To Forget (Destined Series #1)

By shanays23

1.1K 159 1

[DESTINED SERIES 1] [ONGOING] "After all this years. . . it's still you. It never change, it's always been yo... More

TO FORGET
PROLOGUE
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XXXX
EPILOGUE

XXX

20 2 0
By shanays23

CHAPTER THIRTY

Realized

"Hija, saan ka? Hanggang dito lang ang biyahe namin."

Mula sa pagkakatula, napakurap ako. Walang buhay kong nilingon ang driver. He was staring at me, with pity on his eyes.

Sinubukan ko siyang ngitian. Dahan-dahan akong tumayo at hindi naging madali iyon lalo na't hanggang ngayon, nanginginig pa rin ang mga tuhod ko.

I slowly pulled out my wallet from my pocket. Mabuti na lang at nakuha ko ito bago umalis. Kumuha ako ng dalawang libo. Nakakahiya naman kasi kanina pa ako nakasakay at ako na lang ang natitira sa loob nung tumigil siya dito sa station nila. Mukhang tapos na nga ang biyahe niya.

Inabot ko ang bayad at nanlalaki pa ang mata ng driver, hindi inaasahan na ganun kalaki.

"Sobrang laki nito, Hija."

He was about to give back the one thousand bill when I shook my head. Ngumiti ako.

"Hindi na po, sakto lang 'yan. Maraming salamat nga po pala," mahina ang boses kong sabi. "Mauuna na po ako."

Nasa pintuan na ako ng bus at lalabas na sana nung bigla siyang nagsalita na ikinalingon ko.

"Alam kong hindi ka okay at hindi kita tatanungin tungkol sa kung ano man ang pinagdadaanan mo pero tandaan mo palagi, may mga kaibigan kang pwede mong sandalan at hingan ng tulong. 'Wag kang mahiya sa kanila. Malalagpasan mo din 'yan, laban lang."

I don't know, but that words from the bus driver gave a big impact to my life. Totoo nga talagang minsan kailangan nating makarinig ng salita galing sa mga taong hindi tayo kilala dahil hindi naman puro panghuhusga ang nagagawa nila. May mga mabubuting tao din na magpapaalala sa atin na hindi tayo nag-iisa.

I stopped walking. Umupo ako sa isang bench na nakita at hindi ininda na basa iyon.

I looked up to see how the moon shines with the star, just after the rain. Napangiti ako. Mas tinitigan kung paano sumaway ang ulap sa gitna ng kadiliman. Hindi ko alam kung anong oras na ba pero baka madaling araw na din dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Hindi ko man lang namalayan.

Napaisip ako. What will I do now? Where should I start? Where should I go first? Hindi ko gustong umuwi sa bahay. Parang wala pa akong lakas ng loob na sabihin sa pamilya ko ang nangyari. O ewan ko ba kung may balak akong sabihin sa kanila. For sure, they'll be disappointed and hurt as well, I don't want that.

Ayoko munang umuwi pero saan ako pupunta? My friends are busy with their lives. I don't have the guts to disturb them, to be a burden to them. There's already too much on their plate and I just can't add more.

Muli akong naglakad. Hindi ko alam kung ilang minuto long ginawa iyon hanggang sa nakakita ako ng tindahan. My stomach automatically growls in hunger. Napahawak ako dun. Wala pa pala akong kain simula kaninang umaga.

Agad akong bumili ng pagkain. It was just two cups of noodles and biscuits. Bumili na din ako ng tubig para pangtanggal uhaw.

I started eating. I didn't mind my surroundings since it's still early in the morning. Kahit na nung may pumaradang motor sa harapan ng tindahan, hindi ko iyon pinansin. I was so hungry to mind other people. Not until I heard her called my nickname.

"Basi. . ."

I immediately looked up to see who it was. Nanlaki ang mata ko nung makitang si Shanice iyon kasama si Justin, ang kaibigan ni Henrick na kaibigan ko rin. Justin was just leaning against the motorcycle when Shanice made her way to me.

I stared at her. She was giving me her most genuine smile, as if telling me that everything will be alright. Maybe, not now but in time.

She opened both arms. And it was already too late for me to realize that I was already running to her with tears flowing from my eyes.

"It's okay, I'm here, we're here," she assured me while caressing my back.

Mas humigpit ang yakap ko sa kaniya at mas bumuhos ang luha. My heart is clenching in pain and sorrow. Ngayon ko lang na-realize, miss ko na siya agad kaya papano pa sa mga susunod na araw?

Henrick has been part of my life since I was in grade 8, high school, until we entered a relationship when we were grade 9, still young because I was just 14 years old at that time. And now, I'm 22 years old, I can't yet imagine my life without him on it. Sanay ako, sanay na sanay ako na nandiyan siya palagi. Sanay ako na katuwang ako sa lahat ng bagay. Kaya paano na 'to ngayon?

I sobbed harder. Tama nga si manong driver, kailangan ko ng mga kaibigang masasandalan kasi alam kong hindi ko 'to kayang mag-isa.

"P-paano na. . . paano n-na a-ako?" I asked while crying, my heart still aching. "W-wala na k-kami. . . w-wala na kami, Basi, k-kaya paano n-na 'to?"

She didn't say any words. She was just caressing my back as I continued crying. The thought of us still keeps on running into my mind.

Halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa ginawang pag-iyak. Shanice keeps on hushing me, trying to calm me.

"Magiging maaayos din ang lahat. You can do this, alright? Nandito lang ako, kami para sa 'yo."

It took almost an hour to calm down. Iyak ako ng iyak kaya hindi ako nagtaka kung bakit namumugto ang mata ko pagkatapos. Halos ayoko na din iyong ibukas dahil masakit sa mata.

Umupo kami sa inupuan ko kanina. I was leaning against Shanice's shoulder while closing my eyes. Banayad na din ang paghinga ko nung makainom ng tubig.

"Justin is calling a cab. Uuwi tayo ngayon, hmm? Sa bahay ka na muna namin. You can sleep in my room, my parents won't mind it," dahan-dahan niyang sabi.

Mahina lang akong tumango. Natahimik kami hanggang sa narinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga.

"Hindi na ako magtatanong sa 'yo kung ano ba talaga ng nangyari o kung ano ang dahilan. Alam kong sasabihin mo din sa amin kung kaya mo na kaya 'wag mo munang pilitin ang sarili. Don't ever think that we won't understand you unless you tell us, no. We'll wait for you to tell us everything but we're not pressuring you. Besides, our friends are waiting there, they miss you so much already and they can't wait to see you again." She crouched to look at me and smiled. "Always remember that we're here, okay? Wala kaming kakampihan kasi pareho namin kayong kaibigan pero hindi naman ibigsabihin nun na hindi mo kami pwedeng sandalan. Kung wala kang makakapitan, nandito kami. You can always hold onto us."

I smiled at her while nodding my head. Unti-unti ring bumagsak ang luha sa mata ko dahil sa sinabi niya. Natawa siya dun at ganun din ako.

"'Wag ka nang umiyak. Pumapangit ka na, Basi."

I chuckled and heaved a sigh. "Thank you, Sha, for everything. . ."

She slowly nodded his head. "You're always welcome."

Binalik ko ang tingin sa labas. Huminga ulit ako ng malalim.

"I. . . I f-failed to p-pass the exam," my voice cracked with that.

She caressed my back again before my head with a slight kiss. "I know but that doesn't mean you're already a failure, okay? Baka 'di lang talaga ngayon ang para sa 'yo. Pwede namang sumubok ulit, 'di ba?"

Dahil sa salita niya, nagsimula ulit na magtaas baba ang balikat ko. I cried again. Then I realized, I failed my exam and it feels like I also failed to handle our relationship. Kaya siguro sobrang bigat sa pakiramdam kasi hindi lang isang rason ang pinagluluksaan ko ngayon.

Humikbi ako, sinusubukang ngumiti. "A-ang sakit lang kasi." I laughed. "B-buong akala ko m-magiging madali, hindi pala."

It took me another minute to calm me down. Dahil sa panghihina, hindi ko na halos mabuksan ang mata.

Justin arrived just on time. May kasama na itong tricycle na maghahatid sa amin hanggang sa bus station. Lumapit iton sa amin.

"Jus, pwedeng ikaw muna dito kay Basi? Huhubarin ko lang 'tong jacket para sa kaniya," Shanice said.

Hindi ko alam kung anong naging reaksiyon ng lalaki dahil nakapikit na ako.

"No, 'yong jacket ko na lang."

"'Di ka lalamigin? Magda-drive ka pa mamaya."

"No, I'm all good," he assured her that made me smile in the end. Kinuha nito ang jacket na suot at binigay sa akin. And then, I heaved a sigh when I remembered someone again. "Sige na, sakay na kayo. Susunod ako."

Iyon nga ang ginawa namin. Kahit ko pa namang maglakad, sabay nila akong inalalayan. Maingat nila akong pinasok sa loob tsaka sumunod si Shanice.

"Mag-iingat ka sa pag-drive, ha?" sabi niya pa sa lalaki bago kami tuluyang umalis.

Buong biyahe, wala akong imik. Siguro dahil na rin sa sobrang pagod. Kahit na din nung lumipat kami sa bus ay wala akong ibang ginawa kundi ipahinga ang ulo ko sa may bintana.

I tried opening my eyes and I saw how sky turns bright. Hindi ko man lang namalayan ang oras, mag-uumaga na pala.

"Matulog ka na muna," rinig kong mahinang bulong ni Shanice.

Maliit lang akong ngumiti at saka dahan-dahan pinikit ang mata. Hindi ko alam kung dahil sa sobrang pag-iyak at pagod, agad akong nakatulog.

Nagising na lang ako dahil sa matinding sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nakaramdam din ako ng mahinang pagtapik sa balikat ko na tuluyang nagpagising sa akin.

I slowly opened my eyes and Shanice's smiling face welcome me.

"Baba na tayo. May tricycle nang nag-aantay sa 'tin sa baba."

After paying, we immediately go down. Nandun na si Justin sa labas, nakasakay sa motor niya habang may tricycle sa tabi niya.

Our trip to Shanice's house didn't take that long. Dahil umaga na din, hindi na kataka-taka na gising na ang mga tao sa paligid nila.

When we entered their home, her mother's smiling face immediately welcome us. Parang alam niya na dadating kami.

"Halika, kumain na muna kayo bago kayo magpahinga. Naghanda na ako ng umagahan," nakangiti pa nitong saad.

Naglakad kami papunta sa kusina nila at tama nga ang sinabi nito. Food is already ready at the table. And just like what she told us, we eat breakfast quietly. No one dared to talk or start a conversation.

Nung matapos, sabay kaming umakyat bi Shanice papaunta sa kwarto niya. She opened the door for us as I quitely entered. Dumiretso siya cabinet niya at kumuha ng damit at tuwalya.

"You can change first. Nasa baba 'yong banyo namin, 'di pa kasi tapos 'tong bahay kaya pagpasensiyahan mo na," natawa pa siya sa huling sinabi.

Ginawa ko ang sinabi niya. I change my clothes that she let me borrow from her. Nung natapos ako, siya naman ang naligo.

I'm so tired and sleepy that I can't help but to slowly close my eyes the moment my back touches the softness of her bed.

Hindi pa ako tuluyang nakakatulog nung naramdaman ko ang muli niyang pagpasok. Hindi ko na binuksan ang mata at hinintay na lang ang paglapit niya. I felt her slowly sit on the side of the her until I felt her soft lips on the top of my head.

"You can do this, okay? I'm here," she gently whispered. "But for now, rest. You deserve a rest, My Dear."

It seems like a lullaby for me. After hearing those words, I totally doze off to sleep. Gabi na din nung nagising ako.

When I opened my eyes, the dim light from her bedside table welcomed my eyes. Dahan-dahan akong umayos para maupo. It is when I realized, Shanice is sleeping beside me. Napangiti ako.

Nilibot ko ang paningin. Her room is not that big but not too small, just enough for her and for her things.

Hindi pa tapos gawin ang bahay nila pero kahit na ganun, alam mong maganda ito mula sa labas at lalo na dito sa loob.

Tumayo ako, ingat na ingat na hindi siya magising. Then, I slowly walked to the door to her balcony where the light from the moon is slightly pecking even though, there's already a yellow and cute curtains covering on it.

It was a sliding door that's why, I easily opened it. Dahan-dahan akong lumabas tsaka sinara din iyon. When I face the outside, the darkness that comes from there farm welcomed my sight. Ang munting sinag na nagmumula sa buwan ang nagbibigay liwanag sa akin para makita ang paligid.

Lumapit ako sa railings. Humawak doon at hinayaan ang hangin na tangayin ang buhok ko. I slowly close my eyes and it is when I realized, I was already crying when my tears pour harder.

Lumunok ako at pinalis ang luha sa mukha. I heaved a sigh and look up to stare at the moon. Bilog na bilog ang buwan. Parang noong. . .

Agad kong pinilig ang ulo, winaksi ang namumuong ala-ala sa isip.

Humigpit ang hawak ko sa railings. My mind keep thinking again. Ano nang gagawin ko ngayon? Saan ulit ako magsisimula? Anong magiging reaksiyon nila Nanay at Tatay tungkol dito? Masasaktan sila, sigurado ako dun, kaya ko bang makitang nasasaktan din sila kapag sinabi ko?

There's a lot of questions that has been running in my head. Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ako sigurado king alam na din ba ng mga kaibigan ko dahil sinabi ni Shanice sa kanila o hindi pa. At kung hindi pa, wala naman akong lakas na sabihin sa kanila lahat. Parang ngayon pa lang na iniisip ko, nakakapanghina na. Parang hindi ko kaya.

Nanatili pa ako dun ng mga ilang minuto. Umupo ako sa upuan na nandun, nagmuni-muni.

Hindi ko alam kung anong oras na nung naisipan kong pumasok ulit sa loob ng kwarto. Tulog pa rin si Shanice kaya hindi ko na dinisturbo. Kinuha ko na lang ang jacket na gamit ko kanina bago tuluyang lumabas at bumaba.

Before leaving, I left her a note saying I'll be going out. Hindi ko alam kung saan pupunta pero gusto kong lumabas at maglakad-lakad.

Sobrang tahimik ng buong bahay nila. I was a bit thirsty so I decided to go to their kitchen and drink some water.

Buong akala ko tulog na lahat pero nagulat na lang ako nung naabutan ko pa ang Papa ni Shanice na umiinom ng tubig sa kusina.

Bahagya itong nagulat nung nakita akong gising pa pero agad ding nakabawi at ngumiti sa akin. So, I smiled back.

"Gising ka na pala, Hija. Alas diyes na, kumain ka na muna ng hapunan, alam kong hindi ka pa kumakain," saad nito.

Tumango ako. "Opo, sige po."

Wala sana akong balak kumain dahil nakakahiya na sa kanila pero mas nakakahiya naman yata na tumanggi ako kung siya pa mismo ang naghanda?

With that, I sit down on their table.

"Sige na, kain ka na."

Ngumiti ako. "Salamat po."

He give me a small smile and nodded his head.

Nagsimula akong kumain. Napansin kong bumalik ito sa may ref nila at kumuha ng pitsel para lagyan ang isang baso. At saka siya naglakad ulit papalapit sa pwesto ko.

He place the water on the table, just beside my food when I felt him disheveled my hair. Wala sa sarili kong inangat ang mata. And goodness, I almost cried when I saw how genuine his smile was while looking directly into my eyes.

"Alam kong may pinagdadaanan ka pero hindi na kita tatanungin tungkol dun kasi wala ako sa pwesto. Pero Anak, tandaan mo na may pamilya ka, may mga kaibigan na handang tumulong at umalalay sa 'yo. 'Wag kang matakot na humingi ng alalay, ha? Alam kong kaya mo ng mag-isa pero mas maganda pa rin na may kasangga ka. At kung ano man 'yang pinagdadaanan mo ngayon, malalagpasan mo din 'yan basta laban lang. Hindi ka naman siguro bibigyan ng problema ng Diyos kung sa tingin Niya, hindi mo kaya, 'di ba? Kaya 'wag kang susuko. Maraming tao ang handang tumulong sa 'yo para makabangon ka ulit. Tandaan mo, palaging bukas ang tahanan namin para sa 'yo. Nandito lang kami."

It was too late for me to realized that I was already crying while hugging Shanice father. Umiyak ulit ako sa balikat niya habang pinapatahan niya ako. I don't know what happened next but his words feels like it knock something on my system that made me realized that I shouldn't really be afraid to ask for help. Totoo ngang maraming tao ang nakapaligid sa akin at handang tumulong. At mas lalo ko iyong napatunayan nung umuwi ako sa bahay kinaumagahan.

Hindi pa ako tuluyang nakapasok sa bahay pero nakita ko na agad si Nanay sa may pintuan, umiiyak habang nakatingin sa akin.

I sobbed. And just like that, I run to her like a child and hugged her very tight while crying.

Hinaplos niya ang likod ko habang rinig ko din ang mahina niyang paghikbi.

"N-nay," I whispered in so much pain, "W-wala n-na k-kami. . ."

At parang sa puntong iyon, mas napagtanto ko na wala nga talaga kami. Tapos na nga pala ang kung ano man ang meron sa amin. Parang ngayon, habang yakap ko ang Nanay ko, unuwing luhaan, mas napagtanto ko na wala na nga pala akong uuwian sa apartment na 'yon.

My heart throbbed in pain. I sobbed harder and hugged my mother even tighter.

"A-alam ko, Anak, alam ko. . ." hikbi din niya.

Umiiyak kaming nagyayakapan. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang maingat niyang hinahaplos ang likod ko, pinapatahan. We are in that situation when my father came to my blurry sight, holding an ice cream with a small but genuine smile on his face.

He opened his arms. "Anak. . ."

Mas umiyak ako. Dahan-dahang kumalas kay Nanay para maglakad sa ama kong nakangiting naghihintay sa akin.

Nagtataas baba ang balikat ko sa sobrang pag-iyak. Nung tuluyang nakalapit, isang mahina yakap ang agad niyang binigay sa akin.

"Anak ko. . . Na-miss kita, sobra."

I sobbed. "S-sorry, 'Tay. . ."

Umiling ito. "Bakit ka nag-so-sorry? Kasi 'di mo napasa 'yong exam? Eh, ayos lang naman sa 'min 'yon! Pwede ka namang mag-exam ulit, wala namang problema. Kahit nga hindi ka na mag-exam, Architect ka na para sa amin!"

My heart clenched as I sobbed harder.

"Jasmin, Anak ko, 'wag ka nang umiyak. Hindi mo ba alam na pangit ka kapag umiiyak?"

Natawa siya kaya hindi ko maiwasang matawa kahit na patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Humigpit ang yakap ni Tatay sa akin. It is when I felt him kiss the top of my head that made me close my eyes.

"Mahal na mahal kita, Bunso. Nandito lang kami ng Nanay at mga kapatid mo. Tandaan mong hindi ka talunan, ha? Hindi lang talaga ito ang oras na para sa 'yo. At isa pa, kung tungkol kay Henrick, pagsubok lang ito. Kailangan niyo sigurong magpahinga? Kasi maniwala ka, kung kayo talaga ang para sa isa't-isa, ang tadhana na mismo ang gagawa ng paraan para pagtagpuin ulit kayo. Baka katulad ng pangarap mo, hindi na muna ngayon. Marami pa namang oras. Wala namang problema kung mahuli ka o ano. Basta palagi mong tandaan na nandito lang kami para sa 'yo, ha? Hindi ka namin iiwan."

Umiiyak pa rin ako habang tumatango sa lahat ng sinabi niya. Parang ngayon, mas na-realize ko na hindi nga talaga ako nag-iisa at kailanman, hindi ko kailangang mag-isa kasi marami naman akong pwedeng sandalan.

Akala ko tapos na lahat para sa araw na iyon pero hindi pa pala. Because when I went out of my room, I saw my friends outside, laughing while holding something on their hands.

"Ay, napaka-tangina mo talaga. 'Yan mukhang 'yan, mamimiss ko? Oh god, never!"

They laughed. "Sus, ayaw pang aminin, eh. Sinabi nga nung katrabaho mo na isang beses ka daw umiyak habang lasing tapos sabi mo daw, ‘I miss my friends’." Ay shuta be, napaka-epic."

Their laugh roared again.

"Ewan ko sa inyo! Langya kayo."

"Mabuti pa 'tong si Rowilyn, low-key miss ako," Sandy stated. "Chinat ba naman nung isang gabi, sabi miss niya na daw ang ex niya."

"Ay puta."

Rowilyn's face crumpled when our friends laughed at her.

"'Di ako 'yon, gago. Hindi ako ganiyan!"

"Nag-delulu ang beshy natin!"

I was staring at them. Gabi na kita ko pa rin sila dahil sa mga streetlights. At nung tuluyan nila akong nakita, bigla silang tumahimik at napatigil.

I stretch my lips for a smile. I lift up my hand and wave at them.

"Hi!" I shouted.

Sabay-sabay silang nag-iwas ng tingin. They sigh and cursed.

"Ay puta, na-miss ka namin!"

And it is when they all run all together to hugged me. Natatawa ako dahil sabay-sabay talaga sila.

"Na-miss ko kayo," mahina kong bulong.

Rowilyn leered. "Shuta be, mas na-miss ka namin. Ang yaman yaman mo na 'di ka man lang nagpakita para manlibre. Langya ka, gurl."

I laughed.

"Kaya para diyan, group hug ulit!"

★ S H A N A Y S 2 3 ★

Continue Reading

You'll Also Like

56.8K 1.2K 62
Si Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ng...
25.9K 536 35
Can you still pretend that you're okay, but you're not? Can you still pretend that you have forgotten you're past, when you're not? (Kathniel po ito)
618K 14.2K 52
Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Magkakaroon pa kaya ng pangalawang pagkaka...
Controlled Hearts By DK

General Fiction

174K 2.1K 48
(K-Brothers Series #1) Planado na ang lahat sa buhay ni Victoria. Kontrolado na niya ang hinaharap niya. She did well in her studies, and she'd make...