Until I Get Over You

By Ulyca25

13.3K 1.9K 1.4K

Everything in her life is perfect. She's living the life that everyone dreams of. Then, Lucas came and made i... More

Until I get Over You
***
Prologue
Chapter - 1
Chapter - 02
Chapter - 03
Chapter - 04
Chapter - 05
Chapter - 06
Chapter - 07
Chapter - 08
Chapter - 09
Chapter - 10
Chapter - 11
Chapter - 12
Chapter - 13
Chapter - 14
Chapter - 15
Chapter - 16
Chapter - 17
Chapter - 18
Chapter - 19
Chapter - 20
Chapter - 21
Chapter - 22
Chapter - 23
Chapter - 24
Chapter - 25
Chapter - 26
Chapter - 27
Chapter - 28
Chapter - 29
Chapter - 31
Chapter - 32
Chapter - 33
Chapter - 34
Chapter - 35
Chapter - 36
Chapter - 37
Chapter - 38
Chapter - 39
Chapter - 40
Chapter - 41
Chapter - 42
Chapter - 43
Chapter - 44
Chapter - 45
Chapter - 46
Chapter - 47
Chapter - 48
Chapter - 49
Chapter - 50
Chapter - 51
Chapter - 52
Chapter - 53
Chapter - 54
Chapter - 55
Chapter - 56

Chapter - 30

335 51 30
By Ulyca25

Pauline

Inihatid ako ni Lucas sa mansyon ngunit agad din itong nagpaalam matapos bumati kina Mommy at Daddy. Pagkaalis ng binata ay nilapitan ko ang mga magulang.

“Dad, bakit mo naman pinilit si Lucas na magtrabaho sa VBC?” may halong pambibintang na baling ko sa ama.

“Pauline, usapang negosyo iyan huwag kang makialam,” pigil naman sa akin ni Mommy pero hindi ko ito pinakinggan.

“Kinu-question mo ba ang desisyon ko? Isa pa’y hindi ko siya pinilit. Binigyan ko siya ng choice,” sabi naman ni Daddy.

“Choice? I doubt it.”

Pinandilatan ako ng mga mata ni Mommy. Sumeryoso naman ang mukha ni Dad kaya medyo kinabahan ako.

“Yuna, kulang yata sa palo ang bunso mo,” anito kay Mommy.

“Oh, Dad, dalaga na ako. Bakit papaluin n’yo pa?” Kulang na lang ay magdabog ako ng mga paa.

“Paolo, ako na ang bahala sa isang ito!” ani Mommy pagkuwa’y kinaladkad ako patungo sa kwarto ko.

Inis akong pumiksi pagdating doon.

“Umayos ka nga sa daddy mo. Hindi pa nga iyon nakaka-move on sa inyo ni Lucas tapos gano’n mo pa kakausapin?” kastigo ng ina.

“Mali naman kasi si Dad, Mom. He blackmailed my boyfriend.”

“Hindi iyon blackmailed. Tine-test lang niya kung gaano ka kamahal ni Lucas!”

Natigilan ako sa narinig at napatitig sa ina. “Test? What for?”

“Oo. Natural ikaw ang bunso niya. Sa tingin mo ba’y papayag ang daddy mo na basta ka na lang hayaang makipagrelasyon? Syempre aalamin muna niya kung tapat sa iyo ang lalaki. Isa pa kailangan ng VBC si Lucas. Maraming problema sa kompanya na hindi mo naiintidihan...”

I sighed. Nagpadalos-dalos ako ng pagsugod kay Dad. Hindi ko man lang inisip ang maaring dahilan nito. Unang beses na nagpakita ako ng kalapastanganan sa ama kaya na-guilty ako.

“Kailangan ng VBC si Lucas. Hangga’t hindi bumabalik ang kuya mo ay hindi siya pakakawalan ni Paolo. At ikaw, ngayong may boyfriend kana’y magpaka-matured ka.”

“Bakit ikaw, may asawa at anak na isip bata pa rin?” nakalabi kong tugon kaya kinurot ako ni Mommy sa tagiliran.

“Huwag na huwag mong isusuko ang Bataan hangga’t hindi kayo naiikasal,” dagdag pa nito.

“Bataan? Mom, taga-Makati ako, ‘di ba? Aanhin ko ang Bataan na iyan—”

“Pilosopa!” kurot ulit nito sa akin.

NANG gabing iyon ay sinadya kong puntahan si daddy sa office nito. Naabutan ko siyang subsob na naman sa trabaho. As usual... Guilty ako kanina kaya gusto kong mag-sorry rito.

“Dad...” naghahanap ng tiyempong tawag ko sa kaniya.

“Do you need something?” Nag-angat ito ng mukha sa akin. Naupo naman ako sa sofa na naroon.

“Sorry, Dad, kanina. I know you’re upset,” wika ko.

“No. I’m not,” anito. Tumayo at lumapit sa akin.

“Dad, I love Lucas. Sorry kung itinago ko sa inyo ang tungkol sa kanya. I’m just afraid na baka tulad ni Kuya—”

“I understand. But, Pauline, please... Huwag ka munang mag-aasawa. Hindi pa ako handang ipamigay ka.”

Natawa ako sa sinabi ng ama. “Promise, Dad, magtatapos muna ako ng pag-aaral. Saka iyon din ang gusto ni Lucas. Actually, marami kayong similarities lalo na sa pamantayan sa buhay,” saad ko.

“I can see that you are very happy.”

“Of course. Dad, I’ve never felt this in my whole life.”

Siya naman ang napatawa. “Nasabi mo na rin iyan sa akin noong regaluhan kita ng bagong dollhouse...”

Lumabi ako sa ama. “It’s different.”

“What I mean is, you are so happy and excited about the new dollhouse, pero pagkaraan lang ng ilang araw ay nagsawa kana agad doon. Baka naman ganoon din ang nararamdaman mo kay Lucas—”

“No. Of course not, Daddy. I really love him.”

“Pinapaalalahan lang kita, anak. Hindi isang laruan ang pakikipagrelasyon. At hindi rin ito laging masaya. Dapat alam mo iyan.”

Yumakap ako sa braso ni Daddy saka humilig dito. “I know that, Dad.”

“Mabuti kung gano’n.”

“Dad, do you like Lucas for me?” tanong ko pagkuwan. Curious lang ako roon.

“Maybe...I don’t know.”

Inilayo ko ang sarili sa ama at maang itong tinitigan. “So, si Dale ang gusto mo para sa akin?”

“Wala akong pinipili sa mga iyon. Kung sino ang nagpapasaya sa prinsesa ko ay doon ako, okay.”

Isang malawak na ngiti ang sumilay sa aking labi bago ito muling niyakap nang sobrang higpit. He is always be my first love.

“Naisip ko lang, siguro kung kasama natin ang kuya mo...hindi ka basta-basta malalapitan ng mga lalaki,” dagdag ni Daddy na ikinatigilan ko. Ngayon lang niya nabanggit si Kuya sa tagal ng panahong wala ito.

“Dad, I know you miss him so much. Bakit hindi pa kayo mag-usap—”

“Gabi na, Sweetheart. Oras na para matulog ka,” putol nito sa akin.

I sighed. Masaya ako dahil hindi niya kami hinadlangan ni Lucas katulad noon kina Kuya Yuan. Pero deep inside ay nalulungkot din ako para kina Daddy at Kuya. Nagdadalawang isip din ako kung sasabihin ba sa kapatid ang tungkol sa nobyo.

Saka na lang siguro.



Lucas

Bihis na ako nang bumaba sa kusina. Balak kong sunduin si Pauline para ihatid sa school at isasabay ko na rin si Freya. Gusto kong samantalahin ang libre kong oras sa dalaga dahil kapag nagsimula na ako sa VBC ay tiyak na magiging abala na ako.

“Ihahatid ko si Pauline sa school. Sumabay kana rin sa akin,” sabi ko sa kapatid na tahimik sa pagkain. Batid kong may tampo pa rin ito pero ayoko na lang patulan. Mawawala rin naman agad iyon.

“Ihahatid mo kami gamit ang owner type jeep mo. Tsk!” ingos ng dalaga.

“What’s wrong with that? Malinis naman iyon at kapapalit lang ng upuan.”

“Kuya! Prestigious school iyon. Alam mo ba ang sinasabi ng mga matapobreng friends ng Pauline mo? Hindi raw kayo bagay dahil mayaman sila.”

“At kailan ka pa nagpa-apekto sa mga iyon?”

“Walang problema sa akin. Sa iyo meron. Ayoko lang naman na pinag-uusapan ka nila. Hindi ko rin naman sila masisi dahil tingnan mo naman ang sasakyan mo.”

Napailing ako sa kapatid. “Mas ikaw iyong mukhang matapobre, alam mo. Buti pa si Pauline, hindi ikinakahiya ang pagsakay sa owner ko.”

“Paano ka naman nakakasiguro? Bakit kasi ang kuripot mo? Pati sarili mo ayaw mong gastusan!” inis nitong saad sa huli.

“Tsk.”

DINAANAN nga namin sa mansyon si Pauline at tamang-tama dahil bihis na ito. Pagkasakay niya ay nagtaka ako dahil kay Dale na sakay naman ng motorsiklo nito. Hindi ako mahilig sa motor pero humanga ako sa ganda niyon. Halatang mamahalin.

“Hello, Kuya Lucas....” nakangising bati ng binata. Hitsura pa lang ng motor nito ay baka triple na ang presyo sa owner jeep ko. Iba talaga kapag mga spoild brat.

“Hi. Hindi ka ba sasabay?” alok ko.

“Sasabay with my baby,” tukoy nito sa sasakyan niya.

“Lucas, naka-motor talaga lagi iyan pagpasok. Sabay kami lagi sa daan,” saad naman ni Pauline na dumungaw sa bintana.

Tumango na lang ako bago pumasok ng owner. Mayamaya pa ay nagbabyahe na kami patungo sa school. Napapatingin ako kay Dale na naka-conboy sa amin. Ang angas ng anak ni Tito David kapag nasa daan.

PAGKARATING sa school ay pumasok na rin agad ang dalawang dalaga sa loob dahil malapit na ang start ng klase. Naiwan naman si Dale na parang may sariling oras kung mag-park ng motor niya.

“Hindi ka naka-uniform...” puna ko rito.

“May practice kasi kami, Kuya.”

“Practice?”

“Basketball. Hindi ba naikwento ni Pauline?” ngisi nito.

“No. Hindi ka namin napagkukwentuhan...”

Tumawa ito kaya parang nainis ako sa binata. Ewan ko ba. Feeling ko kasi ay karibal ko ito sa dalaga kahit nilinaw na ni Pauline na may love interest na itong iba. O baka naman pinagseselosan ko lang ang closeness nila.

“Congrats nga pala sa inyo. Legal na kayo kay Tito Paolo. At nakakabilib dahil pinayagan ka nilang isakay sa ganyan si Pauline.”

“May problema ba sa car ko?” tanong ko na may inis sa tinig. Natakot naman ang kausap at bahagyang umatras sa akin.

“There’s nothing wrong with your car. Ang sinasabi ko lang ay himalang napapayag mo si Tito na isabay si Pauline. Alam mo kasi, kay Kuya Jeremy lang iyon ipinagkakatiwala ng daddy niya. Kahit sa akin ay ayaw ipa-angkas sa motor ang anak niya.”

Paano’y kaskasero ka! gusto ko sanang sabihin.

Bumuntong-hininga ako. Medyo nagiging malupit yata ako kay Dale. Wala naman itong ginagawang masama. Ako ang mali dahil nagseselos ako sa tagal ng pinagsamahan nilang dalawa ni Pauline. At para sa akin ay kakitiran na iyon masyado ng utak.

“Dale, can I ask you something?” tanong ko rito pagkalipas ng ilang sandali.

“Oo naman. Ano iyon?”

“S-sa tingin mo ba dapat ko nang palitan ang sasakyang ito?”

“Syempre—” Bigla nitong naitikom ang bibig at nag-aalalang tumingin sa akin. “No offense lang, Kuya, ha. Okay naman iyang owner mo kaya lang nasa Manila ka na, eh. Wala kana sa hacienda. Kailangan mo na sigurong masanay makibagay lalo na kay Pauline. Fancy rice lagi ang gusto n’on. Marami ka namang pera, bakit nagtitipid ka?”

“Hindi lang ako sanay gumastos...” katwiran ko.

Ganoon yata talaga kapag ikaw ang kumakayod ng sarili mong pera. Ang mga ito naman kasi ay may mga mayamang magulang na abot lang ng abot ng pera sa kanila. Hindi tulad ko na may umaasang kapatid na numero unong gastadora din.

“Ha? Naku, sabi nga ni Tita Yuna, aanhin mo ang pera kung hindi mo gagatusin. Paalala lang, gastadora ang girlfriend mo. Huwag mo siyang idi-date sa mall kung ayaw mong maubos ang pera mo.”

Pagkasabi niyon ay nagpaalam na ang binata. Napailing naman ako bago sumakay ng sasakyan. Naisip kong may punto si Dale. Kailangan ko ring magpa-impress sa nobya paminsan-minsan. Wala naman sigurong masama kung babawasan ko ang savings ko.

KAYA NAMAN nang araw ng Sabado ay inaya ko si Freya para samahan ako sa pagsa-shopping at pagbili ng bagong kotse. Nagulat pa ito nang sabihin ko iyon pero sa huli ay natuwa rin.

Muntik nga lang akong mahimatay nang makita kung gaano kalaki ang nabawas sa savings ko dahil sa mga pinamili. Pati kasi damit at sapatos ay bumili ako dahil kailangan sa bagong trabaho.

“You look gorgeous, Kuya,” anito nang magsukat ako ng suit sa isang botique.

“Oo na. Ako na ang magbabayad ng bag mo,” tugon ko na ikinatawa niya.

“Buti naman at nagising kana. Sino ngayon ang magsasabing wala kang pera? Tayo ang pinakamayamang pamilya sa Bicol at kahit hacienda nina Tito Paolo ay hindi kayang pantayan ang atin.”

“Tsk. Nagkompara ka pa...”

“What I mean is, kung pera din lang ay kaya mo silang pantayan.”

“Freya... Ang bibig mo!”

“Hmmp. Nasabi ko lang naman. Kailan mo pala ako ibibili ng sarili kong car?”

“Kapag marunong ka nang maglinis ng condo mo.”

“What?”

Sa huli ay nagpagupit na rin ako ng mahabang buhok at nag-shave ng balbas. Saka ko tinawagan si Pauline at inaya sa isang date. Tiyak na masu-suprise ang nobya sa bago kong kotse. Mas mahal iyon sa motor ni Dale. Si Freya ang pinapili ko dahil mas may alam ito sa ganoon.

Pauline

“Lucas...”

Muntik ko nang hindi makilala ang nobyo nang labasin ko ito sa bakuran namin. Nagbago ang pormahan nito at para ko nang nakita si Kuya Yuan sa kanya. Sobrang linis nitong tingnan lalo na at bagong shave ito. Lalo tuloy akong na-in love.

“Hi,” anito.

Mapa-rugged or gentle look ay bagay na bagay pa rin dito. Ngayon sa bago niyang porma ay para itong kagalang-galang tulad nina Daddy.

Sabagay, kahit ano pang hitsura ni Lucas ay ganoon pa rin naman ang dating sa akin.

Pagkalabas ng gate ay muli akong namangha nang makita ang bagong sports car nito.

“Nice car... Nasaan na ang owner mo?” maang kong tanong sa nobyo.

“Iniwan ko sa parking ng condo. Kakaunin ni Daniel sa isang linggo,” sagot nito bago ako inalalayan pagpasok.

“Nakakapanibago, Lucas.”

“Ayaw mo ba? Pwede ko namang kunin ulit iyong owner jeep ko.”

“Hindi sa ganoon. You look handsome and sexy in that oufit. Nasanay kasi ako sa cowboy look mo. Iyong hubad ka tapos naka-boots at sakay ng kabayo...”

He chuckled. “Ngayong dito na ako mapipirmi sa Manila. Kailangan kong makibagay sa mundo mo. Gusto kong maging proud ka kapag kasama ako...”

I held his hand. “I am more than proud, Lucas. Bakit mo nasabi iyon?” taka kong tanong.

“Wala lang. Gusto ko lang sabihin. Anyway, hayaan mo na. Simpleng bagay lang naman itong ginawa ko.”

Tumango ako, pagkuwa’y pinaandar na nito ang kotse. Ako naman ay humilig sa kanyang balikat habang nagmamaneho ito. Of course, gustong-gusto ko ang pagbabagong ito ni Lucas, pero gusto ko rin iyong Tarzan na una kong nakilala.

Sa Tagaytay ako dinala ng binata. Pagkakain sa isang restaurant ay nag-star gazing lang kami habang nasa loob ng bukas na sasakyan nito. Nakasandal ako sa dibdib ng nobyo at hinahaplos niya ang aking buhok habang pareho kaming nakatingala sa langit.

“Hindi kasing dami ng bituin sa hacienda,” bulong ko rito.

“Yeah.”

“Nami-miss mo ba ang hacienda?”

“No.”

Umalis ako sa pagkakasandal dito para tingnan siya sa mga mata. “Imposible...” saad ko.

“Kasama kita kaya paano ko iyon mami-miss?” anito na ikinangiti ko nang sobra. May pagka-romantic pala ito. Hindi ko akalain.

Umayos ako ng upo at inilapit ang sarili sa binata. I kiss his nose then his lips.

“Nasa langit ang bituin, Pauline, wala sa akin,” anas nito bago ako ipinihit patalikod para muling mapatingala sa langit.

“Parang mas okay iyong kanina...” ngisi ko at mabilis na binago ang pwesto sa pangalawang pagkakataon. This time, I wrapped up my legs between his waist. Tinangka ko ulit halikan ang labi niya ngunit nang-iinis itong tumingala at isiniksik maigi ang sarili sa gilid ng sasakyan kaya sumala ang halik ko sa ibaba niyon.

“Lucas, ang tagal na nating hindi nagdi-deep kiss. Tuyo na labi ko...” kunwari ay reklamo ko. I started unbuttoning his dress shirt while pressing my body into his.

“Ayan kana naman. Nagsisimula ka naman tapos ay manunulak. Sa bangin na ang punta ko nito, Pauline...”

I laughed so hard nang ma-gets ang ibig nitong sabihin.

Continue Reading

You'll Also Like

999K 34.2K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
11M 355K 70
What he wants. He gets... By hook or by Crook
21M 515K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
164K 706 4
Naglayas si Belle ng malamang ipinagkasundo siya kay Paris Kiefer El Frid. Ang lalaking binansagan nila ng kaibigan si Cara na Mr. Stalker. Dahil sa...