15

6 1 0
                                    

DANICA POV

Pagkadating ko sa classroom nakabukas na pala ito at 6:28 am palang, pagkapasok ko bumungad sakin si Lance na natutulog sa desk niya na may pagkain pangbukas at mogu mogu na malaki.

Habang pinagmamasdan ko siya bawat parte ng mukha niya may napansin akong medyo kulay pink sa tabi ng labi niya, napasingitkit ang mata ko at inayos ko pa ang buhok niya dahil medyo mahaba na ito at para din makita ko ng malinaw pero dahan-dahan niyang minulat ang mata niya.

Nakatingin lang siya saakin at nagulat nalang ako ng napasigaw siya habang nagsasign of the cross na ginawang cross ang braso niya.

"Tangina Danica lumayo ka sakin papatayin ako ni Hannah!!!"

"Hey shut up!!!" Pagpapakalma ko sakanya pero walang effect kaya hinawakan ko ang braso niya pero muntik pa akong napasubsob.

"E-ehem!" Malakas na ubo ang narinig ko kaya napatingin kaming pareho doon.

Nakita ko si Hannah na nakajacket na black habang may dalawang paper bag sa isang kamay at sa kabila naman nakasukbit ang bag niya sa balikat. Pinagtaasan niya kami ng kilay kaya napaayos din ako.

Bakit siya andito?

Biglang tumayo si Lance na ikagulat ko pa. Lumapit siya kay Hannah pero nilagpasan lang niya ito. Medyo naaawa na ako kay Lance dahil Ilang buwan naring hindi na sila at mukhang ako lang ang nakakaalam.

Tahimik nalang akong umupo sa tabi ko habang silang dalawa naguusap sa gilid. Nagheadphone nalang ako dahil mukhang private pinaguusapan nila. Hindi na ako nangialam at magbasa nalang ng pocket book.

Isang oras narin ako dito at madami nadin ang mga kaklase, mga students na naglalakad sa hallway pero wala padin si Andrei. Tinawagan ko nalang ang pinsan ko dahil baka alam niya kung asaan ang boyfriend ko.

["Hello? Ba't napatawag ka?"]

"Nakita mo ba si Andrei?"

["Hindi eh, saka andito ako sa field hinahanap si Hannah"]

"Hannah's here, nakatulog siya sa desk ng kaklase ko"

["Ahy shet! Baka ibang classroom nagpasukan niyan, pupunta ako susunduin ko 'yang babaeng yan"]

Ilang minuto ang nakalipas dumating din si Anthony kasama si Andrei na kaagad na humiram ng suklay saakin. Nagbabye sakin ng pinsan ko bago sila umalis. Mamaya ko nalang itatanong kay Anthony kung bakit siya napunta dito.

"Morning love birds na hindi lumilipad" kangiting bungad ni Jake saamin.

"Morning din" kangiti kong bati sakanya.

"Bakit andito si Hannah?" Tanong naman ni Andrei kaya napanguso siyang tumatango.

"May pinagawa lang sakanya si Sir kasi nga diba nagtransfer nayung Secretary ng junior high kaya ayun siya pumalit kaya ayun"

"Ang tagal kaya niya dito, nung pagdating ko kadadating din niya pero natulog lang siya dito" pagkukwento ko.

"Baka naman kasi kapag hindi siya pumunta dito, makalimutan niya"

"Hindi ah!" Pakikipagtalo niya sa sagot ni Andrei. "Baka nakakalimutan mong president si bebelabs ko kaya paano niya makalimutan 'yun"

"Baka naman gusto niya akong makita" pagsisingit ni Stella.

"Asa" bulong ko.

"Suklay pala 'toh"

"Sensya na love birds pero may assignment pala akong hindi pa nasasagutan" umalis si Jake kasama amg librong bitbit niya ng lumapit saamin.

Unexpected Loving You (Oneirataxia Series #5)Where stories live. Discover now