Unexpected Loving You (Oneira...

By Lunarshia

310 32 0

Hi! I'm Danica and Andrei, I just want you to know that..... Not everyone who fall in love with someone is ha... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
Epilogue
Au note

14

6 1 0
By Lunarshia

Talk with Dad.

DANICA POV

Tinitigan ko siya saka huminga ako ng malalim at tumango nalang, niyaya niya ako sa office niya at sinundan ko naman ito. Bata palang ako ng lagi akong pumupunta dito pero hindi na ako pumunta dito ng lagi silang busy.

Umupo ako sa harap niya. "What? Ano ba paguusapan natin?"

"About us" deretsyo niyang sagot. "I'm sorry" mahina niyang sabi kaya automatic na tumaas ang kilay ko.

"Anong sinabi mo Dad, hindi ko narinig" pangaasar ko, nakita ko sa mukha niya na nahihiya siya or parang naiinis na siya.

"I'm sorry!" Medyo napalakas pa boses niya pero kumalma naman siya. "Hindi ko na uulitin, okay nayun" dagdag niya kaya palihim ako napatakip ng bibig.

"Ikaw na nga nagsosorry ikaw pa matapang" pagkukunwari kong bulong pero sinadya kong lakasan para marinig niya.

"Danica-"

"Hindi kita papatawarin hanggang hindi mo sinasabing baby or anak or love" tinignan ko siya ng mapangasar na tingin.

"I'm sorry..." Napatigil siya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. "...My baby"

Bigla akong natawa ng makita ko siyang punong-puna sa mga kalokohan ko, wala naman akong gusto sabihin niya kundi 'yong mga salitang lagi niyang sinasabi sakin. Tumayo ako at lumapit sakanya para bigyan siya ng yakap.

"I love you Dad and your apologize accepted"

***

Senior high

"Danica... Danica.... Danic—Yown!!! Humss Copernicus!" Kanina pa ako naghahanap ng pangalan ko dahil nakalimutan ko kung anong kinuha ko dati ng mag-enroll ako.

"Shit ka—"

"Your mouth!" Sigaw ng teacher na nasa tabi namin kaya mabilis na tinakpan ni Stella ang bunganga niya.

Hinila ko nalang siya sa layo ng mga teacher para makapagmura siya. "What?"

"Magkaklase tayo!!!" Malakas niyang sigaw. Nagyakap at tumalon-talon. Habang nagtatalunan kami dito someone interapt us.

"Ang saya niyo naman"

Tumingin ako kung saan nagmula ang boses nayunz nakita ko si Liam na nakangusong nakasandal sa pader. Pinagtaasan ko siya ng kilay at pinagcross ang braso ko.

"Bakit naman?"

"Kala ko naman kung magsstem kayong dalawa tapos kaklase ko pa kayo, tss."

"Ohhh edi that's good to hear that! Kasi magigi—"

"Pero mas maganda kung kaklase mo din ako" pagsisingit ni Andrie na nakangisi.

I rolled my eye and pout, dumating narin nga kaibigan nila kasama si Rye at Hannah, I heard Lance and Hannah broke up kaya naman kilig na kilig itong kaibigan ko dahil malalandi niya si Hannah.

Hindi ko alam kung papaano niya nagustuhan si Hannah eh straight pa sa kawayan 'tong babaeng ito.

Hinawakan ko ang braso ni Stella dahil mukhang lalapit siya kay Hannah, ayoko namang magkaroon sila ng away lalo na andito kami sa tapat ng guidance office. Kakaumpisa palang ng School year baka ma-guidance na kami.

"Hoy ikaw tantanan mo nga si Hannah, straight yan kaya dapat maging straight ka, straight ka kaya dati"

"Tss oo na, masama bang magkagusto kay Hannah?"

"Hindi naman pero takte ka, umayos ka" pagpipigil ko ng gigil.

"Baka pwede niyong ishare sa'min yang pinaguusapan niyo?"

"Chismiso!!" Mabilis naming sigaw sakanya.

"Curious lang naman, saka naririnig kaya namin mga pinaguusapan niyo..... Awkward"

"Hoy! Anong masama sa pagkagusto ng babae, saka crush lang naman na hindi ko seryosohin" pakikipagtalo niya kay Liam.

"Ows eh kala ko nga kay Lance kapa din may gusto ehhh napunta pala kay Hannah HAHAHAHAHAHAHA!!" malakas niyang tawa.

"Ano masasabi mo Hannah? May gusto daw sayo si Stella" pagbibiro ni Rye.

Bagay nga talaga silang dalawa... Mahilig mangasar.

"Ayoko sa tao"

Lahat kami napanganga ng sabihin niyo iyon, napatingin ako kay Stella na nakatulala lang siya.

"Bala nga kayo diyan!" Sigaw ni Stella sabay talikod saamin.

"Hayaan niyo na 'yun, napahiya lang pero huwag lang magimagine ah" pagbaling ko kay Hannah. "Eme eme niya lang yun"

"Tss" singhal niya.

Hinanap ko si Stella dahil pupunta nasa line para mag-announce na sa kung anong mangyayari siguro dito. Nahanap ko din siya at as usual walang nangyari saamin at puro introduce yourself lang pinagawa saamin. Naglunch time at natapos lahat ng oras sa school at puro ingay lang ni Liam, Andrie at Jake.

"Dapat pala nagstem nalang tayo, this is so stupid!" Pagrereklamo niya.

"Sino ba nagpilit sakin na maghumss tayo!" Pakikiagaway ko sakanya.

Habang naglalakad kami pumunta muna kami sa locker room para kunin ang damit kong pinapawisan kanina nung naglaro kami ng badminton. Sumabay si Stella kay Riko habang ako ay inaantay ni Andrie sa parking lot.

"Buti naman dumating ka, antagal mo eh magkapareho naman na tayo ng section tagal mo padin...." Sabi niya ng makapasok ako at pinaandar niya na ang kotse niya. "Sino mga pala 'yong kasama ni Stella? Boyfriend niya?"

"No! Son ng friend ni Tita which is Mommy ni Stella"

"Good to know at okay na sila, Hindi gaya dati na nagkakagulo silang magpapamilya"

"Yup kasi inayos ni Kuya Xavier at Ate niya" pagpapaliwanag ko. "Saan pala tayo pupunta?"

"Malamang uuwi na kasi inaantok din ako, next time nalang tayo lumabas"

Pumayag narin ako dahil pagod din naman ako, pagkababa ko nagpaalam na siya na pumasok narin ako. Pagkapasok ko binati ko lang si Mommy sa living room at dumeretsyo sa kusina para kumain.

"Wow! Sino nagluto nito?!"

"Ako, sino pa bang magaling magluto bukid sakin" kangising sabi ni Daddy habang may dalang mangkok.

Nakaapron siya na nakaoffice attire. Pagkalapag niya ng ulam hinalikan ko siya sa pisngi bago tawagin si Mommy. Busy din siya pero sumunod padin.

"How's school?" Pagtatanong ni Dad.

Ngumuya muna ako bago ko siya sagutin. "Okay naman po, saka first day palang naman kaya less stress palang ngayon" kangiti kong sagot.

"Hmmm, Pare said na magkaklase kayo ni Andrei"

"Opo. Pero malayo seat niya sakin"

"Okay naman pala! Pero dapat focus sa studies kahit magkaklase kayo ng boyfriend mo" pagsisingit ni Dad.

"Boyfriend? Kayo na?" Gulat na tanong ni Daddy.

"Opo, matagal na... Hindi ko lang po sinasabi sainyo baka magalit po kayo"

"No! I'm not! Actually—"

"Actually mas gustong gusto pa ng Daddy mo 'yan eh, right Mr. Perez?!" Sarcastic na sabi ni Mommy at pinagtaasan siya ng kilay.

"Yeah pero dati 'yun hindi na ngayon, okay na kami ng anak mo at nagpromise narin ako na hindi ko siya pipilitin... Kung ayaw, edi ayaw"

"Yown!!" Pumalakpak ko ang kamay ko at tinuro ko siyahabang ngumunguya. "Ganyan ang Daddy ko!" Pagdadagdag ko.

"Hoy!!" Pagsaway sakin ni Mommy at mukhang nagulat pa ata sa inasta ko. "Nagiging Andrei kana ah!"

Pagkasabi ni Mommy saktong namang pagsulpot ni Andrie na may dalang paper bag. Nagmano muna siya sa parents ko bago ako halikan sa noo at pagtabi sa tabi ko.

"Hoy ikaw Andrei nandadamay anak ko sa pagiging barbaric mo ah!" Panenermon ni Mommy. Napatingin ako kay Daddy tumatawa pa palihim.

"Bakit po Tita?" Gulat na tanong niya.

"Hindi mo ba narinig? Huh ulitin mo nga anak" paguutos sakin ni Mommy pero sumubo nalang ako ng kinakain ko.

Nakikain narin si Andrei dito at dumating din ang parents niya kasama ang kapatid niya, Hindi nakikipagusap si Drew saakin dahil wala naman kaming paguusapan. Mas seryoso siya kesa sa Kuya niya pero kapag may topak ay mas malala pa sa nakakatanda.

Lagi siyang may hawak na king sa chess at nang tinanong ko dati kung bakit siya laging may hawak nun eh ang sagot lang niya ay tinanguan ako. Habang nilalaro namin ni Andrei ang aso ko nasa couch lang siya at naglalaro ng chess sa phone niya.

Inaasikaso ko lang sila Andrei at Ang kapatid niya hanggang sa nauna sila Tita umalis at natira itong Andrie. Pumasok sila Mommy sa loob at kaming dalawa lang dito sa labas.

"So" pangkuha niya ng atensyon ko. "Bukas tabi tayo sa Ucsp ah"

"Ayoko nga! Nangongopya ka lang naman!"

"Hoy!" Duro niya sakin pero tinapik ko 'yon. "Sorry... Hindi naman ako nangongopya, gusto lang kitang katabi"

"Hoy Mister Torrez! Naging kaklase kita dahil kay Stella—"

"Oh bakit siya nadamay dito?" Kunot noo niyang tanong.

"Siya lang naman nagpilit sakin na magHumss ako" inirapan ko siya at binalik ang tingin ko sa aso kong nakahiga na sa tabi ng kalsada. Bumaling ako sakanya at hinalikan siya sa pisngi. "Sige na, umuwi kana. Magkikita pa naman tayo bukas. At! MAGHAPON pa"

Lumapit ako sa aso ko at binuhat ito, bumalik ako sakanya. "Pagkauwi mo huwag ka ng magchat sakin at matulog kana" tumango siya na parang bata sabay halik sa noo ko bago sa aso ko.

"Babye baby" malambing niyang bulong sa aso ko bago bumaling sakin. "Bye babe" hinalikan niya naman ako ngayon sa pisngi bago pumasok sa kotse niya.

Magpigil ka Danica, kiss lang yan sa pisngi huwag kang ano diyan.

Pagkaalis niya pumasok narin ako at halos ramdam ko ang pagtibok ng puso ko, yeah I admit na maarte ako sa ngayon pero iba nararamdaman ko kapag si Andrei na nagiging sweet saamin.

Hindi ako sanay!!!!




:)

Continue Reading

You'll Also Like

133K 2.8K 48
If you would have told me i'd be where I am now about four years ago...i would have thought you were insane.Absolutely deranged,mentally incapable of...
2.1M 123K 43
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
3.7M 154K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
1.1M 6K 200
best wattpad stories you should read!! check them out♡