MM Series 1: MAY MOON MISSION...

De AliceInRedribbon

10.7K 466 72

[ COMPLETED - Montello-Montes Series 1 ] TITLE: May Moon: Mission Class 12-E GENRE: Action and Mystery AUTHOR... Mais

MAY MOON (Part 1)
SYNOPSIS (EDITED)
MISSION 1 (EDITED)
MISSION 2 (EDITED)
MISSION 3 (EDITED)
MISSION 4 (EDITED)
MISSION 5 (EDITED)
MISSION 6 (EDITED)
MISSION 7 (EDITED)
MISSION 8 (EDITED)
MISSION 9 (EDITED)
MISSION 10 (EDITED)
MISSION 11 (EDITED)
MISSION 12 (EDITED)
MISSION 13 (EDITED)
MISSION 14 (EDITED)
MISSION 15 (EDITED)
MISSION 16 (EDITED)
MISSION 17 (EDITED)
MISSION 18 (EDITED)
MISSION 19 (EDITED)
MISSION 20 (EDITED)
MISSION 21 (EDITED)
MISSION 22 (EDITED)
MISSION 23 (EDITED)
MISSION 24 (EDITED)
MISSION 25 (EDITED)
MISSION 26 (EDITED)
MISSION 27 (EDITED)
MISSION 28 (EDITED)
MISSION 29 (EDITED)
MISSION 30 (EDITED)
MISSION 31 (NEW)
MISSION 32 (NEW)
MISSION 33 (NEW)
MISSION 34 (NEW)
MISSION 35 (NEW)
MISSION 36 (NEW)
MISSION 37 (NEW)
MISSION 38 (NEW)
MISSION 40 (NEW)
MISSION 41 (NEW)
MISSION 42 (NEW)
MISSION 43 (NEW)
MISSION 44 (NEW)
MISSION 45 (NEW)
MISSION 46 (NEW)
MISSION 47 (NEW)
MISSION 48 (NEW)
MISSION 49 (NEW)
MISSION 50 (NEW)

MISSION 39 (NEW)

9 1 0
De AliceInRedribbon

MISSION 39:
















•••
•••














Naramdaman ko ang sarili ko na hindi na mapakali pa. Nag-aaway ang utak ko kung susugod ba ako o manatili na lang dito at mag-antay sa sasabihin ni Athena.

"Just try to move Artemis, or else Demeter will really shoot you."

Natigilan ako sa narinig ko. Demeter?

Umayos ako ng tayo, pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Sakto na huminto ang mga mata ko sa likuran ko, na kung saan ay doon ako dumaan papasok dito.

One thousand, six hundred meters ang lalakarin, simula sa likod ng building ng Class E, bago makita ang bahay sa gitna ng kakahuyan. Ibigsabihin, more than 1 kilometer na ang nalakad ko.

Pinakiramdaman ko ang paligid at huminga ng malalim. Wala akong maramdamang presensiya. Ibigsabihin, ako lang ang nandidito sa kagubatan.

So nasaan si Demeter?

"Artemis, remember, Aphrodite is not the only one who's missing. The entire Class E is involved. All of Class E Students are missing. So as long as I'm here, I can see you, trust me, you're safe. Everyone will be safe." pagpapakalma nito sa akin.

Kilala niya talaga ako, na kapag usapang kapatid ko, Wala akong sinasanto. Saktan niyo na lang lahat, huwag lang ang nag-iisa kong kapatid na babae. Dahil sa oras na may nanakit sa kan'ya, sinaktan niyo siya? Tss! Isang bala ka lang.

"You are not the only one who worried about her. Even we. Me, Demeter, Hera and Hestia."

Napabuntong hininga na lang ako, alam ko naman. Nakikita ko ang sitwasiyon, pero, aaminin ko din na naging agresibo ako ngayon.

Wala eh, kapatid ko na ang usapan. Tss!

"For tonight, we need a plan. Because as far as I can see, there is something really wrong with what is happening now."

Nakarinig ako ng tipa ng keyboard sa kabilang linya.

"Anong plano?" tanong ko.

Kailangan nga namin ng plano. Hindi kami dapat magpa dalos-dalos. Kailangan naming mag-isip kung paano namin makukuha si Aphrodite at mahanap ang mga nawawalang Class E Students. 

Teka, kung si Aphrodite ay nasa bahay dito sa gitna ng gubat, so nasaan ang mga Class E Students?

May mali nga talagang nangyayari ngayon. May something na hindi namin matukoy kung ano. At mga katanungan na hindi namin masagot.

Bakit nawala na lang bigla ang mga studyante sa Class E? Nawala nga ba, or kinuha sila? Sino naman ang kumuha kung ganun? Ano ba ang pinaplano ng taong iyon? Bakit umabot pa sa ganito? May galit ba siya sa Class E? Kung meron man sana man lang sinabi niya, para hindi namin mailista sa 'Wanted' List ang pangalan niya. Tss!

Or, baka 'SIYA' ang may pakana nitong lahat?

Ang pumatay kay Mary Faith Del Monte at ang pagkawala ng mga Class E Students, what if siya pala ang dahilan ng lahat na ito? Siya lahat nagplano nito?

Possible or Impossible?

Tss!

Nagawa nga niyang patayin ang Isang Inocenteng babae, na walang iniiwang ebidensiya. Kaya hindi malabong siya 'rin ang may gawa sa pagkawala ng mga kaklase ko.

Napalinis niyang gumawa, kahit si Athena ay walang nakuha. Dati ba siyang Janitress? Tss!

"We will save all of the Class E Students, especially Aphrodite." rinig kong boses niya sa kabilang linya. "We will help you finish your mission, Artemis."

Napangiti na lang ako ng konti. Maaasahan ka talaga kahit sa anong bagay Athena... Kapag kinakailangan namin ng tulong mo, nandiyan pa palagi. Hindi ka pa namin nasabihan, text or call, Ikaw na itong nangunguna.

Willing to help nga talaga. Tss!

Sumandal muna ako sa malaking trunk ng Isang puno. Tiningnan ko ang parte na kung saan ako dumaan at pumasok kanina.

"Nasaan si Demeter?" tanong ko na.

"Guess what?"

"Mukha ba akong manghuhula?"

"But your situational awareness is good. You have a clear eyesight. You are aware of your surroundings, threats, and any changes. So why not use your eyes to guess the answer of my question?"

Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi ng babaeng 'to. Tss!

"Tungkol sa nasabi mo kanina, kilala kita Athena, hindi ka nagsisinungaling pagdating sa ganoong bagay. Kaya totoo ang sinasabi mo na babarilin nga ako ni Demeter kapag gumalaw ako. Ibigsabihin lang nun, nandito siya." paliwanag ko. "Kaso, nang pinakiramdaman ko ang paligid ngayon, wala akong nararamdamang presensiya niya. Kaya wala si Demeter dito." 

Mahina lang ang boses ko. Sapat na marinig lang ng kausap ko sa kanilang linya. Dahil kailangan ko pa'ring hinaan ang boses ko, dahil baka may makarinig sa akin at mahuli pa ako. Tss!

"Dahil baka nandoon siya sa labas. Sa labas dito. Kaso, paano niya naman ako mababaril?" tanong ko mismo para sa sarili ko. "Baka hawak niya ang baril ko." sagot ko 'din mismo sa Tanong ko. "Kung sakaling barilin man ako ni Demeter at umabot dito ang bala, Isa lang ang ibigsabihin nun, para sa akin."

Tumingala ako sa madilim na kalangitan.

"Nasa kan'ya ang McMillan TAC-50 ko. Tss!"

'The McMillan TAC-50 is a long-range anti-materiel rifle, with it's effective firing range
1,800 meters and Maximum firing range that estimated at 7,700 meters (8,420 yd)...'

...
...


"Positions Done?" tanong niya mula sa kabilang linya.

Hindi ko siya sinagot. Inayos ko na lang ang pagkakasuot ng earphone ko.

"Hey, I'm asking. Are you in your position now, Artemis? Demeter? Hera? Hestia?"

Walang sumagot. Tss!

Alam na kasi namin na alam niya na kung naka position na ba kami or hindi pa. Kaya l*nt*k lang talaga ang babaeng 'to, tinatanong pa, kahit alam niya naman pala. Nakikita niya kami eh. Tss!

"Joki-joki HA HA." See? Tss! "By the way Artemis, You are in charge of the main entrance."

Inayos ko ang suot kong hoodie at Itim na mask para hindi ako makilala nang kung sino man ang nasa loob. Nasa loob na sina Athena at Demeter. Habang sina Hera at Hestia naman ay tinapos at ginapos lahat ng mga guwardiyang nagbabantay.

Hinintay kong matapos sila, sa ngayon ay nagpuputukan pa sila, mabuti na lang ang pistol ng mga nagbabantay ay naka silencer kaya hindi gaanong kalakas ang tunog.

Sinilip ko sila sa scope ng sniper rifle na hawak ko. Kanina ay ibinigay na sa akin ni Demeter ang McMillan TAC-50 ko, Isa sa mga collection ko. Nagtaka nga ako kung paano niya ito nakuha sa k'warto ko, naka lock naman iyon. Pero, muntik ko nang makalimutan, na nasa kanila pala si Athena, plus nandiyan pa si Hestia. Parehong magagaling pagdating sa 'siraing' bagay. Tss!

Nang makita ko na tapos na sina Hera at Hestia, ay lumabas na Ako ng kakahuyan at nagtungo na sa pintuan. Nang magkasalubong kaming tatlo, ibinigay ko na sa kanila ang baril ko, kinuha din naman nila iyon.

"Goodluck, Goddess of Moon." wika ni Hestia.

Isang ngiting tipid lang ang ibinigay ko sa kan'ya.

Pagkadating ko sa pintuan, ay binuksan ko na kaagad ito at pumasok. Tiningnan ko ang kabuo-an ng lugar. Hindi mas'yadong kalakihan ang nahay na ito. May mahabang sofa sa living room, tatlong single sofa sa magkabila nito, may mesa na gawa sa kahoy. May mini-kitchen, and bathroom. May tatlong pintuan, sa tatlong iyon, may Isa na naiiba ng kulay.

Dalawang kulay brown at Isang kulay white. Ang nagmamay-ari ng puting pintuan na iyon ay si Mary Faith Del Monte, diyan ang kuwarto niya. Nabasa ko sa Diary niya, na ang bahay na ito, ay para sa kanilang dalawa. Mas'yado siyang mahalaga kay Darren Jay ScheZinger kaya may sarili s'yang kwarto dito.

Pero hindi iyon ang pakay ko, ang pakay ko dito ay hanapin ang Secret Underground. Oo, may Secret underground dito na kung saan ay nandoon na sina Demeter at Athena. Hindi ko alam kung paano nila 'yun nahanap, ang alam ko lang ay sa Ilalim ng bahay na ito niya, na track si Aphrodite.

"In the living room, there is a mini library there, Artemis, look for the pen holder, and take one, but the one you take is the white one." sinunod ko ang sinabi niya. "Once you have it, look for the key-hole-like opening that the ballpoint pen can enter."

Nang magawa ko iyon ay biglang gumalaw pa-ibaba ang lalagyanan ng mga libro, at may nabuong hagdanan pa-ibaba. Hindi na ako nagdalawang isip na bumaba, nagulat pa ako nang bigla itong sumara. Umangat ang hagdaan sabay sarado. Madilim nung una pero sa isang hakbang ko, may biglang umilaw na torch. Wow! Para akong nasa underground tunnel. Tss!

Sa bawat paghakbang ko ay isa-isang nag sisindihan ang mga torch dito. Maliit na hallway lang ang nilalakaran ko, tapos ding-ding na ang bawat gilid ko. Diret-direts'yo lang ang paglakad ko. Hangang sa may nakikita ako na parang daan papalabas sa tahimik na hallway na ito.

"Artemis, she's waiting for you."

Kumunot ang noo ko.

"Sino?"

Sinong nag-aantay sa akin?

"Your sister, and the woman who killed Mary Faith Del Monte is waiting for you." wika niya. "I know what's going on now. Aphrodite used herself as a bait, knowing that you would be the next to be taken."

Ano?!

"Earlier, Aphrodite found something, it's a letter for you. It says that you have to go to the woods, kung gusto mong makita ang mga kaklase mo. She knows it's a trap, at alam niya din na willing mong sabayan ang trap na iyon. Kaya inunahan ka na niya."

Ginawa 'yun ni Aphrodite? At bakit hindi ko ata siya nakita na may nahanap na letter kanina?

"Aphrodite is there, tied to the chair. And nandoon din ang ibang hinahanap na'tin, along with the murderer."

Kung hindi ginawa ni Aphrodite ang bagay na'yun, Ako sana ang nakatali, at hindi siya.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad para makarating kaagad ako at makita kung ano na ang lagay nila or kung ano na ang lagay ni Aphrodite, ang kapatid ko.

Nang matapos ko nang lakarin ang mahabang pasilyo, bumungad na kaagad sa akin ang malaking underground training room. May dalawang kulungan at nang tiningnan ko kung sino-sino ang nandoon,

Mukhang tama nga si Athena, nandito lahat ng mga Class E Students. Lahat sila ay nakatingin na sa gawi ko. Nagtataka kung sino ako. Nang dahil siguro sa naka hoodie ako, at Itim na mask, kaya natatakpan nito ang pagmumukha ko.

Hindi nga lang ako sigurado kung talagang nakikita nila ako, dahil nasa dilim pa naman ako nakatayo.























TO BE CONTINUED .....


















Continue lendo

Você também vai gostar

367K 27K 50
منذ أن فتح عينيه للحياة وجد نفسه محاطا بذنوب ليس هو بفاعلها فأطلق عليه الجميع لقب الخطيئة و لكنه ليس بشاب يستسلم لقبح قدره بل قرر أن ينتقم لمن كان سب...
1.5M 40.6K 30
*BOOK 1 IN THE SILVER SERIES* Luna Ardelean has a destiny, one that's been written long before she was born. She is the daughter of Artemis, and...
67.3K 2.7K 23
Jungkook died a year ago but the cops still didnt know what's the cause of it. BTS was devastated from the sudden death of their boyfriend but they...