To Forget (Destined Series #1)

shanays23 द्वारा

1.1K 159 1

[DESTINED SERIES 1] [ONGOING] "After all this years. . . it's still you. It never change, it's always been yo... अधिक

TO FORGET
PROLOGUE
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XXXX
EPILOGUE

XXXII

16 2 0
shanays23 द्वारा

CHAPTER THIRTY-TWO

Shocked

"Come on, Minggay, let's eat dinner! Promise, libre ko."

For tenth times, I rolled my eyes. Pambihira, ang kulit ni Marco! Ayaw paawat.

Binaba niya ang eye glass tsaka tumigil at inangat ang mata sa lalaki. She heaved a sigh and slowly shook his head.

"Marco, busy nga kasi ako. Nag-dinner na din ako kanina," mababa ang boses kong sagot dahil na rin siguro sa pagod at puyat.

He pouted his lips with my answer. Umupo ito sa harap ko.

"You've been busy lately. Hindi ka na nakakapagpahinga," he commented. I looked away and continued working.

Nasa harap ko pa rin siya at nakatitig lang sa akin. A minute of silence before he talked again.

"Do you have plans of going home? Tita already called me, she wants me to convince you to go home already. They miss you there."

Napatigil ako. It's been a week since my mother called me, asking me to go home but I didn't give her my answer. Wala pa akong siguradong sagot. Ayoko din naman sabihin na oo dahil aasa sila.

Shanice also called me. She's asking me to go home to attend the reunion. Hindi ko siya nasagot. Wala akong siguradong sagot kasi pakiramdam ko, hindi pa ako handang umuwi. Hindi pa ako handang makita siya ulit kasi alam ko, kapag umuwi ako, malaki ang tyansang magkita kami. And I don't know what my reaction would be.

Alam kong okay na ako. Ang sa akin lang, hindi pa ako handang makita siya at hindi ko din alam kung kailan ako magiging handa.

I looked up to see Marco seriously looking at me. I give him a small smile.

"Hindi ko alam. . ." I whispered.

Lumapit siya at ginulo ang buhok ko. He smiled gently.

"It's okay. We can go home together, you know," he said. "Just tell me, alright? I'm always on your side. I'm planning to visit our house there, too because mom can't do that anymore. She does want to travel anymore, it's making her tired."

Hindi ko alam kung anong nangyari. Wala sa isip ko ang umuwi ng Pilipinas pero nung nakiusap ang mga magulang ko at mga kaibigan ko, parang napaisip ko. Bakit ayokong umuwi? Bakit ako natatakot na magkita kami? I already moved on for goodness sake! It's been five years already, I don't any feelings for him anymore so why am I thinking that I'm not yet ready to face him? Dahil baka may girlfriend na siya? Well, that's normal! We broke up years ago and him, being in a new relationship should be normal! There's nothing bad on it.

Napabuga ako ng malalim na hininga. My eyes went to the window beside me and stared at beautiful clouds outside. Katabi ko si Marco pero mahimbing ang tulog niya. Gusto ko din sanang matulog pero ayaw pumikit ng mata ko. I don't even know why am I nervous. My heart has been pounding real hard!

Tahimik kong nilagay ang earphones sa tenga. I played some music and reshuffle it. I simply lean my back and close my eyes. Pero mukhang may galit yata ang tadhana sa akin.

Bumalikwas ako ng bangon. Naramdaman ko ao ang mahinang pagkibot ni Marco dahil sa bigla kong paggalaw.

I opened my phone and stop the music. Goodness, ‘Ikaw Lamang’ by Silent Sanctuary suddenly played and automatically, the scene I've been trying to forget keep ringing on my head again.

Jusko naman, kailan ba ako patatahimikin nito? Akala ko ba move on na?

Nanghihina akong bumalik ng upo. Pinikit ko na lang ang mata at hindi na pinilit ang sarili na nakatulog, wala din namang saysay.

It took us many hours before arriving at the Philippine airport. No one knows about this. Even my friends, I didn't inform them that I'll be going home two weeks before the said reunion. Ang alam lang nila, pag-iisipan ko. Okay na din siguro 'to para ma-surprise sila. Well, I'm already excited about their reactions especially my parents.

"Hotel muna tayo?" Marco asked while holding my elbow, guiding me. Hawak niya ang ilang gamit ko habang dala ko naman ang isang maleta.

I looked at him and nodded. Wala na akong lakas na magsalita kasi kahit nakaupo lang ako buong biyahe, pakiramdam ko, pagod na pagod pa rin ako.

With my reaction, he chuckled and simply shook his head. Hindi ko na lang siya pinansin at sumakay na sa taxi na tinawag niya kanina. He opened the back seat so I authomatically settled myself there. Siya na Ang naglagay ng gamit sa likod. Hinintay ko na lang siyang pumasok at tumabi sa akin bago ko ulit pinikit ang mata. Dun na din kami nagsimula umandar.

I heard him heaved a long sigh. "Para kang tumakbo, ah. Nakaupo ka lang naman pero pagod na pagod. Don't tell me you did something steamy back there when I was asleep?"

Wala sa sarili kong nabuksan ang mata dahil sa sinabi niya. Pinanlisikan ko siya ng mata.

"Gago," I hissed but he only laughed at me.

Umiling lang siya at umayos ng tayo. He slowly held my hand and it is when I felt him slowly massaging it. Napahinga ako.

"Did you already tell Tita and Tito about this?" he asked.

Mahina akong umiling, nakapikit pa rin ang mata. "Not yet. Well, I'm planning to surprise them."

"Even your friends?"

Tumango ako. Pagkatapos nun, hinayaan niya na ako. Hindi na siya nagsalita at pinagpatuloy lang ang marahang pagmasahe sa kamay ko.

Ilang minuto lang nag nakalipas hanggang sa huminto ang kotse. When I opened my eyes, a big and classy hotel welcomed my sight.

Binuksan ni Marco ang pintuan kaya bumaba ako. Kinuha niya sa likod ang mga gamit namin. I get my small luggage while he get the rest. May tumulong namang staff sa kaniya na para bang kilala siya at inaasahan niya ang pagdating niya dito. Well, it didn't surprised me at all. Marco is very well known engineer. Maybe, he's befriend with the owner or he was the one who handled this hotel as one of his project. I wouldn't wonder if it's the latter.

Pumunta ito sa reception area, nakasunod lang ako sa likod niya. I looked around while he talked to the receptionist. Kumunot pa ang noo ko nung mapansing parang pamilyar ang paligid. I just don't know, but this hotel screams familiarity to me. Kahit alam kong bago lang ito, parang pamilyar sa akin ang mga disenyo, hindi ko lang alam kung bakit.

"Do you want to meet our boss, Sir? She's actually coming. But if you don't want to, our employee will guide you to your room."

Iyon ang rinig kong sabi ng receptionist kaya wala sa sariling napalingon ako. Marco also glance at me, raising his brow, asking my permission.

Kunot ang noo kong umiling. Wala na akong oras para hintayin pa ang boss nila o kung kaibigan pa ito ni Marco. Pagod na ako. Ang gusto ko na lang ay magpahinga at matulog.

I was good thing that Marco got my signal. Binalik nito ang mata sa receptionist at ngumiti.

"No, Miss. We'll just go to our room. I'll just meet your boss later. Just tell her my thanks," Marco politely said with a smile.

Napailing ako. Hindi na ako nagtaka kung bakit bigla na lang natulala ang receptionist dahil sa pagngiti niya. Well, this man is handsome. He has this serious face but with a smiley lips. Bihira lang din kasi ang ganun, ang mukhang seryuso pero palangiti. Baka nagulat lang din ang babae.

Marco is a chick magnet. Hindi ko lang alam kung bakit wala pa 'tong girlfriend hanggang ngayon. With that pointed and sharp nose, well-defined jaw, pouty and slightly pink lips, his thick brows that are being complemented by his long lashes, defining his sharp eyes, you would easily fall for him. Well, not me.

Bumuga ako ng malalim na hininga. Idagdag mo pa ang malinis na pagkakagupit ng buhok niya na sobrang bagay talaga sa kaniya. Plus his masculine body, well, I won't blame that woman for having that kind of reaction. Pogi nga talaga ang lalaki pero siyempre hindi ko iyon sasabihin sa kaniya. Lalaki lang ang ulo nun.

Nung lumingon siya sa pwesto ko, unti-unting umangat ang gilid ng labi niya, ngumingisi. Napansin siguro ang paninitig ko.

"Na in love ka na ba sa 'kin?" he playfully said.

Umiling lang ako at tinaas ang daliri katabi ng gitnang daliri ko.

"Asa ka," sabi ko. Tumawa siya at sumunod sa akin nung nagsimula na akong maglakad.

When we finally entered our room with two king size bed, I immediately played my back on one of the bed. Pinikit ko ang mata at huminga ng malalim. Dahil siguro sa sobrang pagod at puyat dahil na rin sa biyahe at tinapos na trabaho nung nakaraan, naging madali sa akin ang makatulog.

Nagising na lang ako ng dahil sa malakas na pag-alog sa aking ng kung sinong hampaslupa. Pambihira, kitang natutulog 'yong tao, eh!

"Jas, ano ba? Wake up already."

Inis akong umupo sa kama. Halos nakapikit pa pero nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay ko.

"Ano ba?! Kitang natutulog 'yong tao, eh!" nabwebwesit kong saad.

When I finally got a clearer view, the annoyed face of Marco welcome me.

"Wow, ikaw pa 'tong galit. Pasalamat ka nga ginising pa kita, eh. Gabi na tapos 'di ka pa kumakain," sabi nito.

Gusto ko sanang makonsensiya pero dahil siguro sa inis at antok, hindi ko magawa. Kumunot lang ang noo ko at bumalik ng higa. Marco took a deep breath.

"Okay, fine. If you still want to sleep then go. Pero kapag nagutom ka, baba ka na lang, nasa restaurant lang ako sa baba."

Iyon lang ang sinabi ng lalaki bago ako tuluyang iwan. Napahinga ako ng maluwag dun. At last, thank you.

When it was silent again, I tried my best to sleep again but my stomach didn't let me. Nag-ingay lang ito dahil sa gutom kaya wala na akong nagawa kundi ang tumayo.

Naligo ako at nagbihis ng komportableng damit. I just wore a simple black shorts partnered with my oversize white t-shirt. Nag-tsinelas na lang din ako dahil sa baba lang din naman 'yon. Hinayaan ko lang na nakalugay ang medyo may kahabaan kong buhok. I didn't put anything on my face even a liptint because it's useless. Gabi na din naman at kakain lang ako.

After looking my final shot at the mirror, my stomach crumpled again. Kumunot ang noo ko tsaka huminga ng malalim. Goodness, I'm really hungry!

Bumaba na ako. I took the elevator to go down. Pagkababa, agad kong nilibot ang paningin. I already texted Marco what restaurant and when I saw the restaurant's name, I immediately recognized it.

The guard opened the door for me. He greeted me and I only smiled at him. Nang nakapasok ako sa loob, agad kong nilibot ang paningin.

"Min!"

I immediately recognized that voice. I smiled when Marco wave his hand. Tumayo pa ito tsaka ako nilapitan.

"Hindi mo natiis, 'no? Gutom ka na," he laughed.

I just rolled my eyes on him. Uupo na sana ako dahil buong akala ko mag-isa lang siya pero nagulat ako nung makita ang likod ng pamilyar na babae sa lamesang inuupuan ni Marco kanina.

I stopped midway. I looked up to see Marco and raised my brows, asking.

He only give me a smile as he held my elbow gently.

"You're going to know her," he only said.

Pumunta kami sa harap ng baba. Nakababa ang mukha nito sa cellphone kaya hindi ko agad nakita pero nung nag-angat ito ng tingin, halos mapaatras ako at ganun din siya dahil sa gulat.

"Trixie, she is my partner who I was talking about," Marco said.

Awang ang labi nito katulad ko. Matagal bago ako nakabawi. Nauna pa siyang tumayo at nilahad ang kamay. I simply looked at her with so many unknown emotions in my eyes.

"Hi, it's nice to see again. I'm Trixie Morales, just in case you forgot about my name," pakilala niya habang natatawa.

Kumurap ako. I looked at her hand and to her face. How? How can I forget this woman? The woman I've considered one of my friends but in the end, betrayed me. Noon, hindi ko alam kung ano ba talaga ang meron sa kanila ni Henrick. Sigurado akong wala silang relasyon pero may tinatago sila sa akin. They are keeping something from me that made me feel betrayed in the end. Ewan ko nga lang kung may koneksyon pa rin sila ng lalaki. Pero sa tingin ko naman, oo.

I blink my eyes again and slowly raise my hand to accept hers. Maliit akong ngumiti.

"H-hi," I uttered. "It's also nice to see you again, Trix."

Trixie smiled. Hindi ko alam pero magaan pa rin ang pakiramdam ko sa ngiti niya.

"Let's eat?" she invited.

Agad akong tumango at tahimik na umupo. Nung nilingon ko si Marco, gulat ang ekspresyon nila at parang hindi makapaniwala na kilala namin ang isa't-isa.

Goodness, this man is really something!

I chuckled. "Macoy, maupod ka na. Para kang tanga diyan, eh."

Pinaningkitan niya ako ng mata. He hissed at me.

"So, you knew each other? Ba't hindi mo man lang sinabi sa 'kin, Jasmin?" parang may hinanakit na tanong nito sabay upo.

Trixie laughed with that. I just rolled my eyes at him before ordering myself some food. Jusko, gutom na ako!

Pagkatapos mag-order, binalingan ko siya ng tingin. "Eh, hindi mo naman sinabi na si Trixie pala 'tong ipapakilala mo sa 'kin, edi nasabihan na dapat kita."

Ang walanghiya, umirap lang sa akin.

Nung dumating ang order ko, nagsimula akong kumain. I was just silent while Trixie and Marco keep on talking. Napapansin ko ding minsang napapagawi ang mata ni Trixie sa akin. Na para bang pinag-aaralan ako pero hinayaan ko na lang.

"So, kailan kayo nagkakilala?" Marco asked, looking so curious.

Nag-angat ako ng mata at saktong nagtama ang tingin namin ni Trixie. She smiled at me before looking at Marco again.

"We're college friends. We studied in the same university," she answered.

Huminga ako ng malalim. Her answer somehow pinched something on my chest. Tama siya, kaibigan kami pero hindi ko alam kung bakit kailangang umabot kami sa ganun.

When I looked at Marco, he seemed shock.

"Really? Wow, that's nice," he chuckled. "Mabuti naman at nagkakilala kayo noon pa. Jasmin is actually masungit, Trix. Ewan ko lang kung naging mabait 'yan sa 'yo."

Trixie laughed with Marco's statement. Sinamaan ko naman ng tingin ang lalaki pero ngumisi lang ito.

"Wow, akala mo kung sinong Santo, ah," I mimicked.

Trixie chuckled. " Goodness, Marco, Jasmin is actually nice. Mabait siya, sobra."

I looked at her, shocked with her remarks. Ngumiti ito ng marahan kaya nag-iwas ako ng tingin at wala sa sariling uminom ng tubig.

Marco hissed. "Mabuti naman at mabait 'to, sa 'kin kasi hindi, eh."

They both laughed. Pilit na lang akong ngumiti para hindi halata.

"But well, it's really good to hear," Marco smiled. "And if you're curious, Minggay, on how Trixie and I knew each other, she's actually my mom's friend daughter. Nagkakilala dahil sa business and some health matter. Her mom is actually a doctor which is my mom's doctor right now. But she's a businesswoman and actually happily married right now."

I was surprised. If I could only see my face, I know my eyes is widening and my mouth is a gape. Hindi ko alam kung ano ang uunahing intindihin. Ang sinabi bang doctor ang mga magulang ni Trixie o ang katotohanang kasal na ang babae.

I didn't know that her parents are Doctors. Wala akong masyadong alam kay Trixie kaya siguro mas nasaktan ako nung bigla siyang nawala kasi tinuring ko siyang kaibigan pero hindi ko alam kung ganun din ba ang turing niya sa akin.

And now, she's married. Hindi ko alam ang magiging reaksiyon dun. But base on my heart's clenched, I didn't like the idea of it. Or I just don't like the thought that maybe. . . just maybe, she's already married with. . . him?

Napalunok ako. Mariin ang titig ni Trixie sa akin na parang gamut ang mata, binabasa niya ako.

I closed my eyes for a second and eventually opened it again. Pinilit kong ngumiti.

"Oh, y-your parents are actually doctors. I didn't know about that," I tried to chuckled. "A-and well, congratulations with your marriage."

Hindi na nadugtungan ang pag-uusap namin tungkol dun. Hindi na din ako halos makakain. Iba na ang pinag-uusapan ng dalawa pero pansin ko ang paminsan-minsan pagbaling ni Trixie sa akin.

Hindi ko pa alam kung sino ang asaw ni Trixie pero sa isiping baka ang lalaki iyon, hindi ko maiwasang masaktan.

I swallowed hard and slowly stood up. Parehong bumaling sa akin ang dalawa. I smiled at them.

"Rest room lang," I simply said.

"Gusto mong samahan kita?" Marco, just like what he usually did, asked me using his concern voice.

Marahan ko siyang inilingan. "No need, I can handle myself."

My heart is pounding. Halos kapusin ako ng hininga sa hindi malamang dahilan.

When I saw the rest room, I immediately go inside. Napahawak ako sa may lababo. Paulit-ulit akong huminga ng malalim tsaka nag-angat ng tingin sa salamin. And I was even more surprised when the door suddenly opened and Trixie entered with a smile on her face.

Agad akong napaayos ng tayo. Ngumiti ako nung ngumuso siya sa akin. Pasimple kong hinugasan ang kamay at ganun din ang ginawa niya.

"How are you?" she started. "Hindi ko alam na uuwi ka na pala."

Maliit akong ngumiti tsaka tumingin sa repleksyon niya sa salamin.

Tumango ako. "Ah oo, kanina lang. Actually, no one knows that I'm going home today. Well, I wanted to surprise everyone."

Ngumiti siya at tumango din. "Kaya pala hindi niya din alam. . ."

Kumunot ang noo ko dahil may sinabi siya pero hindi ko narinig.

"Hmm? Pardon?"

She chuckled. "Ah, wala. By the way, congratulations to your achievements. You're finally a licensed Architect just like your dream."

I looked at her. I heaved a sigh as I saw how genuinely she said those words. Noon, gustong-gusto magalit sa kaniya. She was my friend but she keep secrets on me. By that, I felt so betrayed but right now, I can't find my anger with her. I can't find that feeling I tried building. Alam kong mali pero hindi ko lang maiwasang pero parang pinagpasalamat ko na wala akong maramdamang galit para sa kaniya. She's just pure as I knew her before.

Huminga ako ng malalim tsaka siya hinarap at marahang nginitian. "Thank you, Trix. And congratulations also to your achievements."

Tinitigan niya ako bago siya tumango. Hindi na kami nagtagal sa banyo. Sabay kaming tahimik na lumabas pero nung papabalik na kami sa lamesa namin, nakita ko ang isang pamilyar na likod ng lalaki. His back is actually facing us but from the look of it, I already knew who it was.

Natigil ako, hindi alam ang dapat na maramdaman. It's been years, it's been more than five years but still, I can't forget his body structures. Pamilyar na pamilyar pa rin sa akin.

Napansin siguro ni Trixie ang pagtigil ko kaya nilingon niya ako.

"Are you okay, Jas?" she cautiously asked.

Mariin akong pumikit. Pagbukas ng mata ay saktong nagtama ang paningin namin ng lalaki. And to my fucking shock, my heart reacted!

Kita ko kung paanong bumalatay ang gulat sa mukha ng lalaki. His eyes widened and his lips hang opened. Hindi ko alam pero gustuhin ko mang mag-iwas ng tingin, hindi ko kaya.

It is when he slowly blinks and looks away. My heart reacted again. Bumalik ang tingin ng lalaki sa akin pero seryuso na ang mukha nito. Lumunok ako. Sumunod kay Trixie nung nagsimula ulit siyang maglakad.

"Rick, you're finally here!"

Hindi ko pinahalatang nagulat ako nung biglang tinakbo ng babae ang distansya nila at niyakap ito.

I was just looking at them, trying to hide all the emotions in my face when I met Henrick's eyes again. I simply raised my brows at him. Naglakad papalapit sa upuan ko pero nagulat nung biglang tumayo si Marco at biglang humalik sa pisnge ko.

"You're finally here also," he whispered with a smirk.

Sinamaan ko lang siya ng tingin pero tumawa lang ang lalaki. And when I glance at the two again, I was surprised to see that their eyes is settled on us.

Trixie has this playful smirk on her face. Binalingan nito ang katabi na may masamang tingin. Hindi ko alam kung para ba sa akin o para sa katabi ko. But well, I don't care.

"Wow, just wow," Trixie uttered.

Nagtataka ko siyang tiningnan pero tumawa lang ito tsaka umiling. I glanced again at the man beside her and our eyes immediately locked. Nakatingin na pala ang lalaki sa akin, walang emosyon ang mukha at bahagyang umiigting ang panga.

I looked at him emotionless, too. Tinaasan ko ulit siya ng kilay tsaka pa lang ito nag-iwas ng tingin. What's wrong with him?

Bumuga ako ng hininga. I drink some water and eat the dessert ordered by Marco, I think. Hindi ko na ito binalingan ng tingin kahit na ramdam ko ang nakakapaso niyang mata.

Tahimik lang kami. Kumakain ako at ganun din ang ginagawa ni Trixie.

Marco leaned a bit to me and whispered to my ears

"Do you want something else?" he asked.

Binalingan ko siya at halos magtama na ang ilong namin. Hindi na ako nagulat pa dahil alam kong sinadya iyon ng lalaki. I just glared at him when we heard some noise. Parang marahas na pagkakalagay ng baso sa mesa. Sabay kaming napabaling kay Henrick. Parang wala lang ito habang nagpupunas ng labi.

He looked up at stared at me. . . again.

"Well, sorry. I didn't mean it," he seriously said.

Suminghap ako, hindi makapaniwala. Pambihira, anong problema ng lalaking 'to. Kung makaakto akala mo kung sinong nagseselos. Anong pinuputok ng butche niya? Nandiyan naman ang asawa niya tabi niya, ah.

Umirap ako. Sarap niyang tirisin, ah.

★ S H A N A Y S 2 3 ★

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

155K 4.1K 29
Book One Trixie Alexandra Tan is the daughter of a Filipino Chinese businessman and was considered a spoiled rich brat. Bored with her rich and famou...
71.4K 2.2K 54
Cheska Cristobal choose to be away for how many years, inilayo niya ang kanyang sarili sa mga taong alam niyang sobrang masasaktan kapag nawala siya...
149K 2.1K 34
May mga mag-ex na hindi kayang magmahal ng iba. Dahil sa nakasanayan nilang mahalin ang isa't isa. Like Tiffany and Nikko, instead of marrying someon...
Controlled Hearts DK द्वारा

सामान्य साहित्य

174K 2.1K 48
(K-Brothers Series #1) Planado na ang lahat sa buhay ni Victoria. Kontrolado na niya ang hinaharap niya. She did well in her studies, and she'd make...