Bitter 1: The Princess

Od purplenayi

10K 517 178

[Ongoing] Jenelle has everything in life except for one-her dream guy, Patrick. Kaya naman ginawa niya ang la... Viac

Blurb
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8

Chapter 7

192 8 0
Od purplenayi

"Kuya!"

Patakbong lumapit si JL sa kapatid niyang si Thoper nang makita niya itong lumabas mula sa coffee shop na nasa ibaba ng condominium.

"Hey, sis!" nakangiting sabi nito at sinalubong siya.

Yumakap ito gamit ang libreng kamay dahil ang isa ay may hawak na coffee cup. Nang maghiwalay ay naka-akbay pa rin ito sa kanya at bahagyang ginulo ang buhok niya.

Nang makita ang bitbit niyang tote bag kung saan nakalagay ang mga nabili niyang damit noong nakaraan ay inalis nito ang pagkaka-akbay at kinuha iyon. Naiwan sa isang kamay niya ang box ng cake na gawa niya. Pangatlong cake niya nang ginawa 'yon dahil naisipan niyang mag-iwan din sa bahay ni Lander ng isa.

"What happened? Bakit ka umalis sa bahay mo? Are you hiding from someone?" sunod-sunod na tanong nito kapagkuwan.

"Nope. Pinalayas ako roon," simpleng sagot niya.

"Who did? Why?"

Tinignan niya ang kapatid na tila sinasabing 'tinatanong pa ba 'yan?' saka pinasingkit ang mata.

Napabuntong-hininga na lang si Thoper.

"I'll talk to Mom," sabi nito kapagkuwan.

"No need. I'm pretty sure she won't listen anyway. Don't worry, I'll take care of it," sabi niya.

Wala nang nagawa si Thoper at tumango na lang.

"You can stay with me for as long as you want then."

Ngumiti siya sa sinabi nito.

"Thanks, Kuya."

~~~

"May grocery ka ba Kuya? Magluluto sana ako ng lunch," tanong ni JL.

Ngumiti nang malapad si Thoper pero napasimangot din agad.

"Kararating ko nga lang pala, walang laman ang ref ko," sabi nito.

Napapa-iling na lang na natawa si JL.

"May malapit na grocery dito?" tanong niya.

"Yep, meron sa baba. Ilagay mo na lang muna sa ref 'yang cake. Tara mag-grocery."

Gaya ng sabi ni Thoper ay bumaba sila sa mini mall na nasa ground floor ng condominium. May grocery store doon at balak nila na mamili na ng grocery na pang isang linggo.

Nasa kalagitnaan sila ng pamimili nang mapansin niyang may babaeng nakatingin sa kanila. Hawak pa nito ang cellphone at biglang nag-iwas ng tingin nang mapansin niya. Napataas ang kilay niya at tinitigan ito pero hindi na ito tumingin ulit at nagmamadaling umalis.

"Is there a problem?" tanong ni Thoper nang mapansing sinusundan niya ng tingin ang babae.

"I think she was watching us. I could be wrong though," sabi niya. Ayaw niya namang basta ito kumprontahin kung sakali dahil baka nga mali siya.

"Baka nakilala ka," sabi ni Thoper.

Nagkibit na lang siya ng balikat. Maaari nga kasi na nakilala siya nito. Although sa experience niya, hindi siya masyadong napapansin sa Pilipinas. Mas kilala siya sa ibang bansa.

"Good morning, Sir! Ang tagal niyo pong nawala ha," sabi ng cashier habang ini-scan nito ang mga pinamili nila.

Hindi na nagtaka si JL na friendly ang cashier dito dahil social butterfly ang kapatid— na kabaligtaran niya naman. Kahit siguro taon na siya roon ay never niyang kakausapin ang kahit sino unless kailangan lang talaga.

"Yeah, nag-vacation lang ako. Na-burn out na sa trabaho. Mukhang pang-umaga ka na ulit ha? Last time gabi kita naabutan."

"Ay, oo Sir. Morning shift na ako this week." Napatingin sa kanya ito bigla. "Girlfriend mo, Sir?" tanong nito.

Tumawa si Thoper saka hinila siya palapit. Hinawi pa ang buhok niyang nakalugay at pinagtabi ang mga mukha nila. Naiirita man ay wala siyang nagawa. Pinaikot niya na lang ang mga mata at humalukipkip.

"Take a look," sabi ni Thoper.

Madalas ay ganito ang ginagawa ng kapatid tuwing may nagtatanong ng tungkol sa kanya. Sabi nga ng iba, carbon copy daw siya ng kuya niya. Hindi 'yon mapapansin agad dahil laging nakangiti ang kapatid niya habang siya ay laging seryoso. Pero 'pag pinagdikit ang mga mukha nila ay hindi maikakailang magkamukha sila.

Tumitig saglit sa kanila ang babae saka napanganga pa bago ngumiti na tila na-gets nito ang ibig sabihin ng kapatid niya.

"Oh! Younger sister mo, Sir?"

Tumango si Thoper saka ipinatong pa ang kamay sa ulo niya.

"Yep. Mukha lang masungit 'yan pero mabait," sabi pa ng kapatid.

Tinignan niya ito nang masama na ikinatawa naman nito.

Nauna na lang siyang lumabas at hinayaan itong maghintay ng mga pinamili nila habang nilalagay iyon sa paper bag ng bagger.

Nang makalabas si Thoper ng grocery at kinuha niya ang isa sa mga paper bag.

"Oh, by the way, was Lander Betancourt the one who drove you here?" tanong bigla ng kapatid nang naglalakad na sila pabalik. "I think I saw him earlier when we met," sabi pa nito.

"Yeah, I was staying at his house before coming here," sabi niya.

Napatigil bigla sa paglalakad si Thoper kaya tumigil din siya. Nakatitig ito sa kanya bago nagtanong.

"Are you guys dating?"

"Nope," mabilis pa sa alas-kwatrong sagot niya.

Naniningkit ang mata ng kuya niya habang nakatingin sa kanya, hindi naniniwala sa sinabi niya.

"It's true. Wala lang talaga akong ibang mahingan ng tulong dahil hindi ko nadala ang wallet ko nang pinaalis ako sa bahay. He was kind enough to help me. Doon ako sa spare room niya natulog," sabi niya, wala siyang balak na sabihing sa huling gabi ay sa tabi nito siya natulog.

Nagpatuloy na ulit sa paglalakad si Thoper pagkasabi niya noon, tumango-tango na lang.

"Well, I don't have anything against him. I think he's a good guy," sabi ni Thoper mayamaya.

"He's a playboy, Kuya," sabi niya.

Napakunot ang noo ni Thoper saka tumawa.

"I don't think so. Ilang beses ko na siyang nakasama, and I would say he's not as the rumors say," sabi nito.

Napa-isip siya sa sinabi ng kapatid. Lander also claims he's not, at sinasabi pa nito na siya pa lang ang hinayaan nitong mahiga sa kama nito. But that could be a lie. Anyway, it doesn't have anything to do with her, so she just shrugged it off.

~~~

Nagluluto si JL nang marinig niya ang doorbell. Tinawag niya agad ang kapatid, pero nasa shower ito kaya naman pinatay niya muna ang apoy ng niluluto bago pumunta sa pinto.

Sinilip niya sa peephole kung sino ang naroon, at nang makitang isang babae 'yon na mukha namang harmless ay pinagbuksan niya ng pinto.

"Yes?" tanong niya rito.

Nakita niya pa ang pagtingin nito sa cellphone bago sa kanya na tila ba ikinukumpara siya sa kung anong nasa cellphone nito kaya napataas ang kilay niya.

Humalukipkip siya bago tinignan nang mataman ang babae. Sa tantya niya ay kaedad niya ito o mas bata sa kanya.

"Is Christopher here?" tanong nito.

Inalis niya agad ang pagkaka-cross ng mga braso niya bago tumango.

"He's in the shower. And you are?" tanong niya.

Tila nakita niya pa ang inis na dumaan sa mata nito na kung susuriin niyang mabuti ay may halong sakit. Nakita niya pa ang pagkuyom ng kamao nito at pagkagat sa ibabang labi na tila nagpipigil ng iyak.

Does she think I'm Kuya's girlfriend or something?

Napahinga siya nang malalim at magsasalita na sana nang bigla na lang dumating ang kuya niya at umakbay sa kanya. Nakasuot ito ng paboritong low armhole tank top at jogging pants habang ang isang kamay ay pinupunasan ang buhok gamit ang tuwalya.

"Who's there?" tanong nito sa kanya pero nakatingin sa babae sa pinto.

She felt him stiffened bago ito bumulong.

"Nikki..."

Tumingin naman ang babae sa kuya niya, nag-aakusa.

Bigla ay nag-panic ang kapatid niya nang tumalikod ang babae at mabilis na naglakad palayo.

"Nikki, wait!"

Halos patakbo nang naglakad ang kapatid niya hanggang sa maabutan nito ang babae.

Napairap na lang siya at pumasok sa loob. Baka kung ano pang makita niya't kailanganin niyang magpatak ng holy water.

~~~

"Sorry sa bigla kong pag-alis kanina," mahinhing sabi ng babaeng pinakilala sa kanya ng kapatid. Si Nikki, ang girlfriend daw nito na nakilala nito sa London.

Ngumiti na lang siya rito bilang sagot. Hindi niya napigilan ang mapatingin sa dalawang suitcase na nasa likod nito.

"Nikki will also stay here starting today," sabi ng kuya niya na ikinatingin niya rito.

Dalawa lang ang kwarto sa pad nito kaya napa-isip siya kung saan ito matutulog. She wouldn't want to share a room with a stranger.

"She'll be staying in my room," maagap na sabi ni Thoper bago pa siya makapagtanong.

Tumango na lang siya at inilahad ang kamay niya sa harap ng babae.

"It's nice to meet you," sabi niya.

Malapad namang ngumiti ang babae at inabot ang kamay niya.

"Nice to meet you too!"

~~~

Nagmamadaling sumakay ng taxi si JL nang makitang sumakay si Aya sa kotse ni Vince.

Magkasama rin ang dalawa nang nagdaang araw at sinundan niya pero hindi siya nakakuha ng maayos na picture ng mga ito. Hindi naman kasi siya magaling magkuha ng picture. Kung hindi malabo, hindi naman kita kung sino ang nasa picture.

"Pakisundan po 'yong kotse," mabilis na sabi niya sa taxi driver nang makasakay.

Sumunod naman agad ang driver at mabilis na sinundan ang kotseng sakay sina Vince at Aya.

"Tsk, what did Patrick even saw in her? She's not that pretty," inis na bulong niya habang hindi inaalis ang tingin sa kotse. "And she even like somebody else pero kung maka-ligkis kay Patrick, ugh!" Humalukipkip siya bago huminga nang malalim.

Sa isang restaurant pumunta ang dalawa.

Sinundan niya agad ang mga ito pero nadismaya din nang makitang pumasok ang mga ito sa isang private room. Malamang ay para hindi sila makita ng mga tao. Kung tutuusin nga ay balot na balot si Vince at hindi mo makikilala talaga. Alam niya lang na si Vince ito dahil sa sasakyan na gamit din nito nang nagdaang araw.

Dahil gutom na rin naman siya, naisipan niyang kumain na lang doon.

"Table for one, ma'am?" tanong ng waiter na sumalubong sa kanya.

Ngumiti siya at sasagot na sana nang may biglang may tumabi sa kanya.

"For two, please," sabi nito.

Inis na nilingon niya ang lalaki na ngiting-ngiti naman.

"This way," sabi ng waiter bago sila itinuro sa pandalawahang mesa.

Hindi na siya umangal at naupo na lang nang ipaghila siya nito ng upuan. Hinayaan niya na lang din itong mag-order para sa kanya.

"So, you 're not stalking me at this rate, huh?" sabi niya nang maka-alis ang waiter.

"Hey, yesterday's really just a coincidence!"

Nang nagdaang araw ay nakita niya rin ito habang sinusundan sina Aya at Vince. Kaya hindi siya nakakuha ng matinong picture ay dahil naroon ito nang sana ay makukuhanan niya ang mga ito ng matinong picture.

"And today?" tanong niya rito habang nakatingin nang masama.

"Well, I saw you left Lovie Patty so I followed you. Sakto naman na dito ka sa restaurant pumunta. Yayayain din sana kitang mag-dinner eh. Hindi masaya kumain mag-isa," sabi nito.

"Did you even consider that I like eating alone?" inis na sabi niya pero ngumiti lang ito.

She doesn't mind eating alone, mas gusto niya pa iyon kung tutuusin. She can go and eat wherever she wants without considering what the other person would like. She also likes to eat in peace. Kaso ito pa talagang parang armalite ang bunganga ang kasama niya ngayon.

"How's your stay in your brother's house?" tanong ni Lander sa kalagitnaan ng pagkain nila.

Mula pa nang maupo sila ay hindi niya na mabilang kung ilang topic na ang nabuksan nito. Hinahayaan niya na lang at nakikinig na lang siya at paminsan-minsan ay tipid na sumasagot.

"It's fine—" sabi niya pero napatigil din agad.

Actually, it's not fine at all! Mabait naman ang girlfriend ng kuya niya at wala siyang maire-reklamo roon.

Ang problema, halata mong bago pa lang ang relationship ng dalawa dahil masyadong sweet ang mga ito sa isa't-isa. Kung minsan ay para na rin siyang invisible para sa mga ito dahil kahit naroon siya ay naglalandian ang mga ito.

Ang malala pa ay hindi siya nakatulog nang nagdaang gabi. Hindi naman kasi soundproof ang kwarto, at hindi ata alam ng kuya niya! O wala itong pakialam kung ano man ang marinig niya. Literal na nagtakip siya ng tenga dahil naririnig niya ang lahat!

Napahinga siya nang malalim saka kinuha ang baso ng tubig at uminom doon.

"Why? Is there something wrong?"

Napatitig siya kay Lander at naalala ang naging pagtulog niya sa bahay nito. Sa totoo lang, iyon ang pinaka-peaceful na tulog niya. Kahit na nang katabi niya ito ay nakatulog siya nang mahimbing.

Naisip niya ang kapatid at girlfriend nito. Hindi niya ata gugustuhin na umuwi roon.

"Hey, Lander," tawag niya rito.

Nag-angat agad ito ng tingin sa kanya at ngumiti pa habang naghihintay ng sasabihin niya.

"Hmn?" tanong nito nang lumipas na ang sandali ay hindi pa siya nagsasalita.

Huminga muna siya nang malalim at bahagyang kinagat ang ibabang labi bago nagsalita.

"Can I sleepover tonight?"

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

121K 4.3K 17
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
7.6M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.8M 37.3K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.