Ten Times Worse

By LenaBuncaras

29.5K 1.6K 211

Eugene Scott x Mary Divine Lee 09/13/2023 - 10/10/2023 More

Ten Times Worse
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 28

464 37 1
By LenaBuncaras


Hyper na naman si Divine kaya kahit hatinggabi, nasa kalsada sila ng asawa niya at naglalakad-lakad. Loob pa rin naman iyon ng farm ng mga Vizcarra at balak nilang dumayo sa may fountain kung saan ikinasal ang mga may-ari ng lugar.

Nagpasabi naman na siyang hindi siya makakatulog agad kapag manic siya. Ayaw rin niyang patulugin si Eugene dahil wala siya sa bahay niya at wala siyang guwardiya. Sinabi na rin niyang baka nga magtakas siya ng kambing at seryoso siya roon kaya sineryoso na rin ni Eugene ang sinabi niya.

"Parang uulan," puna ni Divine dahil biglang naging maulap pagdating ng alas-dose ng gabi.

"Malakas ang hangin, baka mawawala rin 'yan maya-maya," sabi ni Eugene. "Malinis naman ang langit kanina."

"Alam mo, dati, favorite ko every time na umuulan," kuwento ni Divine habang nakatingala sa langit. "Ano'ng best memory mo na associated sa pag-ulan?"

"Hmm . . ." Napaisip naman doon si Eugene.

"Kasama ba diyan ex mo?"

"Grabe naman talaga," nagtatampong sabi ni Eugene nang lingunin ang asawa niyang tinatawanan lang siya.

"Ano nga? Kiss under the rain, gano'n?"

Umiling agad si Eugene. "Ayaw niya n'on. Marumi raw kasi ang ulan sa Manila because of the pollution kaya kadiri makipaghalikan under the rain."

"Pfft! Hahaha! Ang consistent ng pagiging boring n'yo talaga. Bigyan ko kaya kayo ng medal bilang perfect boring couple?"

"Bakit ba boring ka nang boring diyan? Dream mo ba 'yang kiss under the rain?"

"Um . . ." Nag-isip si Divine, tumingin pa sa itaas habang himas-himas ang baba. "Somehow. Parang dream ng hopeless romantic self ko dati."

"But now?"

"Ngayon kasi, may fear na ako sa ulan, so parang malabo nang slight na maging dream pa 'yon na gusto ko talagang mangyari."

"Fear . . ." Tumango-tango si Eugene. "Saan galing ang fear? Okay lang bang ikuwento or sensitive topic siya for you?"

"Puwede namang ikuwento. Inamin mo naman na kung sino ang ex mo, so para quits tayo."

Napatango-tango si Eugene kahit sa loob-loob niya, gusto na niyang malaman ang sagot doon agad-agad.

"No'ng twelve kasi ako . . ."

Napakuwenta agad si Eugene sa utak at biglang naalala ang nabasang article thirteen years ago ayon sa research nila ni Clark.

". . . hindi pa aware sina Papa na may problema ako sa utak. Parang ang tingin lang nila sa condition ko, tantrum. Nag-iinarte. Spoiled kaya biglang iiyak o magiging hyper without any reason. You know? Wala kasing history sa family nila na may ganitong condition kaya hindi rin sila familiar sa symptoms."

"Okay," sabi ni Eugene, simpleng tugon lang para masabing nakikinig siya.

"Since hindi nga sila familiar sa symptoms, hindi ako na-treat agad. Kasi parang nasanay sila na ang bata, maarte naman talaga madalas, unless didisiplinahin na torture, ganyan. Sina Papa kasi, hindi sila in favor sa discipline na papaluin. Yung mga lola ko kasi, gano'n sila. Kapag may ginawa kang mali, papaluin ka ng stick. Si Papa, ayaw niya n'on. Sobrang spoiled ko kay Papa ever since I was a kid."

"Reasonable naman si Uncle Jun," tugon ni Eugene.

"Tapos one day, Grade 8 ako nito, parang ibinubulong ng utak ko na gumawa ako ng masama," kuwento ni Divine at paikot-ikot ang kamay niya sa gilid ng ulo katapat ng tainga. "Ang creepy, di ba? Parang may schizoprenia ako."

"What happened?"

"Tapos napagtripan ko yung janitor namin sa school."

Saglit na nanlaki ang mga mata ni Eugene dahil bigla niyang naalala ang nabasa niya sa research nila ni Clark. Mabilis din siyang nagpalit ng reaction na para bang wala siyang kaidea-idea sa kuwento ng asawa niya.

"Ano'ng ginawa sa 'yo ng janitor?" usisa ni Eugene.

"Actually, mabait yung janitor na 'yon. Sabi ko sa kanya, tatakas ako sa school, tulungan niya 'ko. Pero umayaw siya kasi pagagalitan nga raw siya ng management kasi bawal 'yon. Cutting classes nga rin kasi ako. Tapos parang tinakot ko siya . . . na ipapatanggal ko siya sa school kung hindi niya 'ko susundin . . . na mawawalan siya ng work . . . basta threats talaga. Hanggang sa naisipan kong pumunta sa probinsiya nila."

"Isinama ka niya?"

Mabilis na umiling si Divine. "Ayaw niyang umuwi sa province kasi nga, may work siya sa Manila at siya ang breadwinner sa kanila. Then inutos ko na pupunta kami sa province nila tapos babayaran ko siya. Binigyan ko siya ng twenty thousand agad-agad. Cash. Tapos yung money na 'yon, ninakaw ko lang din sa bag ng teacher ko."

"Wala ka bang guard o kaya nanny?" nag-aalalang tanong ni Divine.

Umiling si Divine. "Dati, wala. Driver lang. Papasok ako, susunduin ako. 'Yon lang. Wala akong security or nanny before that incident. Basta ihahatid ako sa school sa morning tapos hihintayin ako sa waiting shed ng driver namin sa hapon. Tapos 'yon na."

"Oh . . . what happened sa province?"

"No'ng nasa province na kami, sumaktong umuulan doon. Ilang weeks din kasi may monsoon. Morning, maaraw pa. Pero pagdating ng mga 2 p.m. or 4 p.m. hanggang madaling-araw, diyan laging maulan. Hindi naman bagyo pero maulan."

"Doon ang start ng trauma?"

Umiling na alanganing tumango si Divine. "Ang saya ko pa nga before sa ulan, kasi farm din doon. Rice farm tapos ang daming trees. May mga bata kang makakasabay na naliligo sa ulan . . . tapos hindi ko alam na nire-report na pala ako ng janitor ng school sa family ko na, ayun nga, nasa Pangasinan ako, tapos nanghihingi na siya ng tulong kung paano ako pauuwiin kina Papa kasi wala nga raw siyang pera pamasahe para iuwi ako sa Manila."

Bigla tuloy nahiwagaan si Eugene dahil ang akala niya, boyfriend nito ang janitor. Pero wala iyon sa report. Nasa sworn statement lang ni Divine pero pinaalis nga raw ng abogado.

At parang alam na niya kung bakit pinaalis ang parteng boyfriend nga raw nito ang janitor na nahuli.

"Nasa news 'yon dati, e," dugtong ni Divine. "Kasi hindi nila alam na may medical condition na pala ako, wala silang kamalay-malay. Hindi ko rin naman alam."

"Then? What happened?"

"No'ng"—gumawa ng finger quote si Divine—"nire-rescue ako, umuulan n'on. Ayoko talagang umuwi. I'm not sure kung may attack ako at that time o talagang ayoko lang umuwi kasi masaya ako sa province . . ." Napahugot siya ng hininga at para bang hirap dugtungan ang sinasabi.

"If hindi ka pa ready, you can take your time," paalala ni Eugene. "Willing to listen ako any day."

Pilit ang ngiti ni Divine nang tumango nang marahan pero itinuloy pa rin ang kuwento. "It was raining at that time. Tapos . . . dumating yung mga sasakyan ng mga pulis. May mga taga-DSWD. May mga media. May mga reporter . . ." Huminto na naman si Divine sa pagsasalita at nakalampas na sila sa gate ng farm papunta sa manggahan. "Naisip ko nga . . . siguro kung si Papa lang ang pumunta tapos parang ibinigay lang ulit ako ni Kuya Ronald sa kanya, hindi siguro ako mato-trauma?" kaswal na tanong ni Divine. "Kasi alam mo . . . umuulan . . . tapos kumukulog at kumikidlat . . . tapos ang ingay ng police siren . . . ang daming ng mga reporter . . . pati yung mga taga-DSWD. Binibigyan nila ako ng instruction kung ano ang sasabihin ko sa interview kahit hindi naman nangyari. Iyak lang ako nang iyak . . . na akala nila, natatakot ako na kinidnap daw ako . . . pero iyak ako nang iyak kasi bombarded ako ng ingay na para silang nasa loob ng utak ko. Sabay-sabay silang nagsasalita, tapos kukulog nang malakas, tapos umuulan."

Inakbayan lang ni Eugene si Divine at tinapik-tapik ito sa balikat.

"Kaya alam mo kung bakit gusto ko sa maingay na lugar pero masaya naman?" may lungkot nang tanong ni Divine. "Kasi kapag tahimik ang paligid . . . naririnig ko ulit 'yon sa utak ko. Yung ingay ng sirena . . . yung sabay-sabay na sinasabi nila . . . yung kulog tapos yung ulan . . . tapos bigla na lang akong iiyak kasi natatakot ako. Yung kahit sobrang tagal nang nangyari, parang kanina lang nangyari . . ."

Saglit na huminto sa paglalakad si Eugene para lang yakapin si Divine. Balot-balot niya ng braso ang bandang balikat nito mula sa likod. Hindi niya naiwasang makaramdam ng awa sa asawa niyang pilit nilalabanan ang sakit nito at kumikilos pa rin nang normal para lang makibagay sa kanilang lahat.

"You don't have to tell me everything kung mati-trigger na ang bad memories mo, ha?" maamong paalala ni Eugene nang haplusin ang buhok ng asawa niya. "Basta sabihin mo lang sa 'kin kung ano'ng nararamdaman o naiisip mo, then we'll adapt sa feelings mo, okay?"

Tumango lang doon si Divine na sumisinghot-singhot na at halatang naiiyak na rin.

Pilit inuunawa ni Eugene ang sitwasyon ni Divine. At sa dami ng kailangan niyang i-consider, unang beses yata niyang hindi magagamit ang to-do list niya dahil wala na siyang mapaglalagyan pa ng dapat i-note sa asawa niyang iba-iba ang trip minu-minuto.

Nagpatuloy sila sa paglalakad kahit mag-aala-una na ng madaling-araw, at hindi pa rin nagbabago ang desisyon ni Divine sa pangunguha ng kambing. Noong alas-onse, nagpapahaging lang ito nang isang beses, pero pagdating ng ala-una, kada topic nila, naisisingit talaga nito ang tungkol sa kambing at sa benefits ng pangunguha n'on—na ilang beses kinontra ni Eugene dahil magnanakaw nga sila at walang beneficial sa idea ng pagnanakaw ng kambing kina Melanie.

"Jijin . . ." nakangusong tawag na naman ni Divine.

"Mine, kawawa yung kambing, promise."

"Kahit itabi lang natin sa kama ta's isoli na natin bukas?" sabi pa ni Divine na nagkukutkot na ng laylayan ng T-shirt niya dahil gusto talaga niyang manguha ng kambing sa gabing iyon.

Ang lalim ng paghugot ni Eugene ng hininga at sinukuan na lang ang idea. Isang oras nang puro kambing ang lumalabas sa bibig ng asawa niya at alam na niyang hindi ito matatahimik hangga't hindi nito nagagawa ang gusto.

"Fine. Kukuha tayo ng kambing pero isasauli rin natin tomorrow morning, okay?"

Biglang lapad ng ngiti ni Divine kay Eugene. "Okay!"

Labag man sa loob ni Eugene, naghanap talaga sila ng kambing ni Divine kahit malapit nang mag-alas-dos ng madaling-araw.

"Baka sa barn, meron," sabi pa ni Eugene na kanina pa lingon nang lingon sa damuhan.

"Kanina, may nakita akong natutulog!" mahinang hiyaw ni Divine.

Naiiyak na naiinis na si Eugene sa naririnig sa asawa niya. "Mine, parang gusto ko na lang maging kambing. Buti pa yung kambing, natutulog."

"Pfft! Hahaha!" Nahampas ni Divine nang mahina ang braso ni Eugene habang pagewang-gewang na tumatawa. "Maghanap na lang tayoooo!"

"Naghahanap na tayo, Mine. Ano pa ba'ng ginagawa natin?" naiinis nang sabi ni Eugene. "Baka sa barn. Nandoon yung horses saka ibang pets nila rito, e."

"Hindi naman nila pet yung kambing, di ba? Kinakatay nga nila 'yon, e. So, sa labas 'yon nagbabahay."

"Mine, walang nagbabahay sa labas," katwiran ni Eugene. "Kaya nga sila nasa labas kasi wala nga silang bahay, di ba?"

"Subjective ang home for me, Jijin. Don't judge what home means to me."

"Home ang term mo sa labas, pero kinakatay sila. Mata-touch na sana ako, e."

"Hahaha! 'Wag ka na kasing mag-complain. Hanap ka na lang ng kambing natin."

Naiiyak na natatawa na lang si Eugene dahil sa ginagawa nila. Sino ba naman kasing matinong tao ang mangha-hunt ng kambing sa alas-dos ng madaling-araw at itatabi pa sa kama nila?

"Oh, look! Ayun na sila!"

Bumagsak ang balikat ni Eugene nang makita ang mag-iinang kambing na payapang natutulog sa gilid ng kalsada katabi ng damuhan.

"Mine, they're sleeping na," sabi pa ni Eugene.

"Kukunin lang natin yung isang baby ni Mommy Kambing tapos doon siya sa 'tin mag-sleep. Iuuwi din naman natin siya tomorrow morning, e."

Napapatakip na lang ng mata niya si Eugene, hindi alam kung iiyak ba o tatawa sa ginagawa nila.

"Mine, pasalamat na lang tayo na kay Ninang Mel 'tong farm."

"Oo na, kunin mo na yung isa. Huwag mong gisingin lahat, ha?"

At sa mga oras na iyon, hindi makapaniwala si Eugene na tumatakbo sila sa madaling-araw kasama ang asawa niya, tangay-tangay ang kambing na natutulog lang dapat sa gilid ng nadaanang kalsada.


♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 35.6K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
2.1M 113K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
1.3M 70.2K 59
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
2.8K 70 7
Made before Wilbur was exposed. Discontinued for now. Sbi adoption Au! (Credits warnings, ect. Are in da book) Tommy has been taken in and returned s...