Until I Get Over You

Oleh Ulyca25

13.4K 1.9K 1.4K

Everything in her life is perfect. She's living the life that everyone dreams of. Then, Lucas came and made i... Lebih Banyak

Until I get Over You
***
Prologue
Chapter - 1
Chapter - 02
Chapter - 03
Chapter - 04
Chapter - 05
Chapter - 06
Chapter - 07
Chapter - 08
Chapter - 09
Chapter - 11
Chapter - 12
Chapter - 13
Chapter - 14
Chapter - 15
Chapter - 16
Chapter - 17
Chapter - 18
Chapter - 19
Chapter - 20
Chapter - 21
Chapter - 22
Chapter - 23
Chapter - 24
Chapter - 25
Chapter - 26
Chapter - 27
Chapter - 28
Chapter - 29
Chapter - 30
Chapter - 31
Chapter - 32
Chapter - 33
Chapter - 34
Chapter - 35
Chapter - 36
Chapter - 37
Chapter - 38
Chapter - 39
Chapter - 40
Chapter - 41
Chapter - 42
Chapter - 43
Chapter - 44
Chapter - 45
Chapter - 46
Chapter - 47
Chapter - 48
Chapter - 49
Chapter - 50
Chapter - 51
Chapter - 52
Chapter - 53
Chapter - 54
Chapter - 55
Chapter - 56

Chapter - 10

256 46 31
Oleh Ulyca25

Pauline

Kanina pa ako sinesenyasan ni Dale ngunit sadya ko iyong iniwasan. Wala tuloy ideya ang kababata nang maupo ito sa harap ni Daddy. Matamis naman ang ngiti ni Mommy habang inaasikaso sa pagkain ang binata. Pinipigilan ko lang ang mangiwi dahil ayokong makagalitan ng ama.

Si Mommy naman kasi! Kadarating lang ni Daddy pero maling tsismis agad ang sinabi nito. Hindi ko alam kung papaano itutuwid ang maling akala niya sa amin ni Dale dahil hindi ako tinawagan man lang ni Lucas pagkatapos ng nangyari sa Eco Bar.

Down na down ako nang nagdaang araw at wala na akong pakialam sa piligid. Hanggang makabalik nga ng bansa ang aking ama at nalaman nito ang relasyon ‘di umano namin ni Dale. Hindi ko masabi kung galit o natutuwa ito sa nalaman dahil sobrang tahimik ni Daddy mula pa kahapon.

Mabuti na ring si Dale muna ang iharap ko sa kanya para alam ko na ang magiging reaksyon nito kapag ipinakilala ko na si Lucas.

“H-hi, Tito, nakabalik na pala kayo...” alanganing bati ni Dale kay Daddy.

“Yeah. Bakit? Ayaw mo pa ba akong bumalik?” himig sarkastikong tugon ni Dad sa kaibigan ko.

“Ho? Hindi naman po. Nabigla lang...”

“Tsk!” iling ni Dad.

Lalo akong napangiwi. Yari ako kay Dale nito kapag nagkaalaman na. Sisihin niya ang mga mommy namin. Sukat lumiban agad sa kabilang bahay ang mommy ko nang mapaniwala ang sariling may relasyon kami. Tuwang-tuwa ang dalawa at naging balae agad ang tawagan.

“Hows your study now, Dale?” mayamaya ay usisa ni Dad na ang tono ay iyong parang nag-i-interogate. Patay-malisya lang ako habang kumakain.

“O-okay naman po.”

“Anong ibig sabihin ng okay mo?”

“M-maayos naman po ang grades ko. Medyo naka-focus ako ngayon sa sports kaya—”

“May maitutulong ba ang sports sa DMCC balang araw?”

Yari na talaga!

“Ho?” Natulala tuloy si Dale. “N-napapagsabay ko naman po sila kaya wala akong nakikitang problema—”

“Masyado ka palang abala sa school, kaya siguro kahit isang dalaw lang dito sa bahay ay hindi mo nagawa para man lang sana manligaw bilang respeto kahit sa akin man lang!”

Napapikit ako nang mariin dahil sa madidiing mga sinabi ni Daddy.

“M-manligaw po? K-kanino?”

“P-paolo, tinatakot mo naman si Dale...” awat ni Mommy rito. “Gen Z na kasi ngayon, hindi na masyadong uso ang ligaw-ligaw—”

“Tuwang-tuwa ka pa, Yuna! Anong GenZ pinagsasabi mo?” Tumayo si Daddy kaya napatayo rin kaming mag-ina. Si Dale ay wala pa ring maunawaan habang palipat-lipat ng tingin sa amin.

“Kung hindi mo ako mapapakitaan ng magandang grado sa school ay tigilan mo ang anak ko! Masyado pa kayong bata para sa relasyon na iyan! Unahin n’yo ang pag-aaral!” pagkasabi niyon ay nag-walk out si Daddy. Umalis ito matapos akong iwanan ng nadi-disappoint na tingin.

“PAULINE, anong kasalanan ko sa iyo para gawin mo sa akin ito?” mangiyak-ngiyak na reaksyon ni Dale habang magkaharap kami sa sala.

Napakagat labi ako sabay sulyap sa mga parents namin na magkakausap sa itaas ng bahay. Kung makasugod sina Tito DM at Tita Luzy ay para bang kasal namin ni Dale ang nakasalalay roon. Tsk! Ayon at inaamong maigi ng ama nito ang aking daddy.

“Dale, wala akong ginawa. Si Mommy ang nag-assume at paano ko itutuwid ang maling paniniwala niya kung ni anino ng boyfriend ko’y hindi na nagpakita sa akin? Hindi man lang niya ako tinawagan!” simangot ko.

“Kaya ako ang problemado ngayon? Pauline, naman! Napahiya ako sa daddy mo!”

“Hayaan mo na lang muna silang mag-isip na may relasyon tayo. Wala namang mawawala—”

“Anong wala? Maraming magbabago dahil sa ginawa mo!”

“Ano bang gusto mong gawin ko, ha? Sabihin ko sa kanilang hindi ikaw ang kasama ko nang gabing iyon? Itatanong nila kung sino at anong isasagot ko? Malalaman ni Dad na nagtungo ako sa Eco Bar! Baka ma-grounded ako sa bahay at tiyak na kukunin niya ang blackcard ko!”

“Kaya okay lang sa iyo na ako ang magulpi ng daddy ko?”

“OA mo! Tingnan mo nga at walang paglagyan ang tuwa ni Tito David. Botong-boto sa akin ang parents mo. Ang ganda ko naman kasi talaga...” confident ko pang dagdag.

“Ganda mong sabunutan!”

Sumimangot ako sa kaibigan. “Halika na. Tawag na tayo nina Mommy,” aya ko saka ito hinila paakyat ng hagdanan.

Tumabi kami ng upo sa mga parents namin na noon ay kasalukuyang nagdidiskusyon. Para naman kaming ikakasal kung magharap-harap ang mga ito.

“Paolo, tingnan mo naman ang anak ko. Gwapo, macho, varsity player, mabait. Hindi lugi si Pauline,” tila pangungumbinsi ni Tito DM kay daddy.

“Tsk!” iling ng aking ama.

“Paolo, naiintindihan ka namin dahil babae ang sa inyo. Pero hindi naman tama na makialam tayo sa relasyon ng mga bata. Kahit papaano ay may utak na ang mga iyan. At sigurado kaming hindi lolokohin ni Dale si Pauline,” segunda ni Tita Lucy.

“Tama si Balae, Paolo,” ani Mommy ngunit inirapan lang siya ng huli.

Matagal na katahimikan ang sumunod, pagkuwa’y huminga nang malalim si Daddy tanda ng pagsuko nito. Nakahinga kami nang maluwag dahil doon.

Paolo

“D-daddy...”

Itinigil ko ang ginagawa nang dumating si Pauline sa opisina. Bago matulog ay sinabihan ko ang anak na gusto ko siyang makausap doon. Naka-pantulog na itong pajama pagdating.

“Come here, Sweatheart,” malumanay kong utos sabay tapik sa aking hita. Lumapit naman ito at naupo roon just like she’s doing when she was a kid.

Hinaplos ko ang kulot niyang buhok habang napapabuntong-hininga. Parang kailan lang, sobrang liit pa ng bunso kong anak. Ngayon ay mas matangkap na ito sa mommy nila. Masyado ba akong naging abala sa trabaho kaya hindi ko napansing dalaga na ito?

Akala ko ay naglalaro pa rin ito ng mga manika niya. How I wish na ganoon pa rin siya. But I need to accept that she’s grown up now. Alam ko namang darating ang araw na magkakaroon ito ng crushes and boyfriends pero hindi ko lang akalain na sa ganitong edad niya iyon mangyayari. Para kasi sa akin ay masyado pa itong bata para makipagrelasyon.

Ngunit hindi ko kayang tumutol sa relasyon nila ni Dale. Natatakot kasi akong magrebelde rin ito tulad ng kuya niya kapag ginawa ko iyon, kaya kahit labag sa loob ko ay pikit-mata kong tinanggap ang lahat.

Hindi ako against kay Dale. Kung tutuusin ay mabuti na ring ito ang naging nobyo ng bunso ko. Kilala namin at nasubaybyan ko pa ang paglaki. Ngunit ewan ko ba. Sa sulok ng isip ko ay may pagtanggi sa binata. Para bang hindi sila nababagay sa isat-isa. Pareho silang childish at spoild. Mas maganda sanang matured na lalaki ang makarelasyon ng bunso ko. Kung mauwi man sa kasal ay mas panatag ako.

Kasal? Tsk! Hindi ko pa yata mapapayagan agad iyon!

Again, I just want a bright future for my daughter. Pero hindi ko rin gustong i-judge si Dale. Maaaring mag-matured pa ito pagdaan ng mga taon. Isa pa ay boyfriend pa lang naman. Naiinis lang ako dahil hindi man lang ito nanligaw sa bunso ko. O kahit ipaalam man lang sana sa amin ang relasyon nila. Well, pareho silang may kasalanan ni Pauline roon.

Wala na akong magagawa pa. Kailangan ko nang tanggapin na may boyfriend na ang bunso kong anak. At ngayon ay dapat kong i-secure ang future nito.

“Alam mo ba kung ano itong mga papeles na ito, Pauline?” pagkaraan ng ilang sandali ay tanong ko sa anak.

“Hindi, Dad.”

“This is my last will. Inayos ko na ang hatian ninyo ng kuya mo sa pera natin. Naisip kong nasa hustong edad na kayo at tumatanda na rin kami ng mommy n’yo. Gusto kong masiguro na nasa ayos ang lahat bago kami mawala.”

“P-po? Saan kayo papunta?”

Tsk! Ito ang mahirap sa bunso ko. Mas madali itong makaunawa sa mga kalokohan kaysa sa mga seryosong bagay. Napaka-inosente pa ng isip ni Pauline kaya nga hindi ko matanggap na may nobyo na ito.

“What I mean is kapag namatay ako—”

“Dad!” putol ng dalaga sa sinasabi ko. “Akala ko ba bawal pag-usapan ang death sa pamilyang ito? Iyon ang utos ni Mommy, ‘di ba?”

“Pauline, kasama iyan sa buhay. Kaya nga ngayon pa lang ay inaayos ko na ang mga dapat ayusin.”

“P-pero...”

“Alam mo namang hindi pa kami okay ng kuya mo. Pero kahit wala siya sa poder ko ay successful na siya sa kinaroroonan niya. Kaya na niya ang sarili niya. Kaya ikaw na lang ang iniisip ko,” saad ko.

“Dad, disappointed ka ba dahil hindi ako kasing talino at kasing galing ni Kuya Yuan?” labi nito na ikinailing ko.

“Nope. Hinding-hindi ko iyan mararamdaman sa’yo. Gusto kong tiyakin na hindi ka maaagrabyado kapag nawala ako o kami ng mommy mo.”

“What do you mean, Dad?”

“Basahin mo. Nakasaad riyan ang manang makukuha ninyo sa akin. Well, saka ko na ipapaalam kay Yuan kapag nakauwi na siya rito. Mas mabuting alam mo na agad ang tungkol dito, just in case...”

Binasa naman ng dalaga ang unahan ng last will na nakasulat doon. Ilang sandali ay nanlalaki ang mga mata niyang bumaling sa akin.

“D-dad? H-hindi ba ito unfair kay kuya? S-sa akin lang mapupunta ang YLVjewel?” hindi makapaniwalang bulalas nito.

“Yes. Pumayag na ang mommy mo riyan. And of course matagal nang alam ng kuya mo ang tungkol diyan. Pati sa VBC ay magkakaroon ka ng porsyento pero hindi ka pwedeng makialam do’n.”

“Pero bakit mas malaki ang mana ko kay kuya? Ah, kasi pasaway siya? Hindi kayo bati kaya mas marami akong mana, ganoon ba, Dad?”

Pagak akong tumawa. Hindi ako nakapagpigil at hinalikan ko ang pisngi ng bunsong anak. Para itong bumalik sa pagkabata.

“Sa laki ng perang para sa kuya mo ay hindi na niya mararamdaman na mas lamang ang makukuha mo sa akin.”

“Pero bakit nga kasi?”

“Dahil gusto ko! Hindi ka pwedeng dumanas ng hirap, Pauline, kaya siniguro kong kahit anong mangyari ay hindi ka mawawalan ng pera hanggang pagtanda mo.”

“Daddy...Thank you!” Yumakap ito sa akin.

“But...” pambibitin ko na ikinabitaw niya.

“But what?”

“Maaari pa iyang magbago. Depende sa lalaking mapapangasawa mo.”

“Ngek!”

“Saka ko na lang ipaliliwanag kapag naroon na tayo. Sa ngayon, gusto kong mangako ka na hindi kayo mapapagsolo ni Dale sa kahit saang lugar.”

“Po?” nagulat nitong reaksyon.

“Iba na ang relasyon ninyo. Hindi na kayo mga bata tulad ng dati kaya maging maingat kayo. Ayokong may makakarating sa akin, Pauline. Alam mo ang ayaw at gusto ko. Naiintindihan mo ba?”

“O-opo, Daddy.”

Pauline

LUMIPAS ang ilang araw, naging balisa ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. I’m feeling empty. Para bang wala akong kagana-gana sa buhay.

Sa isang sulok ng puso ko, hinahanap ko si Lucas. Sa tuwing naglalakad ako, umaasa akong bigla ko itong makakasalubong. May inutusan si Dale upang alamin kung nagpupunta pa sa Eco Bar ang lalaki ngunit hindi na raw ito bumalik pa roon.

Lalo akong nalungkot lalo at ni text o tawag ay hindi man lang nito ginawa. Itinatanong ko lagi sa sarili kung ano kaya ang dahilan nito? Imposibleng na-turn of siya sa akin. Ramdam ko no’ng gabing iyon na pareho kaming may spark sa isat-isa.

“Sabi ko naman sa’yo, mga naghahanap lang ng past time ang mga lalaki sa gano’ng lugar,” wika pa sa akin ni Dale.

Hindi nito alam na iniyakan ko iyon nang palihim sa aking silid. Hindi ko kayang tanggapin na past time lang ako sa binata. Pero ano pa nga ba ang ibig sabihin niyon?

“Pauline, may problema ba? Parang ang lungkot-lungkot mo nitong nakaraang araw,” nag-aalalang tanong sa akin ni Emma. Break time namin at nasa cafeteria kaming dalawa.

“Wala naman,” sagot ko kasunod ng buntong hininga.

“Hindi ako naniniwala. Kilala kita. Ngayon lang kita nakitang ganyan,” anito.

Muli akong huminga nang malalim. Siguro’y mas mabuting ikwento ko kay Emma ang nangyari para naman alam ko ang dapat gawin. At least may mapagsasabihan ako na kapwa ko babae.

Ikwinento ko nga sa kaibigan ang tungkol kay Lucas. Gulat na gulat ito sa nalaman.

“Ibig sabihin, ang alam ng parents mo’y si Dale ang boyfriend mo?”

Kagat-labi akong tumango. Ayaw kasi naming makarating sa school ang pekeng relasyon na iyon kaya wala kaming pinagsabihan. Magbi-break din naman kami kunwari. Patatagalin lang namin nang konte para hindi ulit mabigla ang parents namin.

Feeling ko’y masisira ang reputasyon ni Dale dahil sa akin. Sabagay, mas okay iyon kaysa reputasyon ko ang mawasak.

Siguro nga’y past time lang para kay Lucas ang nangyari sa amin. Kahit mahirap ay kailangan kong tanggapin iyon. Ngayon ay isa na lamang ang pinoproblema ko. Kung papaano kami magbi-break kunwari ni Dale upang matapos na ang pagpapanggap naming dalawa.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1.2M 44.6K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
4K 169 35
"Sino bang pinagmamalaki mo, Forrest? 'Yong babaeng 'yon. Hindi hamak naman na mas maganda ako doon. Mas sexy, mas mayaman. Hello! Mondragon na ang l...
57.1K 1K 26
A story of a famous 'Queen' who is married to the famous 'Mr. Playboy'. What will happen to their married life?