Until I Get Over You

By Ulyca25

13.4K 1.9K 1.4K

Everything in her life is perfect. She's living the life that everyone dreams of. Then, Lucas came and made i... More

Until I get Over You
***
Prologue
Chapter - 1
Chapter - 02
Chapter - 03
Chapter - 04
Chapter - 05
Chapter - 06
Chapter - 07
Chapter - 08
Chapter - 09
Chapter - 10
Chapter - 11
Chapter - 12
Chapter - 13
Chapter - 14
Chapter - 15
Chapter - 16
Chapter - 18
Chapter - 19
Chapter - 20
Chapter - 21
Chapter - 22
Chapter - 23
Chapter - 24
Chapter - 25
Chapter - 26
Chapter - 27
Chapter - 28
Chapter - 29
Chapter - 30
Chapter - 31
Chapter - 32
Chapter - 33
Chapter - 34
Chapter - 35
Chapter - 36
Chapter - 37
Chapter - 38
Chapter - 39
Chapter - 40
Chapter - 41
Chapter - 42
Chapter - 43
Chapter - 44
Chapter - 45
Chapter - 46
Chapter - 47
Chapter - 48
Chapter - 49
Chapter - 50
Chapter - 51
Chapter - 52
Chapter - 53
Chapter - 54
Chapter - 55
Chapter - 56

Chapter - 17

268 45 28
By Ulyca25

Pauline

Gusto kong magpapadyak habang bumababa ng hagdanan patungo sa dining room. Naghilamos lang ako ng mukha dahil para nga pala talaga akong naaagnas na manika dahil sa natunaw na make up kagabi.

Sa sobrang pag-iyak ay hindi ko na nagawang maglinis ng katawan kagabi. First time na nangyari iyon. Ikaw ba naman ang alisan ng black card, makukuha mo pa bang maglinis ng sarili?

Hindi pa ako handang harapin si Daddy kaya lang ay natatakot akong mapadapa nito. Pinakaayaw pa naman niya ay iyong magpapasuwal sa pagkain.

Kaya naman busangot ang mukha ko habang naglalakad. Hindi na ako nagsuklay dahil kulot naman ang buhok ko. Hindi na iyon mahahalata. Isa pa’y babalik din naman agad ako sa kwarto pagkakain. ‘Di ba nga’y grounded ako! At kasalanan iyon ni Freya. Humanda ito sa akin kapag naka-move on na ang daddy ko sa napanood.

Alam kaya ng babae na kapatid niya ang kahalikan ko nang gabing iyon? Syempre malamang hindi. Alangan namang ipahamak nito ang sariling kuya. Salamat na lang talaga at nakita siya ni Emma. Kung hindi ay ano na lang ang magiging reaksyon ng mga bisita kapag napanood iyon.

Nakakainis lang dahil kapatid ito ni Lucas. Kahit gustong-gusto ko itong sampalin ay hindi maaari. Bilang soon to be hipag ay kailangan ko itong makasundo. Pasalamat ito at may pogi siyang kuya.

“Pauline, dalian mo ngang maglakad. Para kang bibi sa bagal!” ani Mommy nang matanaw ako.

Ang alam ko ay pagong ang mabagal maglakad pero dahil si mommy ang nagsabi, alright, bibi na kung bibi.

Pagpasok ko sa dining table ay saka ko nalaman na may bisita pala kami. Nakatalikod ito sa pinto kaya hindi ko agad nakilala. Baka si Xyren. Madalas kasi ritong makitulog ang binata.

“Morning...” pigil ang simangot na bati ko sa mga magulang. Iniiwasan ko talaga na mapasulyap man lang sa ama.

“Morning,” tugon ng isang malagong na tinig. Mabilis akong nag-angat ng tingin nang makilala ang boses na iyon at ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko’t bibig nang makita si Lucas.

Kung hindi ako nakakapit sa sandalan ng upuan ay tiyak na napahandusay ako sa sahig. Anong ginagawa rito ng lalaki?

“L-lucas?” sambit ko.

“May pinag-usapan kami tungkol sa VBC kaya maaga ko siyang pinabalik,” pagbibigay alam ni Dad subalit wala rito ang pansin ko, kun’di nasa binatang napakagwapo sa table namin. Pwede na itong isama sa mga putahing nakahain dahil yummy ito.

Tsk, Pauline...

“Kumain na tayo,” sabi ni Mommy kaya nabawi ko ang sarili. Iyon nga lang, nang maalala ang hitsura ay dagli kong nasuklay ang buhok gamit ang mga kamay.

Sh*t! Baka ma-turn of si Lucas sa hitsura ko ngayon.

Pinigilan ko ang pagnanais na bumalik sa itaas para magpalit ng damit. Baka magtaka sina Daddy, lalo na si Mommy na may pagkatsismosa pa naman. Tingin pa lang ay nababasa na nito ang lahat.

Kaya naman hindi ako nagpahalata habang kumakain kami. Nakayuko ako sa plato ngunit nasa binatang katabi ang tingin ko. Mahaba ang pilikmata ko kaya imposibleng mapansin ng magulang ang aking sinusulyapan.

Hays... What a fine man. Paano naging ganito kagwapo ang kapatid ni Freya na sa pagkakaalam ko’y malayong kamag-anak ni Tarzan. Naalala ko kasing Tarzan ang ipinangalan ko rito noon dahil palagi ito sa hacienda at madalang bumaba ng bundok. Bundok naman talaga ang lupain nila sa probinsya kaya nga ayaw ko roon. Pero ngayon ay parang mabibisita ko ang bayan ng aking ama.

“Psst. Pauline, bingot ka?” sita ni Mommy na ikinatingin ko rito.

“Ha?” maang ko.

“Ayusin mo nga iyang pagkain mo. Ang kalat mo!” anito.

Saka ko lang napansin na puro kanin ang tapat ng pinggan ko. Kasi naman ay kay Lucas ako nakatingin.

Pero nakakainis si Mommy. Ipinapahiya ako sa boyfriend ko.

“Kailan pala ang balik mo sa hacienda, Lucas?” tanong nito sa binata. Nagkaroon ako ng dahilan para malayang titigan ang huli.

Sus, gwapo!

“Kung ‘di po mamaya ay baka bukas nang madaling araw,” magalang na sagot nito kay Mommy.

Plus point. Syempre gusto ni Daddy na magalang ang magiging manugang niya at nakakuha ng puntos si Lucas doon.

Pero teka. Aalis na pala ito. Aalis ito nang hindi kami nagkakausap nang maayos. Tsk. Hindi naman yata pwede iyon.

“Lucas, p-pwede ba tayong mag-usap pagkakain?” wika ko matapos humugot ng lakas ng loob.

Kumunot ang noo ng lalaki. Nang tingnan ko naman si Daddy ay ganoon din ang ekspresyon ng mukha nito. Mabuti pa si Mommy, pokerface lang.

“Tungkol sana kay Freya,” mabilis kong pahabol.

“Grounded ka, ‘di ba?” paalala naman ng aking ina. Muntik ko na tuloy itong irapan.

“Mom, minutes lang naman, e!” labi ko.

“Bakit sa akin ka nagsasabi? Daddy mo ang kausapin mo.”

Sumimangot ako sa narinig. Nahuli ako ng ama kaya tumikhim ito.

“Kulang ba ang black card, Pauline, kaya nakabusangot ka? Mamaya ay wardrobe mo naman ang bibisitahin ko—”

“No, Daddy!” Napatayo ako sa sobrang pagsisisi. Hindi ko dapat ito sinimangutan.

Napapahiya na ako kay Lucas. Sana’y alukin na lang niya ako ng kasal para makawala ako sa bahay na ito.

Naku, kung ano-ano ang naiisip ko!

PAGKATAPOS kumain ay inaya ko si Lucas sa veranda. Presko na ako noon dahil nakapagbihis na ako nang maayos. Para akong dadalo sa party dahil naka-slit dress ako at five inches heels. Kung pwede nga lang ay nagpa-salon pa ako, kaya lang ay gagahulin sa oras.

“Ano ang pag-uusapan natin tungkol kay Freya?” tanong nito nang maupo kami.

“Wait. How do I look? Do you like my dress?”

He sighed na para bang biglang nainis. Natigilan ako sa reaksyon nito.

“You look great, kung iyan ang gusto mong marinig.”

Aba at bakit galit? Para sasabihin lang na maganda ako’y hindi pa magawa nang ayos. Hmmp!

“Thank you,” nakangiti ko pa ring wika sa kabila ng coldness nito. “Nga pala, hintayin mo lang akong magsabi kay Daddy ng tungkol sa iyo. Medyo mainit pa kasi iyong issue kaya—”

“You don’t need to do that. Ano ba iyong tungkol kay Freya?”

Tumikhim ako. Tingin ko ay wala sa mood ang binata. Nakakapanibago dahil hindi naman ito ganoon ka-cold noong una ko siyang makilala. He was so hot at that time.

“Iyon nga. Hindi ba naikwento ni Freya? Muntik lang naman niyang sirain ang party ko dahil sa video natin. Nagalit tuloy si Daddy kaya grounded ako. But don’t worry...I decided to forgive her na lang since kapatid mo siya.”

Muli itong bumuntong-hininga. “Pauline, ayokong sirain ang friendship n’yo ni Emma, pero naniniwala ako sa kapatid ko. Hindi niya magagawa iyon. Nasasa-iyo na lang kung ano ang mas paniniwalaan mo.”

Sabi ko na, e. Syempre kadugo nito kaya malamang na kampihan niya si Freya. Imposibleng si Emma dahil mahal ako n’on. Si Freya lang naman ang hater ko.

Pero para kay Lucas, kalilimutan ko ang ginawa ng bruha.

“Okay, okay. Ayos na iyon. Wala na sa akin iyon. Ang importante’y hindi natuloy ang balak niya.”

“Hindi mo ba iimbestigahan ang totoo?”

Nawala ang ngiti ko sa narinig. Pagkuwa’y alanganing umiling. Sa isip ko kasi ay naka-fix na nasi Freya ang salarin. Ayokong mag-isip nang iba. Hindi ko kaya kung sakaling malaman ko na inosente ito. Ayokong mawala sa akin si Emma. She’s the best girl na nakilala ko at para sa akin ay napaka-perfect niya. I also adolizing her. Ayokong masira iyon dahil lang sa video na iyon.

“P-pauline,” tawag ng binata.

“From now on makikipagkasundo na ako kay Freya, alang-alang sa’yo...”

“Tsk.”

“Ayaw mo ba?”

“Wala naman kayong dapat pag-awayan in the first place e. Aalis na ako—”

“Teka, teka!” pigil ko sa braso nito. Pareho kaming nagulat nang tila mapaso sa isat-isa.

Hala, ano iyon? Bakit may spark?!

“Ano pa?” he impatiently asked.

“Hindi pa natin napag-uusapan ang tungkol sa ating dalawa. Babalik kana agad ng hacienda, paano ako?”

“Anong paano ka?” maang nito. “Pauline, wala tayong relasyon,” pabulong na saad ng binata.

“No! First kiss kita kaya boyfriend na kita!”

Napabuka ang bibig ni Lucas dahil doon, pero wala akong pakialam. Si Lucas ang gusto ko at kahit anong mangyari ay sa akin siya babagsak!

INIHATID ko nang tanaw ang pag-alis ni Lucas mula sa aking silid. Nakadama ako ng lungkot nang mawala ito sa paningin ko.

Mayamaya ay kinuha ko ang laptop at nakipag-video call kay Dale. Hindi naman ipinagbawal ni Daddy ang bisita pero mas okay na huwag muna itong dumalaw sa akin.

“Galing dito si Lucas,” kwento ko sa kaibigan.

“Talaga? Ang aga naman. Gabi ang ligaw, ‘di ba?” biro nito.

“Hmm...Okay nga sana kung gano’n. Ang cold-cold niya no’ng kausapin ko.”

“Ha?”

“Akala ko ba’y kinausap mo siya? Sinabi mo ba na peke lang iyong relasyon natin?”

“Oo, sinabi ko.”

“Bakit ganoon? Parang nag-back to zero kami?” buntong-hininga ko.

“Back to zero? Ano iyon game?”

Hindi ko sinabayan ang tawa ng binata kaya sumeryoso na ulit ito.

“Pauline, masyadong malaki ang agwat ng edad niya sa atin. Sa tingin mo ba ay seseryosohin niya ang batang tulad mo?” biglang saad ni Dale na ikinatigilan ko.

“What do you mean?”

“Iyong ganoong edad niya dapat ay may asawa na. Kade-debu mo pa lang. Syempre ang gusto n’on ay kaedaran din niya.”

“Paano mo naman nasabi? Hmmp!”

“The way he talked about you—parang...” Hindi nito maituloy ang sasabihin.

“Parang ano, aber?” nakapamay-awang kong gagad sa kausap.

“Parang hindi ka niya gustong patulan.” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. “Look, I’m just telling the fact—”

“Anong fact d’on? F*ck you ka!”

Ito naman ang nandilat ang mga mata dahil sa aking sinabi. Maging ako ay nabigla sa sariling bibig. Nagpalingon-lingon pa ako sa takot na baka may nakarinig ng aking pagmumura.

“Yana Pauline!”

“Goodbye, Dale Madrigal! Hindi na tayo bati!” asik ko saka pinutol ang tawag.

UNANG beses na hindi ako sumabay kay Dale pagpasok sa school. Sinadya kong umalis nang maagang-maaga para hindi nito abutan. Naiinis ako sa kaibigan dahil hindi ko matanggap ang mga sinabi nito, na walang pagtingin sa akin si Lucas. Hindi man direkta pero parang ganoon na rin ang sinabi niya.

Ah basta! Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao ay iyong puso ko ang pakikinggan ko. I can feel it. May katugon ang damdamin ko kay Lucas. May got feel ako na pinipigilan lang nito ang sarili. Baka dahil sa daddy ko o sa ano mang bagay na ikinatatakot nito.

Imposibleng wala siyang gusto sa akin, no! Sa ganda kong ito! Para siyang tumanggi sa grasya. Hmmp!

Pagkapasok ng classroom ay nakita ko si Freya. Nagtama ang paningin namin at hindi ko inaasahan na iirapan ako ng babae. Dahil maaga pa ay lilima pa lang kaming naroon.

Ito pa ang galit samantalang ako ang na-grounded sa bahay dahil sa kagagawan nito. Hanggang ngayon nga ay wala pa sa akin ang black card ko.

Nilapitan ko ito at ganoon na lang ang kanyang iritasyon. Umakma itong aalis ngunit pinigilan ko siya sa isang kamay.

“This is harassment!”  anito.

“Ang OA, ha! Bakit ganyang ang ugali mo? Hindi ba dapat ay ako ang nagagalit matapos mong pagtangkaang sirain ang party ko?!” saad ko.

“What? And you really believe na ako ang may kagagawan n’on?”

“Yes, of course.”

She sighed, at tila tinitimpi ang sariling tumingala sa ceiling ng classroom.

“Ngayon ay napatunayan ko na kung gaano ka kat*nga!”

“Ano?” maang ko. Konti na lang ay sasabunutan ko na ang babae.

Hold yourself, Pauline. Kapatid ni Lucas iyan! sabi ko pa sa isip.

“Emma hates you! I don’t know why pero sure akong may itinatago siyang galit sa iyo. Alam mo ba kung saan niya dinadala ang mga regalo mo sa kanya? Sa basurahan lang naman. Ilang beses ko na iyong nakikita. Ngayon mo sabihing kaibigan mo talaga siya!”

Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa ibinunyag ni Freya. Gusto kong paniwalain ang sarili na naninira lang ito. Gusto lang nitong linisin ang pangalan. Nagsisinungaling ito para masira ang friendship namin ni Emma. Pero papaano kung nagsasabi ito ng totoo?

NAGKAROON tuloy ako ng ibang isipin bukod kay Lucas. Habang kasabay ko si Emma sa pagkain sa cafeteria ay hindi ko mapigilang magmasdan ito. Napakatagal na naming magkaibigan. Ito ang itinuturing kong girl bestfriend. She loves me and she’s always helping me. Kaya napaka-imposible ng mga sinabi ni Freya.

“B-bakit?” tanong nito nang mapuna ang matiim kong titig.

“W-wala.”

“Next week na ang sem break. May plano kana bang pupuntahan?”

“Ha...ah, eh... Sa bahay lang siguro.”

Tumango-tango ito. Nanatili akong nakatitig sa kaibigan.

“C’mon. Nakakailang ang titig mo. Ano ba kasi iyon?” anito na itinigil ang pagkain.

“Si Freya kasi, e...” nasabi ko.

“Ano na naman ang ginawa ng babaeng iyon?” madilim ang mukhang reaksyon nito.

I smiled at her. “Huwag mo na lang alamin at baka ma-high blood ka pa,” pabiro kong sagot.

“Pauline, sabihin mo sa akin. Hindi ako papayag na may sumira sa iyo kahit pa ang Freya na iyan.”

“W-well...s-sinabi niya na ikaw raw ang tunay na salarin sa video namin ni—”

“Talagang iginigiit niya iyon, ha!” Hinawakan nito ang kamay ko. “Don’t believe her. And please, mag-ingat ka sa kanya! Hangga’t maari ay umiwas ka or lumayo kay Freya. Baka sa susunod ay higit pa sa video ang gawin ng babaeng iyon,” nag-aalalang payo pa nito. Natutuwa ako sa ipinapakita nitong concern. Paano ko paniniwalaan si Freya gayong umpisa pa lang ay si Emma na ang totoong kaibigan ko?

“Gustuhin ko mang iwasan ang babaeng iyon ay imposible na sa ngayon,” buntong hininga ko.

“Why? Tutulungan kita kung gusto mo.”

“Emma...kasi ano, e...”

“Ano?”

“Kapatid kasi niya si Lucas...”

Kumunot nang todo ang noo ng kaibigan.

“Lucas?...”

“Lucas Delgado. Siya ang lalaking kasama ko sa video.”

Continue Reading

You'll Also Like

11M 356K 70
What he wants. He gets... By hook or by Crook
3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
57.1K 1K 26
A story of a famous 'Queen' who is married to the famous 'Mr. Playboy'. What will happen to their married life?