Until I Get Over You

By Ulyca25

14.3K 1.9K 1.4K

Everything in her life is perfect. She's living the life that everyone dreams of. Then, Lucas came and made i... More

Until I get Over You
***
Prologue
Chapter - 1
Chapter - 02
Chapter - 03
Chapter - 04
Chapter - 05
Chapter - 06
Chapter - 07
Chapter - 08
Chapter - 09
Chapter - 10
Chapter - 11
Chapter - 12
Chapter - 13
Chapter - 14
Chapter - 16
Chapter - 17
Chapter - 18
Chapter - 19
Chapter - 20
Chapter - 21
Chapter - 22
Chapter - 23
Chapter - 24
Chapter - 25
Chapter - 26
Chapter - 27
Chapter - 28
Chapter - 29
Chapter - 30
Chapter - 31
Chapter - 32
Chapter - 33
Chapter - 34
Chapter - 35
Chapter - 36
Chapter - 37
Chapter - 38
Chapter - 39
Chapter - 40
Chapter - 41
Chapter - 42
Chapter - 43
Chapter - 44
Chapter - 45
Chapter - 46
Chapter - 47
Chapter - 48
Chapter - 49
Chapter - 50
Chapter - 51
Chapter - 52
Chapter - 53
Chapter - 54
Chapter - 55
Chapter - 56
Chapter - 57
Chapter - 58

Chapter - 15

232 47 35
By Ulyca25

Emma

Impit akong napatili nang bumagsak ako sa malamig na tubig ng swimming pool sa bakuran ng mga Villanueva. Ganoon na lang ang aking pagkapahiya nang matuon ang pansin ng mga tao sa akin.

Sa halip naman na ma-guilty ay pinagtawanan pa ako nina Tonet. Pinaligiran ako ng mga ito habang nakahalukipkip at may ngisi sa labi.

“Tsk. Kahit sa swimming pool nina Pauline ay hindi ka bagay. Tingnan mo nga ang sarili mo!” ang mapangmatang saad ng babae na ikinatawa ng ilang kamag-aaral.

Naikuyom ko ang kamao. Sanay na ako sa pangbu-bully nila kaya balewala na sa akin ang ginawa ng mga ito. Kahit kailan ay hindi ko ipakikita ang aking kahinaan. Hinding-hindi ako iiyak kahit ano pa ang gawin nila sa akin.

“Iyan ang nababagay sa iyo, Emma. Layuan mo na si Pauline dahil hindi kayo bagay maging magkaibigan. Para ka lang basahan sa mamahaling porselana tuwing magkasama kayo!”

Nagngalit ang bagang ko sa narinig. Gusto kong sumagot ngunit tinimpi ko ang sarili. Sino ba ang nagsabing gusto kong maging kaibigan si Pauline? Ito ang dahilan kaya lalo akong binu-bully ng mga estudyante sa school.

Sawang-sawa na akong ikumpara sa dalaga! Pero dahil gusto kong makapagtapos ng pag-aaral ay tinitiis ko ang pakikipaglapit dito. Kahit ang totoo ay sukang-suka na ako sa pakikisama sa babae.

Alam kong kung ikukumpara kay Pauline ay isa lamang akong putik. Ni dulo ng buhok ko’y hindi maaaring ikumpara sa kanya. Ngunit gusto kong ipagsigawan sa lahat na hindi perpekto ang iniidolo nilang babae. Na tulad ng lahat ay marami rin itong kapalpakan. Na hindi totoo ang good girl image na ipinakikita nito sa mga tao.

Inosente at classy kung ilarawan si Pauline sa school namin. Pero bakit nagawa nitong makipag-make out sa estrangherong kakikila-kilala pa lang nito sa bar?

Lingid dito ay madalas ko na siyang subaybayan. Muntik ko na ngang mapaniwala ang sarili na matino ito. Ngunit walang ganoong tao. Kaya naghintay ako ng pagkakataong mapatunayan sa lahat na hindi puro ang kadalisayan ni Yana Pauline Villanueva.

Hanggang sa masaksikan ko nga ang nangyari sa Eco Bar. I was so shock at hindi halos makapaniwala nang makita ko itong may kasamang lalaki. Hindi ko man namukhaan ang binata ay batid kong hindi sila literal na magkakilala. Agad kong kinuhanan ng video ang nangyari.

Balak kong ipanood iyon sa mismong kaarawan ni Pauline, subalit dahil kay Freya ay naunsyami ang plano ko. Palagi na lang umaayon kay Pauline ang lahat at lalo ko lamang itong kinasusuklaman dahil doon.

Isa-isa kong tiningnan ang mga kamag-aaral na nakapaligid sa akin. Lahat ay may ngisi sa mga labi. Ang mga mata nila ay puro panlilibak ang nakalarawan. Kahit anong gawin ko ay ayaw nila sa akin dahil sa pagiging anak-mahirap ko.

“Wala ka bang balak umahon? Nagkakadumi na iyong pool, o!” sabi ng isang babae na hindi ko matandaan ang pangalan.

Lumangoy ako patungo sa gilid at nang iahon ko ang katawan ay may tumulak ulit sa akin dahilan para muli akong bumalik sa tubig. Sa pangalawang pagkakataon ay narinig ko ang tawanan ng mga ito. Halos maubo naman ako nang ilutang ang sarili.

Nang muli akong humawak sa gilid ng pool ay may umapak ng isa kong kamay. Napangiwi ako sa sakit subalit walang tinig na lumabas mula sa akin. Matalim na tingin ang ibinigay ko kay Tonet na siyang may ari ng sapatos.

“Anong nangyayari dito?!”

Natigilan ang lahat nang marinig ang baritonong boses. Nagkanya-kanyang alisan ang iba na halatang natakot sa bagong dating. Pagkuwa’y isang lalaki ang namataan kong lumalapit sa amin. Hindi lang basta lalaki. Gwapo at matikas na lalaki na may mga matang sing-itim ng gabi.

Tumigil ang tingin nito sa akin at hindi ko inaasahan ang pagbilis ng kabog ng aking dibdib nang magkatitigan kami. Unang beses kong naramdaman ang ganito kaya saglit akong natilihan.

“A-ah...eh. M-mister...” nauutal na sambit ni Tonet. Tingin ko ay naging mapungay ang mga mata nito.

“Kuya ni Freya. Ang gwapo lalo sa malapitan,” rinig kong bulong ng isa.

Kumunot tuloy ang noo ko habang nakatitig dito. Kapatid ito ni Freya? Ngayon ko lang nakita ang kuya ng huli kahit balitang ilang beses na itong napapatawag sa school dahil sa kabalbalan ng kapatid.

“Wala rito ang party kaya bakit dito kayo nag-uumpukan?” istriktong saad ng binata. Para itong magulang kung magsalita kahit halata naman na hindi ganoon kalaki ang agwat ng edad namin sa kanya.

“Nagkakatuwaan lang kami para sa pool party mamaya,” mabilis namang pagsisinungaling ni Tonet. “You’re Lucas, right? Ako nga pala si Tonet. Friends kami ng sister mo,” nakangiting dagdag pa nito.

Hindi naman kumibo ang lalaki. Matiim nitong tiningnan isa-isa ang mga naroon.

“Siguraduhin n’yong walang bullying na nangyayari dito. Kapag nakarating ito sa parents ni Pauline ay hindi na ulit kayo makakatapak sa bakuran na ito!”

Natakot ang mga nakarinig saka nagmadaling lumayo at bumalik sa loob. Nang kami na lang ang naiwan ay bigla itong yumuko at naglahad ng palad sa akin.

Maang akong napatitig sa palad na iyon. Ang tanging palad na nag-alok ng tulong sa akin. Sa kabila ng pagkakaisa ng lahat laban sa akin ay kung bakit bigla akong nakadama ng tuwa dahil sa pagdating ng binata.

Nang makaahon sa pool dahil sa tulong ni Lucas ay saka ko lang naramdaman ang pangangatal ng katawan. Nasorpresa akong muli nang hubarin ng huli ang coat na suot at walang pag-aalinlangang ibinalabal sa balikat ko.

“Did they bully you?” may pag-aalalang tanong nito.

“H-hindi. N-nadulas ako kaya nahulog sa pool,” pagkakaila ko na hindi magawang salubungin ang titig niya.

“Sigurado ka? Pwede ko silang isumbong sa school kung binu-bully ka ng mga iyon.”

“S-salamat po pero nadulas lang talaga ako kanina,” giit ko. May mainit na bagay akong naramdaman sa dibdib dahil sa concern na nakapaloob sa boses ng lalaki.

“Lucas ang pangalan ko. Huwag mo na akong po-po-in pero okay lang na kuya ang itawag mo sa akin since medyo matanda ako sa inyo,” anito na ikina-angat muli ng aking tingin dito.

“O-okay... My name is Emma. Friend ni Pauline.”

Mayamaya ay inalalayan niya ako palabas ng bakuran. Sinabi ko rito na pauwi na ako matapos tumanggi sa alok nitong magpalit ng damit sa loob.

“May sasakyan ka ba pauwi?” usisa pa nito.

Mapakla naman akong natawa. “Sa hitsura ko’y mukha ba akong may sasakyan? Sorry pero ako lamang ang poor na imbitado sa party na ito,” tugon ko.

Hindi ko nais pakitaan ng kagaspangan si Lucas subalit nanumbalik ang bitterness sa dibdib ko dahil sa binanggit niya.

“Don’t tell me na naglakad ka lang patungo rito kanina?”

“Ha?”

Nagbibiro ba ang binata? Bakit nakangiti ito at bakit parang gusto ko ring gantihan ang ngiting iyon?

“Magpapatawag ako ng taxi,” anito at hindi na hinintay ang aking sagot. Kinausap nito ang mga guard sa gate upang tumawag ng taxi.

Naupo muna kami sa gilid ng kalsada habang hinihintay ang pagdating ng taxi. Hindi ko maintindihan ang sarili. Nilalamig ako pero para akong nag-iinit ang mukha tuwing mapapasulyap sa katabi. Nakita ko rin naman kung gaano kagwapo ang kuya ni Pauline kanina pero bakit kay Lucas lang ako nakadama nang ganito?

“Bakit?” walang ano-ano ay nanulas sa labi ko.

“Ha? Anong bakit?” maang niyang tanong.

“Bakit mo ako tinutulungan? Pwede mo naman akong iwan na lang dito. Baka hinahanap kana sa party,” saad ko sabay iwas ng tingin.

Bigla nitong ginulo ang ibabaw ng buhok kong basa.

“Babakit ka pa. Masama bang tulungan kita? Kahit hindi mo aminin ay alam kong bin-ully ka ng mga iyon. I was wondering kung may nambu-bully rin sa kapatid ko.”

“S-si Freya?”

“Yeah. I saw her in you kanina. Kahit pagtulungan iyon ng lahat ay hinding-hindi iyon umiiyak sa harap ng mga nang-aaway sa kanya. Saka lang iyon iiyak kapag nasa kwarto na.”

Nahigit ko ang paghinga sa narinig. Ganoon din pala si Freya.

“Hindi ako naniniwalang may nambu-bully kay Freya. Siya ang madalas umaway kay Pauline noon pa man, e.”

Tumawa si Lucas at lalo akong napatitig dito. Hindi ko alam na may ganoong kagandang tawa ng isang lalaki. Buo at lalaking-lalaki.

“Nami-misunderstood lang ng lahat ang kapatid ko. Iyong issue nila ni Pauline—ahm...mahirap ipaliwanag pero parang away bata lang iyon. Kilala ko ang kapatid ko. Ganoon siya kapag naghahanap ng pansin pero hindi siya masamang tao.”

Napayuko ako. Tiyak na isusumbong ni Freya sa lalaki ang nangyari kanina. Dapat ay wala akong pakialam doon pero bakit parang ayaw kong masira sa paningin ni Lucas? Anong ibig sabihin ng nararamdaman kong ito?

Nang dumating ang taxi ay halos ayaw ko pa sanang umalis. Kumaway pa si Lucas bago iyon umandar palayo. Habang nasa byahe ay hindi na mawala sa isip ko ang gwapong mukha ng binata. Kasabay ng pagyakap ko sa sarili gamit ang coat na ipinahiram nito. Nakalimutan ko pala iyong isoli kanina.

Lucas... Nasambit ko.

Lucas

Pagkabalik sa loob ng mansion ay agad kong hinanap si Freya subalit may nakapagsabi sa akin na ipinatawag pala ito ni Tito Paolo. Nagpasya akong maghintay na lang sa kapatid sa gilid ng fountain habang umiinom ng alak.

Nakapagtataka dahil hindi ko na nakita pang muli si Pauline sa party. Si Tito Paolo lang ang namataan kong nag-i-entertain sa mga bisita at nakakapanibago ang dilim sa ekspresyon ng mukha nito.

Ilang sandali ay nilapitan ako ni Dale. Seryoso ang mukha nito nang ayain ako sa parteng walang tao. Alam kong tungkol kay Pauline ang sasabihin niya kaya sumama ako.

Nakakailang lang ang kaseryosohan ng binata. Galit ba ito dahil sa nangyari sa amin ng girlfriend niya? Sabagay sinong matutuwa roon?

“K-kuya Lucas—”

“Hindi ko alam na ikaw ang anak ni Tito David. Happy birthday nga pala and I’m sorry. Sorry sa nangyari sa amin ni Pauline sa Eco Bar.”

“Ha?”

“Hindi ko alam na girlfriend mo siya. Single ang pakilala niya sa akin at hindi ko rin alam na anak siya ni Tito Paolo. She lied to me. Sabi niya ay Twenty Four years old na siya at kapatid ka raw niya.”

Alam kong awkward pero kailangan kong magpaliwanag kay Dale. Bilang lalaki ay dapat lang na linawin ko rito ang nangyari. Ayokong lumabas na mang-aagaw.

“Mukha ba siyang Twenty Four, Kuya? Mga team mate ko nga’y dose anyos lang ang tingin sa kanya,” anito na may himig sarkastiko.

Lihim ko namang kinagalitan ang sarili. Of course that was my only excuse. Alam kong nagsisinungaling lang si Pauline noon pero dahil intresado ako sa kanya ay hindi ko na iyon pinansin pa. Higit pa sa fatal attraction ang nararamdaman ko ngunit kailangan ko na iyong putulin agad.

“Nagsinungaling siya dahil in love siya. Ngayon lang siya nagkagusto sa isang lalaki kaya hindi niya alam ang dapat gawin. Wala pa siyang kamuwang-muwang sa ganoong bagay kaya nawalan siya ng control sa sarili. Pero hindi easy to get ang kaibigan ko. She’s the most purest and innocent girl in the world. Huwag naman sanang bumaba ang tingin mo kay Pauline dahil sa pagpapaubaya niya sa iyo noon.”

“Teka, teka!” naguguluhan kong saad sa binata. Bakit ganoon ang sinasabi nito?

“Noong gabing iyon ay nakahalata si Tita Yuna na may sinamahan siyang lalaki. Pero dahil hindi ka na nagparamdam sa kanya ay napilitan siyang gamitin ako para magpanggap na boyfriend niya. Ayaw niyang ma-disappoint ang daddy niya pero ngayon ay nasira siya nang tuluyan dito at dahil sa iyo iyon,” anito na ikinakunot ng noo ko. Pinilit kong huwag pansinin ang tuwa sa nalaman na hindi sila totoong magnobyo.

“What do you mean, Dale?”

“May kumuha ng video sa inyong dalawa noong nasa parking lot kayo ng Eco Bar at kung hindi nakita nina Tito Paolo ay baka napanood na ng lahat ngayon.”

“Ano?” Pagkagimbal ang naramdaman ko sa narinig. Wala sa loob na napatingala ako sa taas ng mansion. Nasaan na ngayon si Pauline?

“Galit na galit si Tito Paolo at grounded na si Pauline mula sa araw na ito.”

“Sino ang kumuha ng video? Paano iyon nakalusot dito?”

Naging mailap ang tingin ni Dale kaya matiim ko siyang tinitigan sa mga mata.

“H-hindi malinaw kung sino kina Emma at Freya ang may balak ng masama sa party ni Pauline.”

“What? S-si Freya?”

“Nahuli sila nina Tito at nagtuturuan sila kung sino ang totoong may masamang balak.”

“Kung ganoon ay alam na nina Tito Paolo ang tungkol sa nangyari sa amin?”

“Hindi ka namukhaan dahil madilim doon. Hindi rin umamin si Pauline kaya lalong nakagalitan.”

Napatiim bagang ako. “I will talk to Tito Paolo. Kaya kong ipaliwanag ang lahat—”

“Huwag mong gagawin iyan!” pigil nito nang akma akong aalis.

“He needs to know the truth.”

“Sinabi ko ito sa iyo para kausaping maigi si Freya. Alam kong hindi titigil si Tito sa pag-iimbestiga. Ayokong masira si Freya sa daddy ni Pauline dahil malapit siya rito. Iyong tungkol naman sa inyo ay hayaan mong si Pauline ang magsabi ng totoo.”

Hindi ako naniniwalang kaya iyong gawin ng kapatid ko. So, is it Emma? Ito iyong nakilala ko kanina? Sa pagkakaalam ko ay close friend ito ni Pauline. Kaya sino ang totoong salarin?

“Maling-mali. Ako ang lalaki kaya dapat na ako ang umayos nito—”

“Tama naman. Pero maghintay ka ng signal ng bestfriend ko. Kung aamin ka ngayon kay Tito Paolo, sa tingin mo ba ay makakauwi ka pang single?”

Natigilan ako sa sinabi ng lalaki. Isip-bata itong kumilos pero napaka-matured magsalita. On point at may sense ang lahat ng lumalabas sa bibig nito.

“Ang gusto kong malaman ay kung ano ang nararamdaman mo para sa kaibigan ko? Handa ka bang panindigan siya kay Tito Paolo kung sakali?”

Natilihan naman ako sa mga tanong na iyon. Wala akong balak makipagrelasyon lalo na sa batang-bata at kade-debu palang na tulad ni Pauline. Pero paano ko ipaliliwanag kay Tito Paolo ang nangyari sa amin sa Eco Bar?

“Kung wala kang nararamdaman para kay Pauline ay walang saysay ang pag-amin mo. Mas mabuting kalimutan mo na lang ang nangyari at huwag nang magpakita pa sa kanya.”

“Pero malalaman din iyon ni Tito!”

“Ako na ang bahala. Sisiguraduhin kong hindi ka niya mapaghihinalaan.”

Continue Reading

You'll Also Like

135K 3.7K 35
[COMPLETED] Fiarra Charlotta Shryte, a 20 year old woman and Lurd Demhon Verotome Scendon, a 23 year old man... Magmamahalan at masasaktan. Paghihiw...
881K 40K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.3M 19.2K 41
Dice and Madisson
1.1K 64 35
Every Flower Crown owner has its own love stories to tell. β€’Photo not mine