27

5 1 0
                                    

ANDREI POV

"Good morning Hon!!" Yumakap ako sa bewang niya at hinalikan siya. "Bango mo ah"

"Seyempre, kasi naligo na ako" sarcastic na naman niyang sagot.

Almost 3 months na ang nakalipas ng magkakasama kaming magkakaibigan at nandito na naman kami sa bahay na kaming dalawa lang ang nakatira. Wala naman kaming ginawa ni Danica kundi ang treatment namin, bahay, office, lalabas para mamasyal and repeat.

"Kamusta pala board exam mo? Bagsak kaba?"

"Grabe namang tanong 'yan! Parang naniniguro kana ah"

"Malay mo ngay"

"Hindi ko pa nakikita, tatapusin ko lang 'to ta's titignan ko nayung results"

Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya nang may narinig akong tawag, sinagot ko lang ito at secretary lang naman ni Hannah, naalala kong may meeting pala kami mamaya. Bumalik ako kay Danica at katatapos din niyang maghugas ng pinagkainan at nakatingin na siya sa laptop niya.

"Ano nakita mo na?"

"Hindi pa" sagot niya saakin habang nagi-scroll padin.

Ilang minuto akong nakatingin sakanya at pinapanood bawat galaw ng mukha niya, nakasandal lang ako sa island table.

"ANDREI!!!" Napatingin ako sakanya at napaayos pa ang pagtayo ko.

"Bakit?" Kinakabahan kong tanong sakanya. Tumingin siya saakin at hinawakan ang magkabila kong pisngi habang naguguluhan pading nakatingin sakanya.

"NAKA PASA AKO!!!" pagkasabi niya, yumakap siya saakin habang ako, nakatulala lang ako at hindi paiproses sa utak ko. "Hoy! Wala ka manlang reakyon?"

"Ha? Ano nga ulit sinabi mo?"

"I passed Andrew!! Nakapasa ako sa board exam" hinawi-hawi niya ang buhok niya at habang nakangiti.

"Congrats Hon!" Hinalikan ko siya sa labi saka yinakap.

"Ano kaba! Ako lang 'to" malakas niyang sabi.

Nakayakap padin ako sakanya at mukhang ako pa naiiyak, hindi ko alam kung tears of joy ba ito dahil nakapasa siya or tears of joy dahil ito 'yong pangarap kong masosolo ko na siya.

"Let's celebrate" kangiti kong sabi sakanya at sumang-ayon naman ito. "Wait, nakapasa din ba si Ethan?"

"I don't know, tawagan mo nalang"

Dinial ko ang number niya para tawagan. "Hello?"

["Dre! Fuck you! I passed the board exam!"]

Sasabihin na nga mumurahin pa ako.

"Congrats Dre, pero fuck you too! Tangina mo tatanungin sana kita kung nakapasa ka tapos mumurahin mo ako!"

"Hey Hon, clamdown" bulong sakin ni Danica.

[" Sorry, na excite lang "]

"Alam na ni Camille na nakapasa ka?"

[" Yeah, actually I'm here at there place "]

"Kaylangan nating magcelebrate pero libre niyo ni Danica seyempre, nakapasa kayo e"

[" Sige, tawagan ko lang sila Lance then mamaya punta kayo sa bar ni Kuya Hayden "] pagkasabi niya binabaan narin ako ng tawag.

"Ano daw sabi?" Biglang tanong saakin ni Danica.

"Nakapasa daw siya then punta nalang tayo mamaya sa bar ni Kuya Hayden, doon tayo magce-celebrate"

Unexpected Loving You (Oneirataxia Series #5)Where stories live. Discover now