Until I Get Over You

By Ulyca25

14.3K 1.9K 1.4K

Everything in her life is perfect. She's living the life that everyone dreams of. Then, Lucas came and made i... More

Until I get Over You
***
Prologue
Chapter - 1
Chapter - 02
Chapter - 03
Chapter - 04
Chapter - 06
Chapter - 07
Chapter - 08
Chapter - 09
Chapter - 10
Chapter - 11
Chapter - 12
Chapter - 13
Chapter - 14
Chapter - 15
Chapter - 16
Chapter - 17
Chapter - 18
Chapter - 19
Chapter - 20
Chapter - 21
Chapter - 22
Chapter - 23
Chapter - 24
Chapter - 25
Chapter - 26
Chapter - 27
Chapter - 28
Chapter - 29
Chapter - 30
Chapter - 31
Chapter - 32
Chapter - 33
Chapter - 34
Chapter - 35
Chapter - 36
Chapter - 37
Chapter - 38
Chapter - 39
Chapter - 40
Chapter - 41
Chapter - 42
Chapter - 43
Chapter - 44
Chapter - 45
Chapter - 46
Chapter - 47
Chapter - 48
Chapter - 49
Chapter - 50
Chapter - 51
Chapter - 52
Chapter - 53
Chapter - 54
Chapter - 55
Chapter - 56
Chapter - 57
Chapter - 58

Chapter - 05

254 46 32
By Ulyca25

Freya

Palabas na ako ng school nang mapakunot ako ng noo pagkakita kay Emma. Mag-isa lang itong naglalakad na may dalang paper bag. Hindi nito batid na nasa likod lang niya ako. Hindi na ako um-attend ng panghapon kong klase dahil may pupuntahan ako.

Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang babae ngunit ganoon na lamang ang pagkunot ng aking noo nang makitang itinapon nito ang dalang paperbag sa trash can na nasa tabi ng daan. Na-curious ako sa laman niyon dahil halatang mamahalin ang paperbag.

Kaya naman pagdaan ko sa basurahan ay pasikreto kong kinuha ang itinapon niya. Lalo akong natigilan nang makita ang laman ng paperbag. Isang mamahaling damit na kung susuriin ay tipong hindi pa naisusuot.

“Bakit naman niya itinapon ang ganito kagandang damit?” naitanong ko sa sarili habang habol ng tingin ang dinaanan ng dalaga.

Bestfriend ito ni Pauline at sa pagkakaalam ko ay naging scholar si Emma sa tulong ni Tito Paolo. Anak ng labandera, imbalido ang ama at may maliliit na kapatid. Kaya nga lalong humanga ang buong school kay Pauline dahil sa pakikipagkaibigan nito sa tulad ni Emma. Napakabait daw ng huli at hindi matapobre.

Hmmp! If I know, gusto lang ng Pauline na iyon na mahawa ng talino ni Emma.

Tsk! Bakit ko ba pinapansin ang mga galamay ng bruhang iyon? Kailangan ko nang umalis dahil baka gabihin ako sa mall. Bibili pa naman ako ng damit na isusuot sa birthday party ni Jen.

Ibinalik ko sa basurahan ang paperbag at umalis. Habang sakay ng taxi ay nag-iisip pa rin ako kung bakit iyon ginawa ni Emma. Kung iisipin ay imposibleng sa kanya iyon. Mamahalin ang damit at hindi sa pangmamaliit pero hindi niya afford bumili niyon. Sigurado akong galing iyon kay Pauline. Pero bakit niya itinapon kung bigay iyon ng matalik niyang kaibigan?

Hmmm...

Pagdating sa mall ay dumiretso na agad ako sa clothes section. Habang namimili ng damit ay tinawagan ko si Kuya Lucas upang kumpirmahin ang pagdating nito. Mamayang gabi na ang party kaya hindi na ito pwedeng mag-back out, lalo at naibalita ko na sa mga kaibigan ang tungkol sa kanya. Ang sabi ko sa mga ito ay ipakikilala ko sa kanila ang special na tao sa buhay ko. Bahala na ang mga itong magbigay ng maling isipin.

“Oo, pupunta ako. Nasa bayahe na ako ngayon,” sabi ng kapatid ko.

“Yes. Thank you talaga! Ibibili na rin pala kita ng damit na isusuot mo, tutal ay narito na rin lang ako sa mall,” masaya kong saad.

“Huwag na. May dala naman akong damit. Tiyak na uubusin mo lang ang allowance mo sa pagbili niyon,” tanggi nito na ikinasimangot ko nang lihim.

“Ah basta! Ibibili kita!” giit ko saka mabilis na pinutol ang tawag upang hindi na ito makapagreklamo pa.

Siguradong iyong lumang stripe polo na naman ang dala nitong damit. Tsk! Panahon pa ng kastila ang style niyon at hangga’t kasya yata sa kanya ay hindi nito papalitan.

Napakakuripot kasi ni Kuya! Actually, no, he’s not kuripot talaga... Masyado lang itong nagtitipid dahil siguro sa klase ng trabaho nito. Sabi nga, hangga’t hindi ikaw ang umiigib ng tubig—hindi ka matututong magtipid n’on. Nagbago si Kuya Lucas nang mawala ang mama namin. Nag-matured siya nang sobra at pati pag-aasawa ay kinalimutan na yata nito.

Kaya kahit mahirap sa part ko ay sinusunod ko ang patakaran ng kapatid sa paggastos ng pera. Hoping na isang araw ay magbabago ang lahat at hihiga na lang ako sa salapi tulad ni Pauline.

Alam kong mangyayari iyon lalo at nandyan pa ang Villanueva Builders Company. Nariyan din ang Eco Bar. Kung iisipin ay may karapatan din kami sa negosyo nina Pauline, pero ang nakakalungkot lang ay walang plano si Kuya na magtrabaho sa kompanyang iyon. Iba pa rin syempre kapag naroon siya. Hindi naman sa wala akong tiwala sa ama ni Pauline—I just want the best for my brother. Sayang kasi ang talino nito kung buburuhin lang ang sarili sa farm at hacienda namin.

“Ouch!”

Muntik na akong tumalsik sa pinto ng dressing room nang may matigas na katawang bumangga sa akin.

“Son of a—” Automatic na sanang bubuka ang armalite kong bunganga nang bigla ay manlaki ang mga mata ko pagkakita sa lalaking nakabanggaan.

“Sorry, Miss! Hindi kita napansin,” hingi nito ng paumanhin habang hawak ang isang damit na naka-hanger pa.

Oh my God! I found my real daddy na! He’s handsome and cute ang nice... May malamlam na mga mata na kung tititigan ay parang napakabait nitong tao. Matangkad din ito na halos kasing-taas ng kuya ko, and take note! Heaven ang amoy ng lalaki.

“M-miss?”

Hindi ko napansing nakanganga na pala ako sa harap ng gwapong binata.

“A-ah, o-okay lang. Pasensya na rin. Masikip talaga ang store na ito kaya posibleng magkabanggaan ang mga tao,” sabi ko.

Lalo na kung nakatadhana sila, nais ko sanang idugtong sabay hawi ng buhok sa ilalim ng tainga. Ay!

“Thanks. By the way, I’m Mico. How ‘bout you?”

“I-I’m your destiny—I mean, Freya. My name is Freya,” halos mautal kong sabi.

Kakaiba ang kabog ng dibdib ko nang magdaop ang aming palad. Kaya lang, hindi rin tumagal ang pakikipag-usap ng lalaki dahil pagkatapos niyon ay lumabas na siya ng store.

Bye, destiny! Till we’ve meet again!

Pauline

Balot na balot ako sa suot na maong pants at blouse na longsleeve nang magtungo sa Eco Bar. Hindi ko alam kung blessing iyon dahil nagkasakit si Kuya Jeremy kaya ibang driver ang naghatid sa akin. Syempre kasabay ko si Dale na sakay ng kanyang motorsiklo. Bago nga umalis ay walang tigil si Daddy sa pagpapaalala.

Pagbaba ko ng sasakyan ay inirapan ko si Dale dahil sa katatawa nito sa akin. Kanina pa ito nang-aasar habang nagpapaalam kami kina Mommy. Paano ba naman, mukha akong a-attend ng seminar sa simbahan dahil sa suot ko.

“Isa pang tawa mo, ingungudngod na kita sa semento!” inis kong banta sa binata.

“Oh, galit ka pa niyan? Tinulungan na nga kita para payagan ni Tito. Iyong milk mo dala mo ba?” pang-aasar pa nito na sinabayan ng malakas na tawa. Sinapok ko siya sa ulo nang matigil.

“Pasok na nga tayo!”

“Ikaw lang. May pupuntahan kami saglit nina Troy. Mamaya kita dadaanan dito,” anito na ikinatigil ko.

“Saan naman kayo pupunta, aber?” nakapamaywang kong tanong sa lalaki.

“Aishh! Syota lang, ha? Kaya tayo napagkakamalan e, dahil sa bunganga mo! Akala mo, honey mo ako kung makapagbunganga ka!”

“Honey? Ang baduy mo! Isusumbong kita sa daddy mo!”

“Hindi naman ako n’on papaluin! Baka ikaw pa sa daddy mo!”

“Aba’t—”

“Sige na, pasok na! Babalik din agad ako,” ani Dale bago sumakay muli sa motor at ibinalik ang helmet sa ulo.

Nang mawala sa paningin ang kaibigan ay saka lang ako tumungo sa entrance ng Eco Bar. Sana lang ay hindi ako ma-OP. Hindi ako sanay sa ganitong lugar, lalo at wala si Dale o si Emma man lang. Pero inisip ko na lang na parte ito ng pagma-mature ko. Hindi lagi ay kasama ko si Dale. May iba itong trip sa buhay dahil lalaki ito. Awkward naman kung sumama rin ako sa tropa nila.

“Oh my! Pauline?” salubong sa akin nina Ate Jen. Nanliit ako sa sarili nang tawanan nila ang aking suot.

“So baduy. Pauline, bar ito!”

“M-may baon akong damit!” bigla kong sabi na ikinangisi nila. Nag-high five pa ang mga ito sa narinig.

Thanks to mommy. Siya ang nag-plano niyon. Kunwari ay pormal ang suot ko pag-alis at dito na lang sa Bar ako magpapalit. Ewan ko ba sa daddy ko! Alam namang bar ang pupuntahan ko’y sukat pagsuutin ako ng pantalon!

“Isuot mo itong mini skirt na ito, tiyak na ikaw ang pinakamay magandang legs sa mga iyon. Tapos piliin mong bra iyong may pads para mas sum-exy ka!” sabi ni Mommy habang nag-aayos ako kanina sa kwarto.

“Really, Mommy? Thank you!”

“You’re welcome, anak. Tinutulungan lang kita para ma-enjoy mo ang kabataan mo. Pero huwag mong aabusuhin ang lahat. Hindi ka pwedeng sumama sa lalaki, kay Dale lang. Kapag may nag-aya sa iyong lumabas ng bar or pumunta sa madilim na parte ay tatanggi ka. Kapag may nagpatagay sa iyo, kung hindi mo naman kilala ay huwag mong tatanggapin. Ingatan mo ang sarili mo, kung ayaw mong makulong ang daddy at Kuya Yuan mo!”

“Ha?” Naguluhan ako sa huling narinig, pagkuwa’y tumango-tango na rin sa ina.

Sa 2nd floor ng Eco Bar gaganapin ang party ni Ate Jen. Sa baba naman niyon ang main stage at restroom. Sinamahan nila ako para magpalit ng damit at pagkatapos niyon ay pinakapal din nila ang make up ko. Ang kulot kong buhok ay pinusod at hinayaang bumagsak ang maliliit na hibla niyon. Ilang sandali pa ay ibang Pauline na ang nakikita ko sa salamin. Mas matured at hindi mahahalatang wala pa akong disiotso anyos.

“Innocent and wild, iyan ang dapat mong maging hitsura!” sabi ni Ate Sheryl.

“And you are perfect tonight, Dear! Lahat ng boys ay tiyak na lilingunin ka!” ani Ate Jen na ikinangiwi ko nang lihim. I don’t like boy’s attention. I just want to enjoy the moment.

Lucas

Kinuha ko ang damit na nakapatong sa kama at binasa ang naka-note roon. Ayon kay Freya ay mali-late siya pagtungo sa bar kaya mauna na raw ako at doon na kami magkita.

Kadarating ko lang at pagod pa sa byahe ngunit wala na akong oras para magpahinga. Kaya naman agad na akong nag-shower at napilitang mag-ahit ng balbas at bigote. Ayokong mapahiya ang kapatid kapag ipinakilala niya ako sa mga kaibigan kaya kailangan kong maging presentable sa mga ito.

Ilang sandali nga lang ay tapos na akong mag-ayos. Kinuha ko lang ang cellphone at wallet ko at lumabas na rin agad ng condo. Mabuti na lang at ipinahiram sa akin ni Daniel ang four wheels niya. Luma rin iyon tulad ng owner jeep ko pero kumpara doon ay mas magandang tingnan ang sasakyan ng kaibigan.

Pagdating sa Eco Bar ay pumuwesto ako sa counter at habang hinihintay ang kapatid ay um-order muna ako ng alak. Habang umiinom ay hindi ko maiwasang hindi maalala ang namayapa naming ama. Ito na ba ang bar na itinayo nila ni Tito Paolo noon? Nakakalungkot isipin na buhay na buhay pa rin ang Eco Bar pero si Daddy ay hindi na.

Tsk! Hindi ako dapat mag-senti sa lugar na ito.

Iginala ko ang paningin sa paligid. Nakaka-antok ang ibat-ibang kulay ng ilaw na gumagala sa paligid. Sobrang ingay pa. Sanay naman akong magtungo sa ganitong lugar pero dahil yata sa pagod ay parang tinamaan agad ako ng ininom na alak.

Nakakalimang baso na ako ng alak ngunit wala pa rin si Freya. Mayamaya ay dumako ang tingin ko sa way ng CR. May lumabas na apat na babae roon at natigilan ako nang magtama ang mga mata namin ng isa sa kanila.

Akala ko’y si Freya dahil kulot din ang buhok ng babae. Kung nagkataong siya iyon ay baka nasintron ko siya nang wala sa oras. Walang manggas ang pangitaas nitong damit at sobrang ikli ng paldang makinang. Hubod na hubog ang katawan nito sa suot kaya naman lahat ng lalaki sa bar na iyon ay sa kanya dumako ang tingin.

Tsk! Ang kapal ng make up! Baka maganda lang dahil sa make up! nasabi ko sa sarili. Imposibleng may ganoong kagandang babae sa balat ng lupa!

Pero iyong legs nito ay walang make up kaya totoong napakaganda niyon at wala kahit isang flaws.

Tsk! Oo, may maganda itong legs. Pero kailangan bang ipangalandakan niya iyon sa lahat? Nasaan kaya ang tatay nito at hindi man lang pangaralan ang babae?

Ilan taon na kaya ito? Hindi ko mahulaan dahil sa make up at mapulang-mapulang labi. Baka kaedaran ni Freya.

Halatang naiilang ang babae sa suot na skirt nang maglakad ito kasama ng tatlong kaibigan.

Susuot-suot ka ng ganyan tapos maiilang ka? para na akong tanga sa kakakausap sa sarili.

Umakyat ng hagdanan ang apat kaya nawala ito sa aking paningin. Akala ko ay roon din sila pupwesto. Naka-private room pala ang mga ito.

Sayang...

Ano? Anong sayang?

Ipinilig ko ang ulo. Lasing na nga yata ako. Isa sa pinakainiiwasan ko ay ang magka-interest sa babae sa ganitong lugar. Paano ko mapangangaralan ang kapatid kung ako mismo ang gagawa ng ganoong bagay?

Pero nasaan na ba kasi si Freya?

Dale

Akala ko’y kung saan kami pupunta nina Troy, doon lang pala sa katabing bar ng Eco Bar. Lima kaming teammate na nagtungo roon.

“Mas wild ang mga babae rito kaysa sa Eco Bar,” nakangising bulong ni Justine.

“A-ano bang gagawin natin? ‘Di ba iinom lang tayo?” kinakabahan kong saad. Kaba na may halong excitement. Ito na ba iyong tinatawag na walwal to the max ng mga kaklase?

“Alak at babae, iyon ang ipinunta natin dito!”

Pumuwesto kami sa isang bilog na table at ilang sandali ay may kakindatan na silang mga babae. Ako naman ay moderate lang ang pag-inom ng alak. May susunduin pa ako sa Eco Bar kaya hindi ako pwedeng magpakalasing.

“Dale, itinuturo ka nung isang chicks,” siko sa akin ni Troy kaya maang akong lumingon sa gawi ng tinutukoy niya.

Malagkit ang titig ng babae sa akin at mayamaya ay isinenyas nito ang restroom bago tumayo sa pwesto.

“Anong problema no’n?” nasabi ko sa mga kaibigan. Humagalpak sila ng tawa.

“Mabibinyagan ka na, Dale. Sundan mo, dali!”

Hindi ko maintindihan ang mga kaibigan pero dahil lalaki ako at may pinangangalagaang reputasyon ay sinunod ko sila. Sinundan ko ang babae at natagpuan ko ito sa labas ng pinto ng CR.

Pagkalapit ko ay muntik na akong mapasigaw nang bigla nitong hilahin sa kamay at isandal sa dingding.

“Gwapo talaga,” bulong nito.

Bago ko pa namalayan ay hinahalikan na pala niya ako sa labi.

Jusko! Pauline, may first kiss na ako!

Continue Reading

You'll Also Like

12.7K 578 35
Warning: Cringe alert. Wrote it when I was 15. It will not go through revision and it have a lot of holes in the story and questions that you want to...
135K 3.7K 35
[COMPLETED] Fiarra Charlotta Shryte, a 20 year old woman and Lurd Demhon Verotome Scendon, a 23 year old man... Magmamahalan at masasaktan. Paghihiw...
2.2K 236 49
A normal college nerdy girl who have no one but her grandmother. Her boring life became a rollercoaster after meeting a man named Autumn Rockets. He...