๐•๐ž๐ง๐ญ๐ฎ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐’๐ฐ๐ž๐ž๐ญ...

Von sanzscripts

2.4K 1.6K 108

STARTED: March 16, 2023 COMPLETED: July 10, 2023 (Will self-publish soon) *** Bata pa lamang si Vent, marami... Mehr

๐€๐ฎ๐ญ๐ก๐จ๐ซ'๐ฌ ๐๐จ๐ญ๐ž๐ฌ
๐๐ซ๐จ๐ฅ๐จ๐ ๐ฎ๐ž
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ‘
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ’
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ“
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ”
๐€ ๐†๐ฅ๐ข๐ฆ๐ฉ๐ฌ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐‚๐ก๐š๐ฅ๐ข๐ฒ๐š๐ก
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ•
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ–
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ—
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ‘
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ’
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ“
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ”
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ•
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ–
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ—
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ‘
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ’
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ“
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ”
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ•
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ–
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ—
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ‘๐ŸŽ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ‘๐Ÿ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ‘๐Ÿ
๐„๐ฉ๐ข๐ฅ๐จ๐ ๐ฎ๐ž
๐ƒ๐„๐ƒ๐ˆ๐‚๐€๐“๐ˆ๐Ž๐
โ™ฅ ๐‘๐„๐€๐ƒ ๐Ž๐๐‹๐˜ ๐–๐‡๐„๐ ๐˜๐Ž๐” ๐…๐ˆ๐๐ˆ๐’๐‡๐„๐ƒ ๐•๐’๐€ โ™ฅ

๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ‘๐Ÿ‘

40 37 3
Von sanzscripts

-MOR-

Nakaabang na kaming anim ngayon malapit sa Hindu Temple to unlock the door. Sir Zed, Vince, Charm, Klint, Vent, and Me were all wearing black shirts, camouflage pants, and some combat boots. Para kaming mga sundalong tatapak sa battlefield. Yung nga lang, wala kaming dalang kahit anong armas. 

Kapag nakapasok na kami dito ay mahahanap na namin ang secret laboratory gamit ang mapang ginuhit ni Rom na binuo naman ni Vent. Inaral muna namin ng mabuti yung mapa; kung saan ang lusutan para mahanap yung secret laboratory at kung paano lalabas ng mabilisan.

Hindi na namin inantay lumubog ang araw dahil napagtanto nila Vince na laging may nagbabantay dito kapag gabi. Sa umaga naman ay wala, kaya mas maiging umaga namin sasagawain ang misyong ito.

Nilabas na ni Vent and susi na nakuha nila ni Klint kahapon. It was a silver key with a moonflower sign carved on it. Ipinuwesto niya ito sa pintuan at kinabahan kaming lahat ng hindi ito pumasok.

We stood there, eagerly watching as Vent inserted the key, carefully trying to find the correct side to unlock the door. Nakahinga kami ng malalim ng mahanap niya ang tamang angulo. He turned the key and we heard the door unlocked.

"Okay guys, this is it. Mabilis lang dapat ito. After we find the laboratory, our main goal is to rescue the children inside. May mga makikita kayo sa loob na makakatrigger sa previous memories niyo, but please...set those thoughts aside until we finish the mision. Does everyone understand?" utos saamin ni Vince. Medyo kinabahan ako dahil baka matrigger kami nila Iyah at biglang may magswitch na hindi nakakaalam sa plano.

I've always took note about the experiences I had every day at isinusulat ko ito sa maliit na journal na laging nakalagay sa bulsa ko. Atleast kapag biglaang may nagswitch saamin babasahin lang nila ito. I also told Vent to tell the alter who will front to read my notes just in case I switch.

"Yes, Sir!" saludo naming lahat bago tuluyang pumasok sa pintuan ng private building. 

Pagpasok namin, biglang nagsarado ang pinto. Para bang automatic itong magsasara kapang may pumasok. Dim light lang ang mga ilaw dito at sa ibang parte pa ay walang naka bukas na ilaw. Mabilis kaming kumaliwa ng makita namin ang unang lusutan. 

Left.

Forward.

Left.

Forward.

Napatigil sa paglalakad si Charm ng makita ang isang kwartong kulay asul.

"Charm! we don't have time for that" sabi sakanya ni Vince at hinila na agad siya.

"S-sorry" paumanhin naman ni Charm.

Tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makita nanaman namin ang susunod na lusutan.

Right.

Right Again. 

Left.

Forward.

Right.

Left.

Right.

Left.

Unti nalang at maaabot na namin ang secret laboratory. Lahat kami ay hindi umiimik at deretso lang sa pag lalakad. We were all saving our energy, eager to find the laboratory soon.

Nakarinig kami ng mga yapak kaya napatigil kami sa paglalakad. After a few seconds of silents, we heard those footsteps coming closer and closer kaya nataranta ako. 

"Takbo!" sabay sabay na sigaw nila Sir Zed, Vince, at Vent habang mabilis kaming tumakbo, still following the pathway from the map.

"Dead End!" sigaw ni Klint kaya napatigil kami. Lord! If this will be my last day, sana po i-reincarnate mo nalang ako bilang isang paru-paro. 

"Deretso lang! Deretso lang!" sigaw naman ni Vent saamin. 

"Dead End na nga yan!" sigaw nanaman ni Klint. Nalilito kami kung sino ba talaga ang susundan namin dahil hindi na rin ako makapag isip ng deretso.

"Deretso lang!" sigaw ni Vent habang tumatakbo parin kami ng mabilis. Palapit na ng palapit ang mga yapak ng sapatos at hindi namin alam kung saan na kami lulusot pa. Naiiyak na din ako dahil baka maabutan na kami ng mga taong mukhang sumusunod saamin.

"Sabi ng Dead End na yan! Wala yan sa mapa!" pagsesermon ni Klint kay Vent.

"Trust me! I can smell it!" pagkasabi ni Vent nun ay dumeretso lang kami ng takbo hanggang sa makakita kami ng Dead End na wall. We trust his nose so much that anything he says regarding it is what we'll do.

"Deretso laaaannnggggg!" napapikit ako at tuluyang tumakbo hanggang sa mawala na ang naririnig naming mga yapak ng sapatos.

Lumusot kami sa kurtinang napintahan na parang dingding. We were now inside somewhere we do not know. All the walls were white and not a speck of dust was seen in this space. Only paintings of creepy looking children staring right at us were hung within its walls at nakaayos ito na parang hagdanan.

"Nasa mapa ba ito?" tanong ni Charm kay Klint. Nagkibit balikat si Klint bago sumagot na hindi niya daw alam.

Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa makakita kami ng isang pintuan na kulay puti. It was at the center of the wide walls. Who the hell puts a door at the center of a big room?

Dahan dahang inabot ni Vince ang doorknob but Vent convinced him not to do anything.

"I can't smell anything behind those doors. Maybe we should find another way" Vent said in a gentle and concerned voice.

"May nakikita ba kayong ibang daan?" umiling kami lahat sa tanong ni Vince. Vent was still looking around hoping to find a way out.

"Let's just take the risk and go that way" si Sir Zed na ang nagsalita. Maski ako ay pipiliin ko na lang pumasok doon kesa mag-stay dito na tinititigan ng mga batang nakangiti ng nakakakilabot.

"Fine." sabi ni Vent kaya umasta na kaming pumasok doon.

"On the count of three, tatakbo tayo sabay sabay ha. Ready?" utos saamin ni Vince.

"Ready!" we said simultaneously.

"1...2...3..." Binuksan ni Vince ang pintuan at tumakbo kami ng sabay sabay paloob. Agad bumungad saamin ang napakaliwanag na ilaw at nakakabinging tunog.

"Welcome kiddos, I've been expecting you" pumalakpak ng mabagal ang isang lalaking pamilyar ang boses saakin. Kumurap kurap ako para bumalik ang nasilaw kong mata. Doon ko lang nasilayan ang lalaking nagsalita. 

Doc Vlad! You Asshole!

May nakahawak saaking malaking tao dahilan para hindi ako makagalaw saaking pwesto. Tinignan ko ang aking mga kasama at ganoon din sila. Teka asan si Vent?

Inikot ko ang paligid at mukhang ito na nga ang secret laboratory na sinasabi nila. Nakita kong nasa tabi ni Doc Vlad si Vent kaya napataas ang kilay ko.

"Do you really think my son would go against me?" Doc Vlad said with a smirk.

"Traydor ka Vent!" Sigaw ni Klint.

"We trusted you!" Sigaw naman ni Charm.

"Akala ko ba, you are a man of justice!" malakas na sabi ni Vince.

"What a disappointment" umiling si sir Zed

"Why Vent?" mangiyak ngiyak na sabi ko sakanya.

Why was he doing this? Kaya ba mabilis nilang nasagawa ang mga parte nila ng mission dahil Doc Vlad allowed them? At bakit hindi nagsasalita si Vent. Nakayuko lang siya na parang kaawa-awang tuta.

This is not the Vent I know.

Hindi niya kayang lokohin kami.

Baka naman nahypnotize na din siya ni Doc Vlad.

Nilagyan kami ng tape sa bunganga at itinali kami sa tig-iisang poste ng laboratory. I wanted to switch with Chali but she wasn't responding.

"Don't switch" Vent told me as if he could read my mind. 

Binuksan na ni Doc Vlad ang isang kwarto at nakita namin lahat ang mga batang matagal ng nawawala. Some of them were already teenagers. 

Napaluha ako ng makita ang isang batang madaming nakalagay na mga tube sa kanyang katawan at mukhang hirap na hirap na ito. Yung isa naman ay  inuuntog ang kanyang ulo sa pader ng kwarto habang yung isa naman ay parang may kinakausap ngunit wala naman talaga.

You Monster -I mumbled.

"Congratulations! you found the secret laboratory, Nag-enjoy ba kayo?" tumawa ito ng nakakaloko, para siyang nasasapian ngayon. Hindi yan ang Doc Vlad na nakilala ko noon. Hindi siya yung Doc Vlad na mabait at maalagain na nakilala ko!

My tears fell like an overflowing river as I remember the days during our therapy sessions. Mga panahong sinasabi ko ang lahat sakanya at masaya itong nakikinig saakin. Mga panahon na yayakapin niya ako pag hindi ko na kaya ang mga problemang nagpatong patong saakin.

Where did that Doc Vlad go? The warm and approachable Doc Vlad?

***

-VENT-

Ayaw ko sanang papasukin ang aking mga kasama sa pintuan na iyon dahil alam kong nag-aabang na si Doc Vlad doon. Kaso nagpumilit sila kaya heto ako ngayon at kasama si papa. Mahirap pakinggan na sinasabihan nila ako ng traydor mas lalo na't hindi nila alam ang totoong pangyayari.

Alam kong hindi masamang tao si papa, alam kong may iba pang tao ang nasa likod ng krimen na ito kaya I planned everything without telling my colleagues about it, except maybe for Vince. 

If only you guys knew what will happen next, mas magiging thankful pa kayo despite cursing me.

I did my own research after I saw the moonflowers. The scent was very much familiar to something. I told Vince about it, so we planned a separate mission to catch the real man behind the missing children case 17 years ago.

---

~Flashback

"Paano ka nakakapagsigurado na hindi ako ang taong hinahanap niyo?" tanong saakin ni Doc Vlad ng iexplain ko sakanya ang plinaplano namin. I really believe that he is not the real criminal. Malakas ang pang-amoy ko at wala akong maamoy sakanya na kahit anong bahid ng kasamaan.

Mahirap kong nakumbinse si Vince dahil naniniwala siyang si Doc Vlad talaga ang may gawa ng mga krimen noon. But still, he trusted me. He trusted my guts and my nose as well.

"I just know, Dad" nagulat siya sa pagbanggit ko ng dad. Never ko pa kasi siyang tinawag na nun simula ng malaman kong siya talaga ang aking ama.

"Son..." he hugged me tight. I felt a tear fell from his face like he was happy I now recognized him as my father.

Kinuha niya ang isang laptop at doon niya pinakita saakin lahat. Doc Rodney was behind the incident all along. He was the one that manipulated the kids; he replaced his self-image sa utak ng mga bata para akalain nilang si Doc Vlad ang may kagagawan ng lahat.

"B-but, why did you let him?" I asked. All the videos he showed me were saved in a special kind of memory stick that only he could open. He explained na ang mga recordings na iyon ay galing sa experiments nila sa secret laboratory na hindi alam ni Doc Rodney. 

Nagpagawa daw siya ng special camera to record the happenings before but didn't really have the guts to tell the authorities.

"Natakot ako, he told me that if I leak the video or told anyone about what he was doing, hinding hindi siya magdadalawang isip na ipapatay ka. You were so young back then kaya I kept my mouth shut. To protect you... and the others"  nalungkot ako sa sinabi niya, all this time, he was really protecting all of us.

Pumasok si Vince sa opisina ni Doc Vlad at mas nagulat ako ng hindi nagulat si Doc Vlad. 

"Vince..." he sighed and stared at Vince. Sinuntok ni Vince si papa ng malakas bago ito ng pakawala ng malakas na hagulgol.

"All this time! Bakit mo siya pinagtakpan? Bakit ka sumunod sa mga utos niya? Bakit hindi mo sinabi saakin noon palang?" patuloy padin si Vince sa pag-iyak hanggang sa maramdaman niyang nakayakap si Doc Vlad sakanya.

"Ssshh... It was all my plan. Lahat lahat plinano ko upang hindi niya mahalata ang ginagawa ko. I obeyed all of his requests para ipagkatiwala niya saakin ang center at para maprotektahan kayong lahat. I know there were times when you feel like I betrayed you all, but it was all part of the plan to expose his dirty deeds. There were also times when he can't tell me what to do, that's why he used the moonflowers to manipulate my mind. At doon ko nakuha ang sakit ko ngayon. Hindi pa siya nakuntento doon at nilagyan niya pa ang utak ko ng chip." tinignan niya ako na parang alam niyang alam ko ang tinutukoy niya.

"You mean to say, you planned it all? pati itong nandito kami sa harapan mo at kinakausap ka?" Vince asked. He nodded as a response. 

Grabe, bilib na talaga ako kay Doc Vlad. Tama nga ang sinasabi nilang he can calculate everything. 

"So, what's next to your plan?" tanong ko ng seryoso kay Doc Vlad. 

"He knows all of you are on the move, and he's going to ask me to expose myself in front of you all. H-he's going to ask me to take all the consequences" nanginig ang boses niya. He coughed hard and we saw specks of blood come out of his mouth.

"That's it?" Vince asked. I gave dad some tissue para punasan ang naiwang dugo sa mga labi niya. Hindi ko maiwasang mag-alala.

"Oo, hanggang doon nalang. I am taking all the consequences for him. Mamamatay naman na din kami pareho, kaya bakit ko pa kayo papahirapan diba?" he told us in a very pitiful voice. 

"Ano bang pinagsasabi mo Doc!, hindi ka pa mamamatay! at hinding hindi namin hahayaang ikaw ang makukulong sa krimeng hindi naman ikaw ang gumawa" dinabog ni Vince ang lamesa sa harap namin. Halatadong naiinis siya sa mga sinasabi ni papa.

"But there's another way, every time we go to the secret lab ay sumasama siya. He hides himself from everyone and controls me using the chip he inserted in my brain; that chip consists of an electromagnetic element that stings me whenever I don't obey him. Your mission is to find the room kung saan siya nakapwesto. Dahil kahit ako, hindi alam kung saan siya nagtatago" nagtitigan kami ni Vince at tinanguan siya. 

After there, we planned to proceed with the previous mission. Then we find the secret laboratory, we are to proceed with the new mission. Sinabi kong magpapanggap akong trinaydor sila para hindi nila ako itali sa poste. Pagkatapos nun ay hahanapin ko si Doc Rodney kung saan siya nagtatago using my hypersensitive smell.

~End of Flashback

---

Nakatitig lang ako kay Mor dahil naamoy kong gusto niyang magswitch kay Chali ngunit nagpupumigil yung isa.

"Don't switch" matipid na utos ko sakanya. If she tries and succeeds, then all the handwork we did will just be wasted. Tumigil siya sa pagtangkang palabasin si Chali ng ipakita ni Doc Vlad ang mga batang itinatago ni Doc Rodney.

Nakakaawa ang mga bata; Nakakadurog ng pusong makakita na ginagawa silang guinea pig sa mga experiment na pumapalpak naman sa huli.

Nagkwento pa si Doc Vlad ng kung ano-ano para nasakanya lang lahat ng atensyon. I proceeded to look for Doc Rodney. I tried focusing my sensitive nose each room of the secret lab, but I just could find the old man responsible for all of this.

Narinig kong may umubo, mahina ito at mukhang galing sa matanda. Tumingin ako sa direction kung saan nanggaling ang ubo at tumungo ito sa isang pader. What the fork? 

Kinapa kapa ko ang pader at sa pinaka dulong parte nito ay may maliit na pindutan, kakulay din ito ng pader kaya hindi mo aakalaing nakalagay ito doon. I pressed the button and it revealed the image of the old man.

Nagulat siya sa ginawa ko at nagtangkang tumakbo ito ngunit nahabol na ito ni Vince. Hindi masikip ang pagkakatali kay Vince dahil parte lahat yun ng plano naming tatlo. Binigyan kami nila Klint, Charm, at Mor ng nakakapagtakang mukha bago namin sila pinakawalan sa pagkakatali.

"Finally! after all those years of confusion and mischiefs, we finally found the TRUE person behind the missing children case 17 years ago!" sambit ni Vince habang pinoposasan ang matandang si Doc Rodney.

"If I'm going down then I'm taking Doc Vlad as well!!!!" may idiniin ito sa kanyang kamay at biglang nagpakawala ng malakas na sigaw si Doc Vlad.

"AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!" nakaluhod na ito at hawak hawak ang kanyang ulo. May lumalabas na din na dugo sakanyang tenga at ilong kaya napatakbo ako sa tabi nito.

"P-papa!!!!!!!!!" nanlambot ang mga kamay ko ng tuluyang lumabas ang dugo sakanyang ilong at tenga. I froze; hindi ko alam ang gagawin ko. Umiyak nalang ako habang hawak hawak siya sa aking bisig. He was still screaming in pain while I was just there not knowing what to do.

Tinurukan ng tranquilizer si Doc Rodney upang mawalan siya ng malay. Doon lang tumigil ang pagsisisigaw ni papa ngunit halatadong hinang hina na siya.

"V-Vent" he said with a whisper. Namumutla na siya sobrang lamig na ng katawan niya.

"P-Pa..." patuloy kumawala ang luha sa mata ko. Ang sakit sakit sa dibdib ang nakikita ko ngayon.  I had no recognition of my father before, and now that I fully recognize him, he was about to go ang leave me again.

"S-salamat s-sa inyong lahat. M-makakapagpahinga na ako" he said with a smile in his face as he took his last breath.

***

#VSA33







Weiterlesen

Das wird dir gefallen

11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
230K 6.7K 39
Book One of Salazar Series His plan was to kill her. Her plan was to deceive him. But, what happens if both plans were set aside for the sake of lov...
1.3K 209 43
Dahil sa aksidenteng kinasangkutan ni Aurel mapapadpad siya sa isang lugar malayo sa kanyang kinalakihan. Sa paglipas ng panahon pilit parin siyang u...
187K 10.1K 35
Naniniwala si Emari Scroll Catapang na ang true love ay makikita lamang niya sa mga AFAM. Kaya swipe right siya sa lahat ng dating site. Pero ang fre...