Ten Times Worse

De LenaBuncaras

29.5K 1.6K 211

Eugene Scott x Mary Divine Lee 09/13/2023 - 10/10/2023 Mai multe

Ten Times Worse
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 21

650 47 3
De LenaBuncaras


Bihirang um-absent si Eugene bilang Chief Finance Officer, o kahit noong intern pa lang siya. Isa ang attendance niya sa mga dahilan kaya rin siya mabilis na na-promote hindi lang dahil sa anak siya ng may-ari ng kompanya. Kung tutuusin, hindi naman daddy niya ang nagdesisyon na iluklok siya sa posisyon kundi ang Board of Directors na hindi rin naman nila mga kamag-anak. Ni wala nga sa hinagap ni Leo na magiging CFO siya ng financial company ng pamilya nila. Ang gusto lang nito ay magkaroon siya ng maayos na trabaho na kaya siyang buhayin sa araw-araw.

End of the month at general meeting na naman para mag-present ng monthly report. Naka-schedule si Eugene na magpe-present ng financial status ng company nila sa araw na iyon bago pa ang susunod na quarterly meeting kasama na ang Board of Directors sa Hunyo. Ang kaso, kung sino pa ang CFO, siya pa ang wala.

Alas-nuwebe ang start ng meeting sa conference room sa corporate building nila sa business center ng Makati pero alas-nuwebe y medya na, namomroblema pa rin sina Clark at Leo kung paano ipe-present ang report ni Eugene.

Nag-text nga ito na kauuwi lang ni Divine kaya hindi raw muna papasok. Parehong-pareho pa ng reaksiyon sina Clark at Leo na napasapo ng noo sa dahilan ni Eugene.

Thirty minutes nang nagra-run ang meeting, nagpapaliwanag na ng mga bagong proposal ang ibang department, pero hindi naman nakikinig ang dalawa—busy sa pagdadaldalan sa puwesto nila sa dulo ng mahabang mesa na may tatlong upuang magkakatabi.

"Clark . . ." mahinang tawag ni Leo.

"Hmm."

"Tawagan mo nga si Eugene. Sabihin mo, pumasok kahit late na," utos ni Leo sa katabi.

Nakasimangot tuloy si Clark nang lingunin ang kumpare niya. "E, ba't ako ang tatawag, ikaw ang ama niyan?"

Mahinang pinalo ni Leo ang braso ni Clark saka itinuro ng ulo ang harapan na may nagpe-present. "Tawagan mo na, bilis. Pagalitan mo. Sabihin mo, saka na niya unahin yung asawa niya."

"Ay, wow." Napaurong pa nang bahagya si Clark sa upuan. "Coming from you, Leopold Scott?"

Mabilis na umikot ang mga mata ni Leo. "Kaya nga ikaw ang tumawag. Sabihin mo, galit ka na. Ikaw ang tunay na ama niyan 'ka mo, di ba?"

"Eugene Scott ang nakalagay sa birth certificate ng anak mo, di ba? Hindi naman Eugene Mendoza. Bakit ako ang tatawag?" tanggi na naman ni Clark.

"Tawagan mo na lang, ang dami pang dada. Paano tayo magmi-meeting, report niya 'to?" Sabay dutdot ng daliri ni Leo sa makapal na folder sa mesang nasa harapan nila.

"Hayaan mo na. Ikaw na mag-report. Kompanya mo naman 'to, matuto ka."

"'Tang inang katwiran 'yan." Napakamot tuloy ng ulo si Leo nang wala sa oras.

Ayaw niyang tawagan ang anak niya dahil baka magkasumbatan na kung siya nga, kaya niyang ipahinto ang kahit anong meeting, kahit ongoing pa, basta sabihin lang ni Kyline na may emergency ito. Inuutusan niya si Clark pero isa rin itong ayaw tawagan ang panganay niya.

Hindi rin balak ni Clark na tumawag kay Eugene dahil alam din naman niya ang pakiramdam nito na matagal-tagal ding hindi nakita ang asawa. Kayang palampasin ni Clark ang pagiging unprofessional doon ni Eugene dahil kahit siya rin ang nasa katayuan nito, baka gawin din niya ang ginawa nitong pag-absent.

"Sir Leo," mahinang pagtawag ng secretary ni Eugene na si Jordan nang lumapit ito sa kanila.

"What?" tanong ni Leo, inaaninag ang mukha ni Jordan sa dilim ng conference room habang may nagre-report.

"Pinapa-setup na po ni Sir Eugene yung display system, magpe-present daw siya online."

"Ngayon?" nakangiwing tanong ni Leo.

"Yes, sir."

Nangangasim ang mga mukha nina Clark at Leo nang magkapalitan ng tingin.

"Sige na, bahala na kayo. Gawin n'yo kung ano'ng gusto n'yo," pagsuko na lang ni Leo dahil wala na rin naman na siyang magagawa.

"Thank you, sir. Sorry din po sa delay," sabi na lang ni Jordan at mabilis na umalis para balikan ang nagha-handle ng AV Room.

Natatawa na lang tuloy si Clark sa puwesto niya. Paikot-ikot na siya sa swivel chair habang himas-himas ang baba. "Yung anak mo, basta talaga may paraan, alam talaga kung paano sosolusyunan, e."

Inismiran lang iyon ni Leo dahil hinahanda na nga niya ang sarili kung paanong impromptu na babasahin at uunawain ang presentation ng anak niya. Pero mukhang hindi na matutuloy ang plano niyang on-the-spot reporting kahit hindi niya naman report ang ilalatag sa mga ka-meeting niya.

Napag-aralan na nga nina Clark at Leo ang report ni Eugene nang di-oras para kung magkaturuan man kung sino ang haharap para mag-present, may sasalo rito sa kahit sino sa kanilang dalawa—o kahit silang dalawa mismo. Pero pagbukas ng malaking monitor sa harapan, alam na agad ni Leo na nakahanda na ang anak niya sa pagpasok at naharang nga lang talaga. Kilala pa naman niya ito na kapag virtual meeting lang naman, okay na ito sa polo o di kaya ay casual long sleeves. Sa ayos pa lang nito na naka-coat and tie pa, hindi magpapabibo ang panganay niya sa virtual meeting pagdating sa damit kahit pa BOD ang kaharap nito.

Nagpe-present pa rin si Eugene ng report pero hayun at nagdadaldalan lang ang daddy at ninong niya sa dulo ng table.

"Siguro, nakasalubong nitong anak mo yung asawa niya sa parking lot," bulong ni Clark.

"Baka sa lobby," sagot naman ni Leo. "Hindi raw nagkokotse si Divine kasi mabilis ma-distract ng busina."

"Sa bagay," gusot ang labing pagsang-ayon ni Clark saka tumango-tango. "Good news na 'yan sa 'tin, hindi na magta-tantrum 'yang anak mo mamaya."

Nalukot agad ang mukha ni Leo dahil sa narinig. "Ginagaya nga si LA mag-tantrum. Para namang bagay sa kanya, pagkalaki-laking tao," reklamo ni Leo. "Kung hindi ko lang anak 'yan, tinadyakan ko na 'yan."

Natawa tuloy si Clark. "Mas okay nang gayahin niya si LA mag-tantrum kaysa ulitin niya yung ginawa niya dati."

Natahimik tuloy si Leo nang ipaalala ni Clark ang tungkol doon.

Mabait ang panganay niya. Madalas lang silang magtalo dahil may ginagawa siyang impulsive decisions na hindi nito gusto, pero isa ang nangyari noon sa ayaw na niyang maulit pa.

Bihirang magalit si Eugene. Pero hindi dahil bilang sa kamay ang ikinagagalit nito ay hindi na ito marunong magalit.

Naalala niya noong sinabi nitong bubukod ito sa kanila, at 22 pa lang noon ang anak niya na last year pa lang sa college.

Ayaw niyang bumukod ito dahil isa iyon sa mga ayaw niyang mangyari. Kahit anong paghahanda ang gawin niya bilang ama, hindi niya kayang itanim sa puso't isipan na darating ang araw na hihiwalay sa kanila ang dalawang anak niya dahil may sari-sarili na itong mga pamilya.

Ang katwiran pa noon ni Eugene, pakakasalan nito si Carmiline pagkatapos ng dalawang taon na pagtatrabaho. Mag-iipon nga raw muna ito pampakasal kasi ayaw nitong iasa ang lahat sa kanila.

Hindi niya nagustuhan ang desisyon na iyon ng anak niya dahil sa paningin niya, walang ipinagkaiba ang 2 years old na Eugene sa 22 years old na panganay niya. Ang nasa utak niya, hindi kakayanin ng anak niyang mabuhay nang mag-isa.

Mula sa maayos na pakiusap, nagpanting ang tainga niya na lalayo nga ito sa kanila, hanggang sa umabot ang lahat sa sigawan at sumbatan. Ultimo ang mga bagay na isinusumbat sa kanya noon ni Oswald Scott, lumabas mismo sa bibig niya. Hanggang sa nagsalubong na lang ang galit at sama ng loob nilang mag-ama. Nagbasag ng mga gamit ang anak niya, sinuntok ang pader hanggang bumakat ang dugo roon, maging ang dalawang rail ng hagdanan ay nasira nito. Iyak nang iyak si Kyline, at napilitan na sina Clark na patulugin muna si Luan kasama nina Cheesedog habang sobrang gulo sa bahay nila. Isang linggo si Luan sa kapitbahay hanggang sa pag-uwi nito, wala na ang kuya niya sa kanila.

Isa iyon sa mga nadagdag na takot sa kanya kaya ayaw niyang nagagalit ang panganay niya. Noong nagalit ito, wala ni isa sa kanila—kahit si Clark—ang nakapagpahinahon dito. Isang buwan itong hindi nagpakita sa kanila at umaasa na lang sila sa ibinabalita sa kanila ng ex-girlfriend nitong ibinahay na nga nito sa kung saan.

Kaya hindi nila kahit kailan isinumbat kay Eugene ang paghihiwalay nito at ni Carmiline dahil alam din naman nila na sinubukan din naman nitong gawin ang lahat ng makakaya nito, hindi nga lang iyon naging sapat para magtagal ang dalawa.

Ayaw na lang nilang maulit iyon kaya hindi na lang din sinasalubong ni Leo ang galit ng anak niya kapag mainit na ang ulo nito.

"May sinabi ba si Jun sa pagtira ni Divine sa anak ko?" tanong ni Leo kay Clark habang kunwari na lang na nakikinig sa anak niyang nagre-report sa monitor.

"Okay naman daw si Julio kung doon ang anak niya kay Eugene," sagot ni Clark. "Ang problema nga kasi, yung anak niya mismo."

"Ano ba kasi'ng problema ng anak niya?" naiirita nang tanong ni Leo. "Pati anak ko, namomroblema na rin kahit hindi naman dapat."

"'Tol, di ba nga, nagpapagawa ng satellite yung anak niya sa Abra saka sa Benguet."

"O, tapos?"

"Yung anak niya ang gusto niyang gumawa ng project proposal. Kaya nga rin napa-take ng business courses yung manugang mo, e."

"E, bakit hindi na lang kasi niya pagawan?" naiinis na sagot ni Leo.

"'Tol, negosyo pa rin 'yon," depensa ni Clark at nagbilang pa sa kamay. "Kukuha ng lote na pagtatayuan ng tower. Magha-hire ng mga specialist, engineers—ilang types ng engineer ang kailangan nila, manpower pa, electrician pa, lahat! Alam mo namang hindi 'yan parang sampayan na isasalpak mo lang diyan sa kung saang bundok, ano ka ba?"

"Oo nga . . . pero bakit kasi kailangang pahirapan pa yung anak niya?"

"Ang katwiran nga kasi ni Julio, gusto niyang anak niya ang mag-propose niyan at maglatag ng procurement process sa kanya. At kung talagang desidido ang anak niya doon sa satellite project na 'yan, paghirapan n'ong bata. Kasi ayaw niyang dala lang ng impulsive decision 'yang pagtatayo ng satellite tapos magwawaldas lang pala sila ng pera diyan. Mabuti sana kung hindi milyones ang budget."

"So, kailangang pati anak ko, mahihirapan din?"

"E, bakit kasi anak pa ni Julio ang pinili n'yo, best option na nga si Tanya?" ganti ni Clark at nalingunan pa siya ng mga kalapit na ka-meeting sa mesa nang mapalakas ang boses niya.

"Si Tita Tess nga ang nag-decide, di ba?"

"E, di sana, si Mame ang pinatawag mo kanina sa anak mo. Ako pa uutusan mo, hindi naman ako ang nagdedesisyon sa buhay niyan."

"Mr. Scott and Mr. Mendoza, are you listening?"

Sabay pang napatingin sina Clark at Leo sa monitor nang punahin sila ni Eugene sa pagdadaldalan nila. Napatingin tuloy sa kanilang dalawa ang lahat ng mga naroon sa mesa.

"Anak, huwag mo kaming i-call out ni Clark. Kaya naming i-present ang report mo kahit wala kaming visuals," sagot agad ni Leo

"My god . . ." Napahimas na lang tuloy ng noo niya si Eugene nang ma-stress agad sa isinagot ng daddy niya.

Napatakip na lang tuloy ng bibig niya si Clark habang nagpipigil ng halakhak.

"Next slide!" utos ni Leo at bumalik na naman sa pakikipagdaldalan sa katabi niyang natatawa na lang.

Halos isang oras din ang itinagal ng presentation ni Eugene, at naglatag na rin siya ng prospective project sa mga susunod na buwan at unang quarter ng susunod na taon.

Pagkatapos ng meeting, deretso lunch na sina Clark at Leo. Pareho namang may trabaho ang mga asawa ng dalawa kaya kung uuwi man, paniguradong wala rin silang maaabutan doon maliban sa mga anak na may sari-sarili na rin namang ginagawa.

"May sinasabi si Will sa GC," kuwento ni Clark habang namimili ng unang kakainin sa plato niya, "kaso ang labo ng chika ni gago."

"Alin doon?" usisa naman ni Leo bago sumubo ng tanghalian niya.

"Huwag daw tayong magugulat pag-uwi nila." Biglang natawa si Clark. "Iniisip ko nga, baka nabuntis na niya si Mat."

"Putang ina, please lang, tantanan n'yo 'ko diyan." Napairap tuloy si Leo nang maumay sa narinig. "Nag-menopause na't lahat sina Ky, ngayon lang niya mabubuntis si Mat?"

Hindi tuloy masubo-subo ni Clark ang pagkain gawa ng pagpipigil ng tawa niyang paulit-ulit din namang lumalabas tuwing maiisip ang joke niya.

"Gago, hindi naman nagpa-uterine transplant si Mat kaya imposibleng mabuntis 'yon," natatawang sabi ni Clark.

"O, e ano nga kasi yung ikagugulat natin? Siya na may-ari ng Japan?" sarcastic nang tanong ni Leo.

"Siya tanungin mo, hindi naman ako ang nagsabi niyan."

Dalawang dekada na rin si Will sa Japan kasama ni Mathilda. Nasa kinse anyos pa lang si Eugene nang lumipat doon ang kabarkada nila at pumupunta na lang sa Pilipinas tuwing magbabakasyon o kung dadalaw sa kanila.

Tinanggap na lang din nila ang desisyon nitong mamuhay sa ibang bansa para din makalayo sa mga mapanghusgang mata ng mga kamag-anak nito.

Si Mat daw ang mag-aasikaso ng kasal ng bunso ni Leo kaya umaasa na silang magtatagal ang dalawa sa Pilipinas dahil hindi rin naman madalian ang paghahanda sa kasal na pinaplano nila.

Nagdududa na tuloy si Leo kung ano raw ba ang huwag nilang ikagugulat pag-uwi ng mga ito sa Pilipinas.


♥♥♥

Continuă lectura

O să-ți placă și

8.1K 1.5K 36
في عالم ساد فيه الشر ، ولد اشخاص بميزات خاصة ، يتصدون لشر بكل انواعه ، لكن الشر لا يأخذ استراحة ، و قد ضهر امبراطور جديد للأشرار ، وعجز طلاب ثانوية ا...
1.8M 127K 45
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
1.3M 69.9K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
399K 14K 73
They all used to love her, so why am I getting all the attention now? Number one in Ciel and Modernau? Aww. How sweet TwT That ain't gonna last-