Until I Get Over You

Oleh Ulyca25

13.4K 1.9K 1.4K

Everything in her life is perfect. She's living the life that everyone dreams of. Then, Lucas came and made i... Lebih Banyak

Until I get Over You
***
Prologue
Chapter - 1
Chapter - 02
Chapter - 03
Chapter - 04
Chapter - 05
Chapter - 06
Chapter - 07
Chapter - 08
Chapter - 10
Chapter - 11
Chapter - 12
Chapter - 13
Chapter - 14
Chapter - 15
Chapter - 16
Chapter - 17
Chapter - 18
Chapter - 19
Chapter - 20
Chapter - 21
Chapter - 22
Chapter - 23
Chapter - 24
Chapter - 25
Chapter - 26
Chapter - 27
Chapter - 28
Chapter - 29
Chapter - 30
Chapter - 31
Chapter - 32
Chapter - 33
Chapter - 34
Chapter - 35
Chapter - 36
Chapter - 37
Chapter - 38
Chapter - 39
Chapter - 40
Chapter - 41
Chapter - 42
Chapter - 43
Chapter - 44
Chapter - 45
Chapter - 46
Chapter - 47
Chapter - 48
Chapter - 49
Chapter - 50
Chapter - 51
Chapter - 52
Chapter - 53
Chapter - 54
Chapter - 55
Chapter - 56

Chapter - 09

270 49 35
Oleh Ulyca25

Dale

Pagka-park ng motorsiklo ay mabilis agad akong bumaba at pumasok sa loob ng Eco Bar. Nasa bungad pa lang ako niyon ay agad na akong sinalubong nina Troy.

“Pare, iyong syota mo!”

“Pre, may tumangay sa syota mo!”

Iyon ang magkasabay na saad nina Troy at Justine sa akin. Kinabahan agad ako sa narinig pero iyong word na syota talaga ang mas inuna ko.

“Hindi ko nga syota si Pauline, bakit ang kulit n’yo?” inis kong sabi.

“Oh, ‘di hindi.”

“May tumangay na lalaki. Sinundan namin at nakita namin silang pumasok sa isang kotse...”

“Ano?” nanlalaki ang mga matang reaksyon ko.

“Kanina pa sila ro’n. Naunahan ka nang tiyak kay Pauline—”

“Gago!” Sinapak ko si Troy. Pagkuwa’y umuna ako ng lakad sa kanila at tinungo ang daan patungong parking lot.

Hindi ko matanggap na gagawin iyon ni Pauline. Kakikilala pa lang niya sa lalaking iyon ay nagawa na agad nitong sumama? Todo payo pa naman ako bago ko siya iwan dito tapos ganoon ang gagawin niya.

Pero baka naman namamali lang ng tingin ang mga tropa ko. Hindi kasi ganoong babae si Pauline. Ni wala pa nga itong naging crush kahit isa mula noon. Kahit magaslaw ito ay hindi malantod ang dalaga. Takot lang nito kay Tito Paolo.

“Sigurado ba kayong si Pauline ang nakita ninyo?” naniniguro kong tanong sa mga kasama.

“Natural!”

Napatiim-bagang ako saka binilisan ang lakad. Nalintikan na! Huwag lang talaga at naku!

“Ayon, Dale! Iyong kotseng itim!” turo ni Justine nang makarating kami roon.

Naningkit ang mga mata ko at sininong maigi ang mga nakasakay sa kotse. Hindi tinted ang sasakyan at mukhang sira pa ang salamin niyon kaya bukas ang kalahati. Hula ko ay pwede nang ibenta ang pyesa ng mga ito sa sobrang luma.

Sugar daddy, kuno! May mayaman bang ganito ang kotse? Mukhang naloko lang ang kaibigan ko ng kanyang crush. Posible iyon dahil inosente pang masyado si Pauline.

“Tang-mother!” mahina kong mura nang masigurong si Pauline nga ang naroon sa sasakyan. At nakasaklang pa talaga ito sa kung sinong gagong nananamantala rito.

Pauline, naman! Kailan ka pa natutong sumaklang?

“Tsk! Itawag na natin sa pulis. Child abuse ang gagong iyan!” sulsol sa akin ni Troy ngunit hindi ko siya pinansin.

Dire-diretso akong lumapit sa kinaroroonan ng mahaharot. Dahil abala sa ginagawa ay hindi man lang nila kami napansin. Napapikit ako nang mariin pagkuwa’y sinikmatan ko ang dalawang kasama nang mahuling nanonood ang mga ito. Agad naman silang tumingin sa ibang direksyon.

“Pauline!” mariin kong tawag ngunit hindi narinig ng kababata.

Sa galit ko ay mabilis akong naghanap ng pwedeng ipukpok sa kotse ng lalaki. Sakto naman na may nakita akong kahoy sa isang tabi.

“Dale, anong gagawin mo? Bawal iyan!” takot na pigil sa’kin ni Justine.

“Baka makita tayo ng guard!” sabi naman ni Troy ngunit wala akong pakialam. Malakas kong inihampas ang kahoy sa likod ng kotse upang matigil ang kaganapan sa loob niyon.

“Pauline, baba!” sigaw ko.

Pauline

“What’s that?” gulat kong saad nang pareho kaming magbitaw dahil sa malakas na pagkalabog ng likuran ng sasakyan.

Dali-dali naman si Lucas sa pagtataas ng strap ng suot kong pang-itaas. Nakababa na pala iyon pero ngayon ko lang nalaman.

“Pauline, bumaba ka riyan!”

Kinabahan ako nang marinig ang boses ni Dale.

“Who’s that kid?” maang na tanong ni Lucas nang makita sa side mirror ang parang batang pag-aalburuto ng bestfriend ko.

“W-well...ahm... He’s my younger brother,” pagsisinungaling ko na halos mautal dahil sa kaba. Agad akong umalis sa kandungan ng binata at mabilis na inayos ang sarili.

Sh*t! Wrong timing naman si Dale. Bakit ngayon pa ito dumating kung kailan kasarapan na?! Tsk!

“Pauline, bumaba ka sabi riyan!”

“Grrr! Lucas...Baby...Daddy...” Hindi ko malaman ang itatawag sa lalaking ngayon ay matiim ang titig sa akin. “I-I’m sorry but I have to go...”

“Wait!” pigil nito sa isa kong braso.

“Pauline, huwag mo akong iniinis! Hindi ganito ang usapan natin. Huwag mo akong idamay!” patuloy na tungayaw ni Dale sa labas ng kotse. Hindi ko naman ito mapagtuunan ng pansin dahil kay Lucas.

“Bakit Pauline ang tawag niya sa iyo? I thought your name was Yana?” tanong ng boyfriend ko—na yata!

“Ha? Kasi...ah...that’s may other name. Wait lang, kakausapin ko lang ang brother ko—”

“Saglit!” muli nitong hila sa akin.

“Hoy! Gago ka! Huwag mo pang palabasin iyan at ipapapulis kita! May kilala akong general, ‘kala mo!” banta pa ni Dale ngunit tila walang pakialam man lang si Lucas dito.

“What’s your whole name?” tanong nito sa akin.

“Pauline, bibilang ako ng tatlo. Huwag ka pang lumabas diyan, sisilaban ko ang kotse ng gagong iyan. Isa!”

D*mn! Kung hindi lang ako natatakot na baka ako sinumbong ni Dale kay Daddy ay hindi ko lalabasin ito. Nakakairita ang pag-iiskandalo nito sa labas, grabe!

“Hey! I’m asking you!” untag naman ni Lucas. Litong-lito na ako kung sino ang uunahin sa dalawa.

“A-ano nga ulit iyon. Baby?” namumungay ang mga matang tugon ko rito.

“What is your real name?”

“Dalawa!” boses ni Dale.

“I’m Yana Pauline. My name si Yana Pauline Villanueva,” sagot ko kay Lucas saka nagmamadaling kinuha ang telephone card sa bag at mabilis na inilagay sa palad ng binatang tingin ko ay biglang namutla nang mga oras na iyon.

“Call me. Kahit saan ay sasama ako sa iyo. But now, I need to go first... Nagagalit na kasi ang lil brother ko, e...” pa-cute ko pang saad kay Lucas ngunit tulala lamang itong nakatitig sa akin. Hahaplusin ko pa sana ang pisngi nito ngunit bumukas na ang pinto ng kotse sa tapat ko at agad na akong kinaladkad ni Dale palayo roon.

Lucas

Yana Pauline Villanueva. Iyon ang pangalan ng babaeng muntik ko nang angkinin sa kotse ni Daniel. Imposibleng kapangalan lang ito ng bunsong anak ni Tito Paolo subalit lihim kong ipinagdarasal na sana ay kapangalan nga lang talaga.

“Freya!!” pigil ang pangangatal na tawag ko sa kapatid nang makauwi sa condo. Gusto kong makatiyak sa totoo.

“Kuya?” tugon naman nito habang bumababa ng hagdanan.

“May picture ka ba ng bunsong anak ni Tito Paolo?” kabado kong tanong sa dalaga.

“Ewww! Bakit naman ako magkakaroon ng picture ng bruhang iyon? Baka dagain lang iyon sa condo ko, ‘no!”

“Freya!” may banta sa tinig na tawag ko. Natigilan naman ang aking kapatid nang makitang seryoso ako.

“W-wait. Naka-photo bomber siya sa isa kong pic sa IG,” anito saka nag-scroll sa cellphone niya. Naiinip naman akong lumapit at nakisilip sa screen niyon.

“Ayan, kuya. Siya iyan!” anito na ikinataas lalo ng dugo ko.

“Makikilala ko ba iyan kung buhok lang ang hagip ng camera?” gigil kong sabi kay Freya. Larawan niya iyon sa isang school program at nahagip ng camera ang dulo ng buhok na kulot ni Pauline.

“Hindi nga kasi kami friends kaya paano akong magkakaroon ng picture niya? Saka bakit mo ba gustong makita? Kasumpa-sumpa ang mukha no’n. Maiinis ka lang kapag nakaharap mo siya. Maarte at pa-cute lagi. Grrrr!”

“Hanapin mo kahit saan. Kailangan kong makatiyak sa hitsura ng anak ni Tito!” diin ko sa kapatid. Ayokong tanggapin na pinagnasaan ko ang menor de edad na anak nito. Diyos ko!

“Teka, hahanapin ko sa fb ni Dale.”

Nang mabanggit ang pangalang iyon ay bigla ang paglingon ko kay Freya.

“D-dale?”

“Bestfriend niya iyon. Anak ni Tito David. Hindi mo ba sila kilala? Kasi naman lagi ka na lang sa hacienda nagkukulong, e!”

Dale? Iyon ang lalaking dumating at sumundo kay Yana—Pauline. Ayon pa sa dalaga ay nakababata niya itong kapatid. Ibig sabihin ay nagsinungaling ito sa akin?

“Heto na, Kuya. Ayan may picture nga sila marami,” ani Freya. Hinablot ko ang cellphone niya at ako mismo ang nag-scroll ng mga larawan ng magkaibigan.

Sh*t! F*cking sh*t! Anak nga ni Tito Paolo ang muntik ko nang maka-s*x kanina. D*mn it! Papaano ako nalinlang ng batang iyon?

Okay! Alam ko namang hindi ito Twenty Four years old dahil masyado itong batang tingnan ngunit hindi ko ini-expect na Seventeen lang ito! For heaven’s sake! Anong kahangalan ang nangyaring ito sa akin?

“K-kuya...” boses ni Freya.

Nasabunutan ko ang sarili at matagal na natulala.

Paano kung makarating sa daddy ni Pauline ang nangyari? Ano na lang ang sasabihin nito sa akin?

Mabuti na rin pala at dumating agad si Dale. Kung natuloy ang lahat ay baka sa kulungan ako bumagsak. Ngayon pa lang ay mabuting kalimutan ko ang tungkol sa dalaga.

“Kuya!” muling tawag ni Freya.

Hindi ako sumagot at mayamaya ay isinoli ko sa kanya ang CP bago laylay ang balikat na umakyat sa itaas. Malamig na shower lang ang katapat ng naunsyami naming pagniniig kanina. I can easily forget her dahil hindi pa naman kami gaanong nagkakasama. That’s what I’m thinking.

Pauline

“Ubusin mo iyan! Kahit mag-ihi ka magdamag ay wala akong pakialam basta ubusin mo iyan!” galit na utos ni Dale habang pilit na ipinauubos sa akin ang isang galong tubig. Ayon dito ay mas mabilis raw akong mahuhulasan doon at mababawasan din ang amoy ng alak sa aking hininga.

“Papatayin mo ba ako?” reklamo ko. Nag-taxi na lang kami pabalik sa school dahil hindi ko kayang umangkas sa motorsiklo ng binata.

“Ako ang dapat magtanong niyan. Gusto mo ba akong mapatay ng daddy mo kapag nalaman niya ang ginawa mo sa bar?” anito. “God, Pauline! Kaedaran na nina Kuya Yuan ang lalaking gusto mo! Iba ang romansa ng mga iyon. Bubuntisin ka agad no’n kapag nagpabola ka!”

“Buntis agad? Dale, naman! Mahal ko iyong tao! Kahit ano pang edad niya. Mambubuntis man o hindi!”

“Aba’t talagang!” akma itong mananapok kaya inunahan ko na. “Aray!”

“Kung hindi ka dumating at nag-ala Robin Padilla ro’n, malamang ay may boyfriend na ako! May gwapo na sana akong sugar daddy ngayon!” paninisi ko pa sa binata.

“Sugar daddy? Hoy, hindi siya mukhang sugar daddy! Kita mo iyong kotse? Kulang na lang ay maghiwa-hiwalay para tanggapin sa junkshop. Pauline, huwag ka ngang gumaya kay Freya! Kung mayaman lang ang hanap mo ay marami akong classmate na pwede—”

“Eww! Kung mga abnoy ring katulad mo ay huwag na lang!”

“Gaga talaga neto!” pikon nitong iling. Napapatingin tuloy sa amin si Mamang taxi driver. Ang lakas naman kasi ng boses ni Dale. Daig pa si Mommy.

“Kapag nalaman iyan ng kuya at daddy mo’y yari ka!” pananakot pa ni Dale.

Lihim akong kinabahan pero kapag naaalala ko ang gwapong mukha ni Lucas ay naglalaho agad iyon. Para bang worth it ang lahat kapag ito ang dahilan.

Kay daddy ay wala akong problema. Kung matinong aakyat ng ligaw ang binata ay tiyak kong mapapalambot nito ang puso ng aking ama. Tingin ko naman kay Lucas ay responsableng tao. Iyon nga lang, hindi ko sigurado ang magiging dating sa kuya ko. Matagal na kaming hindi nagsasama ng kapatid at kung magkita man ay tuwing may okasyon o kung magagawi kami sa bansang kinaroroonan nito.

May war kasi sa pagitan ni Daddy at ni Kuya Yuan. At kung hindi ako nagkakamali ay dahil iyon sa crush ni Kuya noon. Base sa aking pagkakaunawa, ayaw ni Dad sa crush nito dahil sa pagiging anak-mahirap ng huli. Kaya confident ako kay Lucas dahil mukha naman itong may kaya sa buhay. Hindi hahadlang ang aking ama kung sakali.

PAGKARATING sa school ay naabutan namin ang pupungas-pungas na driver ko. Mukhang kagigising lang nito at hindi maunawaan ang nangyayari sa paligid.

“Señorita, kanina pa ba kayo?” kinakabahang tanong nito sa akin.

“Opo, Kuya. Nakatulog kayo at hindi n’yo na ako nagawang ihatid sa bahay ng classmate ko kaya kay Dale na lang ako nagpahatid,” kagat-labi kong pagsisinungaling.

“G-ganoon po? Naku, napuyat kasi ako kagabi. Dapat ay ginising n’yo ako—”

“Don’t worry, hindi ko kayo isusumbong kay Daddy. Tara na po?”

“S-sige, salamat po, Señorita,” anito na nakahinga nang maluwag. Kumindat pa ako kay Dale bago kami sumakay sa kotse.

Nang makauwi ay agad akong uminom ng gamot upang hindi sumakit ang ulo ko kinabukasan. Lasing ako ngunit hindi agad ako nakatulog nang gabing iyon. Naghintay ako sa tawag o text man lang ni Lucas subalit hindi iyon nangyari.

KINAUMAGAHAN, Sumakit pa rin ang ulo ko pagkagising. Mukha ni Mommy ang bumungad sa akin nang magmulat ako ng mga mata. Nanunuri ang titig nito kaya kinabahan ako.

“Umamin ka sa akin. Saan ka talaga galing kagabi?” tanong nitong matiim ang tingin sa akin lalo na sa leeg ko.

“M-mom, why ba? May biglaan nga kaming project—”

“Yana Pauline!” anitong tila iiyak. “Kailan ka pa natutong magsinungaling? Tinawagan ko ang school n’yo at sinabing wala kayo kahit isang assignment!”

Tuluyan akong napabangon. Hindi naman ako takot sa palo ni Mommy dahil mahina lang naman iyon hindi katulad ng palo ni Daddy. Pero ang ikinatatakot ko ay baka isumbong niya ako sa huli.

“Mom...”

“Tingnan mo nga ang hitsura mo! Hindi ako ipinanganak kahapon, Pauline. Alam kong lalaki ang kasama mo kagabi! Look at your skin! Allergy iyan mula sa bigote ng lalaki! Umamin ka!”

“Mommy!” naiiyak ko na ring sambit. Paano ko lulusutan ito?

“Hindi naman kami hahadlang sa relasyon ninyo ni Dale, kaya lang ay huwag naman sana muna kayong lumampas sa kissing—”

“What?” maang kong reaksyon. Patulo na sana ang luha ko ngunit bigla iyong napigil nang masali ang pangalan ni Dale.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

48.3M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
401K 20.9K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1M 33.4K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...