Tulad Mong Isang Prinsesa

By JeralyneMartinez

93.3K 4.9K 291

SOON TO BE PUBLISHED UNDER PROJECT DREAM INK More

"Synopsis"
"Prologue"
"Chapter 1: The Story Begins"
"Chapter 2: The Day We First Meet"
"Chapter 3: New Transferee Student"
"Chapter 4: It's You Again"
"Chapter 5: One Of The Famous Student"
"Chapter 6: Part-Time Job"
"Chapter 7: Mapagbirong Tadhana"
"Chapter 8: I Know Him, I Know Her"
"Chapter 9: Aikee's Have A Stalker"
"Chapter 10: Contention"
"Chapter 11: Amazona Girl"
"Chapter 12: Amazona One Punch!"
"Chapter 13: Kurt Sha And Jhe"
"Chapter 14: Friends Are Like Precious Diamonds"
"Chapter 15: Tears Of Joy"
"Chapter 16: Preparing For School Event"
"Chapter 17: Sadako And Mage Girl"
"Chapter 18: Prison In The House"
"Chapter 19: I'm Missing You"
"Chapter 20: First Hug"
"Chapter 21: I'll Be On Your Side"
"Chapter 22: Fallin"
"Chapter 23: I'm Just A Friend"
"Chapter 24: Stolen Shot"
"Chapter 25: Ako'y Baliw Sa Iyo"
"Chapter 26: Girl's Hangout"
"Chapter 27: Tulad Mong Isang Prinsesa"
"Chapter 28: First Kiss"
"Chapter 29: She's Not Here"
"Chapter 30: Mad"
"Chapter 31: Courting The Princess"
"Chapter 32: Rejected"
"Chapter 33: Free Hugs"
"Chapter 34: Shinsuke's Love At First Sight"
"Chapter 35: Chocolate For Boys"
"Chapter 36: Valentine Day"
"Chapter 37: Misunderstanding"
"Chapter 38: Sorry Na, Pwede Ba?"
"Chapter 39: Strangely Suspicion"
"Chapter 40: Career"
"Chapter 41: A Curious Thing!"
"Chapter 42: I Will Fight For You"
"Chapter 43: I Will Do Everything For You"
"Chapter 44: Selos Much"
"Chapter 45: Kami Na!"
"Chapter 46: You And I Tonight"
"Chapter 47: First Date"
"Chapter 48: A Two-Timer Girl"
"Chapter 49: Paalam Sayo"
"Chapter 50: He Kissed Me"
"Chapter 51: Panyo Ni Future Wife"
"Chapter 52: Don't Avoid Me"
"Chapter 53: Graduation Day"
"Chapter 54: Drunk Girl"
"Chapter 55: Masaya Ako Sayo"
"Chapter 56: Ako'y Sayo At Ika'y Akin Lamang"
"Chapter 57: Birthday Invitation"
"Chapter 58: Fiancee"
"Chapter 59: My Heart Is Bleeding"
"Chapter 60: Beautiful Liar"
"Chapter 61: It Was My Fault!"
"Chapter 62: Stupid Person"
"Chapter 63: Bracelet"
"Chapter 64: Duel"
"Chapter 65: The Broken Hearted"
"Chapter 66: Bitter Tears"
"Chapter 67: Mr.Banatero!"
"Chapter 68: Love Is Ouch!"
"Chapter 69: Possessive"
TO ALL MY SILENT READERS! PLEASE READ!
"Chapter 70: Arrange Marriage"
"Chapter 71: Ang Girlfriend Kong May Toyo"
"Chapter 72: Bonding With Friends"
"Chapter 73: Wedding Invitation Card"
"Chapter 74: Sa Piling Mo"
"Chapter 75: Paubaya"
"Chapter 76: Break Na Sila!"
"Chapter 77: Paglisan"
"Chapter 78: Alone And Lonely"
"Chapter 79: I'm Not Like Her"
"Chapter 80: When The Time Comes"
"Chapter 81: Siya Ang First Love Ko"
"Chapter 82: I'm Hurt"
"Chapter 83: Mahal Kita"
"Chapter 84: Gusto Kita"
"Chapter 85: Kaya Ko Pa Ba?"
"Chapter 86: We Will Meet Again"
"Chapter 88: Welcome Back To Japan!"
"Chapter 89: We Meet Again"
"Chapter 90: Sana Pwede Ba"
"Chapter 91: I Still Love You"
"Chapter 92: Nagseselos Ako"
"Chapter 93: School Festival"
"Chapter 94: Anime Cafe"
"Chapter 95: Theater Play"
"Chapter 96: Theatrical Role"
"Chapter 97: Cinderella X Snow White"
"Chapter 98: White Dress"
"Chapter 99: Ballroom"
"Chapter 100: Glass Slipper"
"Chapter 101: Poison Apple"
"Chapter 102: Sleeping Beauty"
"Chapter 103: Throwing Back the Poison Apple"
"Chapter 104: Happily Ever After"
"Chapter 105: Apology Accepted"
"Chapter 106: Cute Side"

"Chapter 87: One Year Later"

43 19 0
By JeralyneMartinez

"Jhe's POV"

Isang taon na ang nakalipas simula ng bumalik ako dito sa Pilipinas para tumira ulit sa bahay namin at ipagpatuloy ang pag-aaral ko dito.

Isa na akong first year college student sa Colegio University at ang kurso na kinuha ko ay Bachelor of Science in Nursing. Pangarap ko talagang maging isang nurse kaya ito ang kinuha ko para sa future ko, pero nangyari ang pangarap na iyon nung nag-graduate na ako sa high school.

HAHAHAHA! Sorry na, kuraz!

Hindi lang pala ako ang kumuha ng ganitong kurso, pati rin ang dalawa kong kaibigan, ang mga marekoy ko forEvaaah!

Sila Kristine at Jessica. Oo, nursing din ang kinuha nila. Sa Colegio University din sila nag-aaral at... magclassmates kaming tatlo.

Oh, ang saya, diba? Magkakasama parin kami hahaha! Masaya talaga, lols!

Gusto din kasi nilang maging nurse. Pangarap din nila sa buhay. Asus, baka ginaya lang ako. Walanjonez.

Ah Oo pala, nandito ako ngayon sa loob ng classroom at kasalukuyan kami na nasa gitna ng klase, nagtururo yung Prof namin, nagsusulat kami, nakikinig at syempre magulo at maingay yung ibang classmates ko.

FYI. First subject namin ito sa umaga at major subject pa kaya tatlong oras ang klase namin kay Prof Jasmine. Madugong digmaan talaga agad ito sa utak namin, walanjoh!

"Tahimik!" sigaw ni Prof. Jasmine

Biglang natahimik ang lahat at napatingin kami sa kanya tapos nagtanong siya sa amin.

"Natapos niyo na ba ang pinapasulat ko sa inyo? Nasundan niyo ba ang mga sinabi ko para i-take down note niyo?"

"Yes, ma'am!" sabay-sabay na sagot namin sa kanya, kahit na hindi pa talaga tapos ang iba na magsulat at hindi nakikinig sa kanya

"Siguraduhin niyo lang na naiintindihan niyo ang explanation na mga sinabi ko sa gagawin natin ngayon kung paano maglagay ng swero sa ugat. Isipin niyo na kunwari nagtatrabaho na kayo sa isang hospital. Isa na kayong ganap na nurse at may pasyente kayo na kailangan malagyan ng dextrose dahil nanghihina na ito, kaya ang una niyong dapat gawin ay ang paglagay ng maayos na swero sa ugat ng magiging pasyente niyo. Are we clear?"

"Yes, ma'am!" sabay-sabay ulit na sagot namin sa kanya

"Kayo ba nakinig talaga?"

"YES, MA'AM JASMINE!"

"Okay. Umpisahan na natin. Ayusin niyo na ang mga upuan at pagtapatin niyo. After that, bahala na kayo kung ilang grupo ang gusto niyo. Pwede ang dalawa, tatlo o mahigit pa. Basta ba lahat kayo masusubukan niyo kung paano maglagay ng tamang swero sa isang ugat sa kamay ng mga kaklase niyo. Kayo-kayo ang magsusubukan. Ipa-practice niyo yan today. Siguraduhin niyo lang na mag-iingat kayo sa pag-gamit at pagtusok. Kapag pumutok ang ugat i-first aid niyo agad and try niyo sa isa pang kamay. Pag-alanganin huwag ipilit. Subukan ulit sa susunod. But this is a test for your practice, okay?"

"Yes, ma'am Jasmine!"

"Puro yes ma'am, yes ma'am kayo dyan. Pinaliwanag ko na ito sa inyo kanina pa. Inulit ko lang para sa mga hindi nakikinig kanina. Akala niyo hindi ko napapansin. Mamaya titignan ko tig-isa ang ginawa niyo at i-checheck ko kung tama. Syempre, kung sino ang tama ang nagawa, yun ang bibigyan ko ng score."

Narinig namin na nagsalita si mare Jessica kay ma'am Jasmine kaya napalingon kami sa kanya.

"Hay naku, ma'am. Don't worry po. Nakinig naman kami eh. Puputok lang naman yung ugat ni friend Tine sakin."

Pagkarinig namin sabay-sabay kaming nagsitawanan ng mga classmates ko at kahit din si ma'am Jasmine tumawa.

"Ay grabe ka, mare Jess ah. Walang patawad hahaha." natatawang sabi naman ni mare Kristine

Tumingin si mare Jess sa aming dalawa ni mare Tine para kausapin kami sa mahinang boses niya.

"Pero alam niyo mga friend. Sa dami ng explanation na sinabi ni ma'am satin. Di ako sure kung may natatandaan ako."

Nang marinig namin iyon, natawa kami ng mahina at natawa din ang ibang classmates namin na nakarinig sa kanya.

"Busit ka. Akala namin nakinig ka. Pasabi-sabi ka pa ng don't worry kay ma'am ahaha." natawang sabi ni Tine

Bigla kaming napatigil sa pagtawa ng marinig pa namin na nagsalita si ma'am Jasmine.

"Sige na, tama na yan. I said umpisahan na at ayusin na ang mga upuan. Huwag niyo kalimutan ang tamang instruction na tinuro ko kung paano gagawin. Isa pa, nakakita na kayo kahapon sa personal kung paano maglagay na in-example natin kay Ian. Pasalamat kayo sa classmate niyo nag-volunteer siya na gawin ko sa kanya para ipakita sa inyo."

"Oo nga po, ma'am eh. Saka parang kagat lang ng langgam." hirit ni Ian at tumango-tango si ma'am Jasmine sa kanya

"Okay. Start na."

Matapos namin makinig sa mahabang paliwanag ni ma'am Jasmine ay agad na kaming nagsitayuan sa mga upuan namin para pagtapatin ang mga upuan at ilagay ang mga mesa sa gilid.

Pagkatapos, isa-isa kaming kumuha ng swero. Syempre, kami nila mare Jess at mare Tine ang magkakagrupo. Kami lang tatlo. Kaya na namin ito.

Di lang yun, i'm so excited na mangtusok ng ugat. Putok ka ngayon sa karayom ko bwahahaha! Shemay..

Pagkaupo namin, agad akong nagsalita sa mga kumare ko dahil sa gusto ko na ako muna ang unang gagawa bwahahaha!

"Mga marekoy, ako muna ang unang magtutusok ng swero ah. Exited ako mangtusok ng ugat eh. Hahahaha!" excited na excited kong sinabi habang katapat ko sa upuan si Jessica at katabi ko naman si Kristine sa right side ko

"Oo nga eh. Di rin halata sayo, friend. Naglalaway ka eh. Pakipunasan nga. Kadiri lang eh." sabi ni mare Jess

Bigla kaming natawa ni mare Tine sa sinabi niya.

"Haha oy grabe ka. Di ako naglalaway. Pero i'm very excited. Akin na ang kamay mo." nangingiting sabi ko sa kanya

"Che. Ngiting aso ka pa." sabay inabot niya sakin ang kanang kamay niya

AKAK! Nang-insulto pa eh, amfufu..

Humirit si mare Kristine, "Sige na, mare Jhe. Tusukin mo na ugat niya para matuluyan na." sabay turo sa kamay ni Jessica gamit ang nguso niya

Tumawa ako at napailing.

"Kung ikaw kaya tuluyan ko, friend Tine? Itusok ko kaya yang karayom sa nguso mo? Pwet ng manok eh." taas kilay na sabi ni Jessica

"Hahahahaha! Hehehehahaha! Ewan ko sayo, mare Jess. Umpisahan niyo na nga."

Nagclear throat ako.

"Okay. Uumpisahan ko na. Ready na, mare Jess?" nangingiting tanong ko

"Nung panahon pa ni Maria Clara. Tagal mo eh."

Sabay ulit kaming natawa ni mare Kristine sa kanya.

TOKWANG YAN!

Medyo tinaas ko ang kamay ni mare Jess at tinitigan ko ng husto yung ugat niya sa kamay para hanapin yung ugat na makapal. Di pwede ang manipis, puputok talaga at masasaktan pa yung ugat.

Ilang segundo pa ay nakakita na ako ng ugat niya sa kamay na pwedeng pwede kong tusukan ng swero. Basta ba, tama lang ang pagtusok ko sa ugat para hindi aagos ang dugo. Huwag lang sana pumutok, kundi alam na nagkamali ako o hindi kinaya ng ugat.

Dahan-dahan kong nilapit ang swero sa kamay ni Jessica at idinikit ang nguso ng karayom sa balat.

"Hmmm... hehehe.. lagot ka ngayon sakin ugat." sarkastiko kong sabi

"Friend, para kang rapist. Nakakabusit yang mukha mo. Uhaw na uhaw eh."

Narinig ko na sabi ni mare Jess at narinig ko naman na tumawa ng mahina si Kristine habang titig na titig sa ginagawa ko.

Nagclear throat ako ng mahina at mariin kong tinitigan yung ugat at saka ko inumpisahan ang unti-unting pagtusok ng karayom sa balat ni mare Jess, hanggang sa natusok ko ng maayos yung karayom sa ugat niya at kaagad kong nilagyan ng medical tape.

"Yeeeeyyyy! I'm so happy na natusok ko na din yung karayom sa ugat mo, mare Jess! I'm so proud of you myself! BWAHAHAHA!" masayang sigaw ko at pagtawa ng malakas

"Congrats, mare Jhe!" nakangiting sabi ni Kristine sabay high five kaming dalawa

"Thank you, mare Tine. Bwhahahaha!"

Napatingin kami kay mare Jess nang marinig namin siyang nagsalita sa maarte na boses.

"Ouch~! Ang saya-saya mo dyan, friend aaah.. Ang bruhita mo naman tumawa. Sakit kaya ng kamay ko hmm... Gahasahin ba naman ng karayom mo ang ugat ko. Ouch, ouch~!"

"Bwahahahaha! Sorry, mare Jess. Di bale, bawi ka kay mare Tine hahaha!" sabay kaming tumingin ni mare Jess kay mare Tine

"Aba! Babawi talaga ako. Doon sa ugat ng noo niya para putok agad hahahaha!" sabay tawa na siya

"HAHAHAHA! Sakit nun, mareeeee!"

"Oo, frieeeeend!"

Nagsalita din si mare Kristine habang tumatawa siya.

"FAUL! Hahaha grabe kayo sakin. Sa noo talaga? Di wow! Hahaha..!"

Pagkatapos ng tatlong oras na ginugol namin sa pag-aaral kung paano gawin ang tamang proseso sa paglagay ng swero, ay pinatigil narin kami ng Prof namin. Times-up na kami, natapos na ang oras ng klase namin sa kanya. Kaya bago siya nagpaalam sa amin na umalis ay binalik muna namin sa dating pwesto ang mga desk namin.

Sa katunayan, hindi natapos ng ibang classmates ko ang lecture namin today kay ma'am Jasmine kaya itutuloy pa bukas para sa mga hindi nakagawa dahil inabutan ng oras. Buti nalang, kami nila mare Jessica at mare Kristine natapos namin, di lang yun.. nagawa namin ng maayos kaya pasado kami, YIIEEEHH!

Medyo masakit nga lang sa kamay. Nagahasa din ng karayom ang ugat ko.

TOFUNG YAN!

Pero okay lang. Ang saya ng ginawa namin ngayon BWAHAHAHAHA! Next time ulit.

At dahil vacant time namin ng dalawang oras, naisip namin na lumabas ng school para kumain ng lunch, pumasyal at magfoodtrip na rin sa tagal ng oras na hihintayin namin.

Sa paglalakad namin nakakita ako ng foodcart na nagtitinda ng milktea. Natakam ako. Niyaya ko ang dalawang marekoy ko na lapitan namin ito at saka bumili kami.

Strawberry flavor ang binili kong milktea, si Jessica, macha flavor at si Kristine naman blackforest flavor. May kanya-kanya talaga kaming taste na favorite flavor sa milktea sa tuwing naiisipan namin na bumili.

Pagkahigop ko sa straw ng milktea ko, narinig kong nagsalita si mare Jess na katabi ko sa right side ko.

"Yung uminom ka ng milktea tapos nalasahan mo ang tamis ng sandali ng kahapong hindi na maibabalik."

Tumingin ako sa kanya at pinanliitan ko siya ng mata. Ramdam ko kasi na parang may ibig sabihin ang sinabi niyang iyon.

Napansin ko na napangiti si mare Tine sa narinig din niya habang humihigop siya sa straw ng milktea niya at katabi naman niya si mare Jess sa right side nito.

"Mabilaukan sana kayong dalawa ng pearl." sa isip ko

"Oh bakit, friend? Ganyan ka makatingin sakin? Nagagandahan ka na naman ba sakin? Asus, maliit na bagay. But thanks." medyo malanding sabi ni mare Jessica sakin

"Wala. Ganda mo nga."

"Thanks again. Amen."

Walanjonez yan. Napatawa tuloy kaming dalawa ni Kristine sa kanya. Kaloka, ekek!

"Let's go na?" yaya ko

"Okay, friend." sabi ni Jessica sabay lakad siya at natapilok na muntik na niyang ikinatumba

"Yan, karma." biglang sabi ni Kristine

HARUJUZKO WALANJOH TALAGA SIYA!

Bigla akong napatakip ng bibig ko gamit ang isang kamay ko para pigilan sana ang pagtawa ko. Pero ngemas na yan, hirap magpigil. Sakit sa panga.

"Huwag kang tumawa. Huwag kang tumawa." sa isip ko

Naramdaman ko naman na pinapalo ako ni Kristine sa kanang braso ko kaya napatingin ako sa kanya habang nakatingin siya sakin at tumatawa ng mahina.

"Ang bilis ng karma niya, mare Jhe hehehehe.."

Nakangiting tumango-tango ako sa kanya.

Dahil sa pagtawa niyang nakakahawa, hindi ko narin napigilan ang sarili kong tumawa. Pero mahina lang hahahaha.

"Aray. Saktan pa ako." inda na sabi ni mare Jessica

Pagkarinig namin ni mare Kristine, saka na kami tumawa ng malakas.

Lumingon sa amin si mare Jess sabay tinaasan niya kami ng kilay nang marinig niya ang pagtawa namin sa kanya.

"Sige mga friend. Pagkaisahan niyo pa akong tawanan."

Lumapit kami ni mare Kristine sa kanya habang patuloy parin kami sa pagtawa.

"Sige, tawa pa." sabi ni mare Jess at nagsalita naman si mare Tine sa natatawa parin niyang boses

"Nakakatawa nga naman kasi talaga eh. Nakakatawa ka hahahaha!"

"Shut up na, friend Tine. Kundi, last tawa mo na yan today."

"Sige, sige.. sorry, sorry hehehe hahaha."

Nagclear throat si mare Tine at sinubukan niyang huminahon. Kahit din ako ginaya siya. Pero nung nagkatingin kami, sabay na naman kaming tumawa ng mahina.

"Aaiishh! Ewan ko sa inyo." ngumuso si mare Jess samin sabay nauna siyang naglakad para iwan kami

Natigilan kami sa pagtawa ni Kristine. Agad namin sinundan si Jessica at nang maabutan namin siya saka na kami sabay naglakad.

Nung medyo nakalayo na kami sa milktea ay bigla akong napatawa ng malakas dahil naalala ko yung nangyari kay mare Jessica. Nakakatawa talaga para lang siyang ewan.

Tumingin sakin si mare Jessica, "Ano? Tatawa nalang ba ulit tayo, friend Jhe?" tanong niya

"Sorry, mare... natawa lang ulit." sabay iling ako habang nagpipigil ng tawa

Nagkatingin kami ni mare Kristine at mahina kaming tumawa.

Tumingin ulit si mare Jess sakin at ganun din siya kay mare Tine. Agad ko namang tinikom ang bibig ko, kinagat ang labi ko at tumingin sa direksyon ng daan.

"Naku, nakukulitan na yata siya samin. Titigil na nga ako bago pa siya maging tigre, akak!" sa isip ko

Habang naglalakad kami, narinig ko na nagri-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa loob ng bag ko. Nakita ko na si tita Mary ang tumatawag sakin.

Napatingin si Kristine sa cellphone na hawak ko at tinuro niya ito saka siya nagsalita.

"Oh, si tita mo yung tumatawag ah. Sagutin mo."

"Oo." sabay tango ako

Sinagot ko yung tawag. Magsasalita na sana ako pero agad akong naunahan na magsalita ni tita Mary sa kabilang linya mula sa Japan na ikinabigla ko naman sa narinig ko sa kanya.

"Jhe, niece ko. Ang tito Aoki mo nadisgrasya."

Bigla akong kinabahan ng marinig ko iyon. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko pa nga nanghina agad ang mga tuhod ko.

"Huh ano po, tita Mary? P-paano nangyaring nadisgrasya si tito Aoki?"

"K-kanina h-habang b-bumababa siya sa hagdanan, b-bigla nalang siya na-out of balance kaya nadulas siya at gumulong-gulong sa hagdan hanggang sa mahulog sa sahig. N-nakita siya ng katulong natin na si manang Mei kaya nagsisisigaw ito para h-humingi ng tulong at nang marinig ko siya ay kaagad akong lumabas ng kwarto. At d-d-doon ko na nakita ang t-tito Aoki mo na namimilipit sa sakit ng katawan at m-may dugo siya sa noo niya. K-kaya tumawag agad ako ng ambulansya para madala sa hospital ang tito mo." natataranta at nanginginig na sabi ni tita Mary sa kabilang linya

Hindi ko man siya nakikita habang nagsasalita pero nararamdaman ko ang panginginig ng buong katawan niya at ang takot na nadarama niya sa nangyari kay tito Aoki.

Napatingin ako sa mga marekoy ko habang kausap ko si tita Mary nang magtanong sakin si Jessica.

"Oy friend, okay ka lang? Bakit parang namutla ka dyan?"

Pero hindi ko muna siya sinagot at tinuon ko ang sarili ko kay tita Mary para kausapin siya at malaman ang iba pang nangyari kay tito Aoki.

"P-pero tita Mary... kamusta na si tito? Nasaan na kayo ngayon? N-nasa hospital na ba kayo? Nag-aalala ako kay tito Aoki." naluluha ko ng tanong dahil sa sobrang pag-aalala ko narin kay tito Aoki

"Oo, niece. S-sa ngayon nasa operating room na siya. Inaasikaso na siya ng isang doctor at ang mga nurse na kasama nito. Ang sabi ng doctor sakin kailangan maoperahan ang isang binti ng tito Aoki mo dahil nabalian ito ng buto at kailangan masementuan."

"Tita, babalik pa naman sa dati ang paglakad ni tito, diba?"

"Oo naman, niece. Makakalakad pa siya. Hintayin lang natin matapos ang operasyon at ang sasabihin ng doctor."

Narinig ko na suminghot si tita Mary, alam ko na kahit hindi ko siya nakikita tumutulo ang luha sa mga mata niya.

"Ipagdarasal ko na sana um-okay na si tito Aoki at gumaling agad." sabay singhap ako ng malalim

Naramdaman ko na kinalabit ako ni Kristine kaya napasulyap ako sa kanya. Nakita ko sa mukha nilang dalawa ni Jessica ang bakas na pag-aalala narin sa tito ko.

"Ano na daw? Kamusta na si tito mo?" pag-aalalang tanong ni mare Kristine

Sasagutin ko sana siya kahit saglit lang pero di ko nagawa nang marinig ko ang sinabi ni tita Mary sakin.

"Niece, kailangan kita ngayon."

"T-tita... naiintindihan ko kayo na kailangan niyo ako ngayon at dapat pa nga andyan ako sa tabi niyo. Lalo na ganyan pa ang nangyari kay tito. P-pero paano ko magagawa iyon? Malayo ako sa inyo."

"Pumunta ka dito sa Japan, niece. Bumalik kana."

Nabigla ako sa sinabi ni tita at napalunok ako.

"A-ano po, tita? Ako pupunta dyan? Babalik ako?"

"Oo, bumalik kana dito sa Japan."

"Sandali lang, tita. Di ko yata magagawa yang sinasabi mo. Alam mo naman na... pumapasok ako sa school at saka..."

"Jhe, niece ko, kailangan kita ngayon para sa tito Aoki mo. Pakiusap, pumunta kana dito."

"Sige, tita Mary. Pupunta ako dyan. Hintayin niyo nalang ako. Pabyahe din ako agad."

"Salamat, niece. Hihintayin ka namin ng tito Aoki mo. Mag-iingat ka."

"Kayo din, tita Mary. Mahal ko kayong dalawa ni tito Aoki."

"I love you too, niece."

*toot toot toot*

Matapos namin mag-usap, si tita Mary na ang nag-end ng call namin.

Dahil hindi ko kayang maging makasarili at tanggihan si tita Mary, lalo na sa ganitong sitwasyon na talagang kailangan na kailangan niya ako sa tabi niya dahil sa nangyari kay tito Aoki ay nagawa ko narin pumayag na bumalik sa Japan para makasama ko ulit sila at ganun din sila sakin.

Naramdaman ko na kinalabit ulit ako ni mare Tine.

"Ano, mare Jhe? Siguro naman tapos na kayo mag-usap ni tita mo. Ano ba yang pinag-usapan niyo tungkol sa tito mo? Ano ba nangyari sa kanya? Paki-explain naman."

"Kasi mare... nadisgrasya si tito Aoki ko. Nahulog siya sa hagdanan. Malala ang tinamo ng binti niya.  Kaya kasalukuyan nasa OR siya ngayon."

"Hala. Sana, gumaling agad ang tito mo. Kawawa naman eh."

"Kaya nga.." malungkot ko siyang tinignan

Napatingin kami kay mare Jess nang marinig ko naman siyang nagtanong sakin.

"Friend, tama ba ang narinig ko? Pupunta ka sa Japan? Babalik kana ba para doon kana ulit tumira at mag-aral? Iiwan mo na kami? As in.. ulit..."

"Oo nga. Narinig ko din iyon, mare." singit ni mare Tine

Sumagot ako.

"Oo, mga marekoy. Tama kayo sa narinig niyo. Babalik ako ng Japan."

Nakita ko kung paano lumungkot ang mukha nila dahil malungkot nila akong tinignan. Syempre, nalungkot din ako.

"Halaaaa... iiwan mo na naman kami." malungkot na sabi ni Jessica

"Ang lungkot na tuloy. Kanina tawa-tawa lang tayo tapos ngayon.. so sad na." malungkot na sabi din ni Kristine

Hinawakan kong pareho ang kamay nila saka ulit ako nagsalita.

"Alam niyo kasi... simula ng mawala ang tunay na mga magulang ko, sila tita Mary at tito Aoki na ang tumatayo bilang pangalawang magulang ko. Mga magulang ko na hindi ko kayang tiisin, dahil mahal na mahal ko sila. Sobra. Kaya babalik ako para sa kanila, lalo na kailangan andoon ako sa tabi nila."

"Naiintindihan naman namin, friend. Don't worry." sabi ni Jessica

Tapos nagpakita ako ng ngiti sa kanila, sa dahilan na ayoko maging malungkot ang mga mukha namin ngayon. At sabihin sa kanila ang gusto ko pa sanang marinig nila sakin.

"Ano ba kayo mga marekoy ko. Syempre babalik din ako noh. Babalik din ako agad."

"Huh? Babalik ka din agad? Bakit?" biglang taka na tanong ni Kristine

"Eh kasi... isang buwan lang naman ako doon sa Japan. Pagkatapos nun, uuwi din ako. Basta ba, okay na si tito Aoki."

"Sigurado ka isang buwan ka lang doon?"

"Oo. Bakit ayaw mo? Saka wala akong balak bumalik doon para tumira ulit. Dito na talaga ako sa Pilipinas. Kaya uuwi din ako."

"Eh kung ganun din pala. Paano ang study mo dito? Mawawala ka ng isang buwan."

"Kakausapin ko mga Prof natin na kung pwede mag-online class nalang ako sa kanila at babayaran nalang yung oras na ilalaan nila sakin para matuloy ko parin ang isang buwan sa pag-aaral ko habang nasa Japan ako. Saka sasabihin ko din ito kay tita Mary. Ipapaliwanag ko sa kanya at sigurado ako na maiintindihan nilang dalawa ni tito Aoki ang isang buwan lang na pananatili ko sa Japan kasama sila."

Ngumiti na ulit si mare Tine at hinawakan niya ako sa mga kamay ko.

"Talaga, mare Jhe? Sabi mo yan ah.. basta babalik ka agad pagkatapos ng isang buwan para happy happy parin tayo hahahaha..!" masayang sabi na niya

Tumango-tango ako. Tapos napansin ko na tahimik lang si mare Jess habang nakatingin sakin.

"Oh bakit, mare?" tanong ko sa kanya at agad niya akong sinagot

"Paano kung hindi kana bumalik?"

"Ano ka ba? Babalik pa nga ako."

"Paano kung hindi nga? Pagkatapos ng isang buwan?"

"Huh?"

Nagcross arms siya at seryoso akong tinignan bago siya magsalita.

"Ikaw ba miss Jhe Cruz, limot mo na ba siya?"

"L-limot? Sino?"

Inikot ang mata niya, "Hay naku. Sino pa ba? Oh di ang gwapo mong ex-boyfriend na si Kurt Sha Yutuke." prangka niyang sinabi sakin

Natameme naman ako at napatitig lang sa mukha niya. Wala akong masabi tungkol doon. Bigla akong natigilan eh.

"Oh ano na, friend? Tatahimik kana lang ba at makikipagtitigan na lang ba sakin? Sa maganda kong mukha? Baka matibo ka nyan ah. So kadiri ew."

Paano ako tatahimik?

EH WALANCHONG BUHAY YAN!

Di ko in-expect na babanggitin niya ang pangalan ni Kurt Sha na bigla nalang pumasok sa topic namin. Bakit siya pa? Ang gwapong nilalang na iyon? Este, ang saltik na lalaking iyon. Tokwa naman.

Parang gusto kong sumigaw. AAAAHHH!

Sumingit naman si mare Kristine para kausapin niya si mare Jessica.

"Ikaw kasi, pinaalala mo pa."

"Asus. Para naman di na niya naaalala. Malay ba natin kung kada gabi iyon ang palagi niyang iniisip bago siya matulog. Baka nga SPG pa eh."

"Hahahaha gaga! Baliw ka. Spg talaga hahaha."

"Striktong patnunay at gabay sa mga pantasya ni Jhe Cruz." tinuro ako ni Jessica habang sinasabi niya ang salitang iyan

"Hahahaha ewan ko sayo." sabay hampas si Kristine sa braso ko kahit na si Jessica ang kausap niya

At dahil medyo naiinsulto na ako.. Oo, magsasalita na ako. Ang Prinsesa. Lols!

"Aish! Tumigil nga kayong dalawa. Basta limot ko na siya. Hindi ko na siya iniisip."

Nagsalita si Jessica.

"Sure ka, friend? Gusto mo pustahan tayo? Pag hindi kana nakabalik nang dahil sa kany---"

"STOP! Anong pustahan? Walang pustahan na mangyayari. Hindi pustahan si Kurt Sha." medyo kunot noo kong sabi

Tapos nakita ko na nagkatinginan silang dalawa ni mare Tine at saka nila binalik ang tingin sakin.

"Hoy ano yan? O.A lang friend ah. Wala naman akong sinasabi na yung ex-boyfriend mo ang gagawin natin pustahan. Ang ibig ko sabihin yung sa pagbalik m---"

Bigla tumigil sa pagsasalita si mare Jess tapos kinukurot-kurot na niya ako ng mahina sa tiyan ko at nakangisi pa na tinitignan ako sa mukha, saka niya tinuloy ang sinasabi niya.

"Hooooyyy~ ayaw niyang gawin na pustahan ang ex-boyfriend niya. Ano yan love-love parin? Yiiieeehhh."

"Ayiiieeehhh.. kilig na yan." kanchaw din ni Kristine sakin

Bumuntong hininga ako tapos inalis ko ang kamay ni Jessica at sumimangot ako sa kanilang dalawa. Iniba ko ang tingin ko.

"Mare Jess, hindi nakakatuwa." sabi ko habang nakatingin ako sa malayo

Tinapik niya ako sa braso, "Oy friend, biro lang. Tampo ka naman agad dyan. Malay ko ba kung love-love mo parin."

Binalik ko ang tingin sa kanila at tinitigan ko sila ng ilang segundo bago ako magsalita.

"Okay lang." tipid ko silang nginitian

Pero ang totoo, napapaisip ako kung bakit nakaramdam ako ng konting pagkainis nung akala ko na si Kurt Sha talaga ang gagawin na pustahan. Ayoko kasi na siya ang gagamitin nila kung sakali lang naman. Hindi ko makitaan na isa itong katuwaan o biro lamang. Hindi okay sakin iyon. Parang hindi okay sa pakiramdam ko, pati sa puso ko. Kaya ayoko.

"Okay, friend. So ano ng balak mo ngayon nyan? Sa school natin? Eh kailangan mo munang umalis para pumunta sa Japan at mawala ng isang buwan?"

Bumuntong hininga ako. Saka nagclear throat ng mahina.

"Gusto ko sana na samahan niyo ako ngayon kung okay lang sa inyo? Gusto ko kasing makausap lahat ng Prof natin sa lahat ng subject, para magpaalam sa kanila na aalis muna ako at mawawala ng isang buwan. Kakausapin ko din sila tungkol sa magiging online class ko sa kanila at sana pumayag talaga sila. Pero sure naman ako na papayag sila dahil sa rason ko. Saka, babayaran ko naman yung time na ituturo nila sakin, at sila na din ang bahala sa new schedule ko. Pagkatapos ko sila makausap tungkol sa bagay na yan, saka na ako kikilos para sa passport at ticket ko sa airplane papuntang Japan."

"Sige, mare Jhe. Sasamahan ka namin ngayon ni mare Jess." ngiting pagpayag ni mare Kristine

"Oo, friend.. let's go na. Balik na tayo sa school." masayang yaya naman ni mare Jessica

Ngumiti ako at hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Salamat mga marekoy ko."

**

Pagkatapos ng dalawang araw na sinamahan ako nila Jessica at Kristine sa pag-aasikaso ng mga requirements na kailangan sa pag-alis ko, ay sinamahan parin nila ako dito sa Philippines International Airport. Oo, kasama ko sila para ihatid nila ako dito at para narin sa pansamantalang paalam ko muna sa kanilang dalawa.

Andito na kami bago pa mag-7am. Maaga kasi ang flight ko at 7am iyon. Pero ayos lang para kapag 1pm na nakarating na ako sa Japan. Pero sa Japan time, 2pm ang pagdating ko.

"Paano ba yan mga marekoy ko. Tinatawag na kaming mga pasahero para sumakay na sa airplane." sabi ko sa dalawa kong marekoy

"Sige, mare. Basta mag-iingat ka palagi ah." sabi naman ni Kristine

Napatingin ako kay Jessica ng hinawakan niya ang kaliwang kamay ko.

"Friend, babalik ka pa ba?"

Medyo napangiwi ako sa tanong niya.

"Oo naman, mare Jess. Bakit mo natanong?"

"Andoon kasi yung forever mo."

"Forever ko?"

"Oo. Paano kung hindi kana niya binalik sa amin?"

Napakurap ako, "A-anong ibig mo sabihin?" naguguluhan kong tanong

Binitawan niya ang kamay ko sabay ikot ng mata niya bago ulit siya magsalita sakin.

"Sunga ka ba o sadyang slow ka lang talaga? Sino pa ba ang tinutukoy ko? Syempre, yung ex-boyfriend mo na si Kurt Sha."

"Oo nga naman. Ang prince charming mo." singit naman ni mare Tine kaya napatingin ako sa kanya

Malakas akong napabuntong hininga. Tapos pareho ko silang pinanlitaan ng mata, dahil nakatingin silang dalawa sakin na hinihintay ang sasabihin ko.

"Aish. Hindi naman si Kurt Sha ang dahilan ng pagpunta ko doon. Si tito Aoki ko, okay? Kasi nag-aalala ako sa kanya at para narin may kasama si tita Mary sa pag-aalaga kay tito kaya pabalik ako ng Japan. Saka one month lang ako doon."

"Eh paano kung hindi kana nga niya ibalik? Kasi ayaw kana niyang pakawalan pa. Lalo na, alam na niyang andoon kana ulit. Oh yari kana. For sure bebe time na yan." medyo aboritong sabi ni mare Jess

"Harujuzko. Pwede ba huwag na natin siyang pag-usapan? Wala naman siya sa isip ko eh. Promise, sila tita at tito lang talaga ang pakay ko sa pagbalik ko. As in one month lang, okaaaayyyy?"

"Haaayyss! Sige na nga. Kahit deny ka pa dyan, friend."

Napangiti ako sa kanya.

"Kulit mo din eh."

Tapos hinawakan ni Jessica ang mga kamay ko at nagpakita siya sakin ng isang magandang ngiti.

"Pero alam mo ba, friend Jhe. Boto kami ni friend Tine kay Kurt Sha. Kung sakaling magkabalikan man kayong dalawa... promise okay lang sa amin iyon. Kasi sa wakas, hindi kana malulungkot pa at sasaya kana ulit sa piling niya. Yun lang naman ang gusto namin ni friend Tine para sayo eh. Ang bumalik ka sa dati na masaya ka."

"Pero mare Jess, masaya naman ak---"

Hinawakan niya ang isang pisngi ko at muli siyang nagsalita sakin.

"Alam namin ni friend Tine. Oo, masaya ka. Pero malungkot. Kasi... may kulang. Tama? Alam mo na may kulang sayo. At ang gusto namin. Bumalik na sana ang nag-iisang kulang dyan sa puso mo na sobrang napakahalaga para sayo, nang tuluyan kanang mabuo ulit."

Nangilid ang luha ko ng marinig ko iyon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa mga sinabi niya. Dahil nakakabigla nga naman na marinig ko ang mga salitang ito sa araw pa ng pag-alis ko papunta sa lugar kung saan ko naranasan ang lahat ng mga bagay na bumuo sakin, dito sa puso ko hanggang sa nawasak din ito at nagdusa ng mag-isa sa lungkot.

Suminghap ako at nagpakawala ng malalim na buntong hininga bago ako magsalita.

"Ang totoo? Hindi ko alam kung handa ba akong makita siya. Hindi ko alam kung handa ko ba siyang harapin matapos ang lahat ng sakit na nangyari sa aming dalawa. Pero kahit ganun pa man, kahit magcross man ang landas namin, wala na iyon. Kasi... matagal ko ng tinapos ang tungkol sa amin. Saka, isang taon narin simula ng naghiwalay kami."

Biglang humirit si Kristine sa matigas niyang boses. Nabigla akong napatitig ako sa kanya.

"Hindi mo yan masasabi! Lagot ka! Dahil puso mo na ang kikilos at hindi na ang utak mo. Hindi na papayag ang puso mo na matalo ulit. Lalaban na yan. Kaya lagot ka, mare! Fight oh!" sabay taas siya ng isang kamay

Pero matapos niya sabihin iyon, bigla kaming natawa ni Jessica sa kanya. Wala lang. Nakakatawa siya eh.

Shemay na yan haha!

Nang kumalma na kami sa pagtawa ng mga ilang segundo lang naman, ay naalala ko na kailangan ko ng umalis nang makasakay na ako sa loob ng eroplano.

"Oh paano mga marekoy ko. Ba-bye na muna ah. Kitakits nalang after one month."

"Sige, mare Jhe. Basta ingat ka talaga ah." medyo malungkot na sabi ni mare Tine

"Oo, mare. Kayong dalawa din mag-iingat palagi."

"Oh sya, oh sya.. alis kana. Bago ka pa tuluyang maiwan ng eroplano na sasakyan mo."

"Ba-bye, friend." medyo malungkot na paalam ni mare Jess sakin

Ngumiti ako at tumango-tango sa kanila. Tapos nag-group hugs kaming tatlo.

Sunod nun, hinawakan ko na ang isang bagahe na dala ko at nag-umpisa na akong lumakad. Nang makailang hakbang na ako ay nilingon ko sila. Nag-wave hand ako ng ba-bye sa kanilang dalawa.

"Ba-bye.." mahina kong sabi pero sigurado ako na rinig parin nila

Nagwave hands din sila sakin at malungkot nila akong nginitian. Kahit ako ganun din.

Nakakalungkot. Mahapdi sa dibdib at talagang maanghang sa pakiramdam. Alam kong ganun din sila.

Pero kailangan..

"Paalam muna mga kaibigan ko." sa isip ko

**

"Henry's POV"

"Oh yeeessss! 2pm na.. 2pm na... sure na akech na anditey na si Girlalus koooo... OMGEEEE!"

Malakas kong sabi na wala akong pake kahit pinagtitinginan akes ng ibang tao habang andito akech sa loob ng Narita Airport at hinihintay ang pagdating ni Girlalus ko. Isa kasi akong kumikinang na anghel na taga sundo niya. Charot lang!

Beke leng nemen.

Ilang sandali pa sa paghihintay ko, sa wakas nasilayan ko na si Girlalus na lumabas sa exit door kasabay ang iba pang mga pasahero.

Huminga akes ng malalim saka ko isinigaw ng malakas ang palayaw na tawag ko sa kanya sa sobrang excited ko na makita ulit siya.

"GIRLALUUUUSSSSS!"

Kumakaway akes sa kanya at tumatalon-talon pa akes sa tuwa habang inuulit-ulit ko ang pangtatawag sa kanya.

"GIRLALUS! GIRLALUS! GIRLALUUUSSS!"

Napatingin sakin si Girlalus ng marinig na niya akes. Ngumiti siya ng malapad at kumakaway na din siya sakin.

OMG! KAKAKILIG NEMEN! KINIKILIG TALAGA AKECH NA MAKITA ULIT SIYAAAA~! SWEAR~!

Mga ilang hakbang pa ang kailangan niya bago siya tuluyan makalapit sakin. Pero dahil hindi na akes makapaghintay sa paglapit niya, ay naku.. akes na ang lalapit sa kanya.

Tumakbo ako palapit kay Girlalus at nang makalapit na akes sabay naghawakan kami ng kamay, ngumingiti at tumatalon-talon sa tuwa.

"Heartlaluussss~ namiss kita baklaaaa hahahaha!"

"Che! Mas namish kitaaaa... namishka! Nyahahaha!"

"Hahaha kamusta kana?"

"Okay lang. Dyosa parin sistah. Eh ikaw kamusta na? Mukha yatang binalik ka ni San Pedro ah. Luh.. di ka tinanggap teh?"

Pagkatanong ko nun, bigla kaming natigilan sa pagtatalon-talon nang naunang tumigil si Girlalus.

"Grabe ka. Kararating ko palang nang-aano kana." ngusong sabi niya

"Chaaarrrr... basta namish kitaaaa!"

Ngumiti ulit siya, "Ako diiiiiiin hahahaha!" yun oh, sabay tawa na ulit siya

Ang bruhitang 'to moody telege ang ugali eh. Toyo pa more nyahahaha!

Lagot ka kay papa Kurt Sha ko.

JOKE LANG!

Matapos namin mamishka ang isat-isa ng ilang minuto, saka na kami nag-usap ng matino. Isang seryosong usapan. Charot lang. Wala naman.

"Oh, alam mo naman na siguro kung bakit di ka nasundo ni tita Marylus ah? Di niya kasi pwede iwan mag-isa ang best man niya. Kailangan niya alagaan at bantayan si tito Aoki, hmmm."

"Oo naman, Heartlalus.. naiintindihan ko iyon. Kaya nga andito ako eh, para masamahan si tita Mary sa pag-aalaga kay tito Aoki."

"Tama yan. Ganyan nga. Good girl lang tayo." sabay tapik ako ng mahina sa braso niya

"Always kaya hehehe.."

"Yeah yeah... alright, taralets naaaa. Alis na tayo ditey, Girlalus ko. Punta na tayo sa tokyo medical hospital. Doon naka-admit si tito Aoki."

"Oo. Sinabi na sakin ni tita Mary iyan. Halika na." sabay inaabot niya sakin ang isang bagahe niya

"Ano yan?" taas kilay kong tanong

"Obvious ba? Bagahe. Hilain mo para sakin."

"Ano ka sinu-swerte? Anghel na taga sundo mo lang akes. Di mo akes babysitter. Damulag ka."

"Hahaha.. O.A mo. Sige na, kunin mo na. Hihilain mo lang naman eh. Saka pagod ako sa byahe tapos byahe ulit papuntang hospital."

Tumingin siya sakin na parang nakikiusap ang mga mata niya.

Bumuntong hininga akes sabay ikot sa mata ko bago ako pumayag sa kanya.

"Hay naku, shige na nga. Di kita tatanggihan ngayon. Sa susunod nalang."

"Yey! Alam ko naman di mo ako kayang tiisin bwahahaha!"

"Kalerki. Bruhita ka. Pinagbigyan lang kita pero huwag naman na sanang humantong na ilabas mo ang tunay mong anyo. Mangkukulam ka."

Pagkasabi ko nun sa kanya, Awts... AWTSU! Pinalo niya ako sa braso ko.

"Grabe ka. Maya nyan may makarinig pa sayo isipin pa nila na ganun ako."

"Oh bakit totoo naman. Tawa mo palang sumpa na." ngising sabi ko habang hinihimas ko ang braso ko

"Akak! Ngayon naman sumpa? Oo na nga dyan. Oh ito, dalhin mo bagahe ko at umalis na tayo dito. Naghihintay na si tita Mary sa atin eh." sabay inabot niya ulit ang bagahe sakin at kinuha ko naman ito tapos nauna siyang lumakad

"Wait lang, Girlalus. Baka matisod ka. Jusko pooo! Sana... hehehe.." natawang sabi ko

Huminto siya at humarap akin.

"Tara na, Heartlalus. Worry na talaga ako kay tito Aoki eh. As in sobrang worry na ako simula pa doon sa Pilipinas."

"Okay, okay.. yan na nga oh."

Nag-umpisa na akong lumakad habang hila-hila ang bagahe ng chakadoll na itech! Imagine, sa ganda kong iteys naging taga hilang anghel pa akes.

But it's fine. Happy lang... kasi nakabalik na si Girlaluuuusss... mah bestfriend forEvah!

Syempre, excited na rin akes sa kung ano ang pwedeng mangyari ngayon.

Haaaayyy.. May kananabikan ulit akes. Basta nafe-feel ng beauty ko.

Ay ay ay... Pag-ibig!

OH VONGGA DIVEY?!

Pero syempre..

Pag-ibig ko. Para sa akin. Echosera! Nyahahaha!

***~To Be Continued~***

Continue Reading

You'll Also Like

14.7K 1.5K 9
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...
1.3M 18.6K 41
Dice and Madisson
3M 77K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...