Until I Get Over You

Von Ulyca25

13.4K 1.9K 1.4K

Everything in her life is perfect. She's living the life that everyone dreams of. Then, Lucas came and made i... Mehr

Until I get Over You
***
Prologue
Chapter - 1
Chapter - 02
Chapter - 03
Chapter - 04
Chapter - 05
Chapter - 06
Chapter - 08
Chapter - 09
Chapter - 10
Chapter - 11
Chapter - 12
Chapter - 13
Chapter - 14
Chapter - 15
Chapter - 16
Chapter - 17
Chapter - 18
Chapter - 19
Chapter - 20
Chapter - 21
Chapter - 22
Chapter - 23
Chapter - 24
Chapter - 25
Chapter - 26
Chapter - 27
Chapter - 28
Chapter - 29
Chapter - 30
Chapter - 31
Chapter - 32
Chapter - 33
Chapter - 34
Chapter - 35
Chapter - 36
Chapter - 37
Chapter - 38
Chapter - 39
Chapter - 40
Chapter - 41
Chapter - 42
Chapter - 43
Chapter - 44
Chapter - 45
Chapter - 46
Chapter - 47
Chapter - 48
Chapter - 49
Chapter - 50
Chapter - 51
Chapter - 52
Chapter - 53
Chapter - 54
Chapter - 55
Chapter - 56

Chapter - 07

278 46 35
Von Ulyca25

Pauline

“Hindi ka sasama sa library?” nabiglang reaksyon ni Emma nang tumanggi ako sa pag-aaya nito.

“H-hindi muna. Gusto kong umuwi nang maaga,” pagdadahilan ko.

“Akala ko ba’y marami kang hindi naintindihan sa topic last week, bakit ayaw mong sumama para mag-aral?”

Oo, tama naman ang kaibigan. Kaya lang ay ngayong gabi ang tungo ko sa Eco Bar. Si Dale lang ang nakakaalam niyon dahil ayokong makarating sa parents ko ang gagawin. Hindi ko pa masabi kay Emma ang tungkol sa crush ko dahil walang pagkakataon. Abalang-abala kasi ito sa pag-aaral.

“Emma, saka ko na lang ipaliliwanag sa iyo ang lahat, okay? Ngayon kasi’y talagang kailangan kong umuwi nang maaga.”

“S-sige...” anito na halatang nagtataka.

Pagkatapos niyon ay mabilis ko nang iniwan ang kaibigan. Nag-chat na rin ako kay Dale at sinabi ritong palabas na ako ng school. Sa waiting shed kami magtatagpo.

Nadaanan ko pa ang grupo nina Freya sa isang bench habang naglalakad ako nang mabilis. Ang bruha ay talagang pasikat masyado. Topic na naman siguro nila ang tungkol sa sugar daddy ng babae.

Malapit na rin akong magkaroon niyon. Sa hitsura ng crush ko ay halatang mayaman din ito. Papasa kay Daddy pagnagkataon. Hihihi...

“Ang tagal mo!” salubong sa akin ni Dale.

“Para 5 seconds lang ang late ko, matagal na agad?” irap ko sa kababata.

“Late pa rin iyon, ‘no!”

Sabay na kaming naglakad patungo sa kotse ko. Naabutan namin si Kuya Gener na nakayupyop sa manibela at tulog na tulog. Nakagat ko naman ang labi at lihim na humingi ng sorry dito.

Kuya, sleep ka muna nang mahimbing.

Good thing is may sakit pa rin ang totoo kong driver-bodyguard. Mas mabilis naming mapakikiusapan ang bagong tauhan ni Daddy mamaya. Kung si Kuya Jeremy iyon ay malabong makalusot ako.

“Tara na!” untag sa akin ni Dale.

“Hindi ba siya mapapaano rito?” nag-aalala kong tanong sa kaibigan.

“Hindi naman siguro. Saka tatlong oras lang tayo ro’n. Mamaya ay magigising na rin siya dahil hindi masyadong matapang ang pampatulog na ipinainom ko sa kanya.”

I sighed. Mabuti na lang talaga at may bestfriend akong supportive. Katulong ko si Dale sa pagpaplano kaya sigurado akong hindi siya kakanta kay daddy.

TULAD ng plano, dumaan kami sa condo ng kaibigan ni Dale at doon ako nagpalit ng damit. Syempre hindi ko pwedeng isuot ang uniform ko pagpunta sa Eco Bar.

Pagkatapos mag-ayos ay saka ko tinawagan si Mommy upang sabihin dito ang aking alibi.

“M-mom, baka ma-late ako ng uwi. May biglaang project kasi kaming gagawin ng mga classmate ko,” kagat ang labing pagsisinungaling ko sa ina.

“Ano? Bakit hindi mo agad ipinaalam sa akin kanina? Alam mong wala ang daddy mo. Hindi ka pwedeng lumayas kung saan-saan.”

“Biglaan nga, My, ‘di ba? Saka nakataya ang future ko sa project na iyon!” dagdag ko pa.

Future Son in law mo ang nakataya!

“G-ganoon? Sige na nga. Isama mo si Dale para may bantay ka. Huwag kang masyadong papagabi. Pakausap din kay Gener—”

“Hello, Mommy? Choppy ka...hello? Hindi kita maintindihan.”

“Sabi ko pakausap kay Gener—”

“Labo ng signal, My. Mamaya na lang ulit ako tatawag.”

“Sige na nga. Basta mag-ingat ka ha! Mag-aral mabuti!”

Napangiti ako nang putulin ang tawag. Hindi naman siguro ako makakarma sa pagsisinungaling ko sa ina. Love naman ang dahilan niyon e.

“Ready ka na ba—wahhh!” gulat ni Dale pagkakita sa akin.

“Nakakainis ang mukha mo!” irap ko rito.

“Bakit naman ganyan ang make-up mo? Para kang clown.”

“Ha?” Agad kong kinuha ang salamin sa bag at tiningnan ang hitsura. Maganda naman ako a? Medyo makapal nga lang ang make up. Kasi’y kailangan kong magmukhang matured sa harap ng crush ko.

“Baka ma-turn off ang crush mo kung ganyang mukha ang makikita niya mamaya.”

“What can I do? Hindi ako masyadong expert sa pagme-make up.”

“Tsk! Fine arts ka pa naman. Dumaan na lang tayo sa salon. Baka gumanda-ganda ka kahit papaano—”

“What? Hindi pa ako maganda sa lagay na ito? Kulang na lang ay ipa-frame ako ni Daddy dahil sa sobrang ganda ko tapos—”

“Nagbuhat ka pa ng banggo. Halika na! Ang arte mo!”

Sinimangutan ko ang kaibigan saka kami sumakay sa motorsiklo nito. Sa wakas ay naka-angkas din sa lalaki. Iba ang saya kapag malaya ka. Saka ko na lang poproblemahin ang lahat basta makita kong muli ang aking first love.

Lucas

Pinatay ko nang tuluyan ang cellphone upang hindi na ma-contact pa ni Daniel. Panay kasi ang tawag ng at tanong ng matalik kong kaibigan kung kailan daw ako uuwi ng hacienda. Tambak na raw ang trabaho at hindi matapos-tapos dahil wala ako roon.

Kailan nga ba ako babalik? Bakit wala sa schedule ko ang pag-uwi sa hacienda?

Heto ako sa Eco Bar at tinitingnan isa-isa ang pumapasok na customer doon. Umaasang makikita ang babaeng nakilala ko noong isang linggo.

Yana...

Curious lang naman ako kung totoo ang sinabi nitong madalas ito sa Eco Bar tuwing weekends. Sa tingin ko kasi’y bata pa ang babae at nagsisinungaling lang sa akin. Halatang gusto lang nitong kunin ang atensyon ko at nagtagumpay ito.

Pero iyon lang iyon. Nagagandahan lang siguro ako at walang ibang meaning iyon. Sa lahat ng nakilala kong babae, sa probinsya man o sa lungsod ay ito ang may pinakamagandang mukha, at agad-pansin na legs. Sinong lalaki ang hindi gugustuhing makilala ito nang lubos?

Makilala lang ba? kutya ng isang bahagi ng utak ko. Napalagok tuloy ako ng alak. Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko.

Tsk! Kikilalanin ko lang talaga!

Hindi ako mahilig pumatol sa mga babaeng tambay sa Bar. Makaluma akong tao at ang gusto ko ay iyong simple at lagi lang sa bahay.

Si Yana...kabaligtaran siya ng gusto ko sa isang babae. At halatang malaki ang tanda ng edad ko rito. Masyadong baby face ang babae kahit naka-make up pero imposible namang minor de edad pa ito. Lalagi ba siya sa Eco Bar kung ganoon?

Nang maubos ko ang ikatlong bote ng alak ay kumuha ako ng pera sa wallet at ipinatong iyon sa table. Mukhang nagsasayang lang ako ng oras sa paghihintay. Hindi yata darating ang babae.

May panghihinayang man ay tumayo na ako at nagpasyang umuwi. Subalit hindi pa man lang ako nakakahakbang ay may nahagip ang aking mata sa entrance ng bar.

Nakita ko si Yana na papasok na walang kasama. Mukha itong anghel na may make-up. Nakalugay ang kulot na buhok at hapit sa katawan ang suot na bestidang hapit. Ano man ang tawag sa suot nito ay isa lang ang alam ko. She looks like a goddes to me. Hindi ko napigilan ang sariling mapalunok habang nakatitig dito.

Bago pa niya ako makita ay mabilis akong bumalik sa upuan at tumalikod sa gawi ng pinto. Ayokong isipin niyang hinihintay ko siya.

Pauline

“Dalawang oras lang, Pauline, ha! Pagkatapos ng dalawang oras ay susunduin ka na namin dito!” iyon ang sabi ni Dale bago ako pumasok sa Eco Bar. Kasama na namin sina Troy at ayon sa mga ito ay sa kabilang bar ang tungo nila.

Hindi ko alam kung ano ang mayroon doon na wala sa bar ni Daddy pero wala akong pakialam. Mas pinagtutuunan ko ng pansin ang lihim na pagdarasal na sanay makita kong muli ngayong gabi ang lalaking hindi na nawala sa aking isip.

“Pasok na ako,” paalam ko sa mga ito.

“Iyong bilin ko, ha! Tumawag ka agad kapag may nambastos sa iyo sa loob. Iyong pepper spray dala mo ba?”

“Oo, dala ko. Sige na, alis na kayo!” Nahihiya na ako sa mga nakakarinig sa paalala ni Dale. Daig pa nitong tatay ko sa dami ng tagubilin. Sukat bigyan pa ako ng pepper spray para daw may panlaban ako sa mga manyak. Anong akala niya sa akin hindi marunong ng self-defense? Sabay pa kaming in-enroll noon sa taekwondo school ng parents namin noon kaya walang laban ang mga old perv na iyan sa akin kung sakali.

Bago pumasok sa loob ay inayos ko muna ang nakalugay kong buhok at tiningnan ang sarili sa salamin na nasa gilid ng pinto. Ipinauubaya ko sa tadhana ang pagkikita namin ngayon ng crush ko.

Pagkapasok ay iginala ko agad ang paningin sa mga tao roon. As usual, sa akin na naman nabaling ang atensyon ng mga naroon. Ngunit ang pansin ko ay tumutok sa counter table ng bar kung saan nakaupong patalikod ang aking soon to be sugar daddy.

This is it!

Dire-diretso akong naglakad patungo sa counter at kunwari ay hindi ito pansin. Tulad ng plano, naupo ako sa bakanteng stool chair na katabi ng kinauupuan niya, saka kinuha ang cellphone sa pouch na dala.

“Hey, I’m here na. Nasaan na kayo?” kunwari ay tanong ko pero si Dale lang naman ang kausap ko na tawa nang tawa sa kabilang linya.

“Naks! Ang bebe ng boses!” ani Dale na muntik ko nang singhalan.

Pasimple akong lumingon sa katabi upang ikalma ang sarili. “Ano? Nakaalis na kayo? Akala ko ba’y mamaya pa? Tsk!” iling ko kunwari.

Mayamaya ay isinoli ko na ang CP sa bag. Kairita na kasi ang tawa ng magtotropa sa kabilang bar.

“I guess, mag-isa akong iinom tonight,” usal ko sabay sulyap kay crush na nakatitig na sa akin ng mga oras na iyon. Iyong kaba at excitement na naghalo-halo sa dibdib ko ay parang gustong kumawala nang mga sandaling iyon.

I’m falling in love na talaga!

“Hey, natatandaan kita...” sabi ko kunwari.

“Yana?” anito na ikinangiti ko nang matamis. At least naaalala pa niya ang ibinigay kong pangalan.

“And you’re Lucas, right?” Ang classy ng pagkakasabi ko.

“Alone tonight, huh?” ngisi nito na lalo kong ikinahanga sa kanya.

Gwapo man! Kung makikita lang ito ni Freya, malamang na maiinggit na naman ang isang iyon.

“Would you mind? Drink with me tonight...” I asked seductively. Magdamag kong pinag-aralan ang kilos at sasabihin dito kaya hindi na mahirap sa akin ang ginagawa.

“Sure. With pleasure.”

Woah! Muntik na akong mapatili sa kilig. Gusto ko na rin ng first kiss tulad ni Dale!

ILANG SANDALI ang lumipas ay mahilo-hilo na agad ako sa harap ng lalaki. Sa pagpapanggap kong lagi roon ay hindi ko natanggihan ang hard drinks na iniaalok nito. Mabuti na lang talaga at hindi ako nahimatay nang mainom ang dalawang baso.

“Okay ka lang? Kaya mo ba talaga?” anito na matiim ang titig sa aking mukha.

“W-wala yata ako sa kondisyon ngayon. Ang dami ko kasing tinapos na work,” mabilis kong pagsisinungaling.

Ang sabi ko pa naman ay hindi ako magpapakalasing pero ewan ko ba. Kapag kasama ko si Lucas ay parang kaya kong lumampas sa boundary ni Daddy. Hindi ko rin nasunod ang mga bilin ni Dale dahil heto at nakadikit ang katawan ko sa lalaki. Pakiramdam ko’y ligtas ako sa bisig nito.

“Kung lasing kana ay itigil mo na ang inom. May kotse ka ba?”

“A-ayoko pang umuwi!” saad ko. Ni hindi pa nga siya nakaka-first base sa akin! Hmmmp! I’m expecting a kiss from him pero mukhang ka-dekada nito si Daddy sa mga prinsipyo sa buhay.

Ngumiti naman si Lucas sa akin. “So...gusto mong magpahangin sa labas?”

Sa tanong na iyon ay naaalala ko ang isa sa mga sinabi ni Dale kanina.

“Kapag inaya ka niya na magpahangin sa labas or alalayan ka patungong banyo, spray-an mo agad ng ibinigay ko. Ibig sabihin n’on ay may balak siyang manyakin ka!”

Mariin akong pumikit bago dahan-dahang tumango kay Lucas. In love ako, e. Bakit ba?

Pero iyong sinabi nito ay literal talagang pahangin sa labas. Sa rooftop ng Eco Bar ako dinala ng binata na ayon dito’y makakatulong para mahulasan ako sa nainom. Akala ko pa naman ay first kiss na. Tsk!

“Now tell me, how really old are you, kiddo?” bigla nitong tanong na ikinatigas ng katawan ko.

Kiddo? Tinawag niya akong kiddo?

“I-I’m no longer a kid...” alanganin kong ngiti sa binata.

Actually kanina pa niya tinatanong ang edad ko pero hindi ko alam kung ano ang isasagot kaya lagi kong iniiba ang topic. Hindi ko naman gustong malaman ang edad niya dahil baka mabawasan ang pag-asa kong pupwede kami in the future.

“Ilan taon nga?” pangungulit nito.

“T-twenty...?” I answered hesitantly.

“Twenty?” nanlalaki ang mga matang ulit nito.

“Two!” maagap kong dugtong. “I’m Twenty Two!”

“Tsk... Twenty Two, hmmm...” napapaisip na anito. Kinabahan naman ako sa reaksyon ng lalaki kaya umisip ako ng tamang edad na papasa rito.

“A-actually, Twenty Four na talaga ako next next month, e!” sabay tawa para matakpan ang kaba. Ilang taon ba kasi ang gusto nito?

“Ilan taon ba talaga? Bakit paiba-iba?” Matiim ang titig ni Lucas sa akin.

“T-twenty Four nga!” giit ko. Kahit anong mangyari ay paninindigan ko ang pagsisinungaling. Marami na akong nilabag para lang makuha ang atensyon nito kaya hindi ako papayag na mauwi ang lahat ng iyon sa wala.

“You look younger...”

“Sabi nga nila,” ngisi ko.

“Twenty Four is not bad for a Twenty Eight years old man like me...” he added.

Twenty Eight? Jusko, matanda pa pala sa kuya ko.

Pero natigilan din ako sa ibig sabihin ng sinabi nito.

Sorry. Daddy, Mommy, nasa matured man talaga ang kapalaran ng bunso ninyo!

“Malamig na rito. Gusto mong sumama sa kotse ko?” biglang tanong nito na ikinanganga ko.

Kapag may kotse, may manibela—este may milagrong mangyayari. Iyon ang sabi ni Dale kanina.

Dapat ay tumanggi ako. Hindi ako pwedeng sumama mag-isa rito sa kotse. Kakikilala pa lang namin. Paano kung serial killer pala ito at pumapatay ng magagandang babae tulad ko?

Ayoko! Pauline, huwag kang tatango. Papatayin ka ng Daddy mo kapag pumayag ka.

“Sure!”

Sorry sa lahat! Tinamaan talaga ako sa lalaking ito.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

401K 21.1K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
1.2M 44.6K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...