02

13 1 0
                                    

DANICA POV

Danica Ferren Gomez

Meet your queen.

***

"Bakit ka pumayag na magpaligaw sa tangang 'yun?" Bungad ko sakanya ng makapasok sa kwarto ko.

"Ewan, gusto siya ng parents ko kaya wala na akong nagawa" mahinahon niyang sagot.

"You know what, pwede naman tayong lumayas nalang dito, my Dad own airport. Gusto mo lumayas nalang tayo dito—"

"Danica! Huwag ka ngang ano diyan" natatawa niyang saad.

"Bakit? Wala namang problema doon ah.... You hate your family and I hate my family culture"

"Ano nga pala 'yung culture na sinasabi mo?" Tanong na naman niya.

"Arrange marriage to other man, makikilala ko pa siya mamayang gabi, Ewan ko ba kung bakit pa ako pumayag sa ganun"

"Bakit hindi mo tignan mukha niya, if pangit, sabihin mo sakin at uupakan natin para hindi matuloy"

"Your brat!" Natatawa kong sigaw sakanya.

Ang ending tumawa nalang kami, napatingin kami sa pinto ng bumukas ito.

"Pinsan tawag ka ni Tito" bungad nito habang nakatingin sa cellphone niya.

"Diba wala si Dad"

"Ahh Oo nga pala, si Mom tinatawag ka, magmeryenda na daw kayo dun"

"Lagi kasing cellphone nalang nasa utak mo at nakakalimutan mo kung anong sasabihin mo sa'min" sermon ko sakanya.

Tumingala ito at nakanguso pa ang ibaba niyang labi. "Ay pasensya na mahal na Reyna ah, rank kasi 'to at mas importante kesa sainyong dalawa" mapagbiro niyang sabi.

Magsasalita na sana ako pero wala akong masabi. "Ang pangit mo!" Huling sigaw ko sakanya, hinila ko narin si Stella at bumaba narin.

"Hoy ang gwapo talaga nung pinsan mo"

"Hoy! Tigilan mo pinsan ko ah! Kung ayaw mong umiyak kagabi-gabi huwag mong ituloy na magkagusto ka diyan"

Napakunot ang noo ko ng tumawa ito. "Sira! Naga-gwapuhan lang ako sakanya pero wala akong balak na jowain siya"

"Ah basta! Don't fall in love with my cousin dahil siya ang manri-reject sayo"

Pagkapunta namin sa kusina nagaasikaso padin si Tita at Anthony nagsi-cellphone lang.

"Mamamatay na oh! Putangina Liam top ako!" Pasigaw padin niya habang ako naiirita na sa mga pinagsasabi niya.

"Would you please shut up! Nasa harap ka ng dining table oh!" Sabay turo sa mga pagkaing nakahanda saamin.

"Oh eh kumain na kayo, huwag niyo akong pakialaman dahil—putangina ka Liam! Ayusin mo! Kumain nalang kayo diyan Ate Dami mong satsat"

"Hayaan mo nalang, naglalaro oh"

"Isa kapa" sabay duro ko kay Stella.

Unexpected Loving You (Oneirataxia Series #5)Where stories live. Discover now