08

7 1 0
                                    

A/n: Merry Christmas everyone!!!

Problem

DANICA POV

"Hey Dad! Hi Mom!" Nakipagcheeks ako kila Mommy and Dad bago tumabi sakanila.

"So how's your date with Andrei?"

"It's fine naman po Daddy and he treats me better naman na unlike before"

"Good to know dahil ayokong may masabi ang Lolo mo sayo"

Napatingin ako kay Dad at mukhang hindi ko padin gets kung bakit pinipilit padin nilang pwede kami ni Andrei.

"Why Dad?" Wala sa sarili kong tanong at biglang umiba ang mukha niya.

"What do you mean why?"

"I mean, why did you push me with that guy na alam naman natin na iba ang gusto niya-well kahit na maayos ang treatment niya sakin lately, napapansin ko padin na may iba siyang gusto tapos kayo pinipilit niyo padin kami at hindi lang 'yun, y'all plan na ipakasal kami" mahinahon kong paliwanag.

"I don't know! That's your Grandpa's wish, ayoko lang na ma-disappoint Lolo mo satin"

"Baka Ikaw lang Dad, you always play perfect kahit na ayaw mong kinokontrol ka ng parents mo"

"Anak! Danica! Stop it!" Saway sakin ni Mommy.

"I-i'm sorry Dad, Mommy" Tumayo na ako at kinuha ko ang mga gamit ko. "Ayoko lang po kasing kontrolin niyo buhay ko kagaya ng ginagawa sainyo ng parents niyo dati" dagdag ko bago umalis sa harap nila.

I feel like a dumb.

Pagkapasok ko ng room ko I lock it and I drop my thing at my table, kinuha ko ang towel ko para makapag-shower nadin. Nagskincare muna ako bago manood ng Netflix, dadalhan nalang sana ako ni Mommy ng pagkain pero sinabi kong baba nalang ako para hindi naman disrespect sakanila.

Habang bumababa ako may naririnig na akong ingay sa baba at mukhang nagiingayan na naman sila, hindi nanna dahil sa kasiyahan kundi sa kagalitan nila ang isa't isa.

Hindi na nahiya.

"Hindi ko kasalanan na malandi 'yang asawa mo! Pati narin 'yang anak mo!"

"Don't you dare talk to my daughter like that! Baka nakakalimutan niyong nakaapak kayo sa pamamahay ko kaya kung ako sainyo! Ayusin niyo ang mga lumalabas sa bibig niyo dahil baka ako ang magpatahimik sainyo!!" Sigaw ni Dad.

"Huwag mo kaming takutin-"

"Hindi kita tinatakot! Nagsasabi lang ako ng totoo!!"

Nakababad na ako ng tuluyan at hindi nga ako nagkamali, nagaaway sila Tita at Dad habang umaawat sila Mommy at asawa ni Tita kasama ang grandparents ko, Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya tumakbo ako sa kwarto ni Dad na may baril at habang palapit sa hagdanan linalagyan ko na ito ng bala.

Pagkababa ko hindi padin sila tumitigil kaya ikinasa ko ito at pinutukan ang vase na nasa gitna nila pero mataas naman ang pinaglalagyan nito kaya kapag mabasag or dumaan ang bala sa gitna nila walang masasaktan, napatingin silang lahat at pati 'yung sampal sana na dadapo sa pisngi ni Mommy at napatigil si Tita ay natigil.

Halos lahat sila napatingin sakin at doon ko lang napansin na andito pala si Andrei pati ang magulang niya, kumakain lang siya at mukha nakita kung papano ako bumaril dahil nakangisi lang itong kumakain ng pizza.

"DANICA!!" malakas na sigaw ni Dad.

"What?! Ang ingay niyo kasi and I can't focus sa pinapanood ko, Hindi nalang kayo na hiya ang dami-daming bata dito at sa harap pa talaga nila mismo kayo nagaaway" Sabi ko habang nakatingin kay Tita.

Unexpected Loving You (Oneirataxia Series #5)Where stories live. Discover now