Until I Get Over You

By Ulyca25

13.4K 1.9K 1.4K

Everything in her life is perfect. She's living the life that everyone dreams of. Then, Lucas came and made i... More

Until I get Over You
***
Prologue
Chapter - 1
Chapter - 02
Chapter - 04
Chapter - 05
Chapter - 06
Chapter - 07
Chapter - 08
Chapter - 09
Chapter - 10
Chapter - 11
Chapter - 12
Chapter - 13
Chapter - 14
Chapter - 15
Chapter - 16
Chapter - 17
Chapter - 18
Chapter - 19
Chapter - 20
Chapter - 21
Chapter - 22
Chapter - 23
Chapter - 24
Chapter - 25
Chapter - 26
Chapter - 27
Chapter - 28
Chapter - 29
Chapter - 30
Chapter - 31
Chapter - 32
Chapter - 33
Chapter - 34
Chapter - 35
Chapter - 36
Chapter - 37
Chapter - 38
Chapter - 39
Chapter - 40
Chapter - 41
Chapter - 42
Chapter - 43
Chapter - 44
Chapter - 45
Chapter - 46
Chapter - 47
Chapter - 48
Chapter - 49
Chapter - 50
Chapter - 51
Chapter - 52
Chapter - 53
Chapter - 54
Chapter - 55
Chapter - 56

Chapter - 03

307 46 31
By Ulyca25

Pauline

Ilang araw ang lumipas at naging laman ng kwentuhan ng buong school ang pagkakaroon ‘di umano ni Freya ng sugar daddy. Nakadidiring pakinggan ngunit kung bakit ay tuwang-tuwa pa ang babae dahil doon.

“Hindi ko pa rin talaga ma-imagine si Freya na may sugar daddy...” naiiling kong wika sa mga kaibigan minsang break time namin.

“Oh, dear, hindi ka pa rin ba makapaniwala? With her reputation ay magtataka ka pa ba?” nakangising saad ni Ate Jen.

Bukod kay Emma na kaibigan kong matalik ay may barkada akong mas matanda sa akin tulad nina Ate Jen, Ate Roda at Ate Sheryl. Nasa 4th year na ang mga ito ng kolehiyo at close na close ako sa kanila.

Iyon nga lang ay ayaw nila kay Emma kaya kapag kasama ko sila ay wala ito. Ganoon din kasi ang mga kaibigan sa kanila. Aniya ay mga bad influence raw sina Ate Jen. Ayon naman kina Ate Jen ay hindi nila gustong makipagfriends sa tulad ni Emma. Medyo may pagkamatapobre ang mga ito pero hindi nila iyon idinerekta sa akin.

“But infairness, magaling pumili si Freya. Sabi nina Gab ay gwapo at macho raw iyong ka-date niya sa mall,” ani Ate Roda. Same sila ni Ate Jen ng course. Abogasya.

“Nakakabigla lang talaga. Bakit naman siya pumatol sa matandang guy?” nasabi ko bago bumuntong hininga. Natawa tuloy ang tatlo kong kasama.

“Ano pa bang dahilan kaya nagkaka-sugar daddy ang isang girl? E ‘di dahil sa pera!”

“Tama. Ayon pa sa balita ay may condo pala iyang si Freya noon pa. Baka bigay rin no’ng boyfriend niya.”

Pera? Imposibleng walang pera si Freya. Ayon sa daddy ko ay malaki ang parte nila sa VBC at bukod doon ay may malawak silang hacienda at farm sa province kaya papaano kukulangin sa pera ang bruhang iyon?

“Buti ka pa, Pauline, kahit hindi ka magka-sugar daddy ay may daddy ka naman na nagbibigay ng luho mo. Unlike us na tinitipid ang allowance. Hindi lahat ay katulad mong anak-mayaman.”

Tsk. Hindi yata alam ng mga ito na bukod sa amin ni Dale ay mayaman din sina Freya. Kaya napaka-imposible talaga na magkaroon ito ng sugar daddy.

“Kaya, Pauline, mag-ingat ingat ka sa mga kumakaibigan sa’yo. Maraming user ngayon sa mundo,” paalala pa ni Ate Jen.

Kumunot naman ang noo ko. So far ay mga mapagkakatiwalaan pa naman ang mga friends ko. Saka imposibleng traydurin ako ni Dale. Isang sugod lang ni Mommy sa bahay nila ay yari siya kapag inaway niya ako.

“By the way, birthday ko na next sunday. May pa-party ako sa Eco Bar. Punta ka naman, Pauline!” ani Ate Jen na ikinatigilan ko.

Eco Bar? Tiyak na may alak iyon. Tsk! Hindi ako pwede.

“S-sorry, Ate, pero hindi pa ako pwede sa mga ganyang lugar, e.”

“C’mon! Daddy mo ang owner ng bar na iyon at malapit ka nang mag-18 kaya bakit hindi pwede?” ang natatawang anito.

“Masaya iyon, Pauline. Imbitado ang lahat ng barkada. Kapag hindi ka um-attend ay maiiwanan ka ng ganap doon. Huwag mong hayaang makuha ni Freya ang award sa gabing iyon,” sabi naman ni Ate Sheryl.

“Award?”

“Yes. Pipili ako ng pinakamagandang bisita sa party ko. Enjoy iyon kaya sumama ka. Malay mo roon ka na rin makakuha ng sugar daddy mo?”

“A-ano?” ang nahihindik kong reaksyon.

PAGKATAPOS ng break time ay bumalik na ako sa classroom namin. Malapit na ako roon nang makita si Dale sa tapat ng pintuan niyon. As usual, pinagkakaguluhan na naman siya ng mga kaklase ko. Feeling famous kasi ang kaibigan porke’t captain siya ng basketball team.

“Saan ka galing, ha? Kanina pa kita hinihintay rito!” anito pagkalapit ko roon. Kilig na kilig naman ang mga tsismosa naming schoolmate sa paligid. Kung umasta naman kasi ito’y kung hindi parang boyfriend ay parang daddy ko.

“Bakit ang OA mong magtanong?” irap ko sa binata.

“Sabi mo kasi’y titikman natin iyong bagong milk-tea-han do’n sa labas.”

“Napatambay kasi ako kina Ate Jen.” Sabay tingin sa relong pambisig. “May oras pa naman, tara na!” yaya ko kahit busog na busog na ako sa kinain ko. Promise is a promise kasi ang isa sa mga rules namin.

“Ayoko na, ang haba na ng pila. Hmmp!” simangot nito.

“E bakit mo pala ako hinintay kung ayaw mo nang pumunta?”

“Malay ko ba na mamaya ka pa?”

“May oras pa nga kaya tayo na!”

“Mahaba na nga ang pila!”

“Ang arte mo! May mens ka ba ngayon?” malakas kong tanong na ikinatawa ng mga tao sa paligid. Pulang-pula naman ang mukha ni Dale.

“P-pauline...ikaw lang talaga ang sumisira ng reputasyon ko rito!” ang paiyak nitong saad na ikinahagikgik ko.

Hinila ko siya sa kamay at hindi na ito nakapagreklamo pa nang kaladkarin ko siya palabas ng school.

THREE days pa lang nag-o-open ang milk tea-han na iyon kaya gusto naming tikman. Pero tama nga si Dale. Pagsapit namin doon ay pila na ang mga estudyenteng bumibili. Puno na kasi ang customer sa loob kaya nagkasya na lang kami sa pagsingit sa mga tao.

“Kasalanan mo kapag nangitim ako!” paninisi ko sa kaibigan habang ipinapaypay ang panyo sa leeg.

“Ako pa ang may kasalanan? Kung ‘di mo inuna ang tsismis ay kanina pa sana tayo nakabili niyan!”

“Umbrella please!”

“Wala akong dala!”

Nainis ako sa binata. Ang init naman kasi talaga sa pwesto namin.

Nang igala ko ang tingin sa pila ay natuwa ako nang makita sa mga iyon sina Xian at Allyson. Tamang-tama nasa unahan sila.

Si Xian ay nakababatang kapatid ni Xyren at si Allyson naman ay anak ni Kuya Harry. Mga high school graduating student sila sa pinanggalingan namin. Konti lang ang tanda ko sa mga ito pero hindi ko sila masyadong ka-close lalo na si Allyson.

“Xian, may favorite pamangkin!” bati ko sa binata nang lapitan ko siya hila si Dale sa isang kamay.

“A-auntie?”

Napasimangot ako sa itinawag nito sa akin. Pero agad ding ngumiti nang maalala ang pakay.

“Hi, Elle!” kaway ko pa kay Allyson. Tulad ng dati ay pokerface lang ito. Si Allyson ang pinakatahimik at misteryosa sa aming pamilya at tanging si Xian lamang ang kinakausap.

“Nakapila rin kayo?” tanong ni Xian. Kabaligtaran ng ugali ni Xyren dahil suplado ito at may sariling mundo kaya nga sila magkasundo ni Elle. Younger version ito ng daddy ko kung kilay ang at talim ng mata ang pag-uusapan.

“Nasa dulo pa kasi kami,” medyo hininaan ko ang boses. “Baka pwedeng pasa-buy?”

“Ha? Nakakahiya ang haba ng pila—”

“Shhhhh...” Tinakpan ko ang bibig ni Dale nang mag-react ito. Sabay ngiti sa mga taong nakapila. Dahil maganda ako ay ngumiti rin ang mga ito sa akin.

“Ito ang pera namin. Ibili n’yo na rin kami. Hihintayin na lang namin kayo sa may kanto, okay?”

“P-pero—”

Hindi ko na binigyan ng pagkakataon si Xian na umalma. Pagkasingit ko ng pera sa kamay niya ay mabilis na akong tumakbo palayo hawak sa kuwelyo si Dale.

PAGBALIK nga namin sa loob ng school ay may iniinom na kaming milk tea. Hindi naman kasarapan pero pwede na rin.

Nang maalala ang party ni Ate Jen ay sinabi ko iyon kay Dale.

“Gusto kong pumunta,” saad ko.

“Sa Eco Bar iyon gaganapin kaya paano ka makaka-attend? Hindi ka tiyak papayagan ng daddy mo.”

“Ikaw ba? Invited ka rin ba?”

“Oo naman!”

“At pupunta ka?”

“Hindi. May sarili kaming lakad nina Tim!”

I sighed. Gusto kong pumunta hindi dahil gusto kong magwalwal. Last year kasi ay sa bar din ginanap ang birthday ni Ate Jen at pagkatapos niyon ay laman ito ng paksa ng mga dumalo at halos lahat ng kaklase ko ay iyon ang kwentuhan. Habang ako ay nao-OP dahil wala ako sa party na iyon. Pakiramdam ko’y napag-i-iwanan ako ng mga kaedaran ko.

Malapit na akong mag-legal age pero kahit kailan ay hindi pa ako nakakatikim ng alak. Mabuti pa nga si Emma, nakatagay na noon sa night outing namin, samantalang ako ay hanggang juice lang.

I want to explore. I mean, minsan lang magiging teenager ang isang tao kaya dapat lang na i-YOLO iyon, ‘di ba? Pero paano ako magpapaalam kay Daddy at Mommy?

Freya

Hindi ko alam kung paano nila naisip na sugar daddy ang Kuya Lucas ko? Hindi naman ito mukhang matanda! Oo at puno ito ng balbas at bogote pero hindi ito mukhang old man. Nakakainis na nakakatawa.

Ngunit sa kabila niyon ay hindi ko inaasahan na sisikat ako sa school dahil sa issue na iyon. May ilang nandidiri sa balita at may ilan naman na naiinggit sa inaakala nilang pagkakaroon ko ng sugar daddy.

Kaya may naisip ako upang mas lalo nilang kainggitan.

“Well, Freya, bakit hindi mo ipakilala sa amin ang boyfriend mo? Sa linggo ay may party ako sa Eco Bar. Why don’t you bring him?” ani Jen nang makasabay ko sila sa cafeteria.

“Sabi ko naman sa inyo, hindi ko boyfriend iyon!” natatawa kong saad. Idini-deny ko pero hindi ko rin nililinaw sa mga ito kung sino ang lalaking kasama ko sa mall.

“Whatever! Basta ipakilala mo siya sa amin.”

“You know what, Freya? Kung may bagay ka mang ikinalalamang kay Pauline—iyon ay ang freedom mo. Masarap ang maging malaya at iyon ang kulang sa batang iyon dahil sa daddy niya.”

Napangisi ako sa sinabi ni Jen.

KAYA pagkauwi ko sa condo ay agad kong tinawagan si Kuya. Ang tagal nga bago niya nasagot iyon. Naalala kong tag-ani nga pala ngayon ng palay kaya malamang na abala ito hanggang gabi.

“Kuya, hindi ba at pupunta ka ulit dito sa Sabado?”

“Oo. May ihahatid akong materyales sa kliyante ko. Bakit?” anito.

“May party kasi akong dadaluhan sa Linggo. Kaya lang ay wala akong escort. Baka pwede ka?”

“Ano? Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga ganyan. Maghanap ka na lang ng iba. Marami pati akong gagawin dito kaya babalik din agad ako,” tanggi ng kapatid. Inaasahan ko naman iyon kaya may sagot agad ako.

“Aayain ba kita kung meron? Kung buhay lang si Daddy ay siya ang ipa-partner ko—”

“Freya! Ayan kana naman!”

Medyo nadala ako sa pangungonsensya sa kapatid at medyo sumakit ang lalamunan ko nang mabanggit ang daddy namin.

Maaring tama sina Ate Jen. Lamang ako kay Pauline kung ang pag-uusapan ay kalayaan. Pero iyon ay dahil wala akong daddy at mommy at ito ay mayroon. Si Kuya Lucas lang ang meron ako pero lagi rin itong busy sa farm. Kapag nag-asawa ang kuya ko ay maiiwan akong mag-isa at iyon ang ikinakatakot ko. Kaya nga hangga’t maari ay gusto kong kilala ko ang mapangasawa ng kapatid. Iyong ka-close ko para hindi kami magkalayo kahit magkapamilya na ito. Pakiramdam ko kasi ay mag-isa na lang ako sa mundo kapag nawala ang kuya ko.

Pauline

Pagkapasok ko pa lang kinabukasan ay bumungad na agad sa akin ang ingay ng classroom. At ang pinag-uusapan nila ay ang gaganaping birthday party ni Ate Jen sa Eco Bar. Marami palang imbitado sa mga kaklase ko.

Nangunguna sa ingay si Freya kaya hindi na lang ako nag-react. Usually kasi kapag maingay ay pinatatahimik ko ang mga ito. Pero dahil nandito si kulot ay deadma na lang muna.

“Pauline, a-attend ka ba ng party ni Jen?” tanong ng isa naming kaklase.

Natigilan naman ako at saglit na hindi malaman ang isasagot. Bago bumuka ang bibig ko ay sumabat na agad ang bruhang si Freya.

“Hindi iyan syempre pupunta. Strict ang parents niyan, e. Baka nga kahit Fourthy years old na siya ay pagbabawalan pa rin siyang pumunta sa bar ng daddy niya...” anito sabay tawa nang nakakainis na tawa. Namula ako nang sabayan siya ng mga kaklase namin.

“Don’t mind her, Pauline,” bulong sa akin ni Emma.

Pero hindi ko talaga ugaling magpatalo kay Freya e. Kaya bigla akong tumayo at lumapit dito.

“B-bakit ka lumapit? Sabunutan na naman ba ang gusto mo?” anito na ikina-tsk ko.

“Sinong may sabi sa iyong hindi ako a-attend?”

Napapalatak ang mga naroon dahil sa aking sinabi. Bumalatay naman ang hindi paniniwala sa mukha ni Freya.

“P-pupunta ka? Bar iyon. Walang gatas do’n!”

Nakarinig ako ng tawanan kaya lalo akong nagngitngit sa babae.

“Sa Eco Bar ang party kaya pinayagan ako ni Daddy na um-attend...nang walang bodyguard!”

“Yahoo!!!” sigaw ng mga kaklase namin. Nagpalakpakan pa ang mga ito habang ngitngit na ngitngit naman si Freya.

Pero paano nga ba ako makakapunta roon nang hindi dumaraan sa dragon kong tatay?

Continue Reading

You'll Also Like

164K 706 4
Naglayas si Belle ng malamang ipinagkasundo siya kay Paris Kiefer El Frid. Ang lalaking binansagan nila ng kaibigan si Cara na Mr. Stalker. Dahil sa...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
4.1K 169 35
"Sino bang pinagmamalaki mo, Forrest? 'Yong babaeng 'yon. Hindi hamak naman na mas maganda ako doon. Mas sexy, mas mayaman. Hello! Mondragon na ang l...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...