25

3 1 0
                                    

Yes or No?

DANICA POV

Halos kalahating oras ang tinagal ng byahe namin papuntang restaurant at nagtataka ako dahil akala ko normal na dinner lang ito pero kaming dalawa lang ang customer bukod sa mga tumutugtog.

Kahit kinikilig ako tinatago ko padin kahit kumakain at sumasayaw kaming dalawa, nakakahiya pero dapat hindi dahil kaming dalawa lang ang andito pero ng magsalita siya doon na ako naiyak, pinipigilan ko mga luha ko dahil kakagawa lang nung last last last day ang pilikmata ko kaya baka magsitanggalan silang lahat.

"Danica Ferren Gomez, Will You Marry Me?" Tanong niya habang nakaluhod padin siya.

Napatingin ako sa kamay ko at nagpipigil padin, Akala ko ito na ang singsing pero may iba pa. Lahat bumalik sa alaala ko ang mga nangyari saaming dalawa.

"Andrei Oliver Torrez, Yes. I'll marry you!" Pagkasagot ko tumayo siya kaagad at hinalikan ako.

Tinggal niya ang singsing na nakasuot saakin bago ilagay ang hawak niyang bago. Pagkasuot niya halos atakihin ako sa confetti at sigaw ng mga tao. Napatingin ako sa mga nagsisigawan at halos pala lahat ng kaibigan namin andito pati narin ang parents ko.

Tumakbo ako kila Mommy at doon umiyak, wala na akong pakialam kung may matanggal sa pilikmata ko pero parang ayokong bitawan ang apellido ko sakanila. Random ang emotions ko ngayon pero umiiyak padin ako. Pumunta ako kay Anthony at doon natin umiyak pero tinulak pa ang mukha ko.

"Kay Andrei ka umiyak! Saka 'yung pilikmata mo nasisitanggalan na! Susme! Parang bata" tinulungan niya akong tanggalin ang mga pilikmata na nasa pisngi ko.

"Congrats Ate Danica" kangiting sabi saakin ni Amira.

"Thank you" umiiyak pading sabi ko.

"Guys ako nalang i-congrats niyo, umiiyak 'yung mahal ko e"

"Tanga! Ikaw nagpropose dahil Siya 'yung i-congrats!" Dinig kong boses ni Liam.

"Eh Gago ka pala e!"

"Mr. Torrez oh! Sasapakin ako ng anak niyo!"

Kahit umiiyak padin ako natatawa padin ako sa mga pinaggagawa nila, lalo na si Liam. Hinila ko si Andrei sa coat niya habang si Liam nagtatago sa likod ni Tito at tumatawa narin.

"Tama na" bulong ko sakanya kaya tumigil din.

Nagpicture at kumain lang kami dito at umuwi narin, pagkahiga ko humiga din siya sa tabi ko at yumakap.

"Akala ko talaga 'yong singsing na silver ang proposal ring mo saakin"

"Sus, Alam kong maarte ka kaya gold na binigay ko sayo"

"Pero thank you Hon"

"Para sa'n naman?"

"Sa mga ginawa mo saakin, lahat ng mga gusto kong puntahan at gawin, ginagawa nating magkasama"

"Seyempre girlfriend kita kaya wala naman akong magagawa kundi pasiyahin ka, ayokong mangyari sayo 'yong nangyari sa mga ex ng kaibigan ko"

"Ha? Bakit? May problema ba sakanila?"

"Wala naman, ayoko lang talagang umiiyak ka..... Saka diba nga sabi nila A happy girlfriend, happy life"

"A happy wife, happy life. Mali mali naman sinasabi mo"

"Weh?!" Gulat niyang sabi kaya napatingin ako sakanya, nakadagan ako sa dibdib niya kaya mas makikita ko ang mukha niya. "Napalitan na pala"

"Pinalitan mo, hindi napalitan"

Unexpected Loving You (Oneirataxia Series #5)Where stories live. Discover now