01

27 1 0
                                    

ANDREI POV

ANDREI OLIVER TORREZ

HEY! wazzup wazzup!

***

"Dad saan ba tayo pupunta?" Iritable kong tanong dahil kanina pa kami andito sa sasakyan at paikot-ikot dito.

"You should stop talking dahil malapit na tayo" seryosong sagot niya.

"Tss" mahinang singhal ko sabay kinurot ako ni Mama sa tagiliran.

Saksakin niyo nalang kaya ako.

Nagheadset nalang ako at naghintay kung saan titigil ang kotseng ito, at huminto nga, sa isang restaurant at kabilang lugar pa. Pagkalabas ko saktong tumunog ang phone ko, sinagot ko lang ito at si Liam.

[Dre, San ka?]

"Hindi ko nga rin alam, kinidnap ako ng magulang ko Dre pakideteck nga ako" bulong ko sa phone ko.

[Tangina mo Dre maghanap ka nalang ng kausap mo kung ganyan din lang]

"Dwow! Kala mo naman kung hindi mo sinabi dati mga sinabi ko!" Sigaw ko at pinatay na ang phone na wala namang kwentang kausap.

"Are you ready, son?" Kangiting tanong ni Dad.

Tumango nalang dahil hindi ako makatakas dito, walang motor, walang bike.... Diba galing.

Pagkapasok namin sa restaurant napansin kong walang katao-tao except sa tatlong tao, dalawang matanda na kaedad nila Mommy tapos isang batang babae na parang edad ko narin. Pagkalapit namin ngingiti na sana ako sakanya pero masama ang tingin nitong binigay sakin.


E'di wow.

Pinaupo ako ni Mommy sa tabi ng babae kaya mas lalong awkward ang nangyari saamin dahil kapag may kukuhanin akong pagkain sa harap kinukuha niya din.

"Pwede ba!" Malakas kong sigaw ko sakanya at padabog kong binitawan ang tinidor sa kamay ko.

"What?" Inosente niya akong tinignan pero pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Gusto mo tusukin ko mata mo! Ha! Nangaasar kaba?!"

"What if I do?" sagot padin niya.

"Anak be patient, babae 'yan" pagpipigil ni Mommy sakin ng sasapakin ko sana ito.

Paki ko? Gusto ko na ngang tanggalin mata niya.

Pabiro niya siyang dumila sakin kaya lahat ng nilagay niya sa plato niya kinukuha ko, nang matapos kami kinuha ko ang cellphone ko na kahit hirap kong hawakan dahil sa liit ng kamay ko kahit 12 years old na ako.

Sobrang liit ng kamay ko na pero mina-massage ko naman siya parang humaba kaso naiinis talaga ako dito sa babaeng ito na nakatingin padin sakin pero kada nagtitinginan kami tumataas kilay niya at tumataas din kulo ng dugo ko sakanya.

Feel ko nagiging termos ako ngayon.

Mabait ako sa ibang babae pero hindi ko alam dito sa babaeng ito at parang tumatawa ang presyon ng dugo ko. Pagkatapos namin dito sa restaurant lumabas narin kami at pumunta sa bahay daw nila. Habang nasa byahe kami kinakausap pala ako ni Mommy.

Unexpected Loving You (Oneirataxia Series #5)Where stories live. Discover now