Until I Get Over You

By Ulyca25

13.4K 1.9K 1.4K

Everything in her life is perfect. She's living the life that everyone dreams of. Then, Lucas came and made i... More

Until I get Over You
***
Prologue
Chapter - 1
Chapter - 02
Chapter - 03
Chapter - 04
Chapter - 05
Chapter - 06
Chapter - 07
Chapter - 08
Chapter - 09
Chapter - 10
Chapter - 11
Chapter - 12
Chapter - 13
Chapter - 14
Chapter - 15
Chapter - 16
Chapter - 17
Chapter - 18
Chapter - 19
Chapter - 20
Chapter - 21
Chapter - 22
Chapter - 24
Chapter - 25
Chapter - 26
Chapter - 27
Chapter - 28
Chapter - 29
Chapter - 30
Chapter - 31
Chapter - 32
Chapter - 33
Chapter - 34
Chapter - 35
Chapter - 36
Chapter - 37
Chapter - 38
Chapter - 39
Chapter - 40
Chapter - 41
Chapter - 42
Chapter - 43
Chapter - 44
Chapter - 45
Chapter - 46
Chapter - 47
Chapter - 48
Chapter - 49
Chapter - 50
Chapter - 51
Chapter - 52
Chapter - 53
Chapter - 54
Chapter - 55
Chapter - 56

Chapter - 23

260 53 40
By Ulyca25

Pauline

Lihim akong nagngingitngit habang nakatayo sa terasa ng villa, knowing that Juliet is with Lucas. Wala akong magawa kun’di magmukmok habang iniisip kung ano na kaya ang ginagawa ng dalawa?

Habang nakahalukipkip ay biglang bumulaga sa akin ang pagmumukha ni Freya. Nakangisi ang bruha at halatang gusto ng away.

“Ang aga pa, Freya, ha,” irap ko rito. Wala ako sa mood na pansinin siya. Mas focus ako ngayon kay Juliet.

“Tsk. Itatanong ko lang naman sana kung alam mo na ang tungkol kay Ate Juliet?” anito.

“Huli kana sa balita. Kahapon ko pa nalaman.”

“Aisssh. Sayang, gusto ko sanang sa akin manggaling. Pero okay na rin. At least alam mo na kung ano ang mga tipong babae ng kuya ko.”

Nakapamay-awang akong humarap sa babae. “Ex na lang iyon. Kung tipo iyon ni Lucas, eh, ‘di sana’y hindi niya brin-eak.”

Nainis si Freya sa aking sinabi. Pero dahil bruha siya, hindi ito nagpatalo. “It seems to me na mahal pa siya ni Kuya. Kasi hindi na nag-girlfriend ulit ang kapatid ko mula no’ng mag-break sila, eh,” anito.

Inirapan ko ulit siya. “Eh, bakit hindi pa niya binabalikan kung ganoon?” Saka ako ngumisi nang nakakaloko. “Freya, ngayon pa lang ay pag-aralan mo nang tanggapin na magiging maghipag tayo. Don’t worry, I’ll take care of your brother. Pati haciendang ito ay mamahalin at aalagaan ko.”

“Ilusyunada!” anito saka nagpupuyos sa inis na umalis doon.

Huh! ‘kala niya!

PAGKABALIK ni Kuya Jeremy buhat sa kabilang hacienda ay dala na nito ang lahat ng bagahe namin ni Dale. Nagtaka pa ako nang hindi ito mag-usisa sa akin tungkol sa paglipat dito. Wish ko lang, hindi siya magsumbong kay Daddy.

Pumili ako ng pinakamagandang bestida na isusuot pagkatapos maligo. Gusto kong puntahan si Lucas kung nasaan man ito. Hindi ako basta tatayo na lang sa villa at maghihintay kung kailan sila magkakabalikan ni Juliet. Sabagay, malapit na ang tanghalian. Sana’y umuwi ang binata upang kumain para sasabay na lang ako sa kanya pagbalik doon.

Ilang sandali ay nasa banyo na ako at kasalukuyang ini-enjoy ang paliligo. Pakanta-kanta pa ako habang nagsa-shampoo ng buhok. Nagsasabon na ako ng mukha nang biglang matigilan. Wala na akong maramdamang tubig na pumapatak. Nakakapagtaka naman. Malakas ang tubig doon noong dumating kami.

Nakahinga ako nang maluwag nang may tumulo ulit subalit mayamaya lang ay nawala na naman ito. Kinabahan ako nang ilang sandali ay hindi na nagkaroon ng tubig sa dusta. Masakit na ang mga mata ko dahil puno ng bula ang aking mukha. Ni hindi ko pa nababanlawan ang buhok ko.

Tsk. Freya!!!

Pinupuno talaga ako ng babae. Ito lang naman ang pwedeng gumawa niyon.

Mangiyak-ngiyak ako sa inis matapos ibalot ng tuwalya ang mabulang katawan. Wala akong choice kun’di lumabas ng kwarto. Dire-diretso ako pagbaba ng hagdanan. Nakita ko agad si Freya na kausap ni Dale sa sala. Aba, at naroon na rin ang karibal kong si Juliet. Kausap ito ng dalawa at tila at home na at home.

Pero mamaya ko na ito papansinin. Uunahin ko muna si Freya. Sumusobra na ito, eh.

“Freya!” tawag ko sa babae. Lumingon silang tatlo sa akin at nakita ko na nanlaki ang mga mata ni Dale.

“Pauline, ano’t naka-towel ka lang? Bold star ka na ba ngayon?”

Hindi ko pinansin ang binata at dumiretso sa katabi nitong babae. Hinila ko ang kulot na buhok ni Freya kaya agad itong tumili sa sakit.

“Aww!”

“Bruha ka!”

“Bitiwan mo nga ako! Ano na naman ba, Pauline?”

Pumagitna si Dale, samantala si Juliet ay napatanga lang sa amin.

“Tingnan mo ang hitsura ko. Pati tubig ay pinakialaman mo makapang-asar lang sa akin!” sabi ko.

“What? Pinagsasabi nito?!” bulyaw ng dalaga.

Muli kong hinila ang buhok niya subalit agad ko ring binitiwan iyon nang mamataan ko ang paglabas ni Lucas mula sa kusina.

“A-anong—” Napamaang ito pagkakita sa ayos ko.

Ako naman ay agad lumapit sa lalaki at nagpapaawang nagsumbong dito.

“Lucas, sumusobra na ang kapatid mo. Naliligo ako’y bigla na lang pinutol ang tubig sa kwarto ko.”

“What?” gulat na reaksyon ng binata.

“Hoy, wala akong ginagawa rito, ha!” depensa naman ni Freya sa sarili.

“Sasagot ka pa, hmmp!” ingos ko. Pagkuwa’y tumingala sa kuya niya. Subalit ganoon na lang ang pagtataka ko nang mapansing tila hindi ito naniniwala sa akin.

Agad kong ipinakita kay Lucas ang mabulang buhok. “Tingnan mo, oh. Kapag nasira ang buhok ko’y mapapagalitan ako ni Mommy,” maarte kong wika.

“Pauline, bakit ka lumabas ng kwarto nang ganyan ang hitsura?” sa halip ay walang ngiti nitong tanong.

“K-kasi nga...gawa ni Freya. Napaka-mean girl,” tugon ko sabay irap sa dalaga.

“And I thought bestfriend na kayo?”

“O-oo sana. Pero tingnan mo naman ang ginawa?”

Bumuntong-hininga si Lucas. “Hindi si Freya ang dahilan kaya nawala ang tubig sa kwarto mo. Matagal nang nagloloko ang tubig sa itaas dahil nasira ang ilang tubo niyon noong nagdaang bagyo.”

“H-ha?” natigilan ako at biglang namula ang buong mukha.

“Kitam!” si Freya.

“Pero—”

Lumapit sa akin si Dale at bumulong. “Huwag ka nang makipagtalo pa dahil mali ka. Kanina pa walang tubig sa itaas kaya ko nga kinausap si Freya para itanong kung bakit,” anito na tuluyan kong ikina-estatwa.

Oh, reyna ng pulang lupa. Pakikuha na ako ngayon din!

“A-ah... I...” para akong nauutal. Wala akong masabi sa labis na pagkapahiya.

Freya

Lihim kong tinatawanan si Pauline matapos nitong mapahiya sa amin. Bagay lang iyon dahil bintangera siya.

Tingin ko ay paiyak na ito nang tumingin sa kuya ko. Nakakainis lang dahil hindi man lang siya kinastigo ng kapatid ko. Ito pa ang inalo at hindi ako.

“Freya, samahan mo si Pauline sa likod-bahay. Pahiramin mo rin siya ng panligong tapis,” utos ni Kuya sa akin. Padabog naman akong sumunod sa kapatid. Bisita sina Pauline kaya natural lang na alagaan ni Kuya.

___________________________

“CRUSH mo ba talaga si Kuya?”  tanong ko kay Pauline habang pinagbobomba ko siya ng tubig na panligo sa poso.

Oh, ‘di ba ang bait ko? Pinagsisilbihan ko pa siya sa kabila ng pang-aaway nito.

“Hindi ko siya crush, love ko siya,” sagot nito na ikinangiwi ko. Tinamaan nga talaga ang gaga.

Medyo tahimik pa ang bruha dahil sa nangyari kanina.

“Kawawa ka naman. Kasi sa nakikita ko’y parang batang kapatid lang ang trato ni Kuya sa’yo.”

“Nag-kiss na kami. Wala naman sigurong magkapatid na nagki-kiss. Alam kong gusto rin ako ng kapatid mo, pero dahil mas matanda siya sa akin, pinipigilan niya ang sarili. Pero naniniwala akong kami ang end game,” anito na ikinairita ko.

“Maligo ka na nga! Baka mainis pa ako sa kadaldalan mo,” asik ko sa babae.

Wala pa rin itong kibo nang magbasa ng buhok. Parang robot ngayon si Pauline at hindi ako sanay na tahimik ito.

Kaya naman nang nagbabanlaw na ito ng buhok ay kinuha ko ang bote ng shampoo at pasikretong pinatakan ang ulo niya. Impit akong tumawa nang tumawa habang nagbobomba ng tubig at siya naman ay nagsisimula nang magtaka sa bulang ayaw mawala sa buhok niya.

“Expired na yata ang baon kong shampoo,” sabi pa nito na muntik ko nang ikahagalpak ng tawa. Mabuti at nasa likuran niya ako.

Muli kong pinatakan ng shampoo ang buhok ng babae hanggang mainis na ito sa bula. Muling nabuhay ang mangkukulam na kulot.

Nang malingunan niya ang ginagawa ko ay ganoon na lang ang irita ni Pauline. Humalakhak ako pagkuwa’y napatili nang sabuyan niya ng isang baldeng tubig.

“Sh*t, Pauline, kaliligo ko lang!” reaksyon ko.

“Wala akong pake! Bruha ka talaga.”

Sinugod ako ng babae kaya nagtatakbo ako pabalik sa loob ng bahay at doon kami naghabulan na parang mga bata.

Nakaka-irita si Pauline pero masasabi kong nawala ang boredom ko sa pagbabakasyon sa hacienda dahil dito.

Lucas

“Salamat, Lucas. Sa susunod na linggo ulit. Aalis na ako,” ang nakangiting paalam sa akin ni Juliet. Nakangiti naman akong kumaway rito.

Nakakailang hakbang na ito nang biglang lumingon at pagkuwa’y bumalik sa akin.

“I-ilang taon na iyong bisita ninyo. Iyong si Pauline?” anito.

“Bakit?” taka kong tanong.

“Wala lang. Mukhang mas bata kay Freya.”

“Kaka-eighteen lang niya,” saad ko.

“Uhmm.” Tumango-tango ito. Mayamaya ay nag-aalangang idinagdag, “h-hindi ka naman siguro pumapatol sa bata, ‘di ba?”

Kumunot ang noo ko. “What are you trying to imply, Juliet?”

“I mean...” she sighed. “Look, Lucas, alam mong hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako sa’yo. And that girl—I mean, that kid is starting to get your attention.”

Nawala nang tuluyan ang ngiti sa aking labi matapos marinig ang sinabi ng babae.

“Juliet, matagal nang natapos ang relasyon natin. Wala na akong balak dugtungan pa iyon at tungkol naman kay Pauline—”

“Oh, Lucas, I’m sorry. Mali ako. Please, kalimutan mo na ang sinabi ko.”

“Tss.”

“We’re friends right?”

“Yeah...” mabagal kong tugon.

Nakahinga naman nang maluwag ang dalaga. “I got to go.”

NANG makasakay ng kabayo ang dalaga at mawala sa paningin ko ay saka ako pumasok ng bahay. Sumalubong sa akin ang madilim na sala. Alas nueve na ng gabi kaya malamang na tulog na ang mga tao roon.

Ngunit nang umakyat ako ng hagdanan ay nagulat ako nang makita sa dulo nito si Pauline. Nakaupo siya roon habang nakahalumbaba ang kamay.

“B-bakit gising ka pa?” tanong ko na bumagal ang paghakbang.

“Hinihintay kita.”

“Pero gabi na. Dapat ay natutulog kana—”

“Gusto kitang makita,” putol niya sa akin. “Lagi ka na lang wala rito sa bahay. Hmmmp,” simangot pa nito.

Bumuntong-hininga ako. Pagod ako at wala akong balak makipagtalo sa galit na bata. Pero batid kong hindi ako tatantanan ni Pauline hangga’t hindi ko siya pinagbibigyan.

“Ano ba iyon? May problema na naman ba kayo ni Freya?” Naupo ako sa tabi nito. Isang pagkakamali dahil nalanghap ko ang mabango nitong amoy.

“Uhmm...wala naman. Tungkol sa atin ang gusto kong pag-usapan natin.” Ito naman ang tumayo at pumuwesto sa harapan ko.

“Ayan kana naman—”

“Nagseselos ako kay Juliet!” putol niya ulit sa akin.

Napamaang naman ako sa narinig. Hindi ko alam ang dapat na isagot doon.

“Nakita ko kayo kanina. Anong ginawa niya sa kanluran at bakit gabi na kayong umuwi?” nakapamaywang nitong usisa.

Bakit kung magtanong ito’y daig pa ang pulis na nag-i-interrogate? Ang ikli-ikli ng biyas ay kung makapadyak na akala mo’y batang may tantrums.

“May itinuturo kasi ako sa kanya tungkol sa pagpapaanak ng mga hayop,” paliwanag ko na nakatingala rito. Mula sa liwanag na nagmumula sa labas ay aninag ko ang magandang mukha ni Pauline.

“Bakit ikaw ang kailangang magturo? Ang alam ko’y bet ang ate niya. Oh, baka naman ni-reason lang niya iyon para maglalapit sa’yo?”

Bigla ang pagtayo ko at nagulat naman ito kaya umatras ang kanyang paa, dahilan upang dumulas iyon sa baytang ng hagdanan. Mabilis naman akong kumilos. Agad ko siyang niyakap sa baywang at kinabig upang hindi mahulog.

“L-lucas...” anas ni Pauline.

Hindi naman ako nakakibo nang maisip ang magkalapat naming katawan. Langhap ko ang mabango niyang hininga, ramdam ko ang malambot niyang katawan. Pigil ko ang paghinga nang mga sandaling iyon.

Nang bigla ay umangat ang isang kamay ni Pauline pahaplos sa kanan kong pisngi. Hindi ko alam kung bakit ako pumikit nang gawin niya iyon. God knows, I want to hold her but I can’t.

Subalit ang ginagawa ng dalaga ay nagpapapatid ng natitirang pagtitimpi ko sa katawan. Naglakbay ang haplos nito sa aking panga, tumaas sa ulo ko at noo, pagkuwa’y bumalik sa pisngi. Muli iyong bumaba at dumako ang haplos niya sa aking labi. Napalunok ako dahil doon at biglang tumingala. Tulungan nawa ako ng Diyos na huwag patukso sa anak ni Tito Paolo.

Ngunit talagang tukso ang dalaga. Nang bumaba ang palad niya sa dibdib ko ay agad kong pinigilan iyon, subalit ganoon na lang ang pagkabigla ko nang kabigin niya ang aking batok at halikan ang aking labi.

Gusto ko siyang itulak ngunit natatakot naman akong tuluyan itong mahulog sa hagdanan. Ang sumunod na pangyayari ay hindi ko na alam. Basta nakita ko na lang ang mga anino namin na magkalapat. Hapit ko si Pauline sa baywang at inaangkin ang kanyang labi.

I kiss her toridly and taste every corner of her mouth. The same sweetness I had taste month ago. Tingin ko nga ay mas sumarap ang labi nito. Mas nakakabaliw, mas nakakawala ng pagtitimpi.

Humigpit ang hapit ko sa dalaga saka ako naupo sa baytang ng hagdanan dala-dala siya. Isiniksik ko siya sa gitna ng aking mga hita at pinagbuti ang paghalik dito.

Gumanti ito ng yakap at ipinatong ang magkabilang braso sa batok ko. Pinagapang ko naman ang isang palad sa likod nito habang ang kabila ay nakatuon sa baytang. Darang na darang na ako sa halik na pinagsasaluhan namin nang bigla ay mapatingin ako sa gilid ng hagdanan sa ibaba. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ang bodyguard ni Pauline. Nagtama ang paningin namin at tumalikod na ito paalis.

Awtomatiko kong tinapos ang halik kaya nagtaka ang dalaga.

“W-why?” she asked irritably.

Wala naman akong maisagot kaya tinulungan ko na lang itong tumayo. Ayokong tumingin sa mukha nito at baka madugtungan na naman ang kapangahasan namin.

Alam kong nagtataka si Pauline. May nais pa sana itong itanong nang ihatid ko sa tapat ng silid niya, pero mabilis na akong tumalikod. Habol ng sampung demonyo ang lakad ko palayo rito.

What have I done? Ano ang gagawin ko kapag nagsumbong si Jeremy sa daddy ni Pauline?

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.5K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]