𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭...

Galing kay sanzscripts

2.4K 1.6K 108

STARTED: March 16, 2023 COMPLETED: July 10, 2023 (Will self-publish soon) *** Bata pa lamang si Vent, marami... Higit pa

𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫'𝐬 𝐍𝐨𝐭𝐞𝐬
𝐏𝐫𝐨𝐥𝐨𝐠𝐮𝐞
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟑
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟒
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟓
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟔
𝐀 𝐆𝐥𝐢𝐦𝐩𝐬𝐞 𝐨𝐟 𝐂𝐡𝐚𝐥𝐢𝐲𝐚𝐡
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟕
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟖
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟗
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟎
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟏
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟐
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟑
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟒
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟓
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟔
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟕
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟖
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟗
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟎
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟏
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟐
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟑
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟒
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟓
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟔
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟕
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟖
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟗
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟑𝟎
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟑𝟏
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟑𝟐
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟑𝟑
𝐄𝐩𝐢𝐥𝐨𝐠𝐮𝐞
𝐃𝐄𝐃𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍
♥ 𝐑𝐄𝐀𝐃 𝐎𝐍𝐋𝐘 𝐖𝐇𝐄𝐍 𝐘𝐎𝐔 𝐅𝐈𝐍𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐕𝐒𝐀 ♥

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏

168 59 13
Galing kay sanzscripts

-VENT-

~The Present

Papasok na ko sa school ngayon bilang isang 1st Year Student na kumukuha ng double major course sa Forensic Science and Psychology. Sabi nung enrollment adviser ay baka raw mahihirapan ako mas lalo't pagsasabayin ko ang dalawa mahirap na courses. Ng makita niya ang latest grades ko ay ngumiti nalang ito at masayang binigyan ako ng subjects. Puro kasi 97 pataas iyon, alam ko rin naman kasing kaya ko kaya bakit niya ako pipigilan.

Suot ko parin ang aking face mask para hindi ko malanghap ang bawat usok na nilalabas ng mga sasakyan. With it, mas nakaka-adjust ako sa aking paligid at hindi masyadong nahihilo dahil sa masasangsang na amoy.

Buti nalang at nakaface mask halos lahat ng tao ngayon dahil sa pandemic at hindi ka pagtitinginan. Mas pagtitinginan ka pa nga nila pag hindi ka nakafacemask.

Nakakakaba, I was formerly from Manila at lilipat ako ngayon sa City of Baguio para lang makapag aral ng Forensic Science & Psychology.

Wala pa kasing Forensic Science sa Manila kaya naman kailangan kong umalis at lumipat dito.

Pangarap ko kasing maging forensic psychiatrist and since kailangan kong mag double major para maachieve ko 'yon, iyun ang ginawa ko.

Syempre para makahanap din ako ng magandang dilag na pwedeng ligawan, sabi kasi nila madami daw magandang nilalang dito sa Baguio, sana lang talaga Lord hindi sila amoy alamang. Marami na kasi akong nakilalang babae na maganda naman pero iba ang kanilang nilalabas na amoy.

Bakit sa Baguio ko piniling mag aral? Simple lang, dahil madaming puno! And it means a relaxing place for me. Alam kong may mga lugar na mausok talaga, marami pa ring nakapalibot na puno kung saan pwede kang makapagpahinga ng walang halong ibang amoy.

Matagal akong naghanap sa internet kung saan ang may pinakamalinis na paaralan para doon ako papasok. Syempre lilipat na nga lang ako, gusto ko 'yung komportable naman akong mag aral diba? Ayoko naman magambala sa mga amoy ng malansang banyo at kung anu-ano pang-uri ng hindi magandang amoy.

Yes! U Can! Ayun ang signage ng school namin. University of the Cordilleras is known for its cleanliness. Maski banyo ay wala kang masabi, pwede ka pang kumaen doon at ikaw pa ang mahihiyang magkalat. 

Wala kang makikitang kahit maliit na kalat, laging may naglilinis. Bawat oras o minuto ata may nag aabang sa tabi-tabi para kung may isang dumi ay malinis na nila agad ito.

And I appreciate this school so much because it was one of the places na safe kong tanggalin ang face mask ko. The aroma permeating the school resembled that of being enveloped in a serene environment, reminiscent of fresh bamboo and pinecones.

═ ✪❂✪ ═

"Why are you late Mister? Unang araw palang ay dapat inaagahan mo" galit na sabi ng instructor namin habang hingal na hingal akong papasok sa classroom. Kita ko pa ang mga ugat na lumalabas sa leeg nito habang deretsyong nakatingin saakin.

"Pasensya na po sir, bago po kasi ako dito kaya nawala ako" Nagkamot ako ng ulo dahil 20 minutes late na pala ako. Andami kasing pasikot-sikot dito sa UC. Lulusot ka sa isang corridor tapos ibang building na pala iyon. Napabuntong hininga nalang ako ng hindi pa rin ako nilubayan ng masakit na tingin ng aming instructor.

"Take your seat beside the girl in pink dress". Itinuro niya ang upuan sa tabi ng babaeng may mahabang buhok na parang maldita. 

Umirap ba naman habang papalapit ako. Her scent was subtle like the ocean, though may naamoy akong iba, ung parang hindi sa kanya. Ang weird.

Dahil unang araw ito ng klase namin, self-introduction ang pinagawa ni Sir. May mga nagpakita ng talent nila; may mga sumayaw, kumanta, at nagtiktok. Ako ang second to the last na magpapakilala kaya naman hindi ko alam ang sasabihin kong talent mas lalo at ayokong nagiging center of attraction. Ayaw din naman ni Sir na wala akong ipresenta kaya naman sinabi ko lahat ng pangalan ng kaklase kong mga nagpakilala. Nagulat sila saakin dahil nakabisado ko lahat iyon.

Sus! Buti nga at hindi ko pa sinabi ang ibang detalye na pinahayag nila. I have a photographic memory kaya mallit na bagay lang saakin ang ma-memorya ang mga ito. 

Matapos namin magpakilala sa klase ay biglang sumigaw ang katabi kong babae. 

"Sir! Nawawala po 'yung pabango ko! Bago lang po 'yun at dala ko po kanina" Sigaw kong  nagngangalang Alicia Desperada.

"Ms. Desperada, sino naman ang kukuha niyang pabango mo sa mga kklase mo. We are all new here and we value honesty" tumaas ang kilay ni Sir at napatingin saakin na para bang sinasabing ako ang kumuha nito. Ano ba naman gagawin ko sa isang pabango?

"Diba class?" Tanong ni Sir habang nakapamewang. Amoy paminta si Sir. Hindi ko alam kung sadyang mahilig siya sa paminta o gusto niyang magladlad.

"Yesss po Sir!" Sabay sabay na banggit naming studyante. Hindi ko narinig 'yung katabi kong si Zonita Fenendo na sumangayon sa tanong ni Sir. Nahahalata ko na ring balisa ito.

"Sir! Nag CR lang po ako kanina bago mag umpisa ang class, doon ko po huling nakita dahil ginamit ko pa po 'yun bago ako mag CR!" Naiiyak na tugon ni Alicia. Kita mo sa itsura niya na mahalaga sa kanya ang pabangong iyon.

"Oh sige! Kung ganun kaimportante sayo ang pabangong iyon, let's do a bag search. Para malaman natin kung may kumuha ba talaga o wala" Lumiwanag ang mukha ni Alicia at isa-isang pinalagay ni sir ang bag namin sa harap para icheck ni Alicia ang loob ng bawat bag.

Napansin kong mas lalong kinabahan si Zonita dahil nangangamoy pawis na siya. Napansin ko rin ang mabilis nitong paglunok ng laway at ang pagkagat ng kanyang ibabang labi.

Isa-isang tinignan ni Alicia ang bag namin ngunit wala itong pabangong nahanap. Sumimangot nanaman ito at tila'y parang naiiyak nanaman. Tumingin ito kay Sir at umiling na sinasabing wala siyang nahanap.

"Oh! Ms. Desperada, sabi ko naman sayo walang kukuha nung pabango mo dito diba" napapamewang pa si Sir habang sinasabi iyon kay Alicia. Tumitinis na ang boses nito, halatang naiinis na kay Alicia.

"Pero sir! Huling ala-ala po 'yun na iniwan ng mama ko para saaken. Habang binibili niya ang pabangong iyon para sa kaarawan ko, n-nabangga po siya ng jeep" Mas kumawala ang hagulgol ni Alicia. Naiyak ang mangilan ngilan sa aming mga kklase at pati na rin si Sir. Hindi na ito nagsungit at mas lalong na awa sa dalaga.

"O-Oh sige mga students, hindi ko kayo ididismiss hangga't makita natin ang pabango ni Ms. Desperada" Tinitigan ko ng maigi ung maarte kong katabi, patuloy pa rin ito sa paglunok ng kanyang laway at ngayon naman ay hindi na rin ito mapakali. Dahan-dahan akong nilapit ang mukha ko sa kanya saka ko siya binulungan.

"Ibigay mo na kasi" Bulong ko sa kanya na ikinagulat naman nito. Her face was shocked while I stare at her with no emotions in my face.

"Ano bang pinagsasabi mo jan. Hindi ko kinuha and pabango niya. Di ko naman type ung amoy masyadong matamis" Defensive ang maldita. Namumula na ang buong mukha niya at halata mong naiinis siya sa sinabi ko.

Kunot noong naiirita ang dalaga ng hindi ko parin tinanggal ang titig ko sa kanya.

Iyak ng iyak si Alicia. Hindi na alam ni Sir kung ano ang gagawin niya. May mga ilan na rin ang lumapit sa kanya para ibigay ang mga pabango nila ngunit hindi iyon tinganggap ni Alicia.

"Hindi ka ba NAAAWA sa kanya?" Bulong ko uli sa maldita kong katabi, mas idiniin ko pa ang salitang naaawa. Narinig kong napamura ito ng mahina bago niya kinuha ang pabangong nakalagay sa loob ng kanyang suot na jacket.

And just like that, she stood up, gave the perfume back to Alicia and walked out. 

My classmates and teacher were speechless. Si Alicia naman ay natuwa at bumalik na ang huling regalo ng kanyang ina sa kanya. Niyakap niya pa ito na parang ito ang pinaka-importanteng bagay na pagmamay-ari niya.

"P-Paano mo nalaman?" tanong saakin ni Alicia ng may ningning sa kanyang mata.

"Naamoy ko kasi si-.." nakatitig lang si Alicia saaken na may nagtatakang itsura. Hindi ko pwedeng sabihing naamoy ko kay Zonita ang pabango niya dahil baka iba ang isipin nito.

"Ah eh, Naramdaman ko lang kasi tayo lang namang tatlo ang magkatabi. Hehe. At malamang hindi ko naman kukunin iyon dahil hindi ako mahilig sa pabango."

Napahinga ako ng maluwag ng hindi na ako tanungin ni Alicia. Nagpasalamat nalang siya saaken at pinaalis na kami ni Sir. 

I knew it was Ms. Fenendo who took Alicia's perfume. Her scent was subtle, like the ocean. However, there was this strange smell that didn't belong to her - the scent of sweet peas.

It was then I realized that it was Alicia's scent. A delightful blend of sweet peas with a subtle hint of honey.

I have to control myself from publicly stating the scent of others. I don't want to attract attention mas lalo at nagsisimula ulit ako sa bagong lugar.

***

#VSA1

***

A/N: Hello shines! This is an edited version of this chapter. Pwedeng niyong ire-read if you want and pwede rin namang hindi na. I'll also be removing the titles per chapter para hindi ma-spoil ang mga bagong readers. Thank you! :*


Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

2.7K 135 69
Shots Series: #3 I hope being sober is the only way to get you back. Genre: Teen-Fiction | Epistolary Language: Tagalog-English Status: Completed...
5K 805 33
Aster Geneva D. Dixon has always been in love with Dominic Herrero since she was seventeen. He's always been the only thing on her mind from when the...
5.8K 451 36
Sabi ng isang great philosopher na si Tagore, ang pinakamalayong distansya ay not between life and death but when I stand in front of you, yet you do...
10.9K 383 15
Isla Grande Series #1 Sa isang halik lahat nagsimula, nang dahil sa isang halik hindi nila akalain magpapabago sa buhay nila. Ngayon, naniniwala ka...