy bear ko gamit ang dalawang kamay niya para di ko maabot.

"Ano yan?" ngiwi kong tanong

"Hindi mo nga kasi pwedeng kunin."

"Ibigay mo na siya sakin."

Tinaas ko ang mga kamay ko para abutin si Shawtie pero mas lalo pa niyang tinaas ang mga kamay niya kaya nahihirapan akong maabot.

Shemay! Di ko makuha ang teddy bear ko sa kanya ah. Pinapahirapan ang ganda ko!

"Kurt Sha, ibigay mo na siya sakin."

"Hindi."

Nagcross arms ako, kinagat ko ang labi ko sabay inirapan ko siya at tumingin ako saglit sa baba, saka ko binalik ang tingin sa kanya.

Sa bukod gwapo na, matangkad pa! Tofung yan! Oh di perfect YOU!

Pinatong ko ang dalawang paa ko sa mga paa niya para magpantay kaming dalawa. Nilagay ko ang kanang kamay ko sa balikat niya at tinaas ko naman ang kaliwang kamay ko para abutin at kunin si Shawtie.

"Akin na siya." naiinis at nakanguso ko ng sabi

"Sige ka. Hahalikan kita. Kakagatin ko yang labi mo."

Bigla akong natigil sa ginagawa ko. Napatingin ako sa kanya at talaga nga naman ang lapit ng mga mukha namin.

Nakangisi siya.

Agad kong inalis ang mga paa kong nakaapak sa mga paa niya, saka ako umatras ng isang hakbang.

Loko ang lalakeng 'to. Gusto pa yata makaisa sakin eh. Asa kana boy!

BOY BAWANG BWAHAHAHA!

Ay shemas! Bakit na ako tumatawa. Parang baliw lang, amfufu.

Nagsalita si Kurt Sha sa mahinahon niyang boses. Nakinig naman ako.

"Di mo naman kailangan mag-alala kay Shawtie. Pinagkatiwala mo siya sakin, diba? Kaya nga nasa akin siya. Ibabalik ko din siya sayo. Isa pa, ako naman ang nagbigay sayo sa kanya. Pero syempre, maghintay ka kung kailan ko siya ibabalik sayo."

Mahina akong napabuntong hininga at di na umangal pa. Marahan akong tumango-tango sa kanya.

"Sige. Basta ibalik mo siya sakin ah. Akin naman talaga siya eh."

Sabagay, sa kanya nga naman talaga nang-galing ang teddy bear ko kaya may Shawtie ako. Hihintayin ko na nga lang kaysa makipag-giyera ako sa kanya. Hirap pa naman makipagmatigasan ng ulo. Sakit sa brain cells.

"Okay. Cool." sabi niya saka niya parehong binaba ang mga kamay niya sabay inabot niya sakin si Shawtie para ibigay sakin

Kinuha ko naman sa kamay niya at masayang niyakap ko ulit ito ng mahigpit.

"Ang lambot talaga ng baby Shawtie ko ehehehe.."

Habang niyayakap ko si Shawtie ay bigla naman sumagi sa isipan ko sila tito Aoki at tita Mary, naalala ko na kailangan ko na pala umuwi at kung anong oras na ba ngayon.

Tinignan ko ang relo na suot ko sa kaliwang kamay ko at nakita ko ang oras, 1:16am na ng madaling araw.

Maayos kong binalik ang teddy bear ko sa gilid ng unan. Sunod nun, humarap ako kay Kurt Sha at tumingin ako sa kanya, tapos pinaghawak ko ang mga kamay ko bago ko siya kinausap.

"Sha, uuwi na sana ako. Masyado na akong nagpuyat. Kailangan ko pa naman gumising ng maaga para bumalik sa hospital, para ako naman ang magbabantay kay tito Aoki. Kailangan din kasi ni tita Mary magpahinga."

"Dito kana matulog."

"Huh? Dito?" nabigla kong tanong

"Hm."

Umiling-iling ako.

"H-hindi. Hindi pwede eh."

"Sa sala ako matutulog. Dito ka sa kwarto ko. Pangako hindi ako papasok dito."

Nakita ko sa ekpresyon ng mukha ni Sha na gusto niya talaga na dito ako matulog sa bahay nila. Sa kwarto niya. Pero hindi ko pwedeng pagbigyan ang gusto niya.

"Pero hindi talaga pwede. Basta, uuwi ako samin."

"Dati pag sinabi ko na dito ka matulog, okay lang sayo at pumapayag ka."

Iniyuko ko ng kaunti ang ulo ko at tumingin ako sa baba.

"Oo, tama ka. Pero dati iyon. Iba na ngayon."

Lumapit siya sakin. Inilagay niya ang kaliwang kamay niya sa ulo ko at dahan-dahang ibinaba ang mukha niya para magpantay kami.

"Sige." kalmadong payag niya sakin habang nakatingin siya sa mga mata ko, habang ako naman nahihiya at naiilang tumingin sa mga mata niya

Pakiramdam ko, parang ang sweet-sweet niya sakin ngayon. Actually, kanina pa bago niya ako ipasok dito sa loob ng kwarto niya nung andoon pa kami sa labas ng pinto.

Inilayo niya ang mukha niya sakin saka itinuwid ang tayo niya.

"Labas na tayo?" naniniguradong tanong ko sa kanya

"Hm. Tara na."

Tipid ko siyang nginitian, "Okay. Saka, baka tapos na din silang maglaro ng baraha. Sigurado naghihintay na sila satin doon sa ibaba ng sala." habol ko pang sabi

Tumango siya sakin.

Nauna siyang lumakad papunta sa pinto at binuksan niya ito para sakin. Lumabas naman ako at hinintay ko siya na lumabas din at saka niya sinara ang pinto. Pagkatapos, sabay na kaming naglakad pababa ng hagdanan.

Habang bumababa kami sa hagdanan ay nakita ko ang mga kaibigan namin na nakaupo sa sofa. Puwera si Shinsuke na nakatayo at nakaharap sa mga 'to. Ayaw siguro umupo. Nakita ko din na maayos na ang lahat, malinis at hindi na kalat sa sala.

"Aaayyy Girlalus, papa Kurt Sha ko. Buti naman anditey na kayo. Kanina pa kami naghihintay sa pagbaba niyong dalawa ah!" mahinang sigaw ni Heartlalus na may pagka-excited nang makita niya kaming dalawa ni Kurt Sha na bumababa ng hagdan

Napalingon silang lahat samin at halos sabay na nagsitayuan sa inuupuan saka sila humarap samin.

Pagkababa namin ni Kurt Sha ay mabilis akong nilapitan ni Heartlalus sabay hawak siya sa mga kamay ko.

"Ano may nangyari na ba?" nakakaloko niyang tanong habang nakangiti siya ng parang ewan

"Anong nangyari ka dyan?"

"Alam mo naaa..."

"Walang nangyari." sabay hablot ako ng mga kamay ko sa kanya

"Asus deny pa."

"Wala nga para kang sira. Ano ba kasi yang iniisip mo? Harujuzko ka."

Tumingin siya sa taas, "Malamang... ang tagal niyo sa taas eh. Siguradong may milagrong nangyari." nagdududa niyang sabi

"Aish. Ewan ko sayo."

Tumingin siya kay Kurt Sha kaya pati ako napatingin rito.

"Diba, papa Kurt Sha ko?" tanong niya ng nakangiti

Ako ang sumagot kaya nagsalita ako sa kanya ng medyo nakakunot noo na ako.

"Heartlalus, pinatulog ko lang si Ayesha. Okay? Tapos."

Binalik niya ang tingin sakin at tinaas ang kilay niya.

"Ikaw ba si papa Kurt Sha ko? Feeler ka din noh. Agaw atensyon pa more."

Napansin ko na napangiti si Sha sa sinabi ng baklang kuraz na 'to.

Nagcross arms ako, "Sige, pagtulungan niyo ako mga sira ulo kayo." mahina kong sabi

Napatingin kami kay Seeley ng marinig namin siyang magsalita.

"Hay naku. May beki na naman na nag-uumpisa ng kalandihang lagim niya. Di na tumigil. Kairita."

Halos lahat kami napangiti sa sinabi niyang iyon na pinapahiwatig namin na sang-ayon kami sa kanya.

Napansin ko na magsasalita sana si Heartlalus para bumawi kay Seeley pero inunahan ko na siya agad magsalita bago pa siya humirit ng kung ano-ano na naman.

"Guys, uuwi na ako. Kayo uuwi na din ba? Ako kasi, kailangan ko na talagang umuwi."

Tumango si Fia, "Oo. Uuwi na din kami. Hinihintay ka lang namin para sabay-sabay na tayong lahat na umalis." sabi niya

"Ganun ba? Pasensya na kung medyo natagalan ako."

"Ayos lang. Sinamahan mo si Ayesha sa kwarto niya para makatulog."

"Ah.. Oo." bigla akong napangiti ng mapakla sa kanya nang maalala ko na hindi lang si Ayesha ang nakasama ko sa loob ng kwarto, pati si Kurt Sha sa loob ng kwarto niya

Tapos tumingin si Fia kay Kurt Sha para kausapin niya ito.

"Kurt Sha, gusto sana namin magpaalam kila tita Kumiko at tito Ruijin bago kami umalis. Kaso, pano ba yan? Natutulog na sila. Gigisingin pa ba para makapagpaalam kami?"

"Ayos lang. Ako na ang magsasabi sa kanila na umuwi na kayo."

"Hehe.. okay sige. Salamat, Kurt Sha."

"Hm."

Matapos ang saglit na pag-uusap nila. Napatingin naman kami kay Shinsuke nang magyaya na siya samin.

"Kung ganun, tara na. Umuwi na tayo."

Uminat si Aikee, "Ayos! Makakauwi na rin. Pagod na ako at inaantok na ng sobra." inaantok niyang sabi tapos sumulyap siya kay Kurt Sha, "Salamat bro. Enjoy ngayon." nagthumb up siya

Taas baba naman ng kilay si Kurt Sha sa kanya.

Uminat din si Koutaro, "Sa wakaaaaas~ makakauwi na. Napuyat ako ngayon ah, pero gwapo parin ako." maangas niyang sabi at sinabayan ng nakakasilaw na ngisi niya

Kaya yan tuloy, naghiyawan naman kami sa kanya. Napalakpak ako at napatawa ng mahina sa kanya. Habang si Aikee tumatawa ng medyo malakas at kahit din sila Fia at Seeley pumapalakpak sa kakatawa. Habang sila Shinsuke at Kurt Sha naman ay ngumingiti-ngiti lang. At syempre, kahit din pala si Arisu nakita ko na nakisabay na rin siya sa agos ng barkada sa mahinhin niyang pagtawa. Ka-cute naman niya.

Pero meron dito na isang hindi tumatawa at talaga nga namang himala. Walang iba kundi ang reyna ng mga laitera... si HEARTLALUUUUSSS!

"WOW NA WOW! Talaga?"

Nang marinig namin si Heartlalus sa masungit niyang boses, bigla kaming natigilan sa pagtawa. Napalingon ang lahat sa kanya.

"Bakit, Henry? Believe ka na naman ba sakin?" birong sabi ni Koutaro

Napataas naman ang kilay ni Heartlalus, "Taas ng self-confidence natin ah? Oh di wow nga." sabay irap siya

"Grabe siya oh. Siguro masakit na naman puson niya." sabay tingin samin si Koutaro habang nakaturo ang hintuturo niya kay Henry

Bigla kaming napatawa. WALANJOH LANG!

"Yan yung sign na wala na sa mood kasi wala ng energy. Pagod na hehehe.." birong sabi ko at niyakap ko sa braso si Heartlalus ng nakangiti ako

"Che... uwi na nga tayo. Hmm.."

"Okay." tango-tango kong sabi

Narinig namin na nagsalita si Shinsuke kaya tumingin kaming lahat sa kanya.

"Sige. Uwi na tayo."

Nabigla ako nang agad-agad na inalis ni Heartlalus ang mga kamay ko na nakayakap sa braso niya.

Actually, ouch! Sakit nun ah. Akak!

"Aaaayyy... Diba, papa Shinsuke ko may dala kang motor mo? Ganun din si papa Aikee ko kaso may sasabit na elemento sa likod niya mamaya eh. Ay naku alam mo ba, papa Shinsuke ko? Ang gwapo-gwapo mo talaga. Keleg much lang! Ikaw talaga ang the best eh. One of the famous guy ka din eh. Lalabyouuuhh telegeeee~ Hatid mo akech sa bahay namin ah."

Sa bukod natawa na ako ng mahina sa sinabi niya tungkol sa tinutukoy niya na elemento na si Seeley iyon, ay nagawa pa niyang mambola kay Shinsuke para lang magpahatid sa bahay nila.

TOFUNG YAN!

Syempre din, di lang ako ang natawa sa sinabi niya, pati din naman sila. Puwera si Seeley hahahaha! Alam na... haha! Shemay!

Nagsalita si Seeley sa mataray niyang boses habang nakacross arms.

"O.A talaga. Dami-dami pang sinabi magpapahatid lang pala."

"Eh gusto ko nga ng intro eh. Pake mo?"

"O.A mo."

Tumingin sa taas ng kisame si Heartlalus at pinatulis ang nguso niya.

"Tabi-tabi po." pangangasar na sabi niya

BWHAHAHAHA! NGEMAS TALAGA SIYA! LAKAS NG TRIP EH! GAGAWIN ANG LAHAT MAKABAWI LANG AT MAKAPANG ASAR. HIRAP MANALO SA TAONG DYOSA NA 'TO, EKEK!

Napasulyap ako kay Sha nang marinig ko siyang tumawa ng mahina. Napansin niya na nakatingin ako sa kanya kaya tumigil din siya agad sa pagtawa.

"Ihahatid na kita." sabi niya na medyo ikinabigla ko pero hindi ko pinahalata sa kanya

Tumanggi ako sa kanya.

"Hindi na. May maghahatid na sakin."

"Sino?" napatakang tanong niya

Lumakad ako papunta sa tabi ni Shinsuke sa right side niya at nagsalita ako.

"Si Shinsuke ang maghahatid sakin. Siya ang nagdala sakin dito gamit ang motor niya kaya dapat siya din maghahatid sakin pauwi sa bahay."

Napasigaw at nagreklamo agad si Heartlalus sa sinabi ko.

"Say whaaaaaat?! No no no! No, Girlalus! Akes ang ihahatid ni papa Shinsuke. Not you, higat!"

Pero hindi namin pinansin si Heartalus habang nag-iinarte siya.

Napansin ko na nagkatinginan sila Shinsuke at Kurt Sha. Nagkatitigan sila sa mata ng ilang segundo lang. Tapos bumaling ng tingin sakin si Shinsuke at nginitian niya ako.

"Si Arisu ang ihahatid ko."

"Hm?" bigla akong napa-shock face sa kanya

Sumulyap ako kay Arisu at nakita ko na parang na-shock din siya sa narinig niya. At agad ko din binalik ang tingin kay Shinsuke nang magsalita siya.

"Oo. Siya nga. Si Kurt na ang maghahatid sayo."

"Pero..."

Bigla akong napalingon kay Heartlalus nang sumigaw ulit siya. Kahit din sila napalingon sa kanya.

"Whaaaat?! Si Alien Arisu? Si baklitang Arisu? Bakit siya ang ihahatid mo, papa Shinsuke ko? And why not meeeee? GOSH!"

Habang sinasabi niya yan nakaturo ang hintuturo niya kay Arisu.

"Oo. Ihahatid ko siya. Yun ang gusto ko." lakas loob na sinabi ni Shinsuke kaya napatitig nalang ang reaksyon namin sa kanya

"Susmaryosep. Baka maisama ka niya mamaya sa planetang eklavush niya. Shige ka, ba-bye na sayo."

"Henry."

"Papa Shinsukeeee..." malungkot na banggit ni Heartlalus sa pangalan ni Shinsuke

Napabuntong hininga si Shinsuke.

"Oo na. Ihahatid na kita. Basta sa gitna natin si Arisu. Wala ng angal pa."

Nang marinig iyon ni Heartlalus ay bigla siyang napangiti.

"Yey! Thankies, papa Shinsuke. Di na akes aangal."

Pagkasabi niya sabay lakad siya papunta kay Arisu at huminto siya sa harapan nito. Nagtaas kilay siya.

"Hindi ko hiniling iyon." agad na sabi ni Arisu

"Okay." sabi naman ni Heartlalus sabay bangga ng balikat ni Arisu gamit ang balikat niya at saka na siya naunang lumabas ng bahay

ANAK NG TOFU YAN! NANAKIT PA!

"Paano ako?" mahina kong tanong sa mismong sarili ko at narinig naman ako ni Shinsuke kaya nagsalita siya sakin

"Si Kurt na ang bahala sayo." nilagay niya ang kamay niya sa ulo ko sabay gulo sa buhok ko, hinayaaan ko lang na gawin niya sakin iyon. At saka na rin siya lumakad palabas ng bahay

Ganun din ang iba pang mga kaibigan ko, mga nagsilabasan na sa loob ng bahay.

Sinundan ko lang sila ng tingin na parang nanlulumo pa ako.

"Huwag kanang malungkot dyan at mag-alala pa sa pag-uwi mo. Ihahatid naman kita."

Narinig ko na sinabi ni Sha sakin na parang nasa likod ko siya.

Lilingunin ko sana siya mula sa likuran ko pero natigil ako nang lumakad siya at naunang lumabas ng bahay. Ako nalang ang naiwan dito sa sala.

Napakamot ulo ako.

"Ano yun?" ngusong tanong ko at saka na din ako sumunod sa kanila sa labas

Syempre, pagkalabas ko sa pintuan nahinto ako nang makita ko na bukas na yung gate at nasa labas na yung dalawang motor na dala nila Shinsuke at Aikee.

Si Seeley nakaupo na doon sa likod ni Aikee at nakayakap habang nakasandal ang mukha niya sa likod ni Aikee, habang si Aikee nakalapag ang mga paa niya sa semento at naka-stand pa yung motor. Si Arisu naman, hindi pa nakasakay pero nasa tabi siya ni Shinsuke habang ito nakaupo na sa motor niya at nakalapag din ang mga paa sa semento habang naka-stand pa yung motor. Habang sila Koutaro, Fia at Heartlalus andito pa sa loob ng bakuran. At syempre, si Kurt Sha naman nasa harap ko at mga dalawang hakbang lang ang distansya niya sakin.

Malalim akong bumuntong hininga at nag-umpisang naglakad na parang tatamad-tamad.

Nang medyo malapit na ako sa kanila ay nagtanong sakin si Heartlalus.

"Oh bakit ganyan lakad mo na parang kumekendeng-kendeng ka? Zombakels kana ba?"

Huminto ako sa harap niya at dahan-dahan akong umiling sa kanya.

"Hindi. Eh kasi naman.. aalis kayo ng sabay tapos ako maiiwan. Ayaw niyo akong isabay sa inyo. Wala akong kasamang uuwi." mahina kong dinabog ang mga paa ko

"Pwede ba. Huwag ka ngang mag-inarte dyan. Ihahatid ka naman ni papa Kurt Sha ko noh." sabay tingin siya kay Sha at tinanong niya ito, "Diba, papa Kurt Sha ko? Willing kang ihatid si Girlalus ko?"

Nilingon ko si Sha at mapait akong tumingin sa mukha niya na parang nabigla siya sa tanong ni Heartlalus.

"A-ah.. Oo. I-ihahatid kita, Henry. Ah h-hindi. Ibig ko sabihin kayo ihahatid ko.. ay sheyt. S-si ah.. A--- ah.. P-prin.. Si J-he. Tama si Jhe. S-siya nga. Ikaw nga. Syempre hindi kayo." nauutal na sagot ni Sha na parang nahihirapan pa ang ekspresyon ng mukha niya

Kami naman napangiwi, napataas ang kilay at mapait ang ekspresyon ng mukha namin na nakatingin sa kanya sa reaksyon ng mukha niya na parang hindi siya sigurado sa sinasabi niya na ihahatid ako.

WALANJONG BUHAY YAN!

Pasabi-sabi pa siya na ihahatid ako kanina tapos ngayon nauutal-utal siya. Baka gusto niya sikmurain ko tiyan niya ng dumiretso pananalita niya.

"Ano yun, papa Kurt Sha? Pasmado ba ngayon yang dila mo? Gurabe sumakit ulo ko doon ah. Feel ko naduduwal akes. Nabuntis yata akes ng mga magulo mong salita. Nag-sheyt pa siya oh. Jusmeyoh!" mapait na sabi ni Heartlalus at napahawak sa tiyan niya na feeling buntis nga

Tumawa naman si Fia sa reaksyon ni Heartlalus at pabiro pa niyang hinampas sa braso nito.

Tumingin si Heartlalus sa kanya.

"Teh, bawal manakit."

"Haha sorry, Henry. Patawa ka kasi eh."

Tapos napatingin nalang kaming lahat sa direksyon ni Shinsuke nang magsalita siya.

"Tara na."

"Yesh, papa Shinsukeee~ Okay.. taralets na. Sobrang tired na ang dyosa niyo." sabi naman ni Heartlalus ko

At bago siya tuluyan lumabas ng gate ay hinawakan ko siya sa kaliwang braso niya.

"Heartlalus, paano ako?" tanong ko sa kanya

"Andyan oh, si papa Kurt Sha ko. Kulit mo lang ah."

In-snob ko sinabi niya at tumingin ako kay Shinsuke sa nagmamakaawa kong mga mata.

"Hoy, Shinsuke."

Ngumiti muna siya sakin bago magsalita.

"Si Kurt na.."

Magsasalita pa sana ako sa kanya pero natigil ako nang marinig kong kinausap ni Koutaro si Fia. Bumaling ako ng tingin sa kanila.

"Babe, sorry kung hindi ko nadala yung akin ah. Next time dadalhin ko na motor ko. Di ko in-expect na ganitong oras na tayo makakauwi."

"Ayos lang yun, Koutaro. May 24 hrs naman na mga taxi na pwedeng sakyan. Saka, pwede din naman lakarin kung gugustuhin lang natin. Isa pa, magkakalapit lang mga bahay natin na magkakaibigan kaya nga nagagawa natin magsama lahat kung gugustuhin natin. Pati sa school nilalakad lang natin, depende kung gusto magbus. Kahit sa restaurant."

"Hehehe.. Oo nga. Di bale, ihahatid naman kita. Sisiguraduhin kong maayos kang makakauwi sa inyo."

"Asus. Oo na."

Matapos nila mag-usap, saka na sila lumabas ng gate.

Kakausapin ko sana silang dalawa na kung okay lang sa kanila sasabay ako umuwi. Kaso naisip ko moment nga pala ni Koutaro ito kay Fia. Di ko pwede sirain ang diskarte niya at pagkakataon niya na makasama si Fia.

Napansin ko na lalabas na din si Heartlalus kaya agad ko hinila ang laylayan ng damit niya sa likod. Humarap siya sakin.

"Heartlalus, sasabay ako sa inyo."

"No. Ditey lang you." inalis niya ang kamay ko na nahawak sa damit niya tapos sinara niya yung gate para hindi ako makalabas

"Hear---"

Naudlot akong bigla nang dinuro niya ako sa mukha.

"Huwag mong bubuksan yan ah. Dyan ka lang. Si papa Kurt Sha ko na ang bahala sayo. Ayiiieeehhh.. keleg yern? Oh di nice! Baboshka, Girlaluuuusss!"

Pagkasabi niya ay mabilis siyang sumakay sa likod ng motor ni Shinsuke habang nakaupo na sa gitna nila si Arisu.

"Sige, tol Kurt." sabi ni Shinsuke

"Bye broooo, alis na kami. Ingat nalang ang lahat." paalam naman ni Aikee

"Bye.. bukas ulit. Yun ay kung may kitakits." paalam din ni Koutaro

"Sige lang mga bro! Ingat kayo sa daan." sabi ni Kurt Sha habang nakatayo parin siya sa pwesto niya

Nagbow naman si Fia samin, "Ingat kayo ah. Ba-bye na." nagwave hands siya samin tapos sabay na silang naglakad ni Koutaro para umalis na

"Bye byeeee!" paalam din ni Seeley at sumunod na umalis na din silang dalawa ni Aikee

Ako naman, medyo nagmumukmok akong nakatingin kila Shinsuke at Heartlalus. Si Arisu tahimik lang eh, kaya sa dalawa ako nagda-drama.

"Paalam, Jhe." sabi ni Shinsuke at nakita ko naman na marahan nagbow si Arisu sakin bilang paalam niya

"Ang daya niyo. Iiwan niyo talaga ako noh." tampo ko namang sabi at ngumiti nalang siya sakin

In-start niya yung engine tapos tumingin siya kay Sha.

"Kurt, alis na kami. Ikaw na bahala kay Jhe."

"Di mo na kailangan sabihin."

"Alam ko."

"Sige, mag-iingat kayo."

"Kayo din mag-iingat kapag ihahatid mo na siya."

"Oh."

Matapos nila mag-usap saka na inandar ni Shinsuke ang motor niya at pinatakbo ng mabilis. Yung sakto lang siguro na bilis iyon, lalo na wala ng halos na mga sasakyan sa ganitong oras.

At syempre ako naman, sumigaw ng malakas bago pa sila tuluyang makalayo at baka hindi na ako marinig.

"ANG UNFAIR NIYO SAKIN! BUMALIK KAYOOOOO!!!"

"BABOSHKA MAH GIRLALUUUUUS!!!"

Narinig ko naman na malakas na sigaw sakin ng nakakaasar na bestfriend kong bakla ng taon. At Oo, kahit paano narinig pa nila ako.

Sinandal ko ang noo ko sa gate. Suminghap ako ng malalim at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"Hindi naman sa ayaw ko na ihatid ako ni Sha, pero... kasi... ano ba yan. Komplikado kasi eh... alam naman nila iyon." bulong kong sabi

"Ihahatid na kita. Kaya huwag kang aalis dyan. Papasok lang ako sa loob para kunin yung susi ng sasakyan. Lalabas din ako."

Narinig kong sabi ni Kurt Sha sakin kaya dahan-dahan akong humarap sa kanya.

"Sasakyan?"

"Oo. Yung kotse."

"Eh? Bakit kotse pa?"

"Mahalaga ka kasi. Isa kang prinsesa. Prinsesa ko."

Pagkarinig ko nun, pakiramdam ko namula agad ang pisngi ko. Para akong nahiya sa sinabi niya.

ANAK NG BOLERO YAN! HETO NA NAMAN PO SIYAAAAA WALANJOH!

"H-hindi. Ibig ko sabihin.. huwag na. Huwag na yung kotse. Okay lang kahit yung motor mo nalang."

Pagsabi ko nun, tumingin siya sakin ng malamig at ngumisi.

"Gusto mo lang ako mayakap mula sa likod eh. Gusto ko din yan."

Napasinghap ako at nanliit ang mga mata ko sa kanya.

"Ang kapal mo."

"Basta hintayin mo ako dito. Kukunin ko lang yung susi ng motor ko. Okay."

Tumango nalang ako. Tapos mabilis siyang naglakad papasok sa loob ng bahay.

Habang hinihintay ko siya ay tumingala ako sa kalangitan at tinignan ang mga butuin kasabay ng pagbuntong hininga ko.

"Sobrang awkward talaga. Unang araw at unang gabi palang ng pagbalik ko dito sa Japan. Pero siya na agad ang nakakasama ko."

Sabi ko sa malumanay at maganda kong boses. Echos!

***~To Be Continued~***

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 73 5
Si Myrtle Lopez ay isang butihing anak, siya ang tumatayong bread-winner sa kanyang pamilya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil maaga siyang...
1K 105 49
Are you looking for someone to design your Wattpad book cover/s? sanzshine is still accepting requests. All you have to do is follow me on Wattpad...
79.5K 1.9K 13
"When heart skips a beat, it only means that you have found the one." -Dayle (Published and Released in Buqo.ph and soon in NBS!
422K 8.5K 63
[COMPLETED] [PUBLISHED BOOK UNDER LOVELINK] [NO SOFTCOPY] [CURRENTLY EDITING THE WATTPAD VERSION. ALL CHAPTERS REMAINED PUBLISHED. I AM ONLY EDITING...