Class 3-C Has A Secret 2 | co...

By enahguevarra

9M 155K 54.2K

"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 20... More

C3CHAS TRILOGY
C1: Moriendo Renascor.
C2: Pity on me, Death.
C3: She, who forgets.
C4: Honor the vanquished.
C5: Doomed Reality.
C6: The thread of Death.
C7: Embrace your iniquity.
C9: Dreadful past.
C10: Sleuth.
C11: Know thyself.
C12: Lies.
C13: Incognito.
C14: Nostalgia.
C15: Truth be told.
C16: Lifeless. (part 1)
C17. Lifeless (part 2)
C18: Missing.
C19: The liar.
C20: Rules of the jungle.
C21: Hidden agenda.
C22: Judas' kiss
C23: Lost Alice.
C24: A friend and a foe.
C25: The unspoken truth.
C26: Paranoia
C27: The first weakest rabbit.
C28: Behind those lies.
C29: Lifesaver.
C30: The catastrophe of life.
C31: Ironic truth.
C32: Two black cats
C33: The white rabbit has the answer.
C34: The Prodigal son.
C35: Someone is back.
C36: The white rabbit.
C37: Friendship.
C38: Kill the Pillar.
C39: The clockmaker's daughter.
C40: Eliminate the wolves.
C41: Darkness
C42: Wolf's cry.
C43: Hunt the wolves.
C44: Alliances.
C45: Endgame
C46: Fade to black
C47: The Fall of the Pillar
C48: START
C49: Pitch Black
C50: Hide and Seek.
C51: Turncoat
C52: Trust no one
C53: Friends do kill
C54: Dangerous
C55: An hour to live
C56: Pillar's Trap
C57: The End
EPILOGUE
Special Chapter: HANAKO
Special Chapter: Balot ba o Penoy?
C3CHAS Spin-Off

C8: Ballad of Death.

174K 2.9K 438
By enahguevarra

 

"To remember is... to regret."

--------------------------------------------x

KATHERINE'S POV


MAS lalong natahimik ang buong klase sa pag-alis ni Spade. Hindi ko alam kung bakit pero parang may mali sa bagong estudyante na iyon. May kakaiba akong nararamdamang kaba sa kanya. Bumuntong hininga si Ms. Maeganne at para bang nag-ipon muna siya ng lakas ng loob upang muling magsalita. Panigurado, nainis siya sa inasal ni Spade, sino ba naman ang hindi?

"Sige, kailangan ko na ring umalis. Tandaan nyo lang ang mga babala ko, mag-ingat tayong lahat." Ang huli niyang sinabi bago niya tuluyang lisanin ang kwarto. Napa-buntong hininga rin ako. Minsan, naisip ko rin na lumipat ng eskwelahan pero hindi maari. Kung pwede lang sana, matagal na kong umalis rito. Isang malaking hawla ang Laketon Academy para sa karamihan. Isang nakakatakot na hawla na punong-puno ng mga hindi maipaliwanag na nilalang.

Kung saan man nila nilagay, sinunog o binaon ang mga kahong natanggap namin pati na rin ang ulo ni Celina ay hindi ko na rin alam. Masyadong mabilis ang mga panyayari. Naniniwala akong si Hanako lang ang may pakana ng lahat ng ito. Base sa mga narinig ko sa kanya bago kami magbakasyon noong 1st year pa lamang kami... sigurado akong siya... siya ang may gusto ng lahat ng nanyayari ngayon.

 ****

"H-Hanako?" pumasok ako sa loob ng classroom. Batid ko na si Hanako ang palaging nasa loob ng classroom kapag uwian na. Tinignan ko ang suot kong puting relo, 6:05 pm. Tuwing 7:00 pm sinasarado ng mga guwardiya ang mga classrooms kaya marami pa akong oras para kuhanin ang mga naiwan kong mga libro.

Tinignan ko si Hanako na nakaupo sa isang sulok ng classroom. Nakayakap siya sa mga tuhod niya habang nasa tabi niya ang bag niya. Tumingin siya sa akin, tingin na para bang isa siyang nawawalang tuta na walang mapupuntahan sa gitna ng malakas na ulan. Natatakot man akong lumapit sa kanya ngunit hindi ko napigilan ang mga paa ko. Nakakaawa talaga siya. Kung makikita ako ni Sapphire ngayon, siguradong kanina pa niya ako sinigawan.

"W-Wag kang lumapit." Mahina niyang sinabi na naging dahilan ng pagtigil ko sa paghakbang. "Nakita mo na rin diba? Alam mo na diba?" tumingala siya sa akin habang tuloy tuloy ang pag-iyak at paghikbi niya sa pagitan ng mga sinasambit niyang mga salita. "Huhusgahan mo rin ba ako? Ganun ka rin naman diba Katherine?" Umiling ako at sinubukan kong lumapit pa sa kanya ngunit siya naman ang lumayo sa pamamagitan ng pag-usog habang nakaupo. "Ayoko sa inyo. Mga demonyo kayong lahat! B-Bakit ba ganito kayo sa akin?!" Sa pagtayo niya ay kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya... ngayon ko lang nakita si Hanako na ganito. "Tandaan nyo lahat ng ito... sa huli, kayo rin ang iiyak, manlilimos ng awa at hihingi ng patawad sa akin!" Pasigaw niyang sinabi sa akin kasabay ng pagkuha niya sa gamit niya at pagtakbo palabas ng classroom.

Nang umalis na siya ay napako ang tingin ko sa isang bakal na naiwan sa kinauupuan niya. Agad akong yumuko upang kuhanin ito. Isang krus na bakal. Medyo...  mainit pa ito ngunit kaya namang tagalan ng mga kamay ko ang init. Kinuha ko ito at lumapit sa upuan ko upang kuhanin ko rin ang mga naiwan kong mga libro. Tumakbo ako palabas upang habulin si Hanako at ibigay sa kanya ang krus na bakal niya ngunit sa pagbaba ko ng hagdanan... nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan ko.

Impossible. Bakit niya kasama si Hanako?

****

"Hoy Katherine!" bumalik ako sa realidad nang narinig ko ang sigaw ni Sapphire.  Nakapameywang siya sa harapan ko. Napatayo naman ako kaagad. "P-Pasensiya na Sapphire, lumipad lang ang isipan ko." Tinaasan niya ako ng kilay at ngumiti. "May isip ka pala Katherine." Nagtawanan sila. Nakisali rin ako sa sa tawanan. "You're no fun Katherine. Aalis kami, wag kang susunod. Okay?" Ngumiti ako at tsaka tumango. Hindi ko alam kung bakit kapag si Sapphire ang nagsasabi sa akin ng mga ganyan ay hindi ako nasasaktan o kahit nagagalit man lang. Siguro dahil kilala ko na talaga siya. Alam kong hindi niya layunin na ipahiya ako, ganun lang talaga siya.

Lunch break na pala. Hindi ko man lang namalayan. Katulad ng kanina, naguusap-usap pa rin ang mga kaklase namin patungkol sa mga nanyayari. May ilang estudyante na naiwan sa loob ng classroom. Marahil ay may mga lilipat na naman paalis sa Laketon Academy. Simula ng nanyari iyon sa dating batch ng 3-C, palagi na lang may takot sa bawat estudyante rito lalo na sa section ng C.

Tumatakbo ang oras. Lumilipas ang mga araw. Pumikit ako nang sandali at tsaka muling dumilat. Ano na naman kaya ang manyayari sa susunod? Kung si Hanako talaga ang may pakana nito... maaring ako na ang isusunod niya.

Ayoko pa.

Hindi ko pa kayang mawala. Tumayo ako at lumapit sa pintuan. Simula nang araw na iyon, simula nang nakita kong kasama niya si Hanako. Hindi ko man sinasadya... nagkasala ako kay Hanako. Mula noong nalaman ko ang isa sa mga sikreto niya... para bang naging katulad na rin ako nila Cyrus. Hindi ako nakakatanggi kay Sapphire... hindi ko sinasadya.

Pinihit ko ang doorknob at lumabas ako. Dumiretso ako sa comfort room. Pagkapasok na pagkapasok ko roon ay tumayo agad ako sa harap ng malaking salamin at tinignan ang sarili ko. Pilit akong ngumiti ngunit agad itong napalitan ng simangot. Yumuko ako upang buksan ang faucet at maghilamos. Sa pagtingin ko muli sa salamin ay nasindak ako sa paglitaw ni Luna sa tabi ko. Pinupunasan niya ng tissue ang mga kamay niya at naghilamos rin katulad ko.

"Hindi ko namalayan na dumating ka pala." Ang sabi ko sa kanya kasabay ng isang ngiti. Inilabas ko ang panyo ko upang punasan ang basa kong mukha. Napatingin ako sa kanya nang natapos ako sa pagpupunas. Hindi pa rin pala nawawala ang tingin niya sa akin. "B-Bakit?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Marami ka rin naman alam tungkol sa nanyari kay Hanako diba?" napayuko ako nang narinig ko ang tanong niya. Halatang-halata sa kanya ang sobrang kuryusidad niya sa mga nanyari talaga. Muli siyang nagsalita, "Ano yung laro? Ano yung pustahan? Anong nanyari sa kanya?" dahan-dahan akong tumingin sa mga malalamig niyang mga mata.

Naalala ko sila Sapphire. Naalala ko ang buong klase. Naalala ko si Hanako. Umiling ako bago tuluyang magsalita. "Hindi maari Luna. Hindi ko alam buong storya, wala akong karapatang magsalita. Ngunit ang masasabi ko lang, walang may gustong mamatay si Hanako nang ganun na lang. Para sa kanila, katuwaan lang ang lahat ng iyon." Ngumiti ako sa kanya ngunit hindi ko pa rin mabasa ang ekspresyon niya sa mukha.

"Isang tanong na lang." Ramdam na ramdam ko talaga sa boses niya ang pagkadesidido niya sa paghahanap ng kasagutan. "Nung inatake si Sapphire ng phobia niya... totoo bang iyon ang unang beses na inatake siya? O nanyari na rin ito dati?"

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat.

"H-Hindi ko alam. Mauna na ko Luna." Dali-dali akong lumabas ng comfort room at dumiretso sa classroom. Hindi pupwede... ayokong mabunyag ang sikreto ng klase.


SANDRIA'S POV


"Sabay na tayo." Lumingon ako kay Raphael nang biglaan siya tumabi habang naglalakad ako palabas ng Laketon Academy.  Nginitian ko lang siya. Hindi rin naman kasi ako sanay na mapag-isa kasama ng isang lalaki. Pero doon sa Spade na yon, iba. Ewan ko lang siguro dahil iba lang talaga ang ugali ni Spade, mas palakaibigan siya.

Nakatingin lang ako kay Raphael habang hawak hawak niya ang isang strap ng bag niya sa kanang balikat niya. Lihim akong napangiti. Ito ang unang beses na natitigan ko siya nang ganito kalapit. Huminto siya sa gilid at kita kong nilapitan niya ang bisekleta niya.

"Tara." Tawag niya sa akin. Napaatras naman ako, oo nga pala, ngayon ko lang naalala na bisikleta pala ang sinasakyan  niya papunta at pauwi. Umiling ako sa kanya. "Bakit?" tanong niya sa akin. "Takot kasi akong sumakay sa bisikleta. Sige, mauna na lang ako." Tugon ko sa kanya kasabay ng paglakad ko palabas.

Mahigpit kong hawak ang magkabilang strap ng bag ko nang muli siyang lumitaw sa tabi ko. Napahinto ako. "Itutulak ko na lang ito para sabay tayo." Ang sabi niya habang nakangiti. Tumango na lang ako. Sa pagkakaalam ko, may kalapitan ang mga bahay namin sa isa't-isa. Kaya nga kayang kaya naming lakarin mula sa bahay namin hanggang sa Laketon. Hindi katulad ng iba na may naghahatid pang kotse.

Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa basagin ko ang katahimikan sa pagitan namin ni Raphael. "Hindi ba nagta-trabaho ka?" tanong ko sa kanya. Nabalitaan ko rin kasi na dahil sa kahirapan, halos si Raphael na raw ang nagtataguyod ng pamilya nila kasabay ng libreng pagpapaaral sa kanya ng Laketon Academy.

"Ah. Oo. Tuwing Lunes hanggang Biyernes, gumigising ako ng alas tres at nagiging kargador sa palengke, may kalayuan sa atin pero ayos na rin ang kita para sa dalawang araw. Tapos may isa akong part-time job tuwing sabado't linggo." Tuloy tuloy niyang sinabi. Tumango-tango muli ako upang maipalaam na naintindihan ko ang lahat.

"Hindi ka ba nahihirapan?" nang pagkatanong na pagkatanong ko sa kanya, tumawa siya nang mahina ngunit maganda sa pandinig.

"Hirap na hirap." Sabi niya sa akin ngunit malapad pa rin ang ngiti sa mga labi. "Pero sulit naman, at least, hindi kami nagugutom." Kumurba ang mga mata niya habang nasa labi pa rin niya ang ngiti na iyon. Tama nga ako, lubha siyang kahanga-hanga. "Ikaw? Hindi ba scholar ka rin?"

Tumango ako bago sumagot. "Gumagawa ng mga orasan ang tatay ko. Halos puro orasan nga ang naririnig ko kapag dumadaan ako sa kwarto niya. Medyo maayos naman ang pamumuhay namin kaso ayon nga, yung pag-aaral ko lang ang problema." Ngumiti ako bago nagpatuloy. "Kaya nga isang malaking bagay na ang pag-aaral ko sa Laketon, lagi ngang pinagmamalaki ng nanay ko sa mga kapitbahay na nag-aaral ako sa isang mayaman at isa sa mga prestihiyosong paaralan sa buong Pilipinas."

"Alam mo, ngayon ko lang narinig kang magsalita nang ganyang kahaba." Sabi ni Raphael ngunit nakatingin lang siya nang diretso sa daan. Ramdam ko ang hangin na dulot ng mga mabibilis na sasakyan sa gilid ko habang napatigil ako sa sinabi niya. Oo nga noh? "Madalas kasi, tahimik ka lang at pili lang ang mga taong kinakausap mo. Kaya nga pakiramdam ng ilan sa amin, ilag ka sa aming lahat pero nakakatuwa na kinausap mo ako nang ganyan." Ngumiti siya saka nagpatuloy sa paglalakad habang hatak-hatak ang bisikleta niya. Napangiti na lang ako saka muling naglakad upang makahabol kay Raphael. Tama nga siya.

"Sige, dito na lang ako." Sabi ko habang nakatayo sa kanto. "Medyo maglalakad pa kasi eh, mauna ka na." Dagdag ko pa.  Ngumiti si Raphael at nagpaalam sa akin. Pagkatalikod na pagkatalikod ko, may nakita ako sa gilid ng mga mata ko na isang lalaking dumaan na nakasuot ng itim na jacket, pantalon at itim na sapatos, nakabulsa ang dalawa niyang kamay at nagmamadaling naglalakad. Muli akong lumingon.

Hindi kaya, sinusundan niya si Raphael?

Tumakbo ako papunta sa direksyong tinahak ni Raphael ngunit hindi ko na siya makita. Hindi ko alam kung saang kalye ang bahay nila. Ngunit sinubukan ko pa ring halughugin ang lahat ng pupwede niyang puntahan. Hingal na hingal ako sumandal sa pader, hindi pupwede. Hindi ko alam kung san siya hahanapin.

Sana nga mali ako.

 

CYRUS' POV

"Tangina, ang tagal naman ni Harvey at Austin." Gigil na gigil kong sinipa ang poste sa tabi ko. 7pm na, wala pa rin yung mga gago. Umangakas ako sa motor ko at balak na sanang umuwi, walang kasama sa bahay si Paula. Uulanin na naman ako ng sermon ng mga magulang ko. Papaandarin ko na sana ang motor nang dumating si Austin. Tinanggal niya ang helmet niya at hingal na hingal na lumapit sa akin.

"Pre, tubig nga." Agad niyang kinuha ang tubig sa bag ko at nilagok ang laman nito. Nakapatong ang dalawa niyang kamay sa magkabila niyang tuhod at hinahabol pa rin ang hininga. "Ano bang ginawa mo ha? Gago ka talaga no? Hindi mo ba alam na isang oras na kong naghihintay rito?!" sigaw ko sa kanya.

"Tangina pre, kakatext mo lang. Wala pa ngang 30 minutes, masyado ka lang mainipin. Nagmadali pa nga ako eh. Pahamak ka talaga kahit kailan no?" reklamo niya.

"30 minutes at isang oras. Pareho lang yon!" sumandal rin ako sa motor kagaya ng ginawa niya. "Asan na ba si Harvey?" tanong ko sa kanya, nagkibit balikat lang siya. Saka ko narinig ang isang parating na motor, sa wakas, narito na rin ang pinakagago.

"Oh kamusta mga pre? Anong meron?" tanong ni Harvey pagkalapit na pagkalapit nito. "Nasan si Raphael?" tanong pa niya.

"Tanga ka talaga no?" sabi ni Austin sa kanya. "Sa tingin mo, sasama si Raphael sa atin sa ganitong oras? Mas abala pa nga ata yon kaysa sa nanay at tatay mo eh." Nagbatukan sila pagkatapos sabihin ni Austin iyon.

"Tumahimik nga kayo. Nandito tayo dahil inaaya tayo nung gagong Rico sa Wilward Academy. Hindi ata natuto nung isang buwan. Balak pa atang ma-confine na sa Ospital." Sabi ko habang nakasandal pa rin sa motor ko.

Nakadalawang sigarilyo na kami nang may dumating na isang itim na kotse. Aba, mas naging mayabang ata yung Rico na yon at nagdala pa ng kotse.

"Ululan pala to eh." Narinig kong komento ni Harvey. Tumigil ang itim na kotse sa harapan namin. Lalapit sana si Harvey ngunit piniglan ko siya. Iisang tao lang ang laman ng kotse at sa layo namin, hindi ko lubusang makita kung sino iyon pero sigurado akong hindi si Rico ang taong iyon basta ang alam ko, itim ang suot niya.

"Tangina, tara sakay sa motor!" narinig kong sigaw ni Austin nang narinig namin ang pagkagalit ng makina ng kotse. Isang senyales na balak niya kaming sagasaan. Nagsisakay kami sa mga motor namin at kasabay ng pagharurot ng kotse ay pinaandar na rin namin ang mga motor.

Tangina. Ano to?

Pinaharurot namin ang motor hanggang sa makakaya namin ngunit talagang mabilis ang kotse. "Anong gagawin natin?!" narinig kong sigaw ni Harvey. Hindi ko na rin alam kung nasaan kami.

Pawis na pawis na ang ulo ko habang mas lalo pang binibilisan ang andar ng motor. Hindi kami pupwedeng tumigil. Kung sino man ang humahabol sa amin, kung ano man ang dahilan niya sigurado akong wala siyang gagawing mabuti.

"Pre! Dito!" napatingin ako kay Austin. Tinuturo niya ang isang makipot na daan. "Hindi na tayo masusundan rito. Tara na!" sigaw pa niya. Ngunit agad naman akong napalingon kay Harvey na patuloy na pinapaharurot ang kanyang motor.

"Paano na si Harvey?! Hindi natin siya pupwedeng iwanan!" sigaw ko pero nagmatigas si Austin.

"Kaya na ni Harvey yan! Tara na pre." Narinig ko ang mas lalong lumalakas na tunog ng paparating na itim na kotse. Wala na kong ibang  pagpipilian pa. "Tara na pre!" muling sigaw ni Austin.

Naalala ko si Sapphire at Paula, hindi ko sila pupwedeng iwanan. Sumunod ako kay Austin.Kung ano man ang manyari kay Harvey, iisipin ko na lang na ginawa niya iyon para sa kaligtasan namin.

--------------------------------------------x

Continue Reading

You'll Also Like

25.8M 640K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...
10K 1.6K 52
Love moves in mysterious ways. Shakespeare once said, "the course of true love never runs smooth." Dahil sa isang pangyayari ay nagbalik sa nakaraan...
23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...
82.2M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.